Chapter 2

Chapter II


" Hon 'yong bag ko dalhin mo nga dahil mabigat! "

" Ang gaan lang nito hon! Bakit hindi mo kayang bitbitin,"  angal niya pero kinuha naman.

" Ikaw ang lalaki kaya dapat dalhin mo 'yan! Atsaka girlfriend mo naman ako eh!  Hindi mo naba ako mahal?"

" Syempre mahal kita hon! Kung gusto mo ako na magdala ng bag mo araw araw! " sabi nito sa'kin at hinalikan ako sa noo.

***

Iminulat ko ang aking mata at ang pamilyar na silid ang pumukaw sa'kin. I'm here again in my room. Ang nagsilbing kulungan ko sa loob ng dalawang linggo. At heto na naman ako, nanghihina at walang lakas.

" Mabuti naman at nagising ka na anak! Halos tatlong araw kang natulog anak! Anong gusto mo? Pagkain ipagluluto kita? " aligagang sabi ni mama na kakapasok lang sa aking kwarto.

" T-tubig... " tanging sambit ko dahil sobrang tuyo na ng aking lalamunan.

" Okay kukuha ako! " anito at dali daling lumabas ng kwarto.

Pinilit kong bumangon kahit hindi ko kaya. Muntik na nga akong matumba ng bigla akong nahilo, mabuti nalang at natimbang ko ulit ang sarili.

Gusto kong pumunta ng banyo dahil nasusuka ako. Feeling ko lalabas na lahat ng nasa tiyan ko kahit wala akong kain.

" Anak bakit naman bumangon ka! Baka mabinat ka bigla n'yan. Heto inumin mo muna ang tubig at kumain ka ng marami para mabawi mo ulit ang lakas mo. "

Inalalayan ako ni mama para umupo ulit sa kama at hinanda ang dala niyang tray na puno ng pagkain. Walang gatol-gatol kong binanatan ang mga pagkain pagkatapos kong inumin ang tubig. Para akong patay gutom sa sobrang takaw sa mga pagkain. I almost puke sa sobrang puno ng aking bibig pero nagawa ko paring ubusin. Pagkatapos kong kumain ay parang bumalik ulit ang aking lakas. I feel energized.

" Ma, s-sino nga pala ang nakakita sa'kin pagkatapos kong mawalan ng malay? " tanong ko sa kanya. Hindi ko na kasi maalala ang nangyari.

" A-hh si manang Betty! N-nakita ka raw niya na walang m-malay sa garden!" Sinabi niya. " Bakit mo naman natanong? M-may naaalala ka ba?"

Bigla naman akong nag-isip," Parang may sumalo yata sa'kin... I don't remember the last part... " I sighed.

" Wag mo ng isipin 'yon. Ang mahalaga ay magpagaling ka at ng makabalik ka ulit sa pag-aaral. Sabi ni Cari ( ka-re) marami daw kayong projects."

Cari is my friend. My best friend for a year. My best buddy and my partner in crime. I treat her as a sister.

" Nag-text siya sayo ma? " tanong ko.

" Actually nabasa ko sa cellphone mo. She texted you three days ago but don't worry, I already tell her your condition. Your excuse in your class but you must double time para makahabol ka. "

Mabuti pa si Cari nag text. Siya kaya, alam din ba niyang nagkasakit ako ng dahil sa kanya.

" Aside from Cari, m-may nagtext pa ba ma? " kinakabahan kong tanong.

" Meron...," bigla naman akong nabuhayan at kinabahan, " Your classmates are checking you out about your condition. But since you've passed out for three days, kumalat sa buong campus ang balita. They're asking what happened to you since two weeks and three days ka ng absent. But I already solved the issue. Don't think too much. Magpahinga ka at ng manumbalik ang lakas mo. "

Parang na drained ulit lahat ng pagasang natitira sa'kin. He never bothered checking me. He dumped me in our wedding. And now I'm losing my sanity. Every hope left in me are starting to lose there grip. My tears are starting to stream down and I can't longer stop them.

Kinuha ko ang phone sa ibabaw ng bedside table at chineck ang mga messages. May limang text ito, ang dalawa ay galing kay Cari at ang tatlo naman ay galing sa Globe. Bwesit!

Cari:

Kailan ka papasok?

Cari:

Magpagaling ka. Love you.

Nireplayan ko si Cari at pagkatapos ay hinanap ko ang number ni Dazzer. I texted him.

To: Dazzer

I love you. And I miss you :'(

Tatlong linggo akong namalagi sa bahay. Kain, TV at tulog lang ang routine ko. Halos mawalan na ako ng tuliro sa sobrang tahimik sa loob ng bahay. Madalas wala si mama kasi nasa trabaho at si papa naman ay -- nevermind.

___

" Welcome back Sissy! " Cari beamed.

She hug me so tight that I felt like my bones are breaking.

" C-Cari...I can't breath!" She spear me.

"Oh! Sorry Sissy! I just missed you so much! " she grab me from the wrist and drag me to the cafeteria.

"I have some news for you." sabi niya habang nakaupo kami dito sa cafeteria ng school at nakikiagaw sa atensyon ng mga estudyante.

" Looks like kharra is not pregnant naman eh. "

" For sure stress siya sa sitwasyon niya. Ikaw ba naman mabuntis."

" Ang ganda parin ni kharra kahit buntis. "

I almost lost my ears after hearing those ridiculous gossips! Shit na buntis na yan! Ako daw nabuntis? F*ck this shit!

" I think may nauna ng magbalita sa'kin, " she shrugged her shoulders.

" Cari what's happening? Bakit buntis ang tingin nila sa'kin? " tanong ko sa kanya na medyo nangagalaiti na.

" Sissy, after your long vacation naghinala na ang mga chismosa ng bayan na buntis ka daw. And after two weeks, nabalita sa school na wala kang malay for f*cking three days kaya nagconclude ang dakilang hurado ng paaralang ito na buntis ang lola niyo! So yeah... Ganoon ang kumalat na tsismis. "

I almost laugh. Like what da hell?  Masyado naman atang advance ang mga estudyante dito at kung maka formulate ng issue ay sobrang logical.

" And guest what sis! Your running groom is now dating another girl!" wika niya na nagpabago sa mood ko.

Biglang sumikip ang aking dibdib at parang bumalik lahat ng sakit n'ong hindi siya nagpakita sa araw ng aming kasal.

" S-saan mo naman narinig 'yan? Hindi 'yan magagawa ni Dazzer sa'kin! He loves me more than anyone else! " sabi ko na may nanginginig na boses.

Cari just frowned at what I said, " kharra naman! Open your eyes!  Hindi pwedeng forever ka nang maniniwala sa lalaking 'yan na mahal ka niya!  Look at yourself... Hindi 'yan ang kharra na kilala ko! Kharra Abella is a strong lady!  She's a fighter and she never accept defeat but look at you, your becoming a loser. A very weak pathetic loser. " 

Cari's words are some wake up calls to me. Her words are like knives stabbed deeply in my system. I've known  her as bubbly and carefree, but now she's more like a serious woman-- a full  grown up woman.

" I'm s-sorry...  Sorry, " tanging tangis ko sa kanya.

Agaw atensyon ako ngayon dito sa cafeteria pero wala na akong pakialam. Alam kong hindi lang dahil sa sinabi ni Cari kaya ako umiiyak. Alam kong inipon ko lang ang natitirang sakit sa'kin na ngayon ko lang nailabas.

" Its okay sis. Just cry out your problem and pain. Don't stress yourself too much. I'll always be in your side," Pagpapatahan niya sa'kin. Its effective kasi parang nabawasan ang sakit sa'king dibdib. I felt relieve.

Napabitiw ako mula sa pagkakayakap kay Cari ng may nagsalita na sobrang pamilyar sa'kin ang boses.

" What a heart touching scene! I almost shed a tear seeing a sad scene like...this.., " sabi ni Vernice.

Vernice is a brat. She's always looking for attention. A great attention seeker. A certified bitch.

" Pwede ba Vernice wag kang epal," pagtataray ni Cari kay Vernice.

" Shut up bitch! "

"Are you talking to yourself?"

" Argh! Your getting into my nerves! " sigaw ni Vernice kay Cari.

Lahat naman ng estudyante sa cafeteria ay nasa amin ang atensyon. Pero walang nagtangkang umawat. Lahat takot kay Cari at Vernice. Silang dalawa lang naman ang dakilang maldita sa paaralang ito. Maswerte nga ako at best friend ko si Cari. She's a good friend and at the same time a devil. But I love her. She's real, not a great pretentious.

" Your always weak Vernice... " ani Cari.

" Not this time Clarita! Not this time," nakangising sabi ni Vernice.

" Don't call me in my full name kasi hindi tayo close! " sasampalin na sana ni Cari si Vernice ng may pumigil sa kanya.

" Stop it Cari," sabi ng isang baritonong boses na  nagpakaba sa'kin.

Boses palang niya, parang hinihile na ako. I've known that voice for too long. His voice is music to my ears.

" D-dazzer... "

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top