Chapter 1
Chapter I
On the first page of our story
The future seemed so bright
"I love you kharra."
"I love you too Dazzer."
Sobrang saya ko dahil nakilala ko ang lalaking nagparamdam sa'kin ng tunay na pagmamahal. Binigay niya ang lahat sa'kin kasama na dun ang kanyang puso't kaluluwa.
Dazzer and I are in a relationship for 2 years and counting. We fall in love with each other the day our eyes laid. We became friends, bestfriends then turned out into lovers.
He loves me so much to the point he never dissapoint me. He always surprise me with gifts --- Chocolates and Flowers. He's very sweet and gentleman that's why girls envies me.
We're very young yet we wanted to get married. I'm 18 while he's 19. We're both in our Senior High days but we love each other so damn much so we decided to tie each others knot.
"Ikaw ang buhay ko kharra," malamyos na wika niya sa'kin bago sinakop ng buo ang aking labi.
Then this thing turned out so evil
I don't know why I'm still surprised
"Iha, wala pa daw si Dazzer sa loob,"
Napatingin ako kay mama na sobrang nagaalala na sa nangyayari. Pero hindi ko maitatangi na sa kabila ng pagkabahala sa kanyang mukha, nandoon parin ang kanyang ganda na nagpapabaliw kay papa.
"Ma, its okay. Alam mo naman kong gaano kabagal ang lalaking 'yon."
Pinakawalan ko ang isang mahabang buntong hininga dahil hindi ko gusto ang nararamdaman kong kaba ngayon. I felt my hands are trembling kaya hinawakan 'yon ni mama.
"Brenda, any update kay Dazzer? " ani mama kay Brenda na assistant nito.
"Hindi parin po sumasagot sa mga tawag si Dazzer ma'am Alice,"
Mas lalong lumakas ang panginginig ng aking mga kamay at sumabay ang pagtulo ng pawis sa'king noo.
"Brenda 'yong make up ni Kharra nasisira kaya ayusin mo, " tawag ni mama sa kanyang assistant.
Dazzer nasaan ka na ba? Bakit wala ka pa?
Today is our very special day. Ito 'yong araw na pinapangarap namin ni Dazzer at heto nagkatotoo na nga. Ang araw na ikakasal kami.
Pero sa mga oras na 'to, wala parin ang lalaking tutupad sa pangarap na iyon.
Hindi ko na kaya pa ang kaba sa aking dibdib kaya hinagilap ko ang aking cellphone sa loob ng aking bag. Kahit nanginginig at pinagpapawisan, nilakasan ko ang aking loob at nagtiwala kay Dazzer na dadating Siya.
Kahit full ang aircon, hindi parin tumitigil sa pagtulo ang aking pawis. Todo asikaso naman si Brenda sa'kin habang si mama naman ay may katawag.
I on my phone. Kahit nanginginig ay pilit paring pinapatatag ang aking sarili. Dazzer you promise. Please don't dissapoint me. I know you won't.
Pero isang text galing sa kanya ang sumira sa pangakong binigay niya sa'kin.
Dazzer:
I'm sorry hon but I'm not ready for this thing. Siguro pagnasa tamang edad na tayo ay baka pwede na. I love you. I'm so sorry.
Agad nagsiunahan sa pagtulo ang aking mga luha. Kasabay ng pagkasira sa pinapangarap kong araw ay ang pagbuhos ng ulan.
Bakit ganito? Tamang edad? Ano bang gusto niyang edad? 30+?
Pangako niya, kasinungalingan lang pala. Ang kanyang pangako ay bigla nalang napako. Pero bakit hindi ko Siya kayang kamuhian? Maybe because he's the right one for me. Sinampal man ako ng tadhana, patuloy parin akong kakapit.
Siguro pagnasa tamang edad na tayo ay baka pwede na.
Siguro nga masyado pang maaga. Kaya panghahawakan ko ang kanyang mga sinabi. Siguro sa tamang edad at panahon, matutuloy din ang naudlot naming Kasal.
Sinabi ko kay mama na hindi matutuloy ang kasal. Sobra itong nabigla sa balitang hatid ko sa kanya.
"W-why? Is there any problem? I'll call his parents kung ano bang kagaguhan to!" naghihisteryang sabi ni mama kaya naman tinawag ko si Brenda to get some water para pakalmahin si mama.
I pretended to be okay. I put my best to smile without her seeing my pain. " Ma, its okay. Na postponed lang ang kasal kasi hindi maganda ang panahon okay? " Its the lamest lie I've ever said in my entire life. Really Kharra dahil lang sa ulan kaya walang kasalan?
" How about Dazzer? Did he knew this?"
Alam na alam niya ma. Alam na alam.
I slowly nodded. " I want to go home," mahinang sabi ko para hindi niya mahalatang nanginginig ako sa sobrang sakit sa aking puso.
"Okay baby lets go home," sabi ni mama at hinalikan ako sa noo. " Brenda, tell all the guest na postponed ang kasal dahil hindi maganda ang panahon. Make sure na hindi masisira ang image ng anak ko sa nangyayari. Gawin mong excuse ang bagyo okay?"
Tumango naman si Brenda, " Copy ma'am."
Even Angels have their wicked schemes
And you take that to new extremes
Halos magkulong ako sa aking kwarto pagkatapos ng mga nangyari. I was so hurt to the point na hindi na ako pumapasok sa school, hindi kumakain sa tamang oras, palaging umiiyak, pinapabayaan ang sarili at hindi nagpapakita sa kahit na sino.
I waited Dazzer to call me but its almost two weeks since that traumatizing event happened pero ni isang tawag or text ay wala. I texted him everyday, every minute, every hour but no reply. Kahit tawagan ko ay hindi niya sinasagot. But still I never lose hope to the both of us. Every problem has its own solution and I'm sticking to that. We have to trust and believe the person we love for everything they've done. Kahit masakit ay kailangan mong kumapit sa salitang Tiwala. I'll give him the benefit of the doubt.
I need to understand his reason. I need to trust him for this thing. Wala namang mawawala kong magtitiwala ako di ba? Ito naman ang pundasyon ng pagmamahalan --- Tiwala.
Lumabas ako ng kwarto para lumanghap ng sariwang hangin. Feel ko kasi na sobrang suffocating na sa loob. I needed a fresh air to freshen my mind.
Dinala ako ng aking mga paa sa may garden ni mama. Sobrang makulay dahil sa mga bulaklak na rosas at dagdag pa sa ganda nito ang landscape. I picked a rose and memories filled me. Dazzer and Me laughing and running in this garden.
" Dazzer bakit mo ako sinaktan ng ganito? Ang sakit sakit... sa dibdib.. "
Iyak lang ako ng iyak habang hawak ang rosas na siyang nagpapaalala sa'kin kay Dazzer. Halo halo na ang nararamdaman ko. Gutom at sakit pero kinakaya ko. Para akong kandila na paubos na.
Unti unting nagdilim ang aking paningin at bumibigat narin ang talukap ng aking mga mata. Pero bago ako mawalan ng malay, dininig ng diyos ang aking kahilingan. May mga bisig na sumalo sa'kin bago ako bumagsak.
"Kharra! "
" D-dazzer...."
But you'll always be my hero
Even though you've lost your mind
Then everything went black.
⚠️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top