LTWYA-6
Suitor
While we are on the way home. I still can't stop thinking about it. Nakatulala lang akong nakatingin sa may labas ng sasakyan. Maraming tanong na bumabagabag sa akin.
Katulad ng hindi niya pagsang ayon sa pagsama ko sa larong ito. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya. Sa totoo lang, nakalimutan ko iyon. Kung hindi ko lang siya nakita kanina. Hindi ko pa maalala.
"Andito na tayo," Auden announced. Doon bumalik ang wisyo ko. Saka napaayos ng upo. Bago inayos ang mga gamit.
Magkasunod kaming bumaba ni Saira. Tinulungan naman ako ni Auden sa gamit ko. Pinapasok din siya muna ni Mama sa loob para mag meryenda.
Naaiwan sila sa may balkonahe habang ako pumasok sa kwarto para maglinis ng katawan. Napatigil ako sa pagsuklay ng maalala ang mukha niya.
Bagama't may kalayuan siya. Halata sa mata nito ang inis, dikit na labi at walang bahid ng tuwa sa mukha nito. Alam kong maging ang kilay niya ay nagsalubong. Sa dilim ng itsura, mukhang dismayado siya sa akin.
Ano bang problema kapag nakipaglaro ako sa kanila? Eh! Lagi naman akong kasama kapag may laro sila.
Ang weird niya ha!
Napatungkod ako ng kamay ko sa harap ng salamin. Kakaiba ang kinikilos niya. Nakakapagtaka tuloy.
"Ate!" Saira shouted after knocking at my door. Knocking also my sense to back on me. "Merienda is serve. Lumabas ka dyan kung ayaw mong maubusan."
Nagmadali akong lumabas dahil mabilis silang lumapang ng pagkain. Silang dalawa pa.
"Ops..." tinaas ko ang huling stick ng banana que na niluto ni Mama para sa amin. Andami nito kanina, natanaw ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kwarto pero tignan mo. Isa na lang ang natira, kung hindi ko pa naagaw mauubusan talaga ako. "Ako nauna."
"Ang butakal niyo talaga!"
Hindi naman makapagsalita si Auden dahil puno pa ang bibig nito. Habang itong magaling kung kapatid, kanina pa tawa ng tawa sa akin.
Inismidan ko lang sila at lumayo sa kanila. Sumampa ako sa may pasamano ng balkon. Pinagkrus ang paa saka kinain ang nag iisang stick ng banana que. Nalayo ang tanaw ko habang kinakain ang merienda ko.
"Mukhang malalim ang inisip mo ah," puna sa akin ni Auden na nasa gilid ko na pala. Ganoon ba kalalim ang iniisip ko?
"Hindi naman."
Umupo siya sa harapan ko sa dulo ng paa ko. Kita ko ang riin ng tiig niya sa akin. Tila pinapanood ako sa mga kilos ko. Tinaas ko siya ng kilay ng mapatingin sa may bandang dibdib ko. Sinundan ko iyon at... lintik na yan. Kulang pa niya yun?
"Oh!" sabay abot ng stick sa kanya na may tira pang isang buong saging. Lumapad kaagad ang ngiti nito sa labi. Kaagad niya iyong sinubo. Hindi naman nakatakas sa mata ng kapatid ko iyon.
"Ano ba! Saira!" inis na bulyaw ko sa kanya ng itulak niya ako. Muntik na akong mahulog.
"Eh! Kasi naman Ate..." nagpapadyak nitong reklamo. "Bakit mo sa kanya binigay. Ako ang kapatid hindi siya," pagmamaktol niya. Mariin akong napapikit sa kanya. Pati ba naman banana que pag aagawan nila?
"Magtigil ka nga dyan. Batukan kita dyan eh."
Napatikom siya ng labi niya saka matalim na tinitigan si Auden. Na siya naman busy kumain ng tira kung banana que.
Napailing na lang ako. Iniwan ko silang dalawa doon. Bahala kayo dyan. Magpapahinga ako. Napalundag ako sa kama. Nakipagtitigan sa kisame. Hindi pa rin maalis sa isip ko kung bakit siya andoon. At tutol sa paglalaro ko?
"Arghh!"
Napabuntong hininga ako. Itutlog ko na lang ito.
"Sana! Sana!" naramdaman kong may yumuyugyog ng balikat ko. Tinanggal ko iyon at dumilat. Nakatulog pala ako. Si Mama pala iyon. Anong oras na ba?
"Anong oras na Ma?"
"Alas tres na."
Napabangon ako ng sagutin niya ang tanong ko. "What? 3 o'clock na?"
"Oo, kaya bumangon ka na dyan," tinalikuran na ako ni Mama. Pero bago siya lumabas. "May naghahanap nga pala sa iyo sa labas."
"Sa akin? Sino?"
"Casimir raw."
Nanlaki ang mata ko ng banggitin ni Mama ang pangalan niya. Bakit siya andito? Ang Asungot na iyon. Anong ginagawa niya dito?
Kita ko siyang nakaupo sa may pang isahang sofa. Naka upo ng maayos habang nag iintay sa akin. Masama kaagad ang tingin na iginawad ko sa kanya. Parang wala lang siya kanya iyon. Ngumiti pa siya ng huminto ako hindi kalayuan sa kanya.
Kilala na siya ni Papa dahil nagpunta na siya dito noon para magpaalam na manligaw sa akin. Wala non si Mama may lakad sila ni Saira. Kita ko ang mariin na titig ni Papa galing sa balkonahe.
"Baka gusto mong umupo?" boses pa lang niya naiirita na ako.
"Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?" hindi maikaila sa boses ko ang iritang nararamdaman ko.
Pinag- cross ko ang braso ko sa tapat ng dibdib ko para ipakita siya kanyang hindi ako natutuwa. Napansin naman niya iyon, ngunit imbis na umayon...tsk! Ngumisi pa ang loko. Tsk! Hindi ba ito marunong makiramdam?
"Alam kong naiirita ka na sa akin," nakangisi niyang saad, at umusod paharap. "Andito ako para muling manligaw. At sa pagkakataong ito. Wala na akong paki kung basted-in mo ako. Hindi ako titigil, Sana. Hangga't hindi kita napapasagot."
Kinalibutan ako sa sinabing niyang iyon. What the hell? Nasaan na iyong pangako niya na kapag umayaw ako rerespituhin niya? The heck? Matapos iyon, pagtadating sa gabi, iyon hindi na ako nakatulog ng maayos. Dahil kilala ko siya. Kapag sinabi niya, gagawin niya. And that's what I hate the most about him.
Sinabi ko kaagad kila Mama iyon. Papa hate it as well as Mama. Kaya pinayuhan na lang nila ako na gawin ang sa tingin ko ay tama. Gusto ko silang makialam sa oras na ito. Ngunit kahit ganoon, his persistent asshole.
Monday na isang linggo na ang nakalipas ng magsimula siya. Hindi pa ganoon kakalat, ngunit alam kung nag uumpisa ng magkalat ang balita. Pagpasok ko pa lang ng gate, ang mga kakaibang tingin ng ilang babae na akong napansin. This I hate, the attention I didn't dream off. I hate the spotlight, being watched and judge without prejudice. Mas gugustuhin ko pang mamuhay sa likod ng spotlight. Where I can do whatever I want. Without worrying what might people throw about me.
Nagsisimula na ang bulungan. Mga bubuyog na akala mo alam ang lahat ng nangyayari. Kung pag usapan ka akala mo mga new caster na may credible na information. Kung makapagbalita sa iba, siguradong sigurado eh.
"Ang sarap tusukin ng bbq stick ang mga mata nila ate," inis na bulong ni Saira sa gilid ko. Lihim akong napairap sa kanila. Bumulong kayo hangga't kailan niyo gusto huwag ko lang yan marinig, basag yang bunganga mo.
"Tsk! Siya yun? Sayang si Casimir," rinig ko ang pagkadismaya doon. Pumintig ang tainga ko ng marinig iyon. Mukhang may masasampulan ako ah!
"Sa dami nating magaganda dito! Sa isang tibong katulad lang siya papatol! Ha! Patawa!"
"Ate!" rinig kong sigaw ni Saira para pigilan ako, pero huli na.
Mabilis kong hinablot ang kwelyo ng uniform ng babae na sinabihan akong tibo. Nakayukom ang kamao ko sa galit. Wala akong pakialam ngayon.
"Anong sabi mo?" walang emosyon kong tanong sa kanya. Kita ko ang paglaki ng mga mata niya. Maging ang takot na nanatili doon. "Ang lakas ng loob mong sabihin iyon. Takot ka naman pala kapag hinarap ka. Eh kung sampulan kaya kita para makita mo kung sinong tibo na tinutukoy mo?"
Ramdam ko ang panginginig niya sa takot. Pinakita ko sa kanya ang kamao ko na handang handa ng manapak. Rinig ako ang ilang pagsinghap sa paligid. Walang pumipigil sa amin. Baka gusto nila silang mauna.
"Sana..." napa igting ang panga ko ng marinig ang boses niya.
"Ca...ca...si...mir..." nangingig ngunit ramdam ko ang tuwa doon. Tsk! What now? Savior? Tsk!
"Sana... tama na yan," casual nitong suway sa akin. Siya ang binalingan ko ng masamang titig. Napabuntong hininga siya, "Look... she is not worth of your energy. Come on."
Kita ko ang paglaglag ng panga nitong babae sa likod ko. Girl, asang asa. Tsk!
Padabog kong binitawan ang kwelyo niya na may kasamang kunting hatak sa necktie niya. Mabilis ko silang tinalikuran. Nasa gitna kami ng dalawang building. Ang Building ng mga freshman at sophomore. Same kami ng building ni Saira. Bagama't pang first year ang building, may ilang grade 8 na nahalo at isa kami doon.
Nawala ang kumpol ng tao. Ramdam ko ang pagsunod niya sa amin ni Saira. Tahimik lang siya sa likod namin. Naghiwalay kami ni Saira pagkapasok sa building. Ramdam ko pa rin ang pagsunod niya dahil sa ilang titig ng tao. Walang siyang ibang ginawa.
"You okay?" rinig kong tanong nito bago ako pumasok sa room. Kita ko ang titig ni Aislinn sa amin. Napahinto ako sa tanong niya. Talagang itatanong niya yan.
"Isn't obvious?" sinipat ko lang siya sa likod ko. Saka napailing. Bago tuluyan umupo sa upuan ko.
May isang piraso ng tulips siyang nilapag sa lamesa ko. Kulay pula iyon. Tahimik siyang umalis sa room. Kung hindi pa ako siniko ng katabi ko. Hindi ko mapapansin ang pagpasok ng teacher. Nahagip din ng mata ko ang pagsulyap niya sa gawi ko lalo na sa bulaklak na nasa lamesa ko.
Isiniksik ko iyon sa gilid ng bag ko saka nakinig sa klase.
"So, Hanggang ngayon tuloy pa rin siya sa pagliligaw?" bulong nitong katabi ko. Lihim akong napairap sa kanya. Isa din itong tanong ng tanong obvious naman.
"Hindi ba halata?"
"Sabi ko nga," sandali siyang natahimik saka bumulong muli sa akin. "Ingat ka lang. Kilalang tarantado yun. Hindi ko siya gusto para sa iyo."
Pagkatapos niyang sabihin iyon natahimik kami. Buti na lang din at maaga natapos ang umagang subject. Sa issue na kumalat, mas lalong ginusto ko na dito na lang sa room magtanghalian. Kita sa cafeteria na daig pa ang palengke kung pagpyestahan ako.
"Tsk!" rinig kong hasik niya Aislinn. Kaya napalingon ako sa kanya. Magkakaharap kami kumakain ngayon. Napansin ko ang ibang ekspresiyon nila ni Gwenore. Kaya napalingon ako sa likod. Doon siya nakatayo, nag aabang na papasukin. Napatingin ako sa bitbit niyang paper bag. Is that ah-?
"Pwede ba akong makasali sa inyo?" mahinahon niyang tanong sa amin. Puno ang bibig ko kaya lumingon muna ako sa dalawa para hingian ng tulong.
Nagkatingin kaming tatlo. Saka sila napabuntong hininga. Alam ko na iyon. Lumingon ako sa kanya saka tumango. Biglang laki ng ngiti niya habang palapit sa amin. Kaagad siyang umupo sa tabi ko. Katulad namin, may lunch box din siyang dala. Na hindi ko akalaing gagawin niya.
"Bakit?" takang tanong nito. Doon ko napagtanto na napatulala pala ako sa kanya. Mabilis akong umiling at nagpatuloy sa pagkain.
Kita ko ang makahulugang titig ni Aislinn. Patay ako sa babae na ito.
"Hoy! Cleaners ka ah! Saan ka pupunta? Bumalik ka dito, Johnson baby powder!" malakas at may kasigaang tawag ni Aislinn kay Johnson. Napatampal kami ni Gwenore ng noo sa boses at pang aasar nito. Kita namin ang pagpula ng tainga at batok ni Johnson matapos siyang sitahin ni Aislinn.
Wala itong nagawa kung hindi bumalik at kunin ang walis tambo na nasa kamay niya.
"Itong Aislinn talaga na ito," inis na bulong ni Gwenore. Napailing na lang ako sa kanya. Wala pa rin pinagbabago.
Napa ayos ako ng tayo ng biglang mag vibrate ang cellphone ko. Sa screen pa lang kita ko na ang pangalan nito.
From: Casimir
Hey! Are you still there? I'm coming ngayon lang natapos ang klase namin. :)
Ilang minuto ako napatitig dito bago siya ni-reply-an.
To: Casimir
I'm still here, waiting for Aislinn.
From: Casimir
Good then, i'm on my way there ;)
Nang mabasa ko iyon, mabilis kong ibinaba ang cellphone ko. Nagkatinginan kami ni Gwenore. Ang mga mata nitong kuryuso sa ka-text ko. Napabuntong hininga ako saka siya sinabihan kong sino iyon.
"Si Casimir. Papunta na dito."
Tipid siyang ngumiti sabay lingon sa kaliwa. "Actually, ayan na siya."
Napatingin din ako sa tinitignan niya. Nanlaki ng kunti ang mata ko dahil naka pang p.e ito. Pawisan habang papalapit sa amin. Pero hindi siya amoy craklings, imperness.
"Ah...sorry. Hindi na ako nakapagbihis. Baka kasi hindi kita maabutan dito." Paliwanag niya sa ayos niya. Tumangon na lang ako. Ayokong magsalita baka iba lumabas sa bibig ko.
"Uy!" Ayan na naman ang boses niya Aislinn. Napatingin kaming tatlo sa loob. Anim silang andoon. Apat na babae at dalawang lalaki. Kita kong si Johnson na naman iyon. Hindi ko mapigilang mapailing. Sa katawan nitong payat ngunit matangkad. May kahaba ang buhok hanggang batok. Ang bangs nito na nagtatago ng mukha niya. Kita namin kung paano siya pabutahin ng basurahan ni Aislinn.
"Nako ang babae na ito. Sumusobra na." Napapadyak na reklamo ni Gwenore. Saka siya napalingon sa akin.
"What?"
Tinuro niya sa akin iyon. Napabuga ako ng hininga saka tinanggal ang bag sa likod ko. Kaagad naman niyang sinalo iyon. Sa amin tatlo ako ang mas pinapakinggan ni Aislinn. Kaya..."Aislinn..." tawag ko sa kanya. Hindi ako tuluyang pumasok. Nasa may doorway lang ako. Nakasandal. Napataas na ng kilay ito sa akin.
"Ano yun boss?" pabiro niyang tanong sa akin.
Umayos ako ng tayo saka siya pinagsabihan. "Pwede bang tigilan mo si Johnson. Alam kong nagbibiro ka lang pero... sumusobra na."
Napatahimik siya ng sabihin ko ito. Pinag-cross niya ang braso sa didib habang hawak hawak ang walis tambo. Mukhang nag iisip.
"Tsk! Fine, but..." saka siya ngumisi ng makita itong bumalik. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Aislinn..." may pagbabantang tawag ko sa kanya.
Kumindat lang ito. Ang babaing ito. Bakit hindi pumalag itong Johnson na ito. Sa kanilang dalawa kahit maliit ang katawan nito. May laban siya sa tangkad. Kahit umapela lang sa ginagawa ni Aislinn...bakit hindi niya ginagawa? I wonder why?
"Ano sabi?" Kaagad na tanong ni Gwenore. Kita ko naman sinusundan lang niya kami ng titig. Bumagsak ang balikat ko bago siya sinagot.
"Pinagsabihan ko na...pero..." napatingin muli ako sa loob. At napailing, "Mukhang walang balak ang babaita na tantanan."
"Ikaw kaya..." sabay baling ko sa kanya. Napaturo si Gwenore sa sarili niya. Tumango ako. "Try mong kausapin si Johnson na palagan yang tropa natin. Para hindi siya pag interesan. Mas lalong lumalakas ang loob nan dahil hindi lumalaban eh."
"Sabagay, may point ka. Ako na bahala."
Natapos ang paglilinis ng hindi niya man lang pinapalagpas na hindi punahin si Johnson.
"Uy! Baby powder. Iyon usapan natin!" Napahilot na ako ng sintido ko. Aislinn talaga!
Kita namin ang mabagal nitong pagtango sa kanya. Jusko!
"Aray!" daing niya ng paulanan namin siya ni Gwenore ng hampas. "Ano ba!"
"Ikaw... kita ko nang ganoon iyon. I-bu-bully mo pa."
Napahawak siya sa tapat ng dibdib niya saka kami tinignan. "Wow! Nahiya ako sa inyo ha! Sus...Parang hindi sila ganyan dati. Lalo ka na Gwenore. Diba inaaway mo din siya dati?"
Doon ako napakunot. Alam ko aminado akong may pagka-bully ako pero ikinahihiya ko minsan. Pero... Gwenore?
Natigilan ito saka umiwas ng tingin sa amin. Kung hindi pa nagsalita si Casimir hindi kami kikilos.
"Bukas niyo na pag usapan yan. Pagabi na," sabat niya sa usapan namin.
"Mabuti pa nga..." sang ayon ko. Tahimik kaming lahat sa tricycle. Huli kaming dalawa ni Casimir. Bungad lang iyon kanila pero inihatid niya muna ako sa amin. Gaya ng pangkaraniwang ginagawa ng isang manliligaw.
Nag aagaw ang dilim at liwanag ng makarating kami sa bagay. Ang kulay lilac na langit sinabayan ng mahinang malamig na ihip ng hangin. Sa pagitan ng katahimikan sa amin dalawa. Hinatid niya ako hanggang sa loob-sa may balkon kung nasaan si Papa nag aabang sa amin.
Kaagad na siyang nagmano at humingi ng paumanhin dahil pagabi na kami nakauwe. Binalik niya sa akin ang bag ko saka ako ginawaran ng isang matamis na ngiti.
"See you tom."
"See you..."
Kumaway ito bago sumakay sa tricycle na pinara niya. Kita ko ang dilim ng ekspresyon ni Papa. Hindi niya kami pinagbabawalan na magpaligaw. Alam na namin ang tama sa mali kaya may tiwala siya sa mga desisyon namin. Na minsan ay nagdudulot ng takot sa akin. Na baka... magkamali ako at...at...
"He still pursuing become your suitor?"
Tahimik ngunit ramdam ko ang tutol niya doon. Imbis na mainis, napangiti ako.
"Yes, Pa."
"I don't want him for you...but," he paused, and give me a hug. "I trust you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top