LTWYA-4
Crushie
Sandrine's POV
Its been days since we talk about the play on tommorow. Its Friday and bukas na iyong laro.
And nag come up na ako sa isang desisyon.
"I will play" I answer him with determination. Napangiti lang si Auden. Saka ko tinapik sa braso.
"As I thought. Don't worry were on your back. Always, remember that. Right guys?" Tanong niya sa iba pa naming tropa.
"Of course, ikaw lang ang aming prinsesa hahaha" Sabay akbay sa akin ni Carnathan. Sakto naman pagdating ni Ryrder. Nasa may tapat lang kami ng room.
Napahinto ito sa may pinto. Nakatingin sa amin ni Carnathan. Kita ko ang pag irap nito. Kung hindi pa nila ako niyugyog hindi ko sila mapapansin.
"Bakit?" Wala sa sarili kong tanong.
"Tulala ka na dyan. Sino ba yang tinitignan mo" Sabay lingon nila sa pwesto ni Ryrder kanina. Pero wala na siya doon. Saka nila ako binalikan ng tingin.
"Ayos ka lang?" Concern nilang tanong. Mabilis naman akong tumango tango.
"Oo, napakalawan ko lang yung utak ko" Palusot ko. Napataas kilay si Auden. Saka natatawang umiiling.
"Kabado ka ba? Gusto mo ipractice ka namin mamaya? Warm up ba?" Paghahamon nito sa akin. Doon ako tinamaan.
"Game, sa inyo?" Seryoso kong tanong. Kita ko ang pag ngisi nila.
"Sure, ipaalam na lang kita kay Tito. Ako na susundo sa iyo mamaya" Ngiting sagot nito saka nagpaalam na dahil dumating na ang teacher namin.
Napangiti ako dahil may tropa akong katulad nito. Hindi man iiwan dahil siniraan ka ng iba.
"Ang laki ng ngiti!" Pang asar na bulong sa akin ni Aislinn. Siniko ko naman siya. Ang ingay eh.
"Buti nga!" Parinig ni Gwenore. Sinamaan naman siya ng tingin ni Aislinn. Umiling lang ito saka tumingin na sa may harap.
Nahagip ko naman ang talas ng titig niya. Katulad kanina umirap lang ito. Napakunot noo naman ako. Bakit umiirap ito.
Saka ko binaba ang tingin sa may desk niya. Napataas ang kilay ko sa napansin ko.
"Hoy!" Sundot ni Aislinn sa tagiliran ko. Buti na lang at hindi ako napasigaw sa gulat. For sure napapagalitan ako.
Nanlalaking mata akong lumingon sa kanya. Taka naman itong nakatingin sa akin.
"May activity" Sabay turo sa blackboard. Doob ko lang napansin ang sinulat ni Ma'am.
ESP na kasi namin o mas kilala sa tawag na Values. Pa-esay tapos ilalagay yan sa porfolio.
Kadalasan malikhaing gawain ang pinapagawa sa amin. Kada grading may ganoon. Malaki ang tulong non. Isa iyon sa kino-compute sa grades.
Buti na lang at hindi gaano kailangan ng matinding pagrereasoning sa mga tanong. Nadidistract ako sa kanya.
Hindi ko maiwasan titigan ang kamay niya. Normal ba iyon o I'm being a judgemental?
Pinalis ko iyon sa utak ko at nagfocus na lang sa pagsasagot. At gaya ng inaasahan. May pinapagawang malikhaing gawain sa amin.
Sa next friday ipapasa. Okay lang, may time pa pero by sunday dapat tapos ko na.
"Ahem... kanina ka pa tingin ng tingin sa kanya niya" Nagsisimula na naman si Aislinn sa pang aasar. Nakataas ang isang kilay kong lumingon sa kanya.
"What?" May inis kung tanong sa kanya.
"Kay Ryrder" Pabulong niyang sagot.
"Oo nga pansin ko kanina" Sang ayon ni Gwenore. Napatigil ako sa sinagot ni Gwenore. I feel my heart crack!
"Ano naman ngayon?" Inis kung tanong. Nagkatinginan sila.
"Wala" Nagkakatinginan nilang sagot.
"Ano yun?" Madiin kung tanong sa kanila. Yung simpleng tinginan na iyan may ibig sabihin yan.
"Umamin ka na kasi" Nakangising saad ni Aislinn. Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Anong aaminin ko?" Nalilito kung tanong sa kanya.
"Na crush mo siya" Sabat ni Gwenore. Crush who?
"Sino?" Naguguluhan kong tanong. Sabay silang napa face palm.
" Sino pa ba edi si Ryrder!" Madiin nitong sagot. Medyo malakas iyon kaya napalingon ang ilan sa amin.
Buti na lang at wala siya. Kalalabas lang kanina.
"Pwede ba. Ihina mo yang boses mo. Pahamak ka talaga" Nagtitimpi kong suway sa kanya.
Pero sa halip na tumigil humagikgik pa sila ni Gwenore. Napailing na lang ako sa kanila. Nagulo tuloy itong pa-side na bang ko.
Hindi ko sila pinansin at mas binigyang pansin ang pag aayos ng bangs. Habang inaayos ko ito. Namataan ko ang pagpasok ni Ryrder.
Kumunot ang noo ko sa paglalakad niya. Bakit ang hinhin niyang maglakad? Pansin ko na yan dati pa.
May narinig na rin ako tungkol sa kanya dati eh. Pero hindi ko pinansin.
"Hoy" Tulak sa akin ni Aislinn. Ang hilig nitong manakit. Masama ko siyang nilingon.
"Ano?" Inis kung tanong sa kanya. Napataas naman siya ng isang kilay niya.
"Para ka ng statwa dyan. Sino ba iniisip mo?" Curious niyang tanong. Pa-simple akong lumingon sa gawi ni Ryrder. Yung tipong hindi mapapansin ni Aislinn.
"Wala, may naalala lang. Teka nga pala, diba sasama ka sa akin sa sabado?" Pagsisiguro ko sa kanya. Baka gusto niyang sumama sa practice game namin.
Sumilay naman ang ngiti sa labi niya. Talaga nga naman.
"Oo, bakit?" Kita ko ang ningning sa mga mata niya. Excited much.
"Ganito kasi, kanina pinapunta ko sila dito" Sabay turo sa tapat ng room. Tumango naman ito. Kita niya kanina. Pansin ko din para siyang giraffe sa haba ng leeg katatanaw kay Ezequiel.
"Tapos, sinabi ko na tuloy ako sa sabado" Nag-pause ako saka muli siyang tinignan. Ganoon pa rin mas lumala nga lang ngayon.
"Tapos?" Excited niyang tanong sa akin. Pinagsaklob pa niya ang dalawa niyang kamay. Kulang na lang humugis puso ang mata nito.
"Yun nga masaya sila syempre. Tapos nagyaya sila ng warm up pratice game mamaya. Kila Auden kasama sila mga tropa namin. Mamayang uwian, sama ka?" Pagtatapos ko sa pagsasalaysay ko sa nangyari kanina.
"Oo" Mabilisang sagot niya. Pansin ko ang titig sa amin ni Gwenore.
"Anong pinag uusapan niyo?" Curious niyang tanong sa amin. Dahil nakatulala pa sa tuwa itong isa ako na ang sumagot.
"Tungkol sa practice game namin mamaya. Pang warm up sa akin" Sagot ko sa kanya. Napa "O" naman siya ng bibig.
"Sama ka? Later after uwian. Susunduin nila ako sa bahay. Kung gusto mo punta na lang kayo sa bahay. Alam niyo naman kung saan banda diba?" Pagninigurado ko sa kanila.
"Oo yung may Blue na bakal na gate. May Zavaroni Resident na nakalagay?" Pagkokompirma ni Gwenore. Alam pala nila.
"Yup"
"Game ako. Anong suot?" Kita ko din ang excitement sa mata niya.
"Hmm, kahit pambahay lang? Pwede na siguro kila Auden lang naman. Or bahala kayo kung saan kayo komportable" Sagot ko hindi naman kami nag usap tungkol doon. Tsaka hindi naman sila maglalaro.
"Ano bang isusuot mo?" Takang tanong ni Aislinn. Nakabalik na pala siya sa wisyo niya.
"Pang basketball. Yung jersey na pinagawa namin nagpipinsan noong liga. Nakaraang taong lang" Seryoso kung sagot. Sumasali kasi kami sa liga. May Boys division and Girl division.
Mga pinsan kung lalaki kasama sa Boy division. Junior sila habang sa aming babae walang specification dahil two.teams lang ang mayroon.
Mayanan at Bagatan. That's the two existing team in Girls Division. Sa Lalaki naman may mosquito, Junior at Senior edition.
Dalawa ang jersey na mayroon kami. Isang white and black at isang blue and yellow.
Z Gladiator ang nakatatak sa harap. Tapos Initial ng first name tapos surname namin sa likod. Kasama na ang number namin.
16 ang number ko sa likod.
"Ahhh, oo natatandaan ko dati. Hahaha ang kulit ng laban niyo noon. Walang nagdidribble. Itinatakbo ang bola hahaha" Natatawang pagbabalik tanaw niya. Napangisi ako ng maalala yun. Unang laban ko non. Malala kasi walang violation sa ganoon.
Since puro babae naman. Naging physical iyon. May nakuko, may nasundot sa tainga at may nadibdiban kahit wala naman.
Tangin foul lang ang mayroon rules. Pero kahit ganoon nanalo pa rin kaming team Bagatan. Nasundan pa iyon pero kailangan ng idribble.
Mas maayos yung rematch. Pero panalo pa rin kaming Team Bagatan.
"Pero kapag mix, kailangan Idribble?" Curious na tanong nila. Napaayos ako sa tanong nila.
"Kailangan kasi kahit hindi ikaw maghawak noon papunta sa courtside niyo. Ang kailangan mo lang gawin ay taga shot ng bola. Iyon ang main task mo" Pagpapaliwanag ko.
"Ah so, parang Girl to girl at Boy to boy ang laban?" Pagliliwanag niya.
"Oo, pero pwede ka rin nilang harangan" Sagot ko.
Napatango tango naman sila sa sagot ko.
"Parang masaya. Sali kaya ako sa next na liga" Nagaganahang saad ni Aislinn. Napataas kilay ako sa kanya.
"Sure ka? Sasabihin ko iyan kay Ate Luthena" Nanghihingi ako ng kasiguraduhan sa kanya. Taas noo itong tumango. May bagon kaming recruit.
"Sige, sasabihin ko kay Ate Luthena"
Natahimik muli kami ng may pumasok na teacher. Kita ko ang pag iwas niya ng tingin sa gawi namin.
Kanina pa ata siya nakatingin sa gawi namin. Pansin na pansin ko talaga ang galaw niya. Tho hindi big deal sa akin iyon.
Dati ko pa naman naririnig iyon. At walang nagbago. Tsaka medyo ramdam ko rin sa galaw niya. Boses lalaki man sila ngunit lumilihis ang kilos ng katawan niya.
Hindi ko na iyon pinagbigyan pansin pa dahil naging seryoso na ang ilang sumunod na discussion. May reporting na rin nextweek at ahem speech.
Lunch break na. As usual sa room na kami kumakain para iwas late na rin.
"Hulaan ko si Casimir yan" Siguradong saad ni Aislinn ng marinig na tumunog ang phone ko. Yap, ilang araw na rin siyang nagtetext sa akin.
Bakit daw hindi niya ako makita sa may canteen. Hindi pa rin siya tumitigil.
Kinuha ko ang phone ko saka inopen ang text niya. As usual nagtatanong na naman.
Tinap ko ang icon niya saka pinuntahan ang edit button. Saka ko pinindot ang block.
Done, at peace again.
"Anong ginawa mo? Ang laki ng ngiti eh. Parang nanalo sa loto" Nakangising tanong ni Aislinn. Napailing muna ako saka sumagot.
"Block" Tipid kong sagot.
"Nice one" Nakangiting puri ni Gwenore.
"1 point" Sabay kindat ni Aislinn. Hay nako!
Pinagpatuloy namin ang pagkain saka nagkwetuhan after.
Naging busy kami sa panghapon na subject. Lalo na ang science. May experiment na gagawin. Tapos sunod nito math. Jusko hapon nakakaantok pa naman.
After matapos iyon. Isa isang grupo ang magrereport sa harap. Ang pinakaayaw na parte ko sa isang groupings.
Observation lang namin ang irereport. Dahil medyo late na ipagpatuloy na muli namin sa lunes.
Math na.
Pinipigilan kung humikab dahil hinihila ako ng antok. Pero keri nakayanan ko.
Isang subject na lang uwian na. Hindi kasi pumasok yung sa T.L.E namin eh. Kaya nabakante kami ng isang oras.
"Ay sa wakas uwian na" Nag uunanat kung sagot. Buti at walang cleaners sa aming tatlo ngayon. Si Gwenore, Tuesday. Si Aislinn, Monday. At ako sa Wednesday.
"Uy bilisan mong magbihis ha!" Paalala ko kay Gwenore nang bumaba na siya. Tumango ito saka takbong pumasok sa kanila.
Sumunod naman si Aislinn. Ganoon din ang ginawa. Habang ako ang huling bumaba.
Kaagad akong nagtungo sa kwarto para kalkalin kung nasaan na yung jersey ko.
"Pasok" Sigaw ko ng may kumatok sa labas ng kwarto ko. Gulat pa si Mama sa ayos ko.
"Oh, may laro kayo? Kaya ba may bisita ka sa labas?" May gulat na tanong sa akin ni Mama. Nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Ha? Andyan na sila? Ang bilis" Gulat na gulat kung saad.
"Oo nako, sige na labas ka na" Umiiling na utos sa akin ni Mama. Inayos ko muna ang sintas ng sapatos ko bago tuluyang lumabas sa kwarto.
At oo nga, nasa labas na sila Aislinn. The flash lang ang peg. Nakasport short si Aislinn habang tukong si Gwenore at pareho silang naka tshirt.
"Bilis niyo ha!" Puna ko sa kanila habang palabas sa may balcon kung nasaan sila. Ngumisi lang sila.
Napatingin ako sa may harap ng balcon. Ahhh, kaya pala.
"You both ride on a bike?' Hindi makapaniwalang tanong ko. Taas noong tumingin sa akin si Aislinn.
"Of course kami pa" May pagmamayabang niyang sagot. Inilingan lang siya ni Gwenore.
"Okay, intayin lang natin si Auden. He will pick up here para maipaalam na rin kay Papa" Pag iinform ko sa kanila habang tinatalo ang hair ko.
Its simple pony tail style. Halos sabay na dumating si Papa at Auden. Kita ko ang pagmano niya kay Papa.
"Ang bait!" Puna nilang dalawa. I just tilt my head. Saka napailing at nagkibit balikat.
"Oww, handang handa na ang manlalaro ko ah" Puri ni Papa ng makita ang ayos ko. Tumayo naman ako ng tuwid saka nagpost.
"Sus, warm lang kaya ito ang gagawin namin. Bukas pa yung laban" Natatawang sabat ni Auden sa amin. Binagsak ko ang balikat ko saka siya sinamaan ng tingin.
Panira ng moment.
"Ganon ba. Kaya ka...oh may kasama ka pala" Natigilan siya ng makita sina Aislinn at Gwenore.
"Oww, Anak ni Ailes at Grinner. And you?" Sabay turo kay Gwenore. Kilala niya parents ni Aislinn?
"Ah anak po ako nina Gwen at Herold Reeves" Pakilala niya sa parents niya. Napahawak naman si Papa sa baba niya. Saka kumunot ang noo na parang inaalala kung sino yun.
"Ahh, naalala ko na. Si Pareng Herold. Oo, tropa ko yun dati. Kumusta mo ako sa kanya. Nasa abroad pa ba?" Pangangamusta ni Papa.
Ramdam ko ang pagkatigil ni Gwenore sa tanong ni Papa.
"Ahh... Opo" Kita ko ang ilang sa mata niya ng sagutin iyon.
"Hmm, ganon oh. Ano pang tinatayo niyo dito. Lumakad na kayo. Auden, alam mo na?" Patanong na saad ni Papa kay Auden.
"Yes, Tito. Noted" Sumaludo pa ito. Natawa na lang si Papa saka nagpaalam na papasok na sa loob.
"Lets go" Yaya ni Auden saka kami pinasakay sa kotse niya. Well, its his father pero pinapagamit muna sa kanya. Dito lang sa lugar namin dahil wala pa siyang student lincense.
"Seatbelt ladies" Pataas taas baba niyang kilay na paalala sa amin. Saka niya pinaandar.
We stop in front of their gate. Saka siya nagbusina. Bumukas ito saka dumeretso sa may garahe.
Its not big but enough for them. Medyo malaki ang family nila. He have a four older sister. At siya ang bunso. Unico ijo kung baga.
Apparently, wala dito yung mga Ate niya.
Si Ate, Yenna nasa Canda. Si Ate Weyeneth nasa Italy habang sina Ate Exveen at Alstine nasa Maynila nag aaral. Si Auden nanatili dito.
"We're here, come on" Yaya niya saka naunang maglakad. Bumati ito sa mag Yayang nadadaanan namin.
Sa backyard nila kami nagtungo. Kung nasaan ang court nila. Actually sina Ate Exveen at Ate Alstine. Kasama ko sa Team Bagatan. Kaso dahil sa Maynila sila nabawasan kami. At isa sa bago si Aislinn.
Rinig ko na ang pagtalbog ng bola. Andito na sila.
"Yowww!" Sigaw ni Evanthia. Saka kumaway. Napangiti ako, kompleto kami.
"Evanthia, Ezequiel, Carnathan, Vance, Tyrell, Silver, Shannon And Rynbrandt" Masayang banggit ko sa mga pangalan nila.
"High five" Bati nila sa akin. Nakipag high five naman ako sa kanila.
"Oh, this is Aislinn and Gwenore, my friends" Pakilala ko sa kanila. But they just look at them. Ahh trust issue. I know this is Stevie done to them.
"Friends?" Patanong na saad ni Shannon. Si Aislinn na ang sumagot.
"Yes, we are Sana's friends. Any question?" Mataray na saad ni Aislinn. Shannon and Rynbrandt just tsk.
"Ahhh, mabuti pa siguro mag umpisa na tayo" Awkward kong sabat. Bumalik sila sa may court. Binalikan ko naman sina Aislinn at Gwenore.
"Pasensya na kayo. You know trust issue" Nahihiyang saad ko sa kanila. Habang patungo kami sa may mga upuan.
"Its okay, we understand" Kalmadong saad ni Gwenore. Habang si Aislinn naman nakatingin lang sa nay court.
"Hoy" Siko sa kanya ni Gwenore.
Nakakunot ang noo nitong lumingon sa amin.
"What?" Takang tanong nito.
"Tsk... I smell someone get crushie in one of them" Pang aasar ko sa kanya. Umirap lang siya.
"I you have crush on Ezequiel" Pang aasar sa kanya ni Gwenore. Tinignan ko naman siya ng mapang asar.
"Yeah, but someone luring my attention" Sabay lingon kay Rynbrandt. Tsk...
"Ah so you like a snober type of guy. Tsk... well good luck on your new crushie" Asar ko sa kanya.
"Tsk... akala mo naman hindi snober si Ryrder. Crushie mo naman iyon" Balik asar niya sa akin. Tsk...
"Uy hahaha. Silent means yes" Kinikilig niyang asar sa akin. Kung hindi lang ako tinawag nila Auden. Makikipagbardaguhan ako sa kanila.
Ano bang problema kong crush ko nga si Ryrder. Its a simple crush. Nothing much feeling invested. Tsk... what the tea on that. Tsk... Crushie things.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top