LTWYA-2

Flames

Sandrine's POV

"Sanaaa! Tara naaa! Malalate tayooo!" Sigaw sa labas ng kwarto ko ni Saira. Palibhasa excited na kamita ang crush niya. Tsk! double ang tanda sa kanya.

"Teka lang naman. Atat na atat, akala mo naman papansinin siya!" Pang aasar ko sa kanya saka kinuha ang gamit bago lumabas.

Sumalubong naman ang nakayukot na mukha niya. Hahahaha, ang sarap talagang pikunin nito.

"Oh tara na" Nakangisi kung yaya sa kanya bago naunang lumabas ng bahay.

"Ma, papasok na po kami" Magiliw kung pagpapaalam kay Mama habang nagwawalis sa labas ng bahay.

Kumaway lang ito saka pinaglatuloy ang pagwawalis. Nag abang kami ng tricycle na dadaan.

Highschool na kasi kami. Grade seven siya habang ako Grade eight na. At yung crush niya Grade eleven na. Hanep tirador ng Senior highschool.

Buti na lang hindi puno ang nasakyan namin. Ayaw na ayaw ko pa naman sa maliit na bangko. Ang sikip saka nauuntog ako kapag humihinto.

Magkatabi kami sa upuan ng biglang huminto ito. May sasakay ata. Kita ko ang slack ng lalaking papasok. Napadaing ako ng bigla akong sikuhin ng kapatid ko.

Doon ko lang narealized kung sino yung pumasok sa loob. Owww, hm yung crush niya. Para tuloy siyang bulate na binudburan ng asin sa tabi ko.

Parehas lang kami ng school na pinapasukan. Nakakapagtaka nga kasi nasa public sila. Na gayon ay General ang Papa niya at saka mayaman sila.

Well sabayan sino ba naman ako para bawalan sila nagpublic kahit mayaman sila.

"Ateee!" Kinikilig na bulong ng katabi ko. Palihim kong nilagay ang kamay ko sa likod niya bago siya mahinang kinurot.

Lumingon siya sa akin saka pinanlakihan ako ng mata. Aba! pumapalag ka ha! eh kung sabihin ko kaya dito sa kaharap ko na crush mo siya.

Ngumiti ako saka ninguso ang nasa harap ko. Gets naman niya kaagad.

Nagpeace sign siya saka nanahimik. Buti naman.

Huminto na ang tricycle nasa school na kami. Kita ko ang paraming bulto ng studyante sa may harap ng stage. Flag ceremony na.

Kaagad kaming humalo doon. May mga plakang nakataas para sa mga sections. Hinanap ko ang section ko saka doon pumila. Ganoon din kay Saira.

Hinintay namin na matapos yun saka kami nagsipuntahan na sa assign room. Andaming estudyante. Halos magbanggan na kami dahil sa dami.

Pahirapan dahil crowded ang mga pathway at corridor. Nasaan na ba yung room ko.

Ouch!

May bumangga sa akin. Pagkakita si Ryrder. Deretso lang ang lakad parang walang nabangga. Nag init naman ang ulo ko. Kainis!

I grip my fist. Pinapakalma ang sarili. Hooo, kailangan kong hanapin ang room ko. Baka malate pa ako.

Pagkakita ko pumasok ako kaagad. Namukhaan ko ang ilan sa pila kanina. Sa dami kasi ng tao nagkahiwalay hiwalay kami.

I seat near at the back door. Para madaling makaalis kapag uwian na.

The usual first day of school. Introduction. Panibago na naman kasing set ng classmate ang napuntahan ko. Dati nasa may pang nine section ako noong grade seven. First come, first serve ang nangyari kaya napunta sa ako doon. Ngayon base na sa final grade kaya namove ako sa first section.

"Gwenore Reeves, 14 years old from San miguel"

Napatingin ako sa nagpakilala. I see a girl with short hair above her shoulder. Pamilyar yung name niya.

Napatingin ito sa gawi ko saka ngumiti. Nagtaka naman ako sa ginawa niya. Magkakilala ba kami?

Muli kung inalala ang pangalan niya. Parang narinig ko na yun kung saan.

Nabigla ako ng may kumuwit sa akin. Kita ko ang katabi ko na tinuro sa harap. Doon ako natauhan. Ako na pala ang sunod. Mahinahon akong tumayo saka straightforward na naglakad paharap.

Muntik na akong mawalan ng balanse ng makita ko siya sa may harapang bahagi. Oww ganoon ba ako ka occupied para hindi marinig ang pangalan niya?

"Ahemm... Sandrine Nala Zavaroni. Sana for short" Saka ako umalis sa sarap. Oh I hate introducing myself.

After that nagsimula ng magdiscuss si Ma'am. By the way, Araling panlipunan ang una naming subject.

Nakinig ako ng mabuti sa kanya. Since isa ito sa fav. subject ko next to science. Nagpatuloy ang discussion hanggang sa nagtime na.

Another teacher another introduction. That's how my morning subject done. Lunch time kaya nagsimulang mag alisan mga kaklase ko.

"Hey... Sana"

Rinig kong tawag sa akin. Pagkalingon ko si Gwenore sa tabi niya ang isa pang babae pero mahaba ang buhok.

I look at them confuse. Napatawa naman ang kasama niya.

"Shut up, Aislinn" Suway niya sa katabi niyang tumatawa pa rin.

"Oww sorry my bad. Ang cute kasi ng reaction mo" Nagpipigil niyang tawang saad.

"What?"

"Uhm... maglalunch ka na ba? Can we join?" Sabay turo niya sa sarili niya saka sa katabi niya.

Wala naman akong kasabay. Panigurado may kasama yung kapatid ko. Siya pa yun.

"Okay"

"Good tara na" Masayang saad niya saka kumapit sa akin. Pati si Aislinn kumapit sa kabilang braso ko. Wala akong nagawa nabitbit nila ako.

Dumaan kami sa mataong corridor. As usual lunch time na kasi kaya ganyan. Nagtungo kami sa may cafeteria. Kung saan kumakain ang karamihan sa mga estudyante.

Ang iba kasi umuuwe yung malalapit lang ang bahay. Mabilis naman kaming nakahanap ng upuan malapit sa may glass window. Tanaw dito ang oval kung saan ginaganap ang track n' field.

Nagsilabasan na kami ng lunch box. We start eating until biglang tumahimik ang loob ng cafeteria.

"Anong mayroon?" Sabay naming tanong. Napalingon kami sa may pinto ng cafeteria.

"Ahhh, sila lang pala" Walang ganang saad ni Aislinn. I just shrugg at nagpatuloy sa pagkain.

"Hmmm... total same lang tayo ng place. Baka naman pwedeng pasabay din kapag uwian na" Nahihiyang saad ni Gwenore sa akin. Wala naman problema sa akin yun.

"No problem. Hindi kami same ng oras ng uwian ng kapatid ko" Maayos na sagot ko sa tanong niya.

Napalakpak naman siya ng mahina lang. Malaki din ang ngiti.

"Alam niyo kanina pa tingin ng tingin yan mga lalaking yan sa atin" Inis na pagsasabi sa amin ni Aislinn. Napatingin kami sa tinutukoy niya.

Napairap ako ng makailang beses. Gash, hanggang ngayon pa rin ba. I told him na ayaw kong magpaligaw eh.

"Tsk, hindi ata tanggap na binasted ko" Seryoso kong saad saka sumandal sa upuan. Nanatili kami muna ng ilang saglit dahil medyo maaga pa naman.

"Oww, What? The great Casimir? Been basted by you? Omygash! I'm gonna die" Hindi makapaniwalang saad ni Aislinn. Buti na lang at hindi malakas nakakahiya.

"Kaya pala" Nakangising turan ni Gwenore.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Urghh, sana naman tigilan na niya ako.

Nagpasya na kaming umalis baka lumapit pa siya sa akin. Maging sentro na naman ako ng bulong bulungan ng mga babaeng kala mo pinaglihi sa bubuyog.

"Hindi nga, totoo? Kailan mo siya nabasted?" Pangungulit sa akin ni Aislinn. Hay, sana hindi ko na sinabi.

Makulit din pala lahi nito.

"Last year" Tamad kong sagot.

"Ahhh kaya pala iba mood niya last year. Well ikaw pala ang dahilan. Yieeeee" Kinikilig na saad niya saka ako sinudot sundot sa tagiliran ko.

"Aray!" Daing ko dahil hindi ako nakikiliti kung hindi nasasaktan.

"Ano ba yan. Wala ka man lang kiliti. Ang Kj ng katawan mo" Nagtatampo niyang saad. Nakanguso pa nga.

"Alam mo. Para kang baliw dyan, Aislinn. Tigil tigilan mo nga yan si Sana" Pagsusuway sa kanya ni Gwenore na kanina pa naiirita sa kadaldalang hatid niya.

"Alam niyo. Bilisan na lang natin. Baka malate pa tayo" Sabat ko baka kasi may gera ng mamuo. Mahirap na mukhang palaban itong dalawa.

"Buti pa nga" Sabay nilang sang ayon. Kagaya kanina. Bitbit nila ako. Nakasukbit ang kamay nila sa akin.

Buti na lang wala ganoong kadaming estudyante na nakaharang sa corridor. Kaya mabilis kaming nakarating sa may tapat ng room.

"Opsss" Gulat naming saad.

"Sorry!" Mababang boses niyang paghingi ng tawad sa amin saka nakayukong umalis.

"Shaks ang gwapo" Nanghihinang saad ni Aislinn. Napatingin lang ako sa likod niyang papalayo.

"Ang gwapo niya no. Omy! Ryrder" Kinikilig na saad ni Aislinn. Kulang nalang maging hugis puso ang mata niya.

"May gusto ka doon?" Babang boses na saad ko. Ewan ko ba bakit bigla kong natanong.

Napaayos siya ng tayo bago sumagot.

"Of course not. Iba ang crush ko no. Nagwagwapuhan lang ako sa kanya. Pero hindi ibig sabihin non crush ko na siya. Its have a big different, boy" Pagpapaliwanag niya.

"Tsk... tinanong kung crush lang daming pang sinabi" Pang aasar sa kanya ni Gwenore. Inirapan lang siya ni Aislinn.

"Tara na nga. Nangangawit na ako" Maarteng yaya niya.

"Hayaan mo may pagkamoody yan" Bulong sa akin ni Gwenore bago tuluyang tumungo sa assign seat niya.

Tahimik naman ako sa kinauupuan ko. Madalas sumagot sa tanong nitong katabi ko.

Late ng dalawang minuto ang teacher namin bago pumasok. Kagaya kaninang umaga. Nag introduce yourself again. Later on discussion.

Thats how my first day of school class done. Dahil first day of school lahat kami muna ang cleaners. Wala pa kasing assign na cleaners kada araw.

Nag agawan pa kami sa walis tambo para magwalis. Ganito kami sa tuwing uwian. Classroom niyo linis niyo. May janitor kami pero pang faculty lang. Kaya masanay ka na. May taga bantay sa labas. Sisigaw yan ng 'Hoy si ano cleaners tumatakas'.

Kaya mapapabalik ka talaga. Nakabroadcast eh. Pero yung iba matinik tumatakbo pa.

Napahinto ako sa pagwawalis ng biglang magvibrate ang phone ko. Dinukot ko ito sa bulsa ko saka tinignan kung sino.

Dalawang notif ang nasa screen. Isa kay Saira at isa kay Casimir. Urghhh!

Saira

Te, mauna na ako. Sabay kami ni Leland.

Casimir

Hey, nakauwe ka na? Sabay tayo ;-).

Inuna kung magreply kay Saira.

Me
Its okay may kasabay din ako.

Me
May kasabay ako. Pls stop bugging me.


Reply ko sa dalawa bago tinago muli ito saka nagpatuloy sa pagwawalis.

"Lets go" Atat nilang yaya sa akin. Tapos na kami sa paglilinis ng room kaya uwian time na.

Kaagad kaming nagtungo sa paradahan ng paputang San Miguel. Buti tatlo kami kaya madaling nakaalis.

Naunang bumaba si Gwenore. Tapos si Aislinn bago ako.

"Andito na ako!" Sigaw ko saka nagtungo sa kwarto ko. Binaba ang bag at nagtanggal kaagad ng sapatos.

Nagpalit na rin ako ng pangbahay na damit. Buti na lang wala pang assignment kaya makakapag relax pa ako.

Hindi pa ako tapos mag download ng anime. Kainis ubos na load ko. Katamad pa naman magpaload sa tindahan. Hirap din utusan ng kapatid ko. Kailangan may shipping fee. Buraot.

"Nak!" Katok ni Mama sa pinto ng kwarto ko. Napabangon ako kaagad sa pagkatok niya.

"Po?" Sabay bukas ko ng pinto. May hawak siyang plato puno ng banana que. Uy, merienda.

"Merienda?" Pag aalok niya sa akin. Napatango naman ako saka mabilis na sumunod sa kanya sa may balkonahe.

Nilapag niya sa may lamesa kasama ng juice. Nag unahan kaming tatlo na kumuha.

"Hmm, sarap!" Sarap na sarap na saad ni Saira.

"Sailor Yara" Banggit ni Mama sa buo niyang pangalan. Puno pa kasi ang bibig nagsasalita pa. Warning yan ni Mama. Kapag binanggit na niya ang full name mo. Manahimik ka na.

Natahimik siya habang kumakain. Sakto naman pagdating ni Papa galing sa trabaho.

Kaagad niyang sinalubong si Mama ng yakap. Sabay kaming na pa eww ni Saira. In a joke way. Natawa si Papa saka kumuha na ng Banana que.

Nagpaalam siyang magpalit lang bago babalik. Natigil naman ako ng may biglang magtawag sa akin.

Tanaw ko sa labas ng compound sina Auden at Evanthia. May hawak na bola galing ata sa may plaza.

"Bakit?" Balik na tanong ko.

"Laro sa sabado" Yaya sa akin ni Evanthia. Saka tinaas ang bola.

"Sige. Game" Nakangiti kong sagot. Mahilig akong maglaro ng basketball. Yun yung lagi naming nilalaro ni Papa before. May ring pa nga ako dyan eh. Nakatago!

"Yun oh. Sige una na kami" Malaking ngiting saad ni Auden.

Tinanguan ko sila saka sila umalis.

"Hay nako Ate kaya napapagkamalan kang tomboy eh" Parinig sa akin ni Saira. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Wow, porque basketball ang hilig ko at hindi barbie. Tomboy kaagad? Ganoon ba definition ng babae ngayon?" Naiinsulto kong tanong sa kanya.

"Hay nako, Sana huwag mo lang pansinin yan kapatid mo" Biglang singit ni Papa.

"Ikaw naman, Saira. Wala sa hilig yan kung babae ka o lalaki. Ang mahalaga alam mo sa sarili mo kung sino ka ba talaga. Sa panahon ngayon. Ang ginagawa ng lalaki kaya na ng babae." Pangaral ni Papa sa amin.

"Tama kaya huwag niyo ng pag awayan yan" Sang ayon ni Mama kay Papa. Napangiti naman ako. Buti na lang may understanding parents kami.

"Oh baka may mga assignment kayo. Gawin niyo na after niyong magmerienda. Mag luluto lang ako bg panghapunan natin" Pag papaalam ni Mama sa amin. Sumunod naman si Papa. Tutulong kay Mama sa pagluluto.

Naiwan kami sa labas. Tahimik nakikiramdam sa isa't isa.

"Sorry" Sabay naming saad. Nagkatinginan kami saka sabay na natawa.

"Tsk... Ikaw talaga" Sabay yakap ko sa kanya. Bumawi naman siya ng yakap.

"Gawin mo na assignment mo"Utos ko sa kanya. Pumasok naman siya sa loob para kunin ang gamit niya.

Pero imbis na assignment. Natanaw kong nag faflames siya.

"Wow hanggang ngayon Flames pa rin" Namamanghang saad ko sa kanya. Noong elementary kami uso yang ganyan.

Naalala ko pa ing flames ko name naming dalawa ni Ryrder. Nakalimutan ko na kung anong lumabas.

Biglang kumunot ang noo niya ng lumabas ang enemy. Lihim akong natawa. Nag hope pa siya. Napangiti naman siya ng lumabas na Hindi.

"Ikaw ate ano sa inyo ni Ryrder?" Muntik na akong mabilaukan sa tanong niya. Napangisi naman siya sa naging reaction ko.

"Kita ko yun. Sa likod ng dati mong notebook" Tumataas babang kilay na paliwanag niya. Muli ko naman inalala.

"Friends" Saad ko ng maalala ang kinalabasan ng Flames ng name namin.

"Unfair" Inis niyang saad habang nagpapadyak. Hahaha enemy kasi sa kanila.

"Ganyan talaga ang buhay unfair" Nang iinis kung saad sa kanya. Flames lang naman yan. Katuwaan bakit nagagalit siya. Tsk!


°°°°°

Sana nag enjoy kayo sa pagbabasa nito. Hindi nga lang laging may update dahil may ibang on going story pa ako. Pero don't worry. Once na publish ko na may balak akong tapusin. So stay tune. Silences ❤.

~PrincessNalics.

7/15/20

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top