10 | teN

i am dedicating the last chapter of LS4N1 wattpad to you. 
yes, you, reading this. claim it.

11 minutes, 14 seconds, 22 milliseconds. 23. 24. 25. 26. 27. 28. 29. . . and counting. Ganito na katagal magka-holding hands sila Kaye at Rayne, naglalakad sa labas, papunta sa kung saan. Walang bumibitaw kahit pa may gustong dumaan sa gitna nila.

Walang nakakatibag.

Hindi naman malaman ni Rayne kung anong mararamdaman. Kaba dahil magka-holding hands sila ni Kaye Cal? Kalma dahil magka-intertwine ang mga kamay nila ni Kaye Cal? Kumportable sa hawak kamay nila ni Kaye Cal? Takot dahil watdahek magkahawak sila ng kamay in public? O maiyak dahil ramdam niya ang sakit ng paa sa bawat hakbang dahil sa three-inch heels?

Tiis ganda kung tiis ganda.

Pero ang pinaka nakakaiyak talaga? Ang pakikipag-cooperate ng palad niya. (Hindi pasmado, hooray!)

Napapangiti si Rayne kapag tumitingin sa mga kamay nila lalo na kapag unti-unting luluwag ang kapit. Isa sa kanila, mostly si Kaye, ang hinihigpitan muli ang hawak. Sa pagkakataong ito, si Rayne ang mas humigpit ang kapit.

Pag-angat ng tingin sa mukha ni Kaye, bumagal ang tibok ng puso ni Rayne nang mapansin ang ngiti sa labi nito.

Sinong mag-aakalang Kaye Cal is taking her breath away? Napahugot siya nang hangin sa ka-cheesy-han ng naisip, eh.

"May dumi ba sa mukha ko?"

Halatang nahihiya si Kaye sa titig ni Rayne, paano, hindi mapigilan ng mga mata ni Rayne panoorin ang bawat kilos ni Kaye. Ang pagliit ng mata kapag ngingiti. Ang normal nitong pagtingin na hindi malaman kung anong nasa isip. Ang mga labi nitong normal, saka aangat na para bang gustong ngumiti pero pinipigilan.

There's so much more to her in every second.

"Napag-usapan naming nila Xanne at MJ. . ."

"Hm?" Nilingon siya ni Kaye.

"Na. . .ano, na. . . willing kami romantically kapag sa 'yo."

"What?"

"Alam mo 'yon, kapag kunwari, makilala ka namin tapos napag-usapan naming okay lang sa amin kapag sa ' yo papatol, gan'on."

"Papatol talaga?" Tumawa si Kaye. "Sakit naman n'on! Parang napilitan."

"Kasi nga, sa lalaki naman talaga—"

Nilapit ni Kaye ang magkahawak nilang kamay sa labi nito. "Matagal ka na palang willing? From the start pa lang?"

Tumawa si Rayne. "Napagkwentuhan lang namin 'yon kasi alam naming hindi magkakatotoo!" Binawi ni Rayne ang kamay ngunit hinabol ito ni Kaye, hinawakan muli. "Anong alam kong mangyayari 'to. . ."

"Ikaw, ah. Pinahirapan mo pa ako."

"Hindi kita pinahirapan, ah! Ang bilis-bilis na nga nito, nakaka-stress."

Kinulong ni Kaye ang hawak na kamay ni Rayne sa dalawang kamay. "Please, huwag naman magbago isip mo."

"Ay, wala na, nagbago na isip ko."

"Uy, saan? Hindi na pwede! Touch move na!"

"Wala na, nagbago na isip ko!" ani Rayne, tumigil sa paglalakad.

Kaye pouted. Kunot ang noo. Napangisi si Rayne.

"Ayoko na pala ng fries. Ice cream na lang pala." Tinuro ni Rayne ang Zero Degree. Hinatak niya si Kaye patungo sa kiosk.

"Hi Ma'am, Sir," bati sa kanila ng dalawang babae sa loob ng kiosk.

"Libre ko," ani Rayne.

Umangal si Kaye, syempre. Mas gusto nitong gumastos para kay Rayne – ngunit gusto ring gumastos ni Rayne para kay Kaye. Dapat fair. 

Para hindi na ipilit ni Kaye ang 1,000 peso-bill kay ate na magpe-prepare ng ice cream, yumuko ito kaunti, tinapat ang kaliwang pisngi kay Rayne. Tinuro nito ang pisngi nang nakangisi.

Hinalikan ni Rayne si Kaye sa dimples.

End of discussion.

Si Rayne na ang manlilibre, may kaunting kahihiyan dahil 'yong itsura ng dalawang ate sa Zero Degree, hindi malaman kung anong ire-react.

Ngumiti na lang siya, nanghingi ng paumanhin telepathically kung cringe man sila panoorin. 

Dahil walang alam si Kaye, si Rayne ang nag-order. Isang scoop ng Bubble Gum Blast para sa sarili at Eskimo Choco Decadence, ice cream cake para rito.

Tumayo sila sa gilid habang hinihintay ang order. Masayang-masaya si Rayne sa panonood ng pag-prepare ng isang ate ang ice cream nila nang bumitaw si Kaye sa kanya at umakbay. Ang akbay ay unti-unting gumalaw. . . hanggang sa naging yakap ito gamit ang isang kamay.

Siguro kung sa iba ito, kakawala si Rayne. Hindi talaga siya sanay nang sinisira ang personal space niya.

Pero kay Kaye? Hinayaan lang niya. Gustong-gusto pa nga ng katawan niyang mapalapit dito.

(Ang landi.)

Kumalas lang sa yakap nang marinig ang mahinang tikhim ng isa sa ate. Pagkakuha ng order at naupo sa nakalaang table para sa customers ng Zero Degree, pagkatapos ng akbay, balik holding hands ulit.

(Ang landi talaga.)

"Rayne. . ."

"Hm?"

"Pinag-brownies mo ako kanina, then ngayon, chocolate ice cream cake. . . Puro matatamis. Puro delikado sa lalamunan." Ngumuso si Kaye, mapaglaro ang mga mata. "Sinisira mo ata boses ko? Sabihin mo na lang sa akin kung ayaw mong umalis ako for recording bukas."

"Hala! Hindi ko sadya!" Tigil. "Hindi ko sadyang mapansin mo."

Tawanan.

(Ang landi nga kasi talaga.)

"Sa totoo lang, kaya ko talaga binili 'yan kasi alam kong bawal sa 'yo tapos ako kakain lahat."

"Akin 'to!" Sumubo si Kaye ng isang buong kutsara nito. "Libre mo 'to sa akin."

"Sige na, grabe. Iyo na." Tumawa si Rayne. "Gusto mong tikman?" tanong niya, turo sa ice cream niyang hindi pa nagagalaw. "Pumuputok sa dila 'yong hinalo nila sa ice cream."

"Yes, Rayne, alam ko. . . pumuputok talaga ang magic pops."

Tumawa si Rayne. "Dali, tikman mo!"

"Didilaan ko?"

(Dyusko.)

"Gamitin mo kutsara mo."

Bumitaw si Rayne sa hawak kamay nila. Hinabol pa nga ni Kaye kaso pinigilan ni Rayne. Kailangan niya ng functional hand para kuhanin ang kutsara, okay? Nag-scoop siya nang kaunti sa mint ice cream. 

Ibibigay dapat niya ang kutsara kay Kaye kaso, ayaw nito tanggapin. Nanliit ang mata niya. Nagtaas kilay.

Ngumisi itong nag, "aaahhh."

Ayon naman pala, gusto magpasubo. 

Umiling si Rayne pero isinubo pa rin ang kutsara na may ice cream kay Kaye. Kinagat nito ang kutsara, labas ngipin, mukha tuloy nagpapa-cute sa pagngiti.

Binanggit ni Kaye ang nafi-feel ko 'yong sparks sa gitna ng pagkagat. Tumawa si Kaye. "Tikman mo rin 'tong akin."

"Titikman din. . .kita?"

Napakagat ng labi si Rayne pagkatawa sa biglaan niyang nasabi, napayuko sa kahihiyan at napahawak sa noo. Napakamot. 

"Uy! PG lang tayo!"

Tumawa si Kaye, ansaya nito, eh.

"I mean, 'yong ice cream!" natatawa ani Rayne. "Teka lang, hingi ako extra kuts—"

"No!" Hindi pa nakakausog si Rayne, kinuha na agad ni Kaye ang kamay niya. Pinagsalikop, kulang na lang ikandado. "Huwag kang lumayo sa akin, please?"

"Ang clingy!" natatawang ani Rayne. "Kukuha lang ako ng kutsara."

"Use this," ani Kaye. 

Ginamit ni Kaye ang kinagatang kutsara para kumuha ng ice cream cake. Kukuhanin na sana ni Rayne ang kutsara nang pilit nilalayo ni Kaye. Naghabulan pa sila sa hawak ng kutsara, muntik pang malaglag ang cake.

"Say ahhhh," ani Kaye.

"Seryoso ba?"

"Aaahh," pag-ulit ni Kaye, inaantabayan ang pagnganga ni Rayne para maisubo ang ice cream cake. "Aaahhh."

Napapikit si Rayne. Ano na bang iisipin ng sarili niya noon habang nangyayari ang kakornihang ito? Not really the most romantic place pero hindi niya malaman kung Valentine's ba sa November dahil sa bawat lingon, may nakikita siyang couple na halos naka-glue na sa isa't isa.

At na-realize niyang kasama sila sa mga couple na 'yon.

Wala talagang pakialam si Rayne sa mga magsyotang sweet in public. Hindi siya bitter o nagsasabi ng magbe-break din kayo pero hindi niya mapigilan ang sariling matawa sa pagka-cringe dahil never in her life—as in—ma-imagine ang sarili na makakasama sa mga ganitong klaseng couples.

It felt liberating.

And weird.

Yet right.

And cringe-y.

Bahala na.

Hinayaan niyang isubo ni Kaye ang ice cream cake sa kanya. Gusto niyang pigilan ang pagngiti dahil ang korni talaga. Kaso ayon, failed. Nakangiti pa rin siya.

"'Di ba, marami akong research tungkol sa ganito. . ."

"Saan? Ice cream?"

"Sa ganitong feelings!"

"Sa sparks sa bibig?"

Pinalo ni Rayne si Kaye. "Ay nako, Karen Jade."

(Yes, naghiwalay na rin sa wakas ang mga kamay nila; kailangan ng breathing space, eh.)

Tumawa si Kaye.

"Siguro, totoo nga talaga 'yong nasa research ko. . ."

"Mukhang bothered ka talaga sa feelings na 'yan."

"Malamang!" Nanlaki ang mata ni Rayne. "Sinong hindi maba-bother at mapapakwestyon sa sarili kung ganito nangyayari sa akin? Sa buong buhay ko, babae at lalaki lang lagi ang sinasabi nilang dapat magkatuluyan."

Ngumisi si Kaye, kinagat ang kutsara pagkatapos sumubo ng ice cream cake. "Anong sabi sa research mo?"

"Na ang mga babae, kahit na mahilig sa mga gwapo, mas sa emosyon bumabase. Mas may chance na mag-bend ang babae sa preferences kaysa sa mga lalaking mahilig sa sex."

"Rayne!"

"Bakit?"

"Filter naman!"

Tumawa si Rayne. "Seryoso kasi! Hindi ko nilalahat pero ang mga lalaki, mataas ang sexual drive kaya parang hindi mabubuhay nang walang babae o 'yong pleasure. Habang ang mga babae naman, mas nagiging deep ang kuneksyon dahil sa emosyon."

"Na-attract ka sa akin dahil sa emotion?"

"Lalo na n'ong naluha ka kanina sa ferris wheel," simpleng ani Rayne, tuloy sa pagkain ng ice cream. "Naantig puso ko," pang-asar niya. "Dagdag pogi points, sa totoo lang."

"Ay, ano ba 'yan!" Natawa si Kaye. "Kinakalimutan ko na nga."

"Ayos lang 'yan, cute nga ni Kikal, eh."

"Parang ikaw? 'Yong pinipigilan mo rin 'yong pag-iyak kanina?"

"Tara, ibang topic na tayo."

Tawanan.

"Bakit kaya tayo umiyak n'on?" tanong ni Rayne, tumingin sa madilim na langit. "Nagdramarama lang ang peg? Kaloka."

"Maybe because everything is too honest, and pure and raw," anito. "Kapag talaga nasa kaibuturan ng puso, lalabas 'yong emosyon."

"Dramarama nga."

"Parehas na babae, parehas na madrama," ani Kaye.

"Ang gandang panimula nito. Let's keep it up."Tumawa si Rayne. "Pero. . ." Ngumuso si Rayne, nakakunot noo. "Sinong manliligaw sa atin n'yan?"

Biglang natawa si Kaye, naubo sa gitna ng pagkain ng ice cream cake.

"Uy, seryoso. Legit inquiry 'to, hindi joke," dagdag ni Rayne.

"Sorry, sorry."

"Dapat ata ligawan mo ako," aniya, nagkaka-self-realization.

"Hindi ba't ikaw ang first nag-pursue sa akin? For tweeting and IG posting a lot about me?"

"Hala!" natatawang sabi ni Rayne, umayos ng upo. "Iba naman 'yon, eh. Wala kaya akong romantic feelings para sa mga posts na 'yon."

"Ah, ngayon mayroon na?" Ngiting labas ngipin. "Gusto ko 'yan."

Pabirong umirap si Rayne. "Hindi pa naman ako nagpo-post, excited lang?"

Ngumisi si Kaye, nilapit ang upuan kay Rayne. Sa sobrang lapit, nagtama na ang mga siko nila. Kulang na lang, patanggal nito ang handle para mas makalapit pa.

"Magpo-post ka ba tungkol sa akin pagkatapos nito?" tanong ni Kaye.

"Magtatapos 'to?"

"No! I mean, itong gabi lang. Hindi ito-ito. Rayne naman, eh."

Tumawa si Rayne. "Ano namang ilalagay ko sa post pagkatapos ng gabing 'to?"

"Feelings mo. . ." Natigil saglit, subo ng ice cream cake. ". . .sa akin."

"Ang cheesy please tantanan mo ako!"

Tumawa si Kaye. Umakbay ito kay Rayne at hinila siya palapit. Palapit nang palapit, ang sakit na sa baywang dahil sa handle na pumapagitan sa kanila. Nahirapan si Rayne sa pwestuhan kaya naipatong niya ang kamay sa hita ni Kaye para makabalanse. Tumatawa itong hinalikan ang gilid ng noo niya.

Napahugot ng malalim na hangin si Rayne.

Sa totoo lang, paano siya nakaka-survive dito?

Pagkalayo, nagtanong siya muli. "Seryoso, walang manliligaw sa isa sa atin?"

"Gusto mo bang ligawan kita?"

"Ang weird ata."

Tumawa si Kaye. "Bakit kasi kailangan manligaw pa?"

"Ay, gusto mo straight to the point agad?" tanong niya. "Ang swerte mo naman."

"Hindi ba?"

"Talaga naman. Ikaw na ang pinagpala sa lahat ng pinagpala."

Ngumisi si Kaye. "Lalo na n'ong nandito ka na."

"Grabe, iba talaga si Sir Princess mambola," aniya.

"Sir Princess?" natatawang ani Kaye. "Bago 'yon, ah." Tigil. "But seriously, gusto mong manligaw ako sa 'yo?"

Nang hindi sumagot si Rayne, nagtuloy si Kaye sa sasabihin.

"Ano bang paborito mong bulaklak? Chocolates?" anito. "Ayos lang ba if kakatok ako sa inyo ng midnight after work or papadala ko na lang everyday sa inyo? Anong address ni—"

"Ang sabik naman."

"Sabi mo—"

Tumawa si Rayne. Napaisip. "Napag-isip-isip ko lang as in ngayon-ngayon lang, kailangan nga ba talagang manligaw? Magbigay ng regalo? Magpakitang tao?"

"Depende siguro sa mga taong involved," ani Kaye. "Dati, I tried courting dahil 'yon ang nakikita ko and sabi rin ng mga kaibigan if I want to pursue the girl I like."

"Dati? Eh, ngayon?"

"Ngayon. . ." Napaisip si Kaye. Napangisi. "Gusto mo ba?"

Ngumuso si Rayne. "Naisip ko lang, ang concept ng panliligaw ay para iparamdam ng lalaki—o babae—na gusto nila 'yong tao, 'di ba? Pinapakitang may interest."

"Yeah," ani Kaye.

"Tapos, kahit na 'you put your best foot forward', may chance pang ma-reject," aniya, ni-air quote pa ang kasabihan.

"Panliligaw, for me, is almost like dating," ani Kaye. "You make a good impression sa person na gusto mo para maging kayo, talagang may intent to became exclusive with each other. Hindi lang hanging out."

"Ang weird din n'on? Parang ang mali ng panliligaw," sabi ni Rayne, kumakain pa rin ng ice cream. "Paano kung ma-effort nga 'yong manliligaw at maganda 'yong good side kasi 'yon lang pinapakita, sinagot ni ategirl, tapos hindi pala maayos na tao 'yong nanligaw? Psychopath pala."

"Grabe 'yong plot twist d'on, ah." Tumawa si Kaye. "Bakit ba sinasagot ang mga manliligaw?"

"Hm?"

"Ang dapat na sagot is because maybe, love mo na 'yong nanliligaw kaya willing ka to be with that person. Kaya mo siya sinagot because you two are compatible and you're caring for the person. If psychopath ang manliligaw turned to partner, dapat accept mo 'yon kasi you care - tingnan mo si Harley Quinn at Joker."

"Ay, weh? Talagang 'yan example mo?" natatawang ani Rayne. "Pag sinaksak pala kita sa pagtulog mo, tanggap mo 'yon?"

"Bakit?" Nagkunwaring nagulat si Kaye. "Sa condo ka mag-stay? Bantayan mo pagtulog ko?"

Natigilan si Rayne. Hanggang sa bigla siyang tumawa nang malakas, napatingin ang ilang mga naglalakad at tumatambay sa gilid sa kanya. Kahit ang dalawang ate na nasa loob ng Zero Degree kiosk, napatingin sa kanila.

"Hindi ko kinaya," ani Rayne. "Talagang naisip mo pa 'yon?"

Natatawa na rin si Kaye. "Ang hirap pigilan ng hidden thoughts."

"Karen Jade?!"

Tawanan ulit. Naubos na nila ang mga ice cream ngunit hindi pa rin sila umaalis, tamang tambay at pag-upo.

"Kung may panliligaw at pwede nating ituring na dating, so para itong testing waters?" ani Rayne, binabalik ang matinong usapan. "May ibang babaeng dyosa na pumapayag magpaligaw sa maraming lalaki. Sabay-sabay."

"Hassle n'on," ani Kaye. "Sa feelings ng manliligaw then ang hassle din sa girl para mag-entertain nang marami. How can someone do that? Hindi makaka-focus 'yong feelings."

"Dyosa nga," ani Rayne. "Collect and collect then select. Swimming sa dagat," sabay tawa.

Sumimangot si Kaye nang tingnan siya. Kunot ang noo. Hanggang sa naramdaman niyang hinawakan nito ang daliri.

"Buti sa 'yo ngayon, wala?" tanong ni Kaye.

"Sinong nagsabi wala? Ang dami kayang nakapila sa akin."

"Hindi pwede," sabi ni Kaye. Yumuko ito at pinatong ang noo sa balikat ni Rayne. Medyo napaupo si Rayne nang maayos dahil sa buhok ni Kaye, may kaunting kiliting naramdaman sa balat. "Sarado na dapat 'yong pila."

"Bakit magsasara 'yong pila? Ang ganda ko kaya."

Inangat ni Kaye ang ulo at mas sumimangot kay Rayne.

"Huwag kang pa-cute, kainis," ani Rayne. Tinulak niya palayo ang mukha ni Kaye. Pinipigilan niyang ngumiti.

"Nakakalungkot pagka-lovable mo, eh," ani Kaye, still pouting.

Biglang tumawa si Rayne. "Ako pa talaga ang lovable?"

"Ako ba dapat? Love mo na ba ako n'yan?"

"Hay nako, Kaye." Si Rayne naman ang pinatong ang noo sa balikat ni Kaye kahit medyo mahirap dahil nakaharang nga ang handle. (Ngunit walang mahirap kung kinakailangan sa landian! ang sabi nga sa motto na kagagawa lang ngayon-ngayon lang.) "Give up na ako sa 'yo."

"Huwag naman."

Pumikit na lang si Rayne para hindi maisip na ganito na siya ka-korni para kay Kaye.

Naramdaman niyang hinahaplos ni Kaye ang buhok niya. "Alam mo ba dati, nagtataka ako kung bakit kung kailan nagsisimulang umangat ang career ko at maraming nakikilalang tao. . .saka ako nawalan ng love life."

Inangat ni Rayne ang ulo, lumayo kaunti. "Siguro kasi it takes time manlandi tapos wala kang oras."

"But I realized buti hindi ako nagmadali kahit ang dami ring lumalapit. Buti hindi ako sobrang naghanap."

"Naks, choosy," panunukso ni Rayne. "Naghanap ka pa rin."

"Nagtaka, naguluhan. Bakit wala?"

"Lowkey kang naghahanap ng lovelife."

"Oo. Lowkey lang," anito, nangingiti. "Kaya pala, makikita at makikilala pala kita."

"Cheesy," natatawa niyang ani.

"Noong birthday concert ko, hindi naman dapat mangyayari 'yon kung hindi ko pinilit dumaan sa dinaanan ko kaya na-stranded ako. Naging extra hype din 'yong mga tao d'on."

"Mga nakainom ng energy drink."

"Kung hindi nangyari 'yon, sa tingin mo magkikita kaya tayo?"

"Malabo," ani Rayne. "Baka umaaligid-aligid pa rin siguro ako. Inii-stalk ka. Baka lowkey masaktan kapag nagka-lovelife ka na pero makaka-move on din kasi 'di naman kita kilala talaga."

"But ngayon, iba na ang masasaktan dahil ikaw na lovelife ko?"

"Hindi ko kinakaya 'tong kakornihan natin."

"The cornier the better," anito.

"Kaya pala better ka."

Nagtawanan sila sa kakornihan nila.

"Pero siguro, kaya medyo wala ka sa love department hindi dahil makikilala mo ako, please lang," natatawa niyang ani. "Ang busy mo rin kasi maging successful."

"Ako? Busy maging successful?" ani Kaye. "How do we define success, really?"

"Depende sa tao," ani Rayne. "Tinanong ko kaibigan ko noon tungkol d'yan sa successful thing, nagalit sa akin, eh."

"Ha? Bakit naman?"

"Tinanong ko kasi sila kung anong mga achievements nila. Kahit small achievements lang dahil gan'on ako, tinitingnan ko ang mga maliliit at kino-consider kong achievement o mini success. Tapos sabi niya, basta happy siya. Tanong ko, paano niya masasabing masaya siya at contented. Tapos nagalit sa akin kasi paulit-ulit daw ako, bakit daw gusto ko ng specifics, hindi na lang ako tumigil d'on sa sinagot niya."

"Bakit nga ba gusto mo ng specifics? Tama naman din siya, happiness is success din talaga. Contentment," ani Kaye. 

"Kapag kasi may specifics, inaalam natin sarili natin - kung ano ang gusto at hindi natin gusto," aniya. "Magiging way 'yon para maintindihan natin sarili natin, hindi tayo nangangapa. Hindi natin sinasabi 'yong kadramahan na hindi natin kilala mga sarili."

Tumango si Kaye. "Marami rin akong nalalaman na sa showbiz, kung sino pang kino-consider na super sikat at successful - sila 'yong mga hindi kuntento. It's sad makakita o makarinig ng sikat ka naman, bakit ka malungkot?"

"Exactly!" tugon ni Rayne. "Parang pinagdidikit na nila 'yong sikat ay successful na hindi naman talaga dapat. Saan siya magiging masaya? Saan magiging successful? Ano ang sarili mong definition? For long term ba o short term?" Tigil. "Parang 'yong kaibigan kong isa, achievement niya 'yong pagpasa sa exam. Dito pa lang, masasabi na uy, isa sa mga success pala sa kanya ay kapag nag-step up siya sa game. Achiever. O kaya 'yong isang kaibigan ko na achievement niyang may trabaho siya agad after graduation na masasabi nating pwedeng ang small success sa kanya ay trabaho. Pagiging stable."

"Hmmm, sa 'yo? Anong success sa 'yo?"

Ngumisi si Rayne. "Maging iyo."

Natigilan si Kaye. Sabay tawa.

"Rayne naman!"

"Bakit!"

"Ano ba?!"

Tumawa na lang din si Rayne.

"Maygahd," ani Kaye. Hinigpitan ang hawak sa kamay ni Rayne at hinalikan ito. "Bakit ka ganyan?"

Nagkatitigan sila Rayne at Kaye nang mahimasmasan sa pagtawa.

"Ayos ka na po?" tanong ni Rayne. "Kaya na mag-move on?"

Umiling si Kaye. Hinalikan muli ang kamay ni Rayne. "Ayoko nga mag-move on."

Pabirong umirap si Rayne. "Real talk sa success," natatawang ani Rayne. "Siguro 'yong magkaroon ng positive impact sa iba," aniya, balik tino sa pag-uusap. "Gawin ang gusto ko gawin tulad ng paggawa ng libro, pagsulat, maka-inspire at makatulong sa iba para ma-achieve 'yong life goals nila."

"Very. . . influential."

"Hindi naman! Pero kasi, naramdaman ko na 'yong kilig kapag isa ako sa naging daan ng success ng isang tao. 'Yong masaksihan mo ang humble beginnings nila paangat. May high feeling makatulong. Gusto kong paulit-ulit gawin hangga't kaya ko."

"Ah, talaga?" ani Kaye. "Kaya mo bang tulungan ako sa life goals ko?"

"Huwag mo na sabihing maging sa akin ka kasi promise, hindi magwo-work at huwag kang manggaya ng pick up line."

Sumimangot si Kaye. Hindi na nagsalita.

"Tsaka hindi pa ba na-establish 'yon?"

Nanlaki ang mata ni Kaye. "Ang?"

"Sa 'yo ako?" Natawa si Rayne sa pagka-stun ni Kaye. "Ikaw, ano bang success sa 'yo?"

"Sa ngayon, this," ani Kaye nang maka-recover, hinalikan ang hawak na palad ni Rayne.

"Dahil sa akin?"

"Wow, Rayne, masyadong high ang confidence level."

Tawanan.

"Well, except you, I just think I feel successful ngayon. Hindi naman kailangan bonggang success to feel success, right?" anito. "Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, ngayon, everything and everyone is okay. My life is going smoothly then may mga big surprises along the way. May hurdles but my life is not stopping." Tigil. "Siguro minsan, I look at others and ask bakit hindi ako kasing galing nila or kasing sikat or kasing all-out. . . but that's just it. Minsan lang mangyari."

"Medyo same," ani Rayne. "Pero kasing galing ng iba? Hindi ka pa ba magaling?"

"We all need to keep on learning to grow," ani Kaye. "Sa writing lyrics, kumpara sa iba, sobrang beginner pa ako sa word choices and meaning. Sa melody at rhythm, sa paggigitara. Sa mga bilang at beats. I was self taught, hindi ako sobrang focus sa music noon, hobby lang, eh. Ngayon lang talaga na-expose sa iba't ibang musician kaya panay ako absorb ng new learnings. Minsan, I think mababaw pa ang kaya kong gawin. Pati paglapat ng emotions sa boses, kulang pa."

"Paglapat ng emosyon?!" Nanlaki ang mata ni Rayne. "Naiyak nga ako sa Tuloy Pa Rin n'ong kinanta mo kahit masaya pagkakakanta mo d'on. Hindi pa ba sapat 'yong paglapat ng emosyon sa boses mo?!"

Tumawa si Kaye. "Sobrang bias mo."

"Sa 'yo pa ba?!" natatawang ani Rayne. "Lodi kita, eh."

"Rayne. . ." pagbabanta ni Kaye.

"Po, Lodi?"

Pumalatak si Kaye. "Beh, please stop."

"Sige po, beh. Sorry."

Tumaas ang dalawang kilay ni Kaye, natuwa sa narinig. "Ano ulit 'yon?"

"Ang alin?"

"Tinawag mo akong beh?"

Kumunot ang noo ni Rayne. Umiling. "Mga imagination mo. Tara." Tumayo siya agad bago pa makapag-react si Kaye. "Saan tayo sunod?"

"Uy, beh, hindi nga? Sabihin mo ulit."

"Wala. Ayoko. Bahala ka. Hindi pa ba tayo uuwi?" ani Rayne. Nang sumimangot si Kaye, ngumisi si Rayne at naupo muli, natatawa. "Naalala mo si MJ? Lagi kong kasama sa gig at concert mo?"

"Yeah?"

"Hindi siya nakapasa sa board exam ng accountancy last time pero nakapagtrabaho naman siya, okay naman siya, pero ngayon, nagsusunog ng kilay para makapasa sa susunod na exam. Sabi ko, pwede namang huwag na niya subukan ulit tapos iba na lang gawin niya."

"Ang hirap naman ng suggestion mo," ani Kaye. "It's frustrating kapag ang nag-iisang kaya nating gawin, hindi pa tayo magaling."

"Pero hindi naman basehan ang board exam o kahit ano para lang masabing magaling tayo, masabing successful tayo."

"Yeah, but maybe the frustration builds up on her. Pinaglaanan niya ng oras, pagod at puyat ang pag-study ng accountancy for five years."

"Six ata."

"Six?"

"Yeah. Medyo late kaming magkakaibigan sa graduation."

Tumango-tango si Kaye. "See? Six years. Syempre, her goal is to pass the exam para maging accountant talaga - then, hindi pa matutuloy? Ang hirap maghanap ng bagong goal kung nag-focus ka sa isa for years."

Napaisip sandali si Rayne. "Siguro kaya ganito thinking ko dahil hindi ko pa nararanasan mag-fail professionally?" Tigil. "Kasi sa arts ako? Na may pagka-free will ang peg? Siguro kung hindi nag-work ang pagsusulat ko, baka nga malungkot ako."

"Yeah, probably."

"Pero kung hindi nag-work out pagsusulat ko, hindi ko naman ipu-push, eh. Baka sa ibang larangan ako mapunta tapos doon ko gagalingan." Tigil. "Siguro sobrang fluid ko lang sa mga kagustuhan ko or something kaya keri lang na hindi ako pumasa o ano. . ."

Tumawa si Kaye. "Pwede. And also, maybe it's the verification. Alam natin na yes, may ibubuga tayo and may room for improvement lagi, but the verification from some you look up to or those people who have a name already or for MJ, pumasa sa board exam - kapag na-recognize tayo that we're doing a great job, that's when we feel fulfilled."

"Pero sana hindi laging gan'on," ani Rayne. "Nakakatakot kumapit sa sasabihin ng iba para lang masabing ayos mga ginagawa mo. Para kang malululong sa bagay na pinipilit mong maging pero hindi talaga."

"Noon, I write my lyrics for everyone - as relatable as possible." Ngumisi ito. "I wrote lyrics dahil universal ang love, but then, minsan - because of I make them too relatable, hindi na siya nagiging kanta ko."

"Nawawalan ng identity?"

"Yeah, minsan iniisip ko kailan ako titigil sa ganito, trying to fit in."

"Nagfi-fit in ka naman in your own way. Well, hindi siya basically fitting in talaga pero alam mo 'yon. . ."

Kagat labing ngumiti si Kaye. "Sinasabi mo 'yan dahil bias ka sa akin."

"Well. . ."

Tawanan.

"Sabi nga ng isang banda na nakilala ko, don't stop believing," ani Rayne. "Ano nga ulit 'yong bandang 'yon? Erza. . .Ezzy. . .Ezra band ba?"

Tumawa silang dalawa.

"Kaasar din na worst critic natin mga sarili natin, eh no."

"Lagi naman," ani Kaye, natawa. "But we shouldn't stop there, right? Dapat, we keep on improving ourselves. Lagi kong sinasabi 'yon sa sarili ko to remind myself."

Natawa si Rayne. "Alam mo, pwede na tayo maging positive life speakers, daming alam, eh. Kulang na lang may magpalakpakan sa paligid."

Tumawa rin si Kaye. "Eh 'yong tayo, pwede na rin ba?"

Nagtitigan sila. Walang pumapasok sa isip na para bang sa pagtitig sa mga mata ng isa't isa ay isang mute ng paligid, shut down ng sistema at tanging importante lang ay silang dalawa.

Kinagat ni Kaye ang labi, huminga nang malalim. Tumayo ito at muling hinalikan ang tuktok ng buhok ni Rayne. Sobrang gaan lang - saka natigil saglit.

"Wait here, aalis lang ako saglit."

"Ha? Bakit?"

"May bibilhin lang," ani Kaye. "Babalik ako agad."

"Sama na lang ako! Teka, bili muna ako tubig."

Tumayo si Rayne, bumili ng dalawang bottled water sa Zero Degree. Napapansin naman niyang ngiting-ngiti 'yong dalawang ate na kanina ay parang wala lang.

Pagkabigay sa kaniya ng dalawang bote ng tubig at bago pa sila makalayo, nagtulakan ang dalawang ate.

"Uhm," pag-aalinlangan ng isa. "Kaye Cal?"

Ah, kilala ulit si Kaye.

Ngumiti si Kaye dahilan para pigil na tumili si Ate. Hinayaan ni Rayne ibigay sa dalawang ate ang moment para mag-fangirl. Lumayo muna siya habang umiinom ng tubig, hawak ang bote ni Kaye.

Lumabas sa stall ang dalawang ate at nakipag-selfie kay Kaye. Nag-fangirl.

"Gustong-gusto ko 'yong mga kanta mo, sobrang LSS ako!"

"Ay, thank you."

"Hindi na kita gusto, kasi, kailangan na kitaaaa~" kanta ng isa.

"Huwag ka nang bumalik ka na sa akin please~" sabay na kanta ng dalawa.

Patawa-tawa si Kaye.

Bigla tuloy napaisip si Rayne kung anong nafi-feel ni Kaye sa mga ganitong instances na may kakanta ng kanta niya sa harap niya mismo. Feeling proud? Feeling awkward? May chance kayang humahanga siya kapag maganda boses? Nag-mental note siyang itanong ito mamaya.

Pagkatapos mag-fangirl, nilingon ng isa si Rayne. "Bagay kayo," may kilig pa sa boses. "Ang ganda at gwapo!"

"Sige na ate, akin na phone, picture-an ko kayong tatlo. Nambola pa, eh."

Nagtawanan.

Kinuhanan niya ng picture ang tatlo, nasa gitna si Kaye, nakayakap ang dalawang babae rito. Napaisip tuloy siya. . . ang swerte rin nitong si Kaye, eh no. Hindi na kailangan maging tunay na lalaki para pagkaguluhan at manyakin ng mga babae. Iba po.

Nagpaalam sila sa dalawang ate na ngiting-ngiti at kinikilig habang tinitingnan ang screen ng mga cellphone. Nang medyo makalayo, napangisi si Rayne.

"Siguro dapat naniningil na ako sa bawat fangirl na lalapit sa 'yo, mukhang tiba-tiba ako nito," aniya. "Tamang-tama kailangan ko ng pagkakakitaan."

"Pagkakakitaan mo ako?"

"Bakit hindi? Sabi nga nila, use your resources wisely."

"Grabe! I feel so used!"

Umakbay si Kaye sa kanya habang naglalakad at muli, nilapit ang labi sa tuktok ng buhok. At kahit ilang beses na nito ginagawa ang paghalik sa noo niya o tuktok ng buhok (basta sa upper part ng ulo!), hindi pa rin nawawala ang. . .kilig? kaba?

"Ako rin, I feel so used. Kanina ka pa d'yan sa buhok ko, ah."

"Ay, bakit? Gusto mo sa iba naman?"

Napapikit si Rayne at umiling. "Saan tayo pupunta? Ano 'yong bibilhin mo?"

Nawala ang pilyang ngisi ni Kaye. "Sama ka na lang sa akin."

Naglakad nga sila, hindi alam ni Rayne ang patutunguhan pero hinayaan niyang si Kaye ang mag-guide sa kanya. Pumasok sila sa loob ng mall.

"Teka lang," ani Rayne habang naglalakad. "Kailangan ko pala talaga ng sagot sa importanteng tanong ko."

"Anong tanong?"

"Sinong manliligaw sa atin?" sabay tawa niya.

"Kasasabi mo lang kanina na it's a best foot forward concept na parang mali na may psychopath pa bigla?"

"Eh."

Nakangiting umiling si Kaye. Hinawakan ang kamay ni Rayne sa gitna ng liwanag ng mall, sa gitna ng mga taong nadadaanan nila, sa gitna ng lahat.

"Ikaw ang nanligaw," proud na sabi ni Kaye.

"Ako?!" Nanlaki ang mata niya. "Bakit ako?"

"Sino bang nagpunta sa birthday concert ko? Correct me if I'm wrong, ikaw ata unang nag-effort?"

"Wow," natatawang ani Rayne. "Ako ba nagpumilit ng feelings-feelings na 'to?"

Tumawa si Kaye. "It came naturally. Anong magagawa natin?"

"Naturally daw. . . "

"Bakit? Napilit ba kita?"

Sumimangot lang si Rayne. Hindi sumagot.

Ngumisi ito. "Maybe kaya hindi uso ang courting sa ibang bansa lalo na ngayon dahil when you're attracted to each other, you get interested, you date. Wala nang paligoy-ligoy. You start from there and see if you two fit each other's lives."

"Ano ba 'yan, nakaka-turn on naman pagiging nosebleed ng isang 'to. Anong bibilhin natin di. . to."

Naunang pumasok si Kaye sa Watsons, ayaw pa nga nitong isama siya sa kung ano ang bibilhin.

Ang hirap pala talaga pigilan ang ngiti. Ginawa ni Rayne ang paborito niyang hobby ngayon: pagmasdan si Kaye na nakanguso sa harap niya. Mukhang gustong lumubog sa kahihiyan. Pero, wala, eh. Cute.

Lumapit siya kay Kaye at hinawakan ang balakang nito. Natigil doon ilang sandali. "Ang laki talaga ng balakang mo," kumento niya. "Sabi nila, hindi raw mahirap manganak kapag ganito."

"Wala naman ata akong balak manganak."

"Pero, kung hindi ikaw ang manganganak. Gusto mong magkaanak?"

"I like kids, breath of fresh air talaga sila," ani Kaye, nakangiti. "But 'yong sa sinapupunan ko? No thanks, I'm good."

"Sayang 'tong balakang mo," ani Rayne, hinihimas ang gilid ni Kaye. "Marami-raming babies kakayanin nito."

Natawa si Kaye, pinigilan ang kamay ni Rayne. "Ikaw ba, gusto mong magkaanak?"

"Parang kanina, pinag-uusapan natin 'to tapos ang bigat ng atmosphere."

Ngumisi si Kaye. "Yeah. Maybe because kanina, nagkakapaan pa tayo."

"Hala?" Kinapa ni Rayne ang balakang ni Kaye, paakyat sa baywang, sa may likod, papunta sa tiyan. "Kinakapa pa rin naman kita hanggang ngayon?"

Napangisi ito. "Gusto mo bang kapain din kita?"

Luh.

Tumawa si Kaye. "We could work something out."

"Parang kanina, problemado ka pa tapos ngayon, mag-work something out na?" natatawang ani Rayne. "Tsaka, legal pa bang pag-usapan nang ganito karaming beses sa isang araw ang anak-anak?"

"Sinong nauna?" natatawang anito. "Isa pa, I was emotional. Ngayon, okay na. . ."

"Ako naman, kaka-graduate ko pa lang talaga. As in."

"Ilang hours na nakakaraan!" Tumawa si Kaye. "Kaya hinintay ko talaga 'to."

"Graduation ko?"

"May napag-usapan tayo noon na graduate first ka muna bago relationship."

Pinanliitan ni Rayne ng mata si Kaye. "Imbento."

"Hindi, ah! Naaalala ko talaga. Napag-usapan natin 'yon last time. Tumatak sa akin kaya hindi ako super nangulit. Ang daming pwedeng araw na puntahan kita, why do you think sa graduation mo ako nagpunta?"

"Kasi busy ka?"

Biglang natawa si Kaye. "Kunwari, hindi, please?"

Natawa rin si Rayne. "Sige na, it's the thought that counts." Pabirong umirap. "Ang cheesy naman."

"Naghintay pa rin."

"Wala pang 24 hours na graduate, sunggab agad?"

"Mahirap na," ani Kaye. "Baka mawala pa."

"Buti hindi," bulong ni Rayne.

"Swerte ko."

Ngiti.

"Speaking of swerte, wala talagang connect pero anong brand ginagamit mo?" tanong ni Rayne, tiningnan ang nasa display kung saan sila nakatayo malapit. "Ito, maganda kaysa dito. Pang ilang araw mo na ba? Ngayon ba 'yan?"

"Aahh, ayoko na." Tinakpan ni Kaye ang mukha sandali. "Tutuksuhin mo na ako."

"Hala, hindi ah!"

(Pero ngiting-ngiti siya.)

"Rayne. . ."

"Bakit, Karen Jade? Natural 'yan sa ating mga babae."

Pumikit si Kaye at pinatong ang noo sa tuktok ng ulo ni Rayne. Yumakap ito sa balikat at ilang sandali, hinalikan muli ang gilid ng noo saka tumayo nang maayos, kumuha ng isa. Bago pa makaalis, hinila pabalik ni Rayne si Kaye.

"Isang pack lang bibilhin mo? Damihan mo na para may supply ka."

Tumawa na lang tuloy si Kaye. Natigil sila sa pagkuha nang may babaeng magsalita sa tabi nila, nakahawak sa isang pack, nakatitig doon.

"Ganyan na ganyan siya noon," anito. "Alam niya kung anong brand ang ginagamit ko. . ."

Napalingon sila Kaye at Rayne sa babae.

"Sasamahan din niya ako bumili ng napkin, hindi mahihiya sa sasabihin ng iba."

Nagkatinginan sila Kaye at Rayne, hawak ang mga pack ng napkin na bibilhin dapat.

"Ikaw," biglang turo ng babae kay Kaye. Noong umpisa, akala nila - baliw, pero naamoy nila ang alcohol dito. Mukhang lasing o papunta na doon. "Kayong mga lalaki kayo, sa umpisa lang kayo magaling. Tapos, iiwan niyo kaming mga babae. Hindi nga physically, pero emotionally?"

"Uhm. . ."

Hindi malaman ng dalawa kung anong dapat gawin o sabihin.

"Dy!" Lumapit ang isang babae sa babaeng kinausap sila. Napatingin ito kay Rayne, tapos kay Kaye na may hawak na napkin. "Uy, nice kuya, dalaga ka na?"

Pinigilan ni Rayne ang tawa. Sinamaan siya ng tingin ni Kaye.

"Tingnan mo 'yan, Fe, 'yang lalaking 'yan." Tinuro ulit ng babaeng tinawag na Dy si Kaye. Tapos tinuro si Rayne. "Ikaw naman, ba't mo hinahayaang maging mahina ka para sa lalaking 'yan?"

"Po?" na lang ang nasabi ni Rayne.

Tumawa ang kasama ni Dy na si Fe. "Dany-related na naman ba 'yan?"

"Dany? Naka-move on ako d'on."

"Mukhang hindi."

"Mukhang oo."

"Weh? Weh, 'di nga?" Nilingon sila ni Fe. "Mukha bang naka-move on na 'tong kaibigan kong 'to?"

Napangiti na lang ang dalawa bago unti-unting umalis habang nagtatalo ang magkaibigan kung naka-move on na ba 'yong Dy o hindi pa.

"Bakit ba lagi na lang tayong napapansin ng mga tao," ani Rayne habang hinihintay ma-punch ang mga binili nila. "Nakakaloka."

"Ganda mo kasi."

Natigil saglit 'yong babaeng nasa counter tsaka si Rayne. Napangiti si ateng nasa counter habang si Rayne, napakunot noo.

"Alam na natin 'yon, please, huwag mo na ulit-ulitin," natatawa niyang sabi, palabas na sila ng Watsons. Siya na ang nagbuhat ng plastic ng mga pinamili. "Pwera pa dun? Para tayong nag-e-emit ng aura na kausapin ng mga tao, eh."

"Baka sa tangkad mo 'yan today," nakangiting ani Kaye.

"Ba't parang ang saya mo? Gusto mong duguan paa ko, no?"

Natawa ito. "Gusto mo bang bumili ng tsinelas?"

"Ay shit, akala ko pa naman mag-offer ka na ipasuot 'yong boots mo," sabay tawa ni Rayne. "Kaye naman, magpaka-fictional ka. Masyado kang makatotohanan, eh."

"Sorry?" alinlangan nitong sabi. "Gusto mo ba ng mga ganitong boots? Pang lalaki nga lang. . . Bili tayo?"

"Hindi ko kinaya. Ang yaman." Tumawa si Rayne. "Ayos lang paa ko. Ikaw, hindi ka ba mag-CR?"

Nanlaki ang mata nito. "Rayne. . ."

"Sige na, maghintay ako."

Bumuntonghininga si Kaye. Nilapit muli ang labi sa gilid ng noo ni Rayne at ngumiti. "Sa tangkad mo ngayon. . ."

"Ano?"

"Ang bilis-bilis mong mahalikan. . ." anito sabay ngisi. "Sa noo. Parang sinakto talaga sa labi ko, oh." Pinantay pa ni Kaye ang labi sa noo niya. "Nakakatuwa."

Stun.

Kumabog ang dibdib ni Rayne pero hindi niya pinakitang para siyang sinuntok sa sinabi ni Kaye. Sasabihin sana niya ang ahh, hindi pala ayos normal height ko?! para sana maging rebuttal at joke kaso hindi siya makapagsalita.

Sa sobrang caught off guard, pinanood lang niya ang paglayo ni Kaye, tumungo sa CR. Ni hindi niya napansin kung saan ito pumasok. Sa girl's ba o boy's.

Wew.

Ang sakit ng kabog ng dibdib niya.

Inhale. Exhale.

Pagkabalik ni Kaye, saktong may tumawag sa phone ni Rayne. Mama niya.

"Pinapauwi ka na?" Nanlalaki ang mga mata ni Kaye pagkakita ng mukha ng mama ni Rayne sa screen. "Lagot ako sa magulang mo. Minus points agad. Baka patayin ako."

Ngumisi si Rayne. Pagkasagot, pinapauwi na nga talaga siya. Delikado raw ang mga kaka-graduate lang. Pagkatapos magsabi ng kung anu-anong belief ang mama niya, pinatay niya ang phone.

"Tara na, uwi na kita."

"Hala, sa inyo?!"

"Kung pwede lang."

Tumawa sila parehas, naglakad patungo sa pinag-parking-an ni Kaye ng kotse.

"Ginabi ka na. . ."

"Sanay na 'yong mga 'yon."

"Lagi ka ba talagang umuuwi ng gabi?"

"Nasanay," ani Rayne. "May kakaibang pull sa akin ang gabi at madaling araw, eh. I feel at peace ang peg ko sa dilim. Kasing itim ng budhi ko."

Tumawa si Kaye. "Kaya ang puti mo, hindi ka naaarawan."

Hinawakan ni Rayne ang braso ni Kaye. "If I know, kung hindi lang kailangan sa trabaho mo, siguradong 'di ka rin lumalabas nang may araw pa. Bampayer ka, 'di ba? Nag-sparkle ka sa sinag ng araw."

Tumawa silang dalawa.

"Double bampayer na, kinagat mo ako last time, right?" anito, ngiting-ngiti. "Rawr." bulong nito, may kasama pang pagkunot ng noo, at facial expression.

Tawanan ulit.

"And dito tayo nagkaroon ng common denominator," nangingiting ani Kaye, lumiko na sinundan ni Rayne. "Napaka meant to be talaga natin, beh."

"Meant to be talaga, beh?" natatawang ani Rayne.

"Hindi ba, beh?"

"Hmmm, paano kung hindi pala, beh?"

"Rayne naman?!"

"Nawala 'yong beh, ah," natatawang aniya.

Sumimangot si Kaye.

Pumalatak si Rayne. "Paano pala kung lalaki ang end game mo?"

Kunot-noong sumagot si Kaye, mukhang na-stress. "Nakikita mo bang lalaki ang 'end game' ko?"

"Sabi mo nga, love is love. Preference mo ang mga babae sa ngayon pero paano kung sa lalaki ka talaga tatamaan nang bongga? 'Di ba, pwede ka naman magmahal ng kahit na sino, mapa-feminine-looking o masculine-looking ka pa."

Tumitig sandali si Kaye kay Rayne.

"Lalaki ka ba? Ikaw gusto ko, mapa-femme o butch pa ako."

Tumawa si Rayne. "Yan na nga ba sinasabi ko, lalagyan mo na naman ng smooth at napaka gasgas na linyahan."

Tawanan.

"Pero seryoso, paano kung ma-in love ka sa lalaki?" Bago pa maka-react si Kaye, may dinagdag si Rayne. "Fluid ang lahat ng tao, ako ngang sa lalaki attracted, sa 'yo nagkagusto. . ."

Huminga nang malalim si Kaye. Kinuha ang kamay ni Rayne at inikot sa braso, hawak-hawak lang ito.

"Okay, siguro hindi impossible. But now, all I want is you. Magiging lalaki ka ba?"

"Hindi. . ."

"Eh, 'di, huwag natin ipilit dahil sa 'yo lang ako," nakangiti nitong ani. "Feeling ko nga mas matakot dapat ako about sa 'yo. What if ikaw ang na-in love sa lalaki dahil sobrang pwede mangyari?"

"Masasaktan ka."

Nakasimangot na tumango si Kaye. Nilapit nito ang hawak na kamay niya sa dibdib. "Masasaktan heart ko, super. As in, bonggang mashakit," pagpipilit maging babae ni Kaye, pouting.

"Sige," aniya, natatawa. "Eh, 'di, hindi ako mai-in love sa lalaki."

"Sa babae na lang?" taas-kilay na tanong ni Kaye.

"Pwede bang sa 'yo na lang?"

"Ay grabe 'yon! Yiee." Tumawa si Kaye at madiin na hinalikan ang daliri ni Rayne. "Gusto ko 'yan. Masyado mo akong pinapakilig."

"Wala akong problema dahil 'di ako attracted sa babae pero ikaw," ani Rayne. "May certain types ka sa babae. Napapatingin ka talaga sa mga babae na para kang lalaki. Legs, no? Tsaka boobs? Sa mga babae talaga?"

Biglang tumawa si Kaye. "Grabe 'yon!"

"Bakit?" Bumitaw si Rayne, nauna at hinarap si Kaye. Patalikod na naglakad, nag-iingat dahil sa suot na boots. "Hindi ba gan'on?!"

"Grabe!" natatawa pa ring anito. "Hirap umamin."

Napansin niya ang pagkagat ni Kaye ng labi, nakangisi. Napansin din niya kung paanong gumalaw ang mga mata nito, pinagmamasdan siya. Tumingin sa ibaba, dahan-dahan ang pag-akyat. Sa katahimikan naramdaman ni Rayne ang kaba. Nag-init ang pisngi. Parang nahiya siya bigla.

Tumalikod siya at umiling. "S-Sa ano, sa reaction mo pa lang, amin na amin ka na."

Natigilan siya nang may humawak sa baywang niya mula sa likod, pinisil ito kaunti. Sumabay si Kaye sa paglalakad niya. Nilingon niya ito.

"Kapag ginawa ko ba 'to. . ." Yumuko si Kaye dinampi ang labi sa mismong balat ng balikat niya, sa may collarbone, dahil sa pa-off shoulders ni inday. "Amin na amin na din ba ako?"

Napalunok si Rayne at tumingin sa ibang lugar. Nararamdaman niya ang init sa katawan dahil sa hiya. Nararamdaman din niya ang kung anong kuryente sa balikat na gusto sana niyang hawakan kaso ayaw rin niya.

"Hindi. Cheesy na cheesy," na lang ang nasabi pabalik.

Tumawa si Kaye, binuksan ang dalawang nasa taas na butones ng damit. Hinalikan siya sa tuktok ng buhok. "Gusto ko 'yan."

Nakarating sila kung saan naka-parking ang kotse ni Kaye at tumitig siya rito.

Sinong mag-aakalang makikita niya muli itong kotse? At sinong mag-aakalang makakapasok siya ulit dito, makakaupo sa shotgun seat na para bang isa itong normal na gawain, isang routine nila para umuwi?

Binuksan ni Kaye ang engine. Inayos ang rear-view mirror. At hindi mapakali si Rayne dahil ito na naman siya, napapaisip kung totoo ba ito o hindi.

"Ay, ano ba, Rayne." Nagtakip si Kaye ng mata. Nagulat pa si Rayne dahil nagpakaboses babae ito saglit. "Huwag mo akong titigan, nahihiya ako."

"Ang cute." Napangiti si Rayne, kinagat ang labi. "Bakit ako natutuwa sa girly side mo?"

"Girly side," natatawang ani Kaye, hindi pa rin pinapaandar ang kotse kahit bukas ang engine. "Minsan lang magpakita, baka hanap-hanapin mo na?"

Tumawa si Rayne. "Kaya ka ba naiilang sa mga lalaking lumalapit sa mukha mo at nakikipagtitigan sa 'yo? Dahil sa girly side mo?"

Kumunot ang noo ni Kaye. "Sinong mga lalaki?"

"Ang dami! Tingnan mo, pati lalaki, nabibighani mo. Gustong-gusto ka lapitan sa mukha."

Napaatras si Rayne nang harapin siya ni Kaye at nilapit nito ang mukha sa kanya, hinahabol siya—dalawang pulgada ang layo, pero kung mas aatras siya, makakalayo siya. Ngunit hindi siya lumayo. Hinayaan lang niya.

"Parang ganito kalapit?" anito.

"Oo, parang ganyan," sagot ni Rayne, halos mawalan ng hininga sa sobrang kaba na nararamdaman. Hindi nga lang niya pinapakita kay Kaye na sobrang siyang naaapektuhan sa lapit ng mga mukha nila. Keep it cool lang.

"Nakakailang ang ganito," ani Kaye, hindi pa rin lumalayo. "Kahit naman sa babae, naiilang din ako minsan."

"Sure ka?" Nagtaas ng kilay si Rayne. Ang hirap ng ganito kalapit kapag nagsasalita, hindi malaman kung saan titingin. "Parang last time nagpa-kiss ka nga sa pisngi sa isa mong fan, eh. Sa stage pa talaga para makita ng lahat."

Lumawak ang ngiti ni Kaye. "May nagaganap na bang selosan agad?"

"Wala," diretsong sagot ni Rayne. "Sinasabi ko lang na 'di ka naiilang."

"Syempre mas gusto ko sa babae."

Nang iaatras na nang tuluyan ni Rayne ang mukha, tatama na sa bintana, hinawakan ito ni Kaye. Hindi siya pinapayagang makalayo. Hindi pa rin natitinag ang dalawang pulgadang distansya ng mga ilong.

"Iba sa cheeks, iba rin 'yong harapan."

"Oh? Eh ba't ngayon?"

Mas malawak na ngiti. Hawak nito ang magkabilang pisngi niya. "Siguro dahil mas comfortable ako kung sa 'yo ko gagawin."

Napapikit si Rayne at yumuko nang mas ilapit pa ni Kaye ang mukha sa kanya. Halos nagtama ang mga ilong nila bago ito bumitaw at lumayo. Naupo nang maayos, sumandal at nag-seatbelt. Tumatawa.

Stunned naman si Rayne.

Hindi pa rin mawala ang pagkamangha niya habang minamaniobra ni Kaye ang kotse. Pinanood ito na para bang first timer siya makapanood ng nagda-drive, front row seat.

In love na ba siya?

'Di, masyado pang maaga.

But gods, she's helplessly hopeless because of Kaye.

Fangirl na hindi mapakali sa inuupuan, hindi pa nakakatulong na dalawang butones ang nakabukas ng pantaas nito. May kakaiba ring pull talaga ang disenyo nitong malalaking bulaklak na itim sa puting tela. Nasisilip tuloy ni Rayne ang collarbone ni Kaye.

Ang lakas maka-gwapo, dyusko.

Lalo na nang ngumisi ito nang magtama ang paningin nila. Ang sakit sa puso kiligin every other second, nakakaloka.

"Hindi rin ako sexual, I guess dahil sa upbringing sa family," anito. "Close Christian. Kaya hindi ako sanay sa gan'on."

"Ha? Saan?"

Tiningnan siya ni Kaye nang nagtataka. "Nawala ka agad sa usapan?"

"Sorry, ano ulit?"

Pinindot ni Kaye ng hintuturo ang noo ni Rayne. "Antok ka na."

"Hindi!" Tumawa si Rayne. "Nawala lang ako sa usapan."

"The reason kaya ako naiilang."

"Ah, kaya hindi ka into sexual act?"

Napapikit si Kaye at ngumiti na parang ngiwi. "Yeah."

"Pero naisip mo na ba?"

"Ang alin?"

"Ewan ko, uhm, do things?"

Tumawa si Kaye sa pagkailang. Babawiin na nga sana ni Rayne ang tanong pero sumagot ito.

"Sexually?"

Si Rayne naman ang tumawa sa pagkailang.

(Grabe, ang ganda-ganda ng awkward topic nila!)

"Ano ba naman 'tong pinag-uusapan natin, may iba nang pupuntahan."

"Ikaw, eh," natatawang tugon ni Kaye, patuloy sa pagda-drive. "But yes, of course. Sino bang hindi nakakaisip ng mga gan'on?"

Katahimikan.

Napatingin si Rayne sa labas ng bintana at sa dire-diretso nilang byahe. Napalingon siya kay Kaye na binuksan ang stereo, nagpatugtog. Mukhang pati ito, naramdamang kailangan na ibahin ang topic.

Nakatingin pa rin sa labas ng bintana nang basagin ni Rayne ang katahimikan nilang dalawa. "May nagtanong sa akin, paano raw kung may makilala akong kaparehas mo," aniya. "Ma-a-attract daw ba ako sa taong 'yon."

"Ay, grabe. Sa tagal nating 'di nagkita, andami mo nang nakausap about sa akin?"

"Uh. . ."

"Rayne talaga, oh," anito, nakangisi. "Kaya pala lagi akong natatalisod at nakakagat 'yong tongue ko pati hindi makatulog masyado. Lagi mo pala akong iniisip."

"Ang saya mo naman."

Tumawa si Kaye. "It just feels nice na parehas lang pala tayo."

"Hala, iniisip mo rin sarili mo?" Nanlaki ang mata ni Rayne. "Ang conceited!"

Nagtawanan sila.

"Sa question ng friend mo, I'm interested to know the answer. Ma-a-attract ka nga ba sa iba na tulad ko?"

Katahimikan saglit.

"Iniisip ko, hindi naman dahil sa matangkad ka lang o lesbian lang o magaling lang kumanta o malamig na boses. Hindi lang dahil maganda ngiti o makulit na personality o malinis tingnan o mukhang lalaki," ani Rayne, diretso ang tingin sa kalsada. "Ang daming gan'on sa Pilipinas, ang dami kong kilalang tao na may characteristics na ganyan. Mga tunay na lalaki pa nga, eh."

"Yeah. . ."

"Pilipinas pa lang 'yan, paano pa kaya sa buong mundo? Parang kambal lang. Kung mahal mo ba 'yong isa sa kambal, mamahalin mo rin ba 'yong isa romantically? Kahit magkamukha sila o same interest?" tanong ni Rayne para sa sarili. "Ewan, parang. . .wala naman akong ibang maisip kundi ikaw lang."

"Grabe, bumabanat ka ba?"

"Ha? Hindi!" Tumawa si Rayne. "Seryoso, walang halong banat. Nasa realization stage ako, kailangan seryoso."

Seryoso, ngunit nagtawanan sila pagkatapos.

"I'm a person of complicated thoughts," ani Kaye sa katahimikan matapos ng isang kanta sa stereo. "Matapos ng mga nangyari sa akin last time, I was thinking na ang need ko ay taong love ako nang sobra para intindihin ako at mag-stay no matter what, 'yong hindi kayang wala ako."

Lumingon si Rayne. "Ang bigat naman n'yan. Pumasa ba talaga ako sa screening?"

"Hindi nga, eh." Ngumiti si Kaye. "Ang laking sugal ko talaga sa 'yo. Hindi ko malaman kung anong naisip mo, kung ano talagang nararamdaman mo. And, kahit naghahanap ako ng partner - gusto ko ring single ako. Nakakapagod magkaroon ng relasyon. Iisipin 'yong mga away, 'yong tampuha, sakit sa ulo. Then ikaw. . ." Lumingon ito. "Napag-isip-isip kong okay lang," anito. Napatingin si Rayne sa kamay niyang hinawakan ni Kaye. Mahigpit. "Worth it masaktan para sa 'yo."

"Masaktan agad? Akala ko ba huwag nega?"

Tumawa si Kaye. "Yeah, sorry. PMS speaking."

"Ayos lang," ani Rayne. Nilapit niya ang hawak na kamay ni Kaye sa labi at magaan itong hinalikan. "I feel you. Pero 'di ngayon, siguro next time pag nag-sync na tayo."

Tumawa si Rayne pero nagtaka rin nang itabi ni Kaye ang kotse sa gilid ng EDSA. Pinindot nito ang standby button.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Wait lang." Hinimas nito ang buto sa dibdib. "Ang sakit ng puso ko."

"Hala! Bakit?" biglang panic ni Rayne. Tumitig siya kay Kaye. "May sakit ka ba sa puso? Sabihin mo na ngayon pa lang. Tatawagan ko ba 'yong manager mo? Kailangan mo bang magpa-ospital? Hindi mo na ba kayang mag-drive? Karen Jade Cal, hindi ko alam paano mag-drive—"

"No, no." Natatawa si Kaye. "Ang overwhelming lang ng feeling, I need to calm down."

"Ha?"

Ngumisi si Kaye. "Siguro 'wag mong gagawin 'yon habang nagda-drive ako? Baka maaksidente tayo, eh."

"Ang alin?" pagtataka ni Rayne. Hinalikan niya muli ang kamay ni Kaye. "Ito?"

Napapikit si Kaye at mukhang gusto nang umiyak. O manapak.

Tumawa si Rayne, binitawan ang kamay ni Kaye. "Hindi ko sadya."

"Really, hindi sadya." Tumawa din si Kaye. "Kakalma lang ako, okay lang? Sorry."

Gusto na lang mahiga ni Rayne at mapayapang matulog. Masyado nang nagiging maganda ang reyalidad niya na baka kailangan na niyang managinip nang masama para naman pantay lang ang feelings.

Graduation lang naman ang dapat na ganap.

Bakit biglang ganito ang plot twist ng araw niya?

May nagawa ba akong mabuti, Lord?

O baka may mangyayaring sobrang sama coming very soon in theaters nationwide? (Dyusko. Huwag naman sana, please.)

Masyado lang kasing masaya. . . na parang may mali na.

Makalipas ng isang minuto ay balik na ulit sila sa kalsada. Hindi na nag-attempt ang dalawa hawakan ang kamay ng isa't isa para drive safely first ang peg.

Hindi nila malaman kung masaya bang walang traffic o malungkot na walang traffic sa edsa. Bakit laging ganito kapag magkasama sila?

(Ano ba EDSA, ayaw makisama?!)

"Mahirap ba mag-come out?"

"Hm?"

"Mag-come out."

"Depends," ani Kaye. "Sa magka-come out, kung kanino magka-come out, the reaction after the coming out. Pinaka mahirap is the overthinking before doing it. Nakakapagod naman 'yong paulit-ulit mong gagawin dahil you continuously do it."

"Dahil?"

"Dahil hindi lahat ng magka-come out ay obvious?" sagot nito. "Lesbians can be femmes, remember? As girly as they can get but they still like girls. Sa butch na tulad ko, kahit soft, madali - dahil we are somewhat physically masculine. Minsan, kailangan ko pa i-explain na lesbian ako and not a guy. May mga kilala akong femmes na nahihirapan. And minsan kahit sabihin nila, hindi pa rin naniniwala, saying it's a phase."

"Laging gan'on, no? Sinasabing phase? Binabalewala."

"Yeah, maybe it is a phase for a few but most of the time, hindi. They just really like looking feminine."

"Napaisip tuloy ako. . ."

"Ano?"

"Kaya ba nagpagupit 'yong kaibigan ko noon para hindi siya mahirapan mag-come out? Magpapaka-butch siya para isang tingin na lang. . ."

"Can be," ani Kaye. "Or she's just comfortable with short hair; a preferred style. Wala sa physical attribute ang feelings ng kahit na sino. When you're in love, you're just that. In love."

"Pero ba't 'di siya nag-come out sa akin kung. . . in love siya?" tanong ni Rayne. "Hinayaan lang niya akong maguluhan. Kahit nafi-feel ko na may something, hirap pa ring mag-assume kasi parang ija-judge ko siya. . ."

Tinuro ni Rayne ang pagliko sa kalsada. Malapit na sila sa uuwian.

"Ah, that's the thing, Rayne," ani Kaye. Nilingon siya saglit. "Ang pinaka mahirap na pag-come out ay 'yong accept mo ang sarili but magkakaroon ng doubt once you see other's reactions. Especially to the person. The coming out and the confession. Double kill. You're her the person kaya siguro hindi niya sinasabi or maybe because you're. . .straight."

Napasimangot muli si Rayne. Pinagmasdan niya ang pagda-drive ni Kaye, ang pagkintab ng mga mata lalo na kapag natatamaan ng ilaw mula sa labas. Kung paano nito hawiin ang buhok patalikod, saka idadantay ang kamay sa hita. Ida-drums doon, hindi mapakali, hanggang sa hawakan nito ang hintuturo niya, hanggang doon lang - na para bang gusto lang nitong malapit sa kanya kahit hintuturo.

Ilang beses tinanong ni Rayne ang bakit ikaw sa isip pero walang sumasagot pabalik. Alam din niyang baka kahit si Kaye, hindi rin alam ang sagot.

"Kailangan ko na rin bang mag come out?"

Napalingon sa kanya si Kaye. "Come out?"

"Oo."

"Bakit mo naman naisip 'yan?"

"Ewan. Hindi ba dapat? Kasi. . . 'di ba, ugh, naguguluhan ako."

"Do you feel you need to come out?"

"Hindi ko sure."

"Napag-usapan na natin ito, right? Labels are just labels?"

"Eh. . ."

"Ano namang ika-come out mo?"

"Na gusto kita?"

Bumagal ang andar nila, ang hawak nitong hintuturo niya ay naging buo. Hands intertwined. "Dahan-dahan lang. Nagda-drive ako," may pilya itong ngiti. "Hindi naman come out 'yon. Mas relationship status ang dating."

Tumawa si Rayne. "Hindi ako magka-come out?"

"Sabi mo naman hindi ka attracted sa babae like how lesbians are?"

"Oo nga, sa 'yo lang."

"Rayne. . ." warning ni Kaye.

"Ano? Ice-censor ko ba kapag sinasabi kong gusto kita?"

Tumawa si Kaye. Hindi napigilan abutin ang pisngi ni Rayne at magaan na kumurot. Hinimas din pagkatapos. "Siguro iwasan mo lang masyado kapag nagda-drive ako."

"Eh!"

"You're adorable, alam mo ba 'yon?"

"Uwaa, uwaa?"

"Huh?"

"Adorable, eh. Baby."

Kumunot noo ni Kaye. "Ayaw mo ng beh?"

"Ano?" Naguluhan na pati si Rayne.

Nasasayang 'yong joke niya, ano ba 'yan.

Binagalan ni Kaye ang pagda-drive, isa ay dahil malapit na talaga sila at pangalawa, inilapit nito ang mukha kay Rayne, sa may tainga.

Bumulong ito ng, "Baby, bakit ang gulo mo?"

Biglang tumawa si Rayne, tumaas ang balahibo sa malalim na boses ni Kaye. "Hindi ko alam kung kinilabutan ako sa kilig o sa kilabot. Please, huli mo na 'yan."

Nagtawanan sila habang papasok sa kanto ng tinitirahan nila Rayne. At habang umaandar, may kakaiba na namang pakiramdam. Tulad ng dati, may kaunting. . .katahimikan.

Nang makarating sila sa  kung saan pinark ni Kaye ang kotse noong huli silang nagkita, may mutual understanding silang hindi muna uuwi. Wala pang uuwi. Nakaupo si Rayne sa harap ng kotse habang nakasandal sa hood si Kaye sa tabi niya, nakabukas ang stereo, parehas na nakatingala sa langit. Nakikinig ng kanta.

"May knock-knock joke ako sa 'yo," ani Kaye.

"Ano?"

Tumingin sa kanya si Kaye nang malawak ang ngiti. "Knock-knock."

"Walang pinto."

"Rayne!"

"Kaye!"

"Knock-knock!"

"Wala ngang pinto."

"Rayne. . ." Sumimangot si Kaye. Hinarap nito ang buong sarili kay Rayne, kinulong siya gamit ang mga braso. Pinatong ang dalawang kamay sa magkabilang gilid. "Please?"

"Fine."

"Knock-knock."

"Oh, Kaye, ikaw pala! Pasok!"

"Ah, Rayne naman, eh!" Tinulak-tulak ni Kaye si Rayne sa balikat gamit ang bunbunan. "Ayos na, please."

Tumawa si Rayne, inayos si Kaye sa pagtayo sa harap niya. Hinatak niya ito gamit ang paa, kinulong palapit. "Sige na, last na."

"Knock-knock."

"Who's there?"

Ngumiti si Kaye pagkasabi ng, "Ulan."

Nang magbabadya si Rayne na ibahin ang linya, sinamaan siya ng tingin ni Kaye kaya minabuti niyang sumunod na lang. "Ulan who?"

Tumikhim si Kaye. Nagsimulang kumanta, nakangiti. "Ang aking damdamin pinaglalaruan ng baliw at ng, ulaaaan. At sinong 'di mapapasayaw ng ulaaaann. At sinong 'di mababaliw sa ulan."

Tumitig si Rayne kay Kaye, hinawakan ang pisngi at nilamutak 'yon. "Napaka obvious naman ng knock-knock. 'Di man lang maging creative."

"Ang tagal kong inisip 'yang kantang 'yan, ah. The most fitting song."

"Ang korni mo."

"The cornier, the better?"

Ngumiwi si Rayne.

Tumawa si Kaye.

Ipinatong ni Kaye ang noo sa balikat ni Rayne at nanatiling ganito nang ilang segundo. Bumibigat nga ito na feeling ni Rayne, nakatulog na ata si Kaye. Pero imposible naman dahil nakatayo ito.

Gustong-gusto niya hawakan ito. Mapalapit. Ma-feel. Na kahit hibla ata ng buhok ni Kaye, papatusin niyang hawakan para lang hindi malayo rito. Na ginawa nga niya, walang paalam na hinawakan niya ang ulo nito

(At dito na nagsisimula ang symptoms ng pagiging passionate lover  niya ayon sa zodiac sign.)

"Kailan ka uuwi ng Pinas?" tanong niya.

Tahimik. Hindi muna sumagot.

"Next month. Sana. Or before Christmas season."

"Uuwi ka sa Davao?"

"Siguro. Sama ka?"

"Baliw. Hindi ka pa sure?" tanong ni Rayne, tinapik-tapik ang buhok ni Kaye. "Bukas—err—mamaya alis mo, 'di ba?"

"Sama ka?"

Natawa si Rayne. Puro 'sama ka' ang sinasabi ni Kaye. Ang clingy na ewan. Cute.

"Hatid na lang kita sa airport."

"Huwag."

Kumunot noo ni Rayne. Ang tapik ay naging pagsuklay sa buhok nito gamit ang mga daliri. Mas bumigat ang pagpatong ni Kaye sa noo nito sa balikat ni Rayne. "Bakit naman huwag? Ayaw mo ba?"

"Baka hindi ako makaalis kapag nakita kita mamaya."

"Mas ayos nga 'yon."

"Ay, grabe 'yon, sabotage talaga," natatawang ani Kaye. "Marupok ako pero dream ko rin 'yon."

"Akala ko ba love first before career?"

"Gusto mo ba?" Inihilig nito ang ulo, hinarap ang mukha kay Rayne, nakapatong ang gilid ng ulo sa balikat ni Rayne. Napaiwas siya saglit dahil nakiliti sa buhok ni Kaye. Ramdam ang init ng hininga nito sa leeg.

Sa kaba, itinigil ni Rayne ang pagsuklay sa buhok ni Kaye ngunit hinawakan nito ang kamay niya. Nakiusap na huwag itigil. Sumunod siya, sinuklay niyang muli ito.

"You do your thing there, I'll do mine here," ani Rayne. "English 'yan para sosyal."

Ngumisi si Kaye. "Wala pala 'to. Binabawi na lang basta-basta."

"Baliw ka, Kaye."

"Sa 'yo?"

Natawa si Rayne. "Alam mo, 2006 ko pa ata narinig 'yan. Grade school pa ako. Napakaluma na."

"Kinikilig ka naman. See."

"Galing kasi sa 'yo?"

"Ay." Ngumiti si Kaye. "Grabe 'yon. Walang pa-warning."

Nagtawanan sila. Wala pa ring kumikilos sa pag-alis. Walang may gustong matapos.

"Inaantok ako," ani Kaye, pagbasag sa katahimikan. "Ang sarap ng pagsuklay mo."

"Tulog ka."

"Pagkagising ko ba, andyan ka pa rin?"

"Wala na. Iiwan kitang natutulog dito sa kalsada."

"Grabe 'yon, feel na feel ko ang love!"

Tawanan muli.

"Hintayin mo ba ako sa pagbalik ko?"

"Hindi."

"Ouch." Ang mga kamay ni Kaye na kanina lang ay nakapatong sa kotse sa tigkabilang gilid ni Rayne, ay napunta na baywang niya. "'Di nga?"

"May magagawa pa ba ako?" Tumawa si Rayne, ramdam ang init ng palad ni Kaye. "Magpapaka-ermitanya ako sa bahay pagkatapos nito kaya kung saan mo ako iniwan, doon mo rin ako mababalikan. Hindi dahil hinihintay talaga kita, ah, huwag feeling. Tamad lang akong umalis."

Tumawa si Kaye, niyakap na nang tuluyan si Rayne. "Hindi kita iiwan. Mag-stay sa 'yo 'yong heart ko."

"Alam mo, Kaye," ani Rayne, tinigil ang pagsuklay. Kinalas ang braso ni Kaye na nakaakap sa kanya. Bumaba sa pagkakaupo sa harap ng kotse. "Tama na. Ang korni na natin, hindi na nakakatuwa. Hatid mo na ako para 'di ka badshot sa pamilya ko."

Tumawa sila.

Noong huli nilang paglakad palapit sa apartment nila Rayne, hirap na hirap sila. Hindi alam kung anong susunod na gagawin o sasabihin. Ayaw munang matapos ang araw ngunit kailangan.

Ngayon, isang salita ang makakapaglarawan ng nararamdaman nilang dalawa para sa isa't isa.

Malaya.

Magkatapat silang tumigil sa labas ng apartment, ilang ulit nang nagpaalam at sinabi ang bye pero hindi pa rin umaalis sa kanya-kanyang pwesto.

"Wait," ani Kaye. "Pwedeng pa-CR?"

"Sa loob?" tanong ni Rayne. Nakasara na ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Tulog na ang lahat. "Huwag lang siguro masyadong maingay kasi natutulog si papa sa sofa?"

Pumasok sila sa maliit na bahay ni Rayne, halos ilang hakbang lang ni Kaye ay nasa CR na ito, nadaanan ang humihilik na papa ni Rayne.

Habang hinihintay si Kaye, tumitig si Rayne sa salamin na nasa tapat niya. Habang naririnig na may tao sa loob, napapaisip siya na kung ikukwento niyang nasa loob ng maliit na bahay nila, nakiki-CR, ang idol niyang si Kaye Cal - ang laki ng chance na umiling ang kanyang mga kaibigan at tapikin siya sa balikat, isiping nagde-delisyon.

Feeling nga talaganiya nagde-delisyon siya. . . kaso hindi.

Bumukas ang pintuan ng CR at tumambad si Kaye.

Ayan ang patunay na hindi.

"Pa-CR din ako, wait," ani Rayne.

Pagkatapos niya mag-CR, pagkabukas, nagulat siya nang nakatayo lang si Kaye sa harap niya. Nakangisi. Lalabas sana siya ngunit nakaharang si Kaye.

Nagtaas siya ng kilay.

Hanggang sa nagulat siya nang hawakan siya nito sa balikat, tinulak papasok ng CR. Napasandal na siya sa pader. At ang pumasok lang sa isip niya ay paulit-ulit na what the fuck what the fuck what the fuck.

"Kaye!" Nanlalaki ang mata niya.

Pilyang ngumiti si Kaye. Yumuko kaunti para magpantay ang paningin. "Naaalala mo 'to?"

"Ang alin?" May panic pa rin sa boses niya. "Ang dapat maalala?"

"Ganito tayo kalapit sa loob ng CR noong na-stuck tayo sa Le Chandelle."

"Parang. . .parang hindi naman ganito kalapit 'yon."

"Talaga?" Kumunot noo ito. "Akala ko ganito kalapit."

Halos isang paa lang ang layo nila sa isa't isa, paanong. . . (Dyusko.)

"Marie?"

Nagulat si Rayne. Boses ng mama niya mula sa itaas. Mahina niyang tinulak si Kaye para lumayo, nanlalaki ang mata niyang nakatingin kay Kaye.

"Ikaw ba 'yan? Nasa CR ka?"

Tahimik si Rayne. Hindi nagsasalita.

"Hindi mo pa sinara 'yong pinto sa labas? Ano ba naman 'yan."

Naririnig niya ang yabag ng mama niya pababa!

Agad lumabas si Rayne ng CR at nagpakita sa mama niya, pinigilan niyang bumaba ito. "Ako na, ako nang magsasar—"

"Magadang gabi po. Hinatid ko lang po si Rayne, si Kaye po ito."

Napanganga si Rayne pagkarinig ng boses ni Kaye sa likuran niya. Hindi niya masyadong makita ang facial expression ng mama niya ngunit alam niya sa sariling shookt ito tulad niya. Nilingon niya si Kaye, lumabas ito sa CR. . .kung saan kalalabas lang din niya. . .at nakita 'yon ng mama niya.

Wow.

Nagkaroon ng pormal na pagpapaalam bago umakyat muli ang mama niya para matulog. Pagkalabas nila ng bahay, mahinang sinuntok ni Rayne si Kaye sa braso.

"Ano 'yon? Bakit ka nagpakita? Galing tayo parehas sa CR. Anong iisipin ni Mama?"

"Mas grabe pa nga 'yong ginawa mo sa CR ng SMX kanina." Tumawa si Kaye. Nag-init ang pisngi ni Rayne sa kahihiyan - mukhang walang balak kalimutan ni Kaye 'yon. "I'll explain na walang nangyari and if ever man, I'll be responsible?"

"Baliw!"

"Sa 'yo?"

Napangiwi si Rayne na natatawa. "Cue horror na talaga sa pagiging cliche mo."

Nagtawanan.

Siniko ni Rayne si Kaye dahil sa ginawa nitong stunt sa harap ng mama niya. Ngayon pa lang, nafi-feel na niyang baka may sabihin ang mama niya sa kanya. Pwede ring wala, pero. . . hay nako, Karen Jade Dimol Cal talaga.

"Anong mayroon sa atin ngayon?" lakas loob na tanong ni Rayne.

Nanlaki ang mata ni Kaye."Hindi pa ba tayo?"

"Hala. Kailan pa?"

"Grabe, ito na naman tayo," ani Kaye, natatawa.

"Napaka gandang pangitain nito."Tumawa rin si Rayne. "Pagbalik mo na lang siguro. . ."

"Ha?" Natigilan si Kaye. "Bakit pa hindi ngayon?"

"Para hindi mag-effort, para hindi ka ma-strain sa mga gagawin mo sa ibang bansa."

"Ma-strain? Ano bang gagawin ko sa ibang bansa? Linis lang ng record then tulog then record ulit."

"Mambabae ka d'on, ayos lang. Maraming blonde."

"Rayne. . ."

"Joke lang. Basta, pag-uwi mo."

"Baka dumiretso ako n'on sa Davao, eh. . ."

"Eh 'di pag-uwi mo sa Manila."

"Next year pa. . ."

"Ayan, more time para mag-isip kung sigurado ka na ba dito."

Sumimangot si Kaye. "Hindi pa rin ba sure? Rayne?"

"Bumalik muna tayo sa buhay natin. . ."

"Hindi ba pwedeng buhay ng isa't isa? Magkasama na?"

"Kaka-graduate ko lang, magsasama na agad?!"

"Hindi gan'on ang meant ko!" Tumawa si Kaye. "But gusto ko 'yang suggestion mo."

"Sira!" Tumawa si Rayne. "Baka gusto mong ipa-ban ka ng mama ko dito sa Valenzuela. Alis ka na, baka abutin ka pa ng umaga dito."

"It's midnight already."

"Kaya nga, alis ka na. Ba-bye."

Tahimik. Bulong. "Bye."

"Ba-bye."

"Bye."

"Bye na nga," natatawang ani Rayne. "Hindi tayo matatapos ulit dito."

"Paabutin natin mag-umaga."

"Sira, bye na." Mahinang tinutulak ni Rayne si Kaye para pumunta na sa pinag-parking-an ng kotse. "Alis ka na."

"Rayne?"

"Hmm?"

Sumimangot si Kaye. "Rayne."

Ngumisi si Rayne. "Kaye."

"Rayne. . ."

"Kaye. . ."

Titigan.

"Rayne?"

"Kaye?"

Hinawakan ni Kaye ang pisngi niya bago ito bumuntong hininga, kumurap at tumalikod. Kahit  parang may humawak sa puso ni Rayne para patigilin ang pagtibok, pinanood niya ang likod ni Kaye. Naglalakad palayo sa kanya, nakapamulsa, nagkamot ng batok, palayo. . .palayo.

Imbis na pumasok sa bahay, naupo si Rayne sa hagdanan sa labas. Para mag-isip? Magnilay-nilay? I-absorb ang lahat ng nangyari? Pwede ring para ipahinga ang paa niya. May kaba sa dibdib pero dahil saan? Sa tuwa? Sa takot?

Napa-angat siya ng tingin nang makita si Kaye, bumalik sa harap niya. Nakangiti.

"Ba't bumalik ka?"

Umupo sa tabi niya si Kaye, kinuha ang kamay niya at hinawakan. Pinatong ang ulo sa balikat na kahit ilang ulit gawin ay hindi siya masanay-sanay. Nakikiliti rin siya. "Parang 'di ko pa ata kaya umalis," anito. Tahimik. "Sama ka sa akin."

"Sa kotse? Pagda-drive pa ba kita? GTA na ba 'to?"

"Sa ibang bansa."

Tumawa si Rayne. "Gusto mo ba?"

"Yes. . ."

"Hindi lahat ng gusto natin, kailangan mangyari."

Umupo nang maayos si Kaye at pumalumbaba, nakapatong ang siko sa tuhod, nakaharap sa kanya. Pinagmamasdan siya.

"Hindi ka talaga makakauwi kung ganyan ginagawa mo," ani Rayne.

"Kaya nga, gusto ko ganito lang tayo," anito. "Diretso na lang ako bukas sa airport."

"Hindi pwede~"

Itinayo ni Rayne si Kaye at hinila para maglakad patungo sa gilid ng sasakyan. Nagpahirapan pa sila sa hilahan, na minsan ay niyayakap pa siya ni Kaye para hindi makalakad. Si Rayne pa ang nagbukas ng pintuan ng kotse pero ayaw pumasok ni Kaye. Nag-bukas sara pa sila ng kotse hanggang sa ni-lock na ni Kaye ang kotse para hindi na mabuksan ang pinto.

"Kaye, uwi na."

HInawakan ni Kaye ang baywang ni Rayne. "Nakauwi na ako sa' yo."

Biglang tumawa si Rayne. "Kailangan mo na talagang itulog 'yan, ang korni na talaga. Hindi ko na kinakaya. Enough kakornihan for the day."

Sumimangot si Kaye. Kinabahan si Rayne nang ipatong nito ang noo sa kanya, tumatama ang ilong niya rito. Napalunok siya nang ilang beses. Walang gumagalaw. Walang kumikilos.

Pumikit siya at pinakiramdaman si Kaye. Ang lapit nito sa kanya. Ang lapit nila sa isa't isa. Ang tungki ng ilong nitong dahan-dahan ang taas-baba sa kanya. Ang kaninang hawak lang sa baywang ay unti-unting naging yakap. Hanggang sa humigpit, inilayo ang noo sa kanya at hinalikan siya noo.

Hinayaan niya, kahit mahirapan siyang huminga, ayos lang. Dahil feeling niya kapag kumalas sila sa yakapan ay mawawalan siya ng hininga.

Nang kumalas sila sa isa't isa, hindi naman siya nawalan ng hangin. (OA lang niya 'yon.) Ngunit gusto niyang umiyak. (Hindi na ito OA, pramis!) Hindi sa lungkot, alam niyang magkikita pa sila. Maalala rin niya lagi si Kaye dahil sa anklet na binigay nito. Gusto lang niyang umiyak sa dami ng nangyari – sa mga nasabi – sa mga naklaro at sa nangyayari. At sa mga kakornihan nilang dalawa. Naghalo-halo na ang lahat na ang pagluha na lang ang gusto niyang gawin.

Tulad niya, kahit nakangiti, nangingintab din ang mga mata ni Kaye. Nagbabadya ang mga luha.

Kanina, okay na siya, eh. Ba-bye na nga, eh.

Kaso ayan, nag-moment pa.

Ayaw na rin tuloy niyang umalis si Kaye.

Pwede bang maging selfish? Kapag ba sinabi niyang huwag ka nang umalis, hindi na nga talaga aalis si Kaye? Kapag sinabi ba niyang ganito lang sila hanggang bukas, hanggang bukas nga ba silang ganito?

Gusto niyang subukan pero. . .makakaya ba niyang isipin ang para sa sarili lang? Kaya ba niyang mabuhay sa consequences sa pagiging selfish?

Ang hirap pala ng sabay na nalulunod. Kailangan sagipin ang isa't isa. . .dapat sagipin ang isa't isa, kahit gusto na lang ay malunod.

Pinatong ni Rayne ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ni Kaye saka ngumiti, tumitig sa mga mata. Isang buwan lang naman. Next year, sa unang gig pa lang ni Kaye ng taon, pupunta siya agad para magkita sila.

Nami-miss na kahit hindi pa umaalis? Buntonghininga.

On the bright side of everything, patuloy siyang magpa-fangirl kay Kaye Cal sa social media nito. Lowkey pa rin dahil ayaw naman niyang sobrang magpapansin. Pakikinggan pa rin ang pagkanta nito kahit iba na ang nararamdaman.

Para sa huling paalam, binalak niyang halikan ang pisngi ni Kaye ngunit napaiwas nang gumalaw si Kaye. Nagkagulatan sila. At para bang natakot si Rayne sa halos pagdikit kaya muntikan siyang ma-out of balance sa pag-iwas.

Halos sumabog ang puso. Muntik na niyang mahalikan ang gilid ng labi ni Kaye!

"S-Sorry!" aniya.

Bibitaw dapat si Rayne sa balikat ni Kaye ngunit hinatak siya nito sa braso para mas magkalapit pa sila sa isa't isa.

"Sorry para saan?" anito.

Hinawakan ni Kaye ang pisngi niya, hinimas saglit at ngumiti. Lumapit ito lalo sa kanya; ang mukha, ang mata, ang puso at sinubukang ituloy ang kanina pa nito gusto gawin kay Rayne.

.

.


END OF LS4N1 WATTPAD

  

Hi. Musta? 

Few questions! How is the LS4N1? *winks

Musta po ang buong part 3 ng LS4N1? Enjoy ba ang buong araw na magkasama sila? Sang-ayon ka ba sa mga nangyari sa kanila sa buong part 3? Anong favorite mong ganap / scenes / lines sa part 3 at bakit?

From part 1 to part 3 - ano ang mga nagustuhan mo at bakit?

What struck you the most?

Naging maayos ba ang tawid ng plot from part 2 to part 3? Nabilisan? Nabagalan? Tamang-tama lang at right on the feels? Kulang? Sobra? Sakto? Musta po ang chemistry ng dalawang bida sa last part? Maayos ba ang mga linyahan nila? Nag-off character o silang-sila pa rin til the end?

Para sa mga nagbasa nang on-going, musta po ang experience of waiting and reading as the story updates? Para sa mga nag-binge read at dine-diretso ang pagbabasa, musta po ang experience of reading the whole thing in one go? Para sa mga nagre-read ulit for a few times, musta po ang experience sa pagre-read? Same feels pa rin ba? May pagbabago sa feels? Kwento po. Hihi.

Para sa mga binasa ang kwento dahil ako ang nagsulat at no idea kung sino si Kaye Cal, did you enjoy it? Nagustuhan niyo ba si Kaye sa kwento? Napamahal ba kayo sa kanya? Maayos ba ang characterization ni Rayne sa kwento?

Para sa mga binasa ang kwento dahil kay Kaye Cal at no idea kung sino si Rayne, did you enjoy it? Nagustuhan niyo ba si Rayne sa kwento? Napamahal ba kayo sa kanya? Nakikita niyo ba si Kaye Cal sa buong kwento as her?

Para sa mga binasa ang kwento dahil gxg (o kung ano pang ibang dahilan) pero no idea kay Kaye at Rayne, okay po ba ang overall gxg experience? Nanuot ba ang dalawang bida sa puso? (haha!)

Para sa mga silent readers, this is your chance to comment if you want to pour your heart out po.

Kung may tanong kayo sa akin about sa story, kindly in line comment here and ask. I'll try to answer the faqs on the next page.

For overall comments, sa characters, lines, scenes, chapters, parts and favorites - don't hesitate to comment away! Pwede rin naman ang critic pero hinay lang, ah. Baka masaktan ako. . . haha char.


Wala na pong kasunod na update.
Ito na po talaga ang ending sa wattpad.


READ NEXT PAGE IF INTERESTED TO THE FF:

● About LS4N1 self-published book & novel project

● 2018 book launch

● LS4N1 first sample draft book giveaway mechanics

● A quick story time about this story

● LS4N1 quick question and answer portion (frequently asked questions - answered!)

● How to avail LS4N1 shirt(s)para pare-parehas tayo sa book launch! char.

● Last author's note

No term nor trivia in this chapter instead. . .

● Do you have any LGBTQ+ related questions? Do you know the answers to the questions of your co-reader? Do you want to clarify something? Expound more? Explain and clarify? Inform everyone? A realization or some random thoughts? In line comment here to share and discuss the LGBTQ+ community with fellow readers. Post trivias, new learnings or maybe an experience or two. Share articles, youtube accounts or videos which discuss the  topic or maybe in line comment PH / World news about the community. Also, recommendation of good LGBTQ+ books, movies, series, songs, artworks, idols and iconic names will be highly appreciated.

Let's all learn something from each other! It'll be fun. Thank you! ♥


Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: [email protected]

⚢ random gif of the chapter ⚢

⚢ random photo of the chapter ⚢


Featured #LS4N1 tweet(s):

:D


Featured #LS4N1 wattpad comment:

haha.


Featured #LS4N1 facebook comment:

amazed by being keen to details and resourcefulness! haha!


Featured #LS4N1 edit: Mary Rose Alejandro | facebook


Featured #LS4N1 calligraphy: ‎Lhen Almirante | facebook


Featured #LS4N1 artwork: @jewelmilagrosa_ | twitter

chapter 10 of part 1 and now we're here. awww ♥


Featured #LS4N1 original song: Moriah Cher | facebook

https://youtu.be/d_KFF_JGqq0

yes, Moriah Cher, really did wrote a song for LS4N1 called "Agwat" and posted it on SNP group which #shookt SNP pips. haha! This video is compiled by Melanie Ibo Cruz | facebook and the photo manips used are all over the twitter hashtag #LS4N1 made by awesome readers and brgy beh. Marami ring videos na ginawa but unfortunately, I can't feature it all here because wattpad only accepts youtube url. The video from Melanie was uploaded in YT.

Don't fret! You can go to the official hashtag #LS4N1 in twitter and be amazed by the videos, manipulations, edits, artworks, even poems and stuff just for the story na nakaka-touch talaga kasama na ang spoilers. Harhar.

Another song was composed for LS4N1 by Mitzi Cruz, uploaded din sa SNP group. :)


⚢ random Kaye Cal photosssssssss of the last wattpad chapter cos wala lang hihi ⚢

sorry, Kaye.

Sorry, Kaye!!!!!

sorrryyy naaaaa!!!

hindi ko sadyaaaa huhu???

hindi naman niya to makikita, so. . .

hihi. ♥

in her natural habitat. :D

in her natural smile. :D

in her—gaahhh really had me at this one haist    ♥ ^ ♥

in her. . .uh. . . ayun, basta. gusto ko lang isama tong photo dito. :D


at dito na talaga nagtatapos ang Kikal photo album na nilagyan lang ng story.

Kaye, bye.

FIRST PLACE NA SI KAYE CAL SA WISHCLUSIVE POLL!!!

(with 29.10% as of December 27, 2017 12:21am
- ang sumunod sa kanya ay nasa 27%)

* insert photo here ng katibayan kaso hindi na raw pwede sabi ni wattpad, naka 20 images na raw ako huhuhuhu ayoko naman mag-delete ng photos sa chapter na ito kaya. . . ayon. use our imagination na lang hihi *

or go here www.wish1075.com/wishawards kasi boboto ka naman, di ba? di ba? di ba?!

Kahit tapos na ang LS4N1 sa wattpad, kindly keep on voting for Kaye Cal until January 15, 2018. Yes, yes, I know, 15% lang ang audience impact at hindi pa rin sigurado dahil judges pa rin ang mamimili ng mananalo but still! The support is very harthart ♥

I don't know if this note in ls4n1 is helping with the percentage pero di ako titigil! 

Vote for Kaye Cal!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top