09 | Nine
⚢
Sino bang nilalang ang kakabahan dahil lang sa pagsakay sa shot gun seat, katabi ng driver? Si Rayne lang. Hindi naman sapilitan (medyo) kahit biglaan (sobra). Hindi rin naman siya kinidnap, (Pwera sa hindi na siya kid, willing victim naman Rayne. Hihi.) Wala ring baril na nakatutok sa ulo niya in case hindi siya pumasok sa loob ng kotse.
Paanong ang pagsakay lang sa kotse ni Kaye Cal ang pwedeng dahilan para mahimatay na ata si Rayne sa kaba? Pauwi na nga't lahat, hindi pa ba mabubuhay?
Kaya pa ba?
"Okay ka lang?"
Ang higpit ng hawak niya sa seatbelt. Hindi naman rollercoaster ang sinakyan.
"Oo. . ."
"Bakit parang takot na takot ka?"
Nakatingin lang sa harap na kalsada si Rayne, nakikita sa peripheral vision ang pagkabit ni Kaye ng sariling seatbelt.
"Hindi ako takot."
"Hindi ako kaskasero mag-drive," anito. "Slight."
"Hala?" Napalingon si Rayne kay Kaye.
"You're with me, bakit ko naman bibilisan? Kung pwede ngang nakahinto lang."
Lumingon si Rayne sa may bintana. At kahit gaano pa ka-cliché at gasgas, patago siyang ngumiti. Nakatakip ng ilang daliri ang pisngi.
"Alam mong nakikita kita sa reflection ng mirror, right?"
Natigil sa pagngiti si Rayne at nanlaki ang mata. Nilingon niya si Kaye.
"Sinong nakangiti?"
Ngumisi si Kaye. "Ako." Tsaka tumawa, ini-start ang makina ng kotse. "Saan tayo?"
Hindi mapigilan mamangha ni Rayne sa pagmaniobra ni Kaye sa kotse. Kung paano nito in-adjust ang kambyo para sa reverse. Kung paano ito tumingin sa rear-view mirror at side-mirror para i-check kung may tatamaan. Kung paanong isinuklay pa ng mahabang daliri ang kaunting buhok na tumakas mula sa pagkakatali at inilikod. Kung paano humarap ang upper body nito with her black suit and white sleeves underneath, pinatong ang braso sa sandalan at tumingin sa likod habang iniikot ang manibela. Kitang-kita ang suot na silver ring sa kaliwang kamay, ring finger. Hindi rin nakaligtas ang silver stud nito sa kaliwang tainga.
Nakatitig lang si Rayne kay Kaye.
Sobrang normal lang namang gawain nito sa mga nagda-drive pero bakit? Paulit-ulit na bakit, bakit, bakit sobrang na-a-attract siya kapag si Kaye ang gumagawa?
Bakit hindi na lang siya ma-attract sa jeepney driver para walang problema. Unrequited love lang siguro dahil siguradong may asawa na ang jeepney drivers. But at least, mas makatotohanan.
Kaysa dito.
Kaysa sa natitigan niya ang pagmamaneho ni Kaye.
Kaysa sa feeling na pagkalabas niya sa kotseng ito, puputok na naman 'yong bulang hindi naman niya hinihingi pero ibinibigay.
"Saan ka?"
"Ha?"
Nilingon siya ni Kaye saka tumingin ulit sa kalsada. "Saan kita ihahatid?"
"Seryoso ka talaga?"
"Hawak ko na 'yong manibela, hindi pa ba 'to mukhang seryoso?"
"Kaye naman. . ."
"Seriously," nakangiti nitong ani. Nilingon siya muli. "Last time pa kita gustong mahatid, right? Tuparin mo naman 'to, para advance gift."
"Gift para saan? Sa concert mo?"
"Para sa birthday ko," aniya. Binalik ang tingin sa kalsada, papalabas ng greenhills. "Grineet mo na ako last time, gift na lang kulang."
"Regalo sa birthday mo ang paghatid sa akin? Talaga ba." Tumawa si Rayne at tumingin sa labas ng bintana sa side niya. "Sa SM North na lang."
"Taga d'on ka?"
"Magba-bus ako pau—"
"This late? 'Wag na, sabihin mo na lang kung saan. Gusto mo bang i-waze pa natin o mas maganda kung ituturo mo na lang sa akin para hindi mo ako tulugan."
"Grabe naman sa this late, mag-uumaga na nga, eh. Tsaka. . . hindi ako matutulog."
"Mamaya tulog ka na."
"Paano ako makakatulog kung katabi kita?"
Napakagat labi si Kaye. "Wow."
"Pero joke lang, matutulog na ako. Goodnight."
Aakma na sanang matutulog si Rayne pero pinigilan siya ni Kaye. Kinilabutan siya sa lamig ng palad nito sa braso niya.
"Bago ka matulog, please, let me know saan kita ihahatid."
"Sa SM North na lang para hindi ka mapalayo."
Pinindot ni Kaye ang hazard button saka hininto ang kotse sa gilid.
"O, ba't tayo huminto?"
"Hindi ako uuwi hangga't hindi kita makikitang pumasok sa loob ng bahay niyo."
"Napunta na tayo sa blackmailing?"
"Kung 'yon ba naman ang kinakailangan, pupuntahan ko na ang pathway na 'yon."
"Iba ka po, lodi." Tumawa si Rayne sa sinabi. Napa-cringe din siya saglit. "Baka gusto mong magdala na rin ng regalo para sa pamilya ko bago ka mamanhikan?"
"Pwede!" natatawang ani Kaye. "Ano bang gusto nila?"
"Makauwi siguro ako nang buo at buhay."
"Naku, hindi ko mapa-promise—wait, gusto mo ba ng music?" Binuksan ni Kaye ang stereo ng kotse. Imbis na hanapin sa kotse ang cellphone, nanlaki ang mata ni Rayne nang kuhanin ni Kaye ang cellphone sa loob ng suit nito. "Anong gusto m—"
"What the." Gulat pa rin siya. "Nasa sa 'yo pala 'yong phone mo? Bakit hindi ko nakapa 'yan kanina?"
Labas ngipin lang na ngumiti si Kaye.
Napahawak sa noo si Rayne. "Hindi ko kinakaya 'to."
"Sorry."
"Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa."
"Pwede bang 'yong second na lang?"
"Sure ka?"
Nagpa-cute na naman si Kaye. "Please?"
Natatawang umiling si Rayne. "Okay, fine." Pinindot ni Rayne ang hazard button para makaalis na sila. "Tara, pag-drive mo na ako. Papuntang Monumento, sa may Fatima, before SM Valenzuela. Alam mo 'yon?"
"Yes, Ma'am."
Pinaandar muli ni Kaye ang kotse. Ibinigay nito ang phone kay Rayne para siya na ang mamili ng kanta. Pagka-unlock gamit ang finger print ni Kaye, kinabahan bigla si Rayne.
Hindi lang dahil bumungad kay Rayne ang photo app. . . kundi dahil sa kung anong litrato ang nandoon. Binulaga siya.
Their selfie photo.
Pagka-back niya sa home, napapikit siya saglit. Kinailangan niyang alamin kung paano nga ba huminga ulit. Exhale ba? Inhale? Paano ulit? Kailangan niyang magkaroon ng breathing exercises para mabuhay.
Paano, ang wallpaper nito sa home – picture nila. Hindi selfie, kundi malayuan habang nagpi-picture sila. Na para bang isa itong screenshot ng isang scene sa isang movie mula sa malayo. Saan kaya galing ang shot na 'to?
Sinilip niya si Kaye na seryosong nag-da-drive. Bumuntonghinga siya. Ang too good to be true. Kaasar.
Ito ba ang sinasabi nitong wallpaper kanina?
Dumiretso siya sa music at nag-scroll, namili ng kanta. "Ang random ng music taste mo, 'no? Walang particular genre. May ballad, pop, tapos may rap din dito, oh. Teka, seryoso ba 'to?"
"Why? Anong nakita mo?"
"May porn ka rito?!"
"WEH?"
(Buti walang pagprenong naganap dahil baka masuka na si Rayne sa pagka-cliché n'on if ever.)
Tumawa siya. "Joke, ikaw naman. Ito kasi, bakit may Stupid Love?"
"Grabe 'yang joke mo!"
"Defensive. Mukhang mayroon nga."
"Ano sa tingin mong makikita mo sa phone ko?"
"I don't know. . . ano nga ba?"
Umiling si Kaye nang nakangiti. "Wala. Puro songs, notes and pictures. Tsaka sa music, naka-depend sa mood ko 'yong pinapakinggan ko," anitong natatawa. "Kapag gusto kong mag-angsty, pinapakinggan ko 'yong mga tulad ng Stupid Love. Nang mainlove ako sa 'yo 'kala ko'y pag ibig mo ay tunay. . ."
Natulala saglit si Rayne sa biglaang pag-rap ni Kaye. Nang medyo matauhan, tumawa siya kaunti at tinuloy ang rap. "Pero hindi nag-tagal lumabas din ang tunay na kulay."
Tumawa rin si Kaye, nagpatuloy. "Ang iyong kilay mapag-mataas at laging namimintas pero sarili kong pera ang iyong winawaldas."
"Para kang sphinx!" sabay nilang pagkanta (o pagsigaw) kahit wala namang music. "Ugali mo'y napaka sting."
Natawa si Rayne, nagtuloy si Kaye.
"Kung hiyain mo ko talagang nakaka-shrink. Girlie biddy bye bye don't tell a lie. Bakit mo ako laging dini-deny? Relate ako, eh."
Lalong natawa si Rayne pero natigil sa sunod na sinabi ni Kaye.
"Seriously," anito. "Dine-deny."
"Ay, oh."
Nawala ang ngiti nilang dalawa. Natahimik. Ngumisi si Kaye.
"Ang rap na talagang kabisado ko noon 'yong Yes, Yes Show," ani Rayne.
"Parokya ni Edgar?"
"Yup! You better get ready for a big surprise. You think it's almost over but it's only on the rise."
Hindi nagpatalo si Kaye, sabay pa silang naghe-headbang kahit walang musika at nagra-rap lang. "Mental message by visual contact, louder than any other sexual soundtrack."
"May isa pa akong gusto, ewan ko kung bakit ko nagustuhan. Siguro kasi lagi kong naririnig?"
"Ano?" natatawang tanong ni Kaye. "Baka isa sa mga jam ko."
"Mga tambay lang kami. . ." pangunguna ni Rayne sa pagkanta ng chorus.
Nanlaki ang mata ni Kaye at napatingin sa kanya. Mukhang pamilyar dito. ". . . sawa sa babae," natatawang dugtong nito.
Sabay silang kumanta ng, "mga babaeng manloloko, pineperahan lang kami."
Tawa sila nang tawa pagkatapos ng kabaliwan.
"Pangalawang beses pa lang kita narinig kumanta," ani Kaye. "You should sing more."
Pumalatak si Rayne. "Pass. Ikaw na sa pagkanta, ako na sa pagsulat."
"Why not sing and write?"
"Pass talaga."
"Ay. Bakit?"
"Dahil sa mga masalimuot na nakaraan."
"Like what?"
"Baka maging sob story, 'wag na."
"Di nga?"
Bumuntonghininga si Rayne, palipat-lipat ng mga kanta dahil wala siyang mapiling kanta talaga.
"Dati, nag-jamming kaming magkakaibigan sa studio."
"Nagbabanda kayo?" tanong ni Kaye.
"Hindi. Na-trip-an lang. Tapos sinubukan kong kumanta, eh hirap ako sa memorization, hindi ko masyadong maipasok 'yong lyrics," kwento niya. "A few days after, napunta sa usapang jamming tapos sinabi ng isa kong kaibigan na ayos 'tong si Rayne kumanta, maganda mukha, basta wag lang bubuka 'yong bibig."
"Oh."
"Hindi naman talaga maganda boses ko, tanggap ko. Pero masakit pa rin? Nag-sting sa little heart ko, eh," natatawa nitong ani. "Medyo naluha ako noon kasi first time may magsabi n'on pero big girl ako and big girls don't cry."
"Kaya ba hindi ka na kumakanta?"
"Kumakanta pa rin ako!" aniya. "Pero hindi ko na siguro pinaparinig pa sa outsider. Kasi mahina ako sa memorization, so hinahabol ko 'yong lines sa utak ko. Hindi talaga ako magaling sa lyrics and shit."
"Ah. That's your weakness."
"Ang pagkanta? Oo nga."
"Hindi. Memorization."
"Oh, medyo."
Tumango-tango si Kaye, nilingon siya saglit. "Inaalam ko talaga kung anong problem sa 'yo, baka nandadaya na si God kaya ginawa kang perfect."
Nang mag-sink in kay Rayne ang sinabi nito, hindi niya mapigilang matawa. Hindi dahil nakakatawa ito pero dahil hindi niya napigilan ang kilig. Masyadong baduy to the point na nakakakilig na.
"'Anong kakornihan 'yon?" natatawa pa rin niyang tanong.
"Ay, hindi ba nag-work? Sayang naman."
"Ewan ko po sa 'yo, Kaye," aniya. "'Wag mo masyadong i-state yung obvious, tinatago ko nga 'yung fact na 'yon, eh."
Tawanan.
"Dali, ano bang magandang kanta rito?"
"Mag-random playlist ka na lan—"
"Wait," aniya. "Wala ka bang kanta rito."
"Kanta? Ayan, oh. Andaming kanta dy—"
"I mean, 'yong ikaw ang kumanta." Sinuksok ni Rayne ang phone ni Kaye sa gilid at kinuha ang sariling phone. "Dito na lang tayo makinig."
Kinonnect ni Rayne ang bluetooth ng kotse ni Kaye sa phone saka pinindot ang play. Napapikit si Kaye nang unang marinig ang sariling boses sa stereo.
"O, 'di ba? Ang ganda ng soundtrip natin."
Natawa si Kaye. "Bakit ba parang nahihiya akong marinig boses ko ngayon?"
"Ewan ko sa 'yo, ang ganda kaya."
"Talaga ba?"
"Ay, gustong pinupuri," natatawang sabi niya. "Opo, maganda boses mo. Pogi."
"Gusto ko 'yan," nangingiti nitong ani. "But ano pang songs mayroon sa phone mo? Lipat natin."
"Natin?" tanong ni Rayne. "Pwede bang ako na lang maglipat? Nagda-drive ka na, gusto mo pang maglipat ng kanta?"
"Grabe, Rayne!"
Tawanan.
"Tsaka. . . wala nang iba, eh," aniya, nililipat ang mga kanta na kay Kaye din naman. "'Yong mga sa 'yo lang talaga nandito."
Mabilis ang paglingon ni Kaye. "Seriously?"
"Oo nga," natatawang ani Rayne. "On repeat kapag umaalis ako. So kapag mag-isa ako, ikaw lagi kong kasama."
"Sana hindi lang 'yong voice, 'no?"
"Ang clingy."
Tumawa si Kaye.
Napapangiti naman si Rayne dahil nagkaroon siya ng chance matitigan si Kaye. Ang side view nito. Ang pagda-drive nito. Ang salitan ng kanan at kaliwang kamay sa manibela dahil automatic naman ang kotse ngunit minsan ay nasa kambyo ang kanan. O kaya ay nakapatong lang sa hita, sa may tuhod, nagda-drums. Napapangiti siya sa kung paano ipatong ni Kaye ang kaliwang siko sa may bintana at takpan ang bibig habang nagda-drive. Na minsan ay sasabayan din ang lyrics ng sariling kanta na pinapatugtog sa kotse.
Napaisip tuloy si Rayne kung anong nagawa ng past life niya at bakit sinuswerte siya sa puntong ito?
Gusto tuloy niyang tanggalin ang salamin sa mata para maging malabo na ang paningin, baka nagha-hallucinate. Kaso kahit tanggalin, malinaw pa rin na totoo ang nangyayari.
(Ang stressful.)
Nilingon siya ni Kaye.
Nakatitig lang siya.
Isa pang lingon, titig lang ulit.
Nangingiting lumingon ulit si Kaye sa kanya, nagtataka. "Anong mayroon?"
"Ha?"
"Nakatitig ka."
"Nakatingin kaya ako sa labas!" ani Rayne. "Nakaharang lang 'yong mukha mo kaya hindi ko matingnan nang sobra 'yong labas."
"May sarili ka namang bintana sa side mo, oh," nangingiti nitong sabi. "Tsaka bakit mo tinatanggal 'yong eyeglasses mo? May something ba?"
"Wala. Gusto ko sa part na 'yan tumingin, eh. Mas maayos 'yong view."
Nag-pogi sign naman si Kaye nang nakatingin pa rin sa harap, sa kalsada. "Maganda ba 'yong view?"
Tumawa si Rayne. "Maganda? Hindi pogi?"
"Depende sa titingin," natatawa nitong sabi. "Gusto mo bang dito ka?"
"Ako magda-drive? Kung gusto mong mamatay tayo, game."
"De, kandong ka na lang."
"Hala ka!"
"Char lang!"
Tawa nang tawa si Kaye. Muntik na niyang itulak ito, buti napigilan niya't naalalang nagmamaneho nga pala.
"Rated G lang po mga ma'am, ser," aniya.
"Maygahd." Tawa lang si Kaye. Kinagat ang labi para magpigil. "Ano ba 'tong pinagsasasabi ko."
Tawanan.
Nang matahimik silang muli, gustong sabayan ni Rayne ang kanta pero hindi niya magawa dahil baka masira lang. Naririnig naman niya ang boses ni Kaye sa tabi niya na sumasabay sa boses ng Kaye sa stereo. Gusto niyang itigil 'yong buong kotse, buong oras, buong ganap para mapakinggan lang ito sa pagkanta nang live.
Sinasabayan lang naman nito ang kanta sa stereo, pabulong pa nga, ba't kailangan pa maging gwapo?
"Alam mo. . . buo 'yong boses mo pero kapag bumulong. . . ang husky."
Natigil sa pagkanta si Kaye. "Is it a good thing or what?"
"Good thing siguro lalo na't singer ka? Ang laki ng range, eh. Kaya mo bang bumirit?"
"Ha?" Tumawa si Kaye. "Hindi ko ata kaya."
"Pero kaya mo pa rin mataas."
"Hindi sobra."
"Napapansin ko 'yon, eh. Sa pakikinig sa boses mo. Buo na kayang tumaas pero may parts na kapag mababa, tapos may pagkabulong. . .para kang nanghaharana? Parang nangangalabit ng puso."
Nagkagat labi si Kaye, pigil ang ngiting hindi mapigilan talaga.
"Which is a good thing, kasi 'di ba, kaya tayo nai-in love sa isang singer dahil sa boses niya?"
"Nai-in love sa singer?"
Tumikhim si Rayne, tumingin sa labas ng sariling bintana. "Uhm, oo? 'Yong iba?"
"Hmm." Tumango-tango si Kaye. "Sa akin, hindi naman singer ang gusto ko."
Waw. Ito na naman ang biglang hilo sa biglaang spike ng dugo niya sa ulo.
"Ah, nice," na lang ang nasabi ni Rayne.
"Yeah. Ano siya, eh. Wr—"
"Teka." Tumuro sa labas si Rayne at nag-panic. "Tigil muna tayo rito!"
Natahimik sandali si Kaye bago sumagot. "Sa gitna ng EDSA?"
"Mag-drive thru lang tayo sa Jollibee."
"Nagugutom ka?"
"Hindi naman. Gusto ko lang kumain. Libre kita."
"Huh?" pagtataka ni Kaye nang iliko ang kotse at dumiretso sa drive-thru. "Ako na—"
"Lagi mo akong nililibre kaya ako naman," sabi ni Rayne. "Anong gusto mo?"
"Wala ka naman sa menu, eh."
"Muntik nang maging unique 'yan, ah?"
Tumawa si Kaye. "Kahit ano, I guess."
Pagbukas ng bintana, ngumiti agad sa kanila ang kahera. Tinanong ang order nila.
"Miss," ani Rayne. "May kahit ano po kayo sa menu? 'Yon po kasi gusto ng driver."
"Rayne!" natatawang sambit ni Kaye.
Natawang awkward lang 'yong kahera.
Seryosong nag-order si Rayne ng dalawang cheese-flavored large fries at dalawang coke. Dapat warm water lang talaga si Kaye pero pinilit nitong coke ang gustong inumin, minsan lang naman daw. (Minsan sa isang araw?)
Nang magbabayad na, walang sabi-sabing iaabot na sana ni Kaye ang sariling pera sa kahera kaya nag-panic si Rayne. Agad niyang hinatak ang braso ni Kaye papasok sa kotse bago pa maibigay sa kahera. Nalaglag pa ito sa ilalim. Pinanlakihan niya ng mata si Kaye at pinipilit ikulong ang dalawang kamay nito para hindi magbayad.
"Wait lang po sa bayad, ate, teka," aniya.
Hirap pang tinanggal ni Rayne ang sariling seat belt bago umusog at binigay ang pera niya sa kahera habang sinisiksik si Kaye sa gilid. Halos tuhurin na nga niya ito para hindi na umalma. Tumatawa lang si Kaye sa gilid nang mapansin ni Rayne ang buong ganap.
Nakangiti sa kanya 'yong kahera. Ngiting hindi na kumportable sa nakikita. At nararamdaman naman niya ang kamay ni Kaye sa may likuran niya. Paglingon niya kay Kaye, nakatingin lang ito sa kanya.
Hindi naman siya nakatuwad per se tulad ng mga gasgas na ganap sa mga shitty romcom pero invading of space pa rin ang nangyari para maabot lang niya ang bintana sa driver's part.
Tumikhim siya bago hirap na bumalik sa sariling pwesto. Nadiinan pa niya ang hita ni Kaye. Kinabit muli ang sariling seat belt, inayos ang salamin sa mata at ang suot na dress. Nagmala-binibining Pilipina pagkatapos magpaka-amazona.
"Nabigla ako d'on." Hinihimas ni Kaye ang sariling hita, sa nadiinan ni Rayne.
"Ako rin. Adrenaline rush, sorry."
"Para lang malibre mo ako?"
Binigay na sa kanila 'yong fries at coke. Si Rayne ang humawak ng mga ito.
"Ilang beses mo na nga kasi akong nililibre."
"Ayos lang naman guma—"
"Sa isang relasyon, hindi pwedeng give nang give. Dapat may tine-take ka rin. Give and take."
"Relasyon talaga?"
"Ay, binibigyan ng malisya?" natatawang sabi niya.
"Bawal pa rin ba?" pagtatanong ni Kaye, nakangisi.
"Alam mo," ani Rayne, kumuha ng isang piraso ng fries at marahas na sinubo sa bibig ni Kaye. "Mag-drive ka na lang. Baka mag-umaga na."
Nagsimula na ngang umandar ang kotse palabas ng drive-thru, ang kahera ay napansin niyang nakangiti lang sa kanila all throughout. Mga kanta pa rin ni Kaye ang pinapatugtog sa kotse.
"Uuwi na tayo," bulong ni Rayne, sumubo ng fries. Uminom ng coke.
Masarap naman ang fries at coke pero bakit. . . gan'on?
"Uwi saan?" Isinuklay ni Kaye ang buhok palikod. Mukha itong na-harass na hindi malaman. "Sa akin o sa inyo?"
"Hay nako talaga, Kaye Cal, the acoustic soul artist."
Minsan mapapatanong na lang kung sino nga bang mas baliw kung parehas silang nakangiti nang walang dahilan? (Or wala nga ba talagang dahilan?) Ngunit sa dulo ng isip nila, pagkatapos ng ngiti at tawa - may bumubulong na naman sa bawat metrong pag-andar ng mabagal na sasakyan.
Uuwi na ulit sila sa kanya-kanyang reyalidad.
Na naman.
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Homophobia
● Umbrella term sa negative emotions na nafi-feel against LGBTQ+ community. Prejudice.
● Takot, ilag, galit, hindi pinaniniwalaan na nag-e-exist sila o nambabalewala, denial, bitter, hindi natutuwa, bothered, basher, blah blah blah na iba't iba pang negativity.
● Hindi kino-consider na tao ang mga LGBTQ+ o kahit ang feelings ng mga ito. Very offensive.
● Homophobic - tawag sa mga taong ginagawa ito, kahit unconsciously.
see also: biphobia (prejudice sa mga bi), transphobia (prejudice sa mga trans)
Let's all respect each other, yeah? Mapa-hetero man o homo. Yes to equality. :D
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Official hashtag: #LS4N1
Wattpad: pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: [email protected]
⚢ random meme of the chapter ⚢
Twitter name gaming ala-LS4N1 na tinatawag na BRGY BEH (this is coined by @moryartee | twitter I think??), kapit-barangay ng BRGY SIN ng uncnsrd. Haha.
Hindi rin sila nagpatalo dahil may icon gaming na ring nangyayari!
hahaha kyot niyo, guys.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top