08 | eighT

Patayo na si Rayne para makalabas ng cabin nang hinila siya ni Kaye paupo.

"Boss, mag-stay po kami dito, isang ikot pa." 

"Eh, Sir—"

Kumuha si Kaye ng pera sa bulsa, ibinigay sa staff at pinasara ang pinto.

"Uy, Kaye!"

Nagsimulang umandar ang sinasakyan nila.Wala na. Isang ikot pa ulit.

"500 'yong binigay mo. Sobra 'yon." (Ang piniling issue ni Rayne.)

"Ayos lang, Christmas bonus."

"Kahit November pa lang?"

"Advance."

Bumuntong hininga si Rayne.

Nanatili sila sa maliit na espasyo na ibinibigay ng cabin. Ang unang beses nilang pag-ikot, may liwanag pa. Sa pangalawang pagkakataon, madilim na ang kalangitan.

Tumayo si Rayne at umupo sa tapat ni Kaye kung saan ito nakaupo kanina, nagpalit ng pwesto. Magkatapat na ulit sila. Naghihintayan sa gitna ng katahimikan. Hindi na siya pinilit ni Kaye na itabi.

"Hindi ba tayo kakain?" tanong ni Rayne.

"Pagkatapos nito."

"Sige. . ."

Wala ulit nagsalita. Nakakamatay ang katahimikan. Parang kanina, nagmo-moment sila, tapos nasira na naman ni Rayne. May ganito talaga siyang talent, eh.

Pwede na ilagay sa resume. (Special skills: Naninira ng moment. Expert.)

"Iku-kwento ko naman sa 'yo kahit wala tayo rito. . ." Pangunguna niya dahil kahit ano pang iwas niya, kailangan na rin niyang magsalita.

"Magtatago ka lang ulit," anito.

"Hind—"

"Iiwasan mo lang ulit."

Ah, isa pa sa mga special talent niya. Magaling mag-iwas ng topic at hand. Expert din.

Bumuntonghininga si Rayne at sumandal sa upuan. Tumingin sa bintana sa likod ni Kaye.

"Siya ba 'yong sinabi ng Mama mo kanina?"

"Narinig mo 'yon?"

"Nandoon ako, syempre." Ngumisi si Kaye, hindi masayang ngisi. "Parang ako raw siya? So. . . girlfriend?"

"Hindi, hindi!"

"Muntik na?"

"Hindi rin!"

Naguguluhan na si Kaye. "Then. . . anong. . .problema?"

Humugot nang malalim na hininga si Rayne. Bahala na. Bahala na talaga.

"Ang ganda ko talaga," bigla niyang sambit, natawa sa sarili.

Ito ang pinaka unang pumasok sa isip niya. Pang intro sa problema.

Ngumisi si Kaye, bumulong. "Oo nga."

"Nakakainis kasi. . ."

"Kasi. . .?"

"May signs na sa kanya siguro after a few weeks na nagkasama kami," aniya. "Hindi ko lang pinapansin dahil may thinking akong walang malisya unless stated otherwise. Ramdam ko pero baka nag-a-assume lang ako? Isa pa, babae siya, babae ako." Tumikhim si Rayne. "Alam kong ang weird nito pero dati. . .iniisip ko, hindi talaga 'yon ang pinaka normal na pangyayari sa mundo."

"Dati. . ."

Ngumiti si Rayne. Kumakabog ang dibdib. "Dati."

Nagtinginan sila na para bang hindi pa sapat ang mga salita para ma-gets ang isa't isa. Gusto nilang iiwas ang tingin sa mga mata ngunit walang makaiwas. Walang makatingin sa iba. Nakatitig lang sila sa mata ng bawat isa.

Pumalumbaba si Kaye, nag-abang ng susunod.

"May mga pagkakataong. . . hahawakan niya ako sa beywang," ani Rayne, inaalala ang nakaraan. "Pero unti-unti kong tatanggalin. Iniisip ko baka touchy lang siya at ganito naman talaga ibang mga babae tapos masyado ko lang pinapahalagahan ang personal space ko simula n'ong bata pa ako."

Mariing pumikit si Rayne at sumandal. Isa ito sa mga kwentong ang hirap. . . ikwento.

"Pero habang tumatagal, napapansin kong ilang beses niyang ginagawa 'yon, na parang. . ."

"Pinapahalagahan ka niya?"

"Siguro?"

"Pinapahalagahan ka nga niya."

"Siguro. . ."

"Oo."

"Oo na, oo na. Sige na nga. Pinapahalagahan niya ako nang sobra." Bakit ang bigat-bigat ng loob niya sa sinasabi? "Lagi kaming pinagkakamalang kami, lalo na kapag umaalis kami kasi pinapamukha niyang kami kahit hindi naman. Nakakainis."

"Bakit?"

"Naaalibadbaran lang ako na baka isipin ng iba, sa babae ako pumapatol," dire-diretso niyang sabi. Hindi niya tiningnan ang reaksyon ni Kaye. Tumingin lang siya sa papaakyat na view nila sa labas. "Ang gago ko, 'di ba?"

"What. . ."

"Siguro nga may homophobic shit ako noon? Ayaw kong iniisip ng iba na tomboy ako. Ayos lang sa akin na magkagusto sa akin ang mga lesbians pero never. . .ako papatol."

Narinig niya ang malalim na paghinga ni Kaye.

"Siya. . .siya 'yong pinaka latest, at ayaw ko na mangyari ulit 'yon. 'Yong sobrang close kami tapos. . . naiinis ako sa kanya kasi bakit pa? Tsaka, nagka-boyfriend din siya. Alam ko, babae siya, eh. Babae siya kahit hindi siya girly. Babae siya."

"Babae rin naman ako."

"Iba ka, eh."

"How so?"

"Basta. Iba ka."

"Okay. . . then, nagka-girlfriend ba siya before you?"

"Hindi niya ako girlfriend."

"I mean, her history. . ."

"Hindi niya kinukwento sa akin pero narinig ko sa iba na may naka-MU siyang babae."

"Ah, there it is. Tinatago ba niya sa 'yo?"

"Nalaman ko lang existence ng ka-MU niya noon kasi may isa ring lesbian na kinaibigan ako, nagpasama sa akin kung saan. Eh, kaladkarin ako so game naman ako. Tapos, nalaman ko d'on na naging ka-MU din niya 'yong babaeng naka-MU ng best friend ko."

"Okay. . ."

"Kamukha ko raw 'yong babae."

Patuloy ang pag-akyat nila sa ferris wheel.

"Sabi ko nga, hindi ako manhid pero bakit ako mag-a-assume? Nakikita ko mga kakaibang tingin sa akin – sa amin – nung mga kaibigan niya, 'yong tinging may alam pero pinapakita ko na lang na wala akong alam kahit mayroong inkling."

"In denial."

"Paano kung nakikita lang niya 'yong naka-MU niyang babae sa akin?"

"But you've been friends for years, sa tingin ko madi-distinguish niya ang pagkakaiba niyo?"

"Super close kami. Isa siya sa dahilan kung bakit nandito ngayon ang buhay ko. Naging dependent ako sa pagiging dependent niya sa akin. Tapos maririnig ko na namang pinapaikot ko lang daw sa mga kamay ko 'yong mga nagkakagusto sa akin. . .eh hindi naman ako nakikipaglandian, hindi nga ako touchy, hindi nga ako caring! Kaibigan lang naman ang hinihingi ko."

"But more than ang hinihingi sa 'yo," ani Kaye. Mukhang pati ito, nakunsensya. "Hiningi ba niya sa 'yo na maging girlfriend ka?"

Humugot ulit ng malalim na paghinga si Rayne.

"Soulmates," ani Rayne, tumingala at pumikit. "Sabi niya, soulmates kami."

"Ah."

"Minsan, hinihiling ko na sana, hindi na lang siya nagkagust—"

"In love."

Tumikhim si Rayne. "In. . .love sa akin. Kung hindi siya nagkaroon ng feelings sa akin, eh di sana, solid pa rin kami. Sana, sobrang close pa rin namin. Minsan gusto ko siya ulit kausapin pero. . .wala na. Kainis."

"Dahil ayaw mong tanggapin?"

"Baka kasi mawala 'yong pagkakaibigan, baka matapos. Ayun, natapos nga."

"Dahil in love siya sa 'yo? You chose to ignore her feelings."

Tumawa si Rayne. "Kasi dapat wala 'yong feelings na 'yon para sa akin. . ."

"But you want her to stay?"

"Kasi magkaibigan kami!"

"But alam mo sa umpisa pa lang na love ka niya."

"Baka mawala rin kalaunan. . ."

"She's in love with you but pinapabayaan mo lang siyang lumubog. Mapaso. Masugatan. Sumubsob sa 'yo. Kunwari, wala lang 'yong nag-uumapaw niyang love sa 'yo dahil ayaw mong maging more than kayo because you don't want her like how she wants you to be hers."

Tumawa si Rayne, bawat salita, tumatama sa puso.

"Ngayong sinasabi mo talaga 'yan nang malakas. . ." aniya. "Ang bitch ko talaga."

Hindi sumang-ayon si Kaye, hindi rin ito humindi.

Hindi na rin naman niya kailangan ng iba para malaman kung anong mali sa kanya; siguro masakit lang kapag naririnig ito in flesh at hindi lang sa utak niya nagkaka-realization.

"Ang galing ko ring mambalewala ng feelings ng iba, 'no?" natatawa niyang sabi.

Ngumiti si Kaye, hindi abot sa puso. Kung abot man, hindi dahil sa pagkagalak. "Nakahawak sa 'yo pero ikaw, hindi," ani Kaye. "Iniisip mo talagang hindi ka worth it sa love na binibigay sa 'yo?"

"Naghihintay akong bumitaw na lang sa mahigpit na hawak sa akin."

Kumunot ang noo ni Kaye. "Hahayaan mo lang talaga?"

"Lahat naman ng tao, may freewill."

"May mga napapagod. Nagsasawa pa rin."

"Exactly!" Tumango si Rayne. "Desisyon nilang mapagod. Sa tingin ko nga, mas ayos na rin 'yon 'di ba?"

"Kahit masasaktan ka kapag nawala sila?"

"Tahimik lang naman akong masaktan so keri lang," natatawa niyang ani pero masakit ang puso. "Tsaka n'ong nawala friendship namin. . . ang tanong ko n'on, bakit hindi ako umiyak?"

"Hm?"

"Kapag nawawalan ako ng kaibigan, iniiyakan ko sila. Minsan, ipipilit ko sarili ko sa kanila. Pero sa kanya, wala, parang nawala na talaga. Parang natuwa pa ako dahil nawala 'yong bagahe ko?" Tumawa ulit si Rayne. Nababaliw na. "Nangako siya sa akin noon na hindi niya ako iiwan mag isa pero iniwan niya pa rin ako dahil hindi na niya kaya 'yong feelings niya? Nakakainis! Ba't kasi may feelings pa!"

Umurong si Kaye at pinalis ang luha sa mga mata ni Rayne. "Bakit ka lumuluha ngayon?"

"Ewan."

"Gusto mo ba siya?"

"Kaibigan ko siya, malamang gusto ko siya."

"In a romantic way."

"Hindi," aniya. "Kaya nga nakakainis din sarili ko kasi. . .bakit?"

"Bakit ano?"

"Bakit hindi ko siya gusto? Bakit hindi ko masuklian? Bakit ayaw ko? Bakit kailangan kong gawing complicated lahat kung pwede namang tanggapin ko na lang siya then yolo."

"Gusto mo bang gustuhin siya?"

"Hindi. . ." aniya. Pumikit saglit. "Alam kong ang heartless ko sa paningin ng iba pero siguro kahit naman ako 'yong lesser na 'nagmahal' o ako 'yong hindi willing sa same-sex na relasyon, hindi ibig sabihin n'on, hindi na ako nasasaktan." Tumawa si Rayne. "Kapag may nababasa akong post niya na obvious namang sa akin, sumasakit talaga 'yong puso ko. Importante pa rin siya sa akin kahit pa walang romance involved. Masama bang gusto ko bumalik 'yong best friend ko sa akin?"

"Rayne. . ."

"Tapos sa huli naming pagkikita, nagpapanggap kaming ayos lang kami. . . lalo na siya. Lalo na talaga siya. Lagi siyang gan'on, itatanong ko kung ayos lang ba siya, sasabihin niya, oo. Pero alam kong hindi talaga. Lagi siyang nagsisinungaling sa akin kahit na sinasabi niyang ako 'yong 'soulmate' niya."

"Kasi in love siya sa 'yo."

"Nakakainis," ilang beses na banggit ni Rayne, huminga nang malalim dahil bumibigat talaga ang loob niya. "Tapos may pagkakataong titingin siya sa akin nang matagal, itatanong ko kung bakit. . ."

"Alam mo kung bakit. . ."

Ngumisi si Rayne, tumingin sa labas. "Ang sakit makita n'ong longingness sa mga mata niya pero at the same time, ayaw kong tingnan kasi hindi ko talaga kaya ibalik."

"Sa akin ba," ani Kaye. Umurong at hinawakan ang kamay ni Rayne. Tumitig sa mga mata. "Nakikita mo? Or ayaw mo rin tingnan?"

Tumitig din pabalik si Rayne kay Kaye. "Eh 'yong sa akin, Kaye?"

"Seryoso ako, Rayne."

Humugot ulit nang malalim na hininga si Rayne. "Hala," natatawa niyang ani. "Sino bang nagjo-joke?"

"A—"

"Akala ko ayos na ako, eh. Payapa na mundo ko. Makakaiwas na ako sa mga ganyang feelings-feelings na 'yan. Tapos, dumating ka."

Tahimik.

"I mean, duh," natatawang ani Rayne. "Hindi naman ako umaasa sa 'yo, no. Alam ko naman kung nasaan ako at kung nasaan ka. Kaso, the more na naaadik ako sa boses mo, sa pagkanta mo, the more na gusto kitang kilalanin. . . ang bothering pa dahil ito na naman tayo." Pumikit si Rayne, kinagat ang labi sa pagngiti. "Putek, ito na naman si Rayne. May lesbian na namang involved sa buhay."

Hinga nang malalim.

"Ang pinagkaiba naman, ako ang naunang magka-interes. Kaso, ayos lang din dahil hindi naman tayo magkakilala. Siguro, ganito naman talaga nararamdaman ng pagfa-fangirl, may iba pa ngang mas malala."

Tahimik si Kaye.

"Tapos, habang ini-stalk kita, nagkaka-realization ako sa mga interviews mo. 'Di ba, ayaw kong maging attached sa mga readers ko? Kasi baka mawala sila? Kaya mailap ako."

Nakinig lang si Kaye.

"Ikaw 'yong nagtulak sa akin para mag-appreciate, tanggapin 'yong pagmamahal na sa tingin ko hindi ko deserve pero binibigay pa rin. Siguro not romantically, pero sa mga supporters, na sa akin, mga readers. Natututunan kong kumapit sa kanila, huwag bumitaw. Sa kanila lang ako tapos sa akin sila."

Hindi pa rin makapagsalita si Kaye.

"Noong una, wala lang sa akin, eh. Tapos napapansin ko, lagi kang nagpapasalamat sa Team Kaye Cal mo tapos hindi mo sila nalilimutan na nagiging dahilan para mas suportahan ka nila kahit ano pang mangyari."

Wala pa ring masabi si Kaye.

"May partikular kang sinabi noon na 'sana magtagal pa tayong magkakasama, thank you for always being here for me, sana wag kayong mawawala,' ta's natauhan ako," ani Rayne. "Hindi lang sila nakakapit. Hindi lang ikaw ang nakakapit. Parehas kayo. Sabay. Ang galing. Parang may takot ka ring mawala sila sa 'yo at pinapakita mong takot ka ngang mawala sila sa 'yo at pinapaalam mo 'yon sa kanila."

Wala pa rin talaga.

"Doon pa lang, sobrang na-a-appreciate na kita to the point na nagka-crush na ako sa 'yo," natatawang ani Rayne. "Sobrang weird! Kasi crush ko boses mo, sige. Pero 'yong magka-crush ako sa 'yo dahil sa personality mo? Shit, ano 'yon. Ang dami-daming personality na appreciative sa fans pero bakit sa 'yo pa ako tumama?"

Kinagat ni Kaye ang labi, hindi malaman kung ngingiti ba o maiiyak.

"Ibang usapan pa na nagkausap tayo, sobrang. . .weird. 'Yong feeling na masaya, sa sobrang saya, parang hinihintay ko na lang na may sumigaw ng yari ka! sa kung saan. Naghihintay akong matapos na lang lahat para hindi ako nakakaramdam umasa? Gago, eh. Umaasa ako na dapat hindi kaya todo iwas ako."

Tumawa si Rayne.

"Happy crush lang kita dapat, eh." Kinagat ni Rayne ang labi. "Pero dumodoble 'yong sakit at doubt sa mga ginawa ko noon, sa mga sinabi ko noon, sa mga paniniwala ko noon dahil sa 'yo, o sa akin. Sa nararamdaman ko ngayon sa 'yo."

Mas umurong si Kaye. Magkabungguan ang tuhod nilang dalawa.

"Paano ba malalaman kung mere idolization crush lang o in love na nga?"

"Rayne. . ."

"Nakakatakot, Kaye," aniya. "Baka kaya lang ganito ka-overwhelming 'yong feeling kasi kinakausap mo ako tapos idol kita at fan mo. O listener, dahil wala pa rin akong shirts mo at hindi pa ako nakakabili ng album mo. Tingnan mo, hindi pa ata ako legit fan mo. Pretentious ako. Ang hirap!"

Naubo si Kaye sa narinig, natatawa.

"Iniisip ko, baka kaya gusto kita kasi challenge ka sa akin. Baka kaya gustong-gusto kita dahil sa dami ng taong nagpapapansin sayo, ako 'yong napansin mo. 'Yong feeling na nakaka-high, na ako lang, na wala nga akong katulad sa mundo."

Wala pa ring masabi si Kaye.

"Parang kasing hindi totoo, eh. Kahit nga sa mga fiction novels na nababasa ko, ang hirap paniwalaang napapansin ng idol ang isang fan. Paano pa kaya sa ganito? Sa katotohanan? Tae, katotohanan nga ba 'to?"

"Totoo lahat 'to."

"Ayun nga, eh," ani Rayne. "Kahit ilang beses kong tanungin sarili ko at ilang beses sagutin, ang hirap pa rin maniwala at tanggapin na 'yong idol ko, 'yong tinitingnan ko lang sa malayo, kakausapin ako. Makakasama ko sa cubicle, makakasama ng hindi lang isang gabi, dalawa pa. Makakasayaw ko. Pupuntahan ako sa graduation ko. Magtatapat ng undying love sa ferris wheel. Nagdedelusyon ba ako?"

Nagtawanan sila.

"Ako rin naman, I can't believe I will like a girl I don't know. I always knew in my heart na I'm yearning to feel that love again but kanino? Sino? My life gets busier and crazier and I'm getting older so I feel like there was no one out there for me. That love will be the hardest part of my life. Then there you are, and I am here. I don't want to not risk this dahil kapag walang kikilos, walang mangyayari."

"Pwede namang wala talagang mangyari," ani Rayne.

"Gusto ko ngang may mangyari."

"Ano bang pangyayari 'yan, ang delikado pakinggan!"

Nagtawanan sila.

"Nasa tamang daan na ako, eh." Bumuntong hininga si Rayne. "Last year, willing na akong ma-engaged sa isang straight guy kapag nag 27 years old na kami; magpakasal kapag 30 years old tapos, magkaanak siguro one to two years after. Ilang years na lang ba 'yong deadline namin? 3? 4? Ang tagal niyang naghintay sa akin para maging kami; 7 years din, tapos biglang. . ."

"Biglang. . .?"

"Biglang liko," natatawang ani Rayne. "Sa lalaki talaga ako attracted since birth pero ngayon, putek, Kaye." Pinalo ni Rayne ang tuhod ni Kaye. "Nagbu-blur na lahat. Nakakainis ka."

"Sorry."

Labas ngipin ang ngiti ni Kaye.

"Sorry? Mukhang hindi ka naman nagsisisi!"

Tumawa si Kaye. Iniabot nito ang kanyang pisngi, hinila palapit at saka siya hinalikan sa noo. Napapikit si Rayne nang ipatong ni Kaye ang noo nito sa kanya.

"Ba't kailangan mong paguluhin 'yong maayos kong mundo? Ayos na ako, eh," ani Rayne. "Ilang beses kong sinabi na hindi ako mai-in love sa babae. Na okay lang sa akin ang same-sex basta hindi sa akin. Ang daming dumaang mga babae na higit pa sa pagkakaibigan ang gusto sa akin—nasira 'yong pagkakaibigan namin ng best friend ko dahil babae siya at babae ako at hindi ko kayang ibigay ang gusto niya. Sinaktan ko siya, hindi ko man lang sinubukan na baka mag-work, bumitaw ako tapos sa 'yo. . ."

"Hindi mo kailangan um-oo sa lahat ng taong magkakagusto or magmamahal sa 'yo. I learned that the hard way. Masasaktan ang masasaktan. Gan'on talaga ang mundo."

"Ikaw kasi, heart breaker ka," ani Rayne. "Sanay ka na."

"Mukhang hindi lang ako ang heart breaker sa ating dalawa."

Sumandal si Rayne, magkalayo silang muli ngunit hawak ni Kaye ang dalawang tuhod niya.

"Ano nang sasabihin ko sa naghihintay sa akin ng pitong taon? Sa pakakasalan ko dapat? The deal is off?"

"Gusto mo ba siya?"

"He's. . . nice."

"Okay. . . but, do you romantically like him?"

"Putek." Pumikit si Rayne, kinamot ang pisngi. "Ano naman sasabihin ng best friend ko noon? Hindi ko siya pinagbigyan hindi dahil sa ayaw ko sa babae pero hindi siya 'yong babae para sa akin? Sorry na lang siya?"

Napapikit si Kaye at napahawak sa dibdib. "Ouch, Rayne. That hurts."

"Di ba?! Hindi siya madali!" Inuntog ni Rayne ang ulo sa salamin. "Para ko siyang iba-bypass. Silang lahat."

"Are you willing?"

"Agh."

"Paano mo ba nalaman na mahal ka niya? Did she eventually confess?"

"Slight."

"Pahaging?"

"Medyo."

"Paanong—"

"Hindi niya sinabi sa akin pero ginamit niya ang fictional feelings ng fictional character para iparating 'yong gusto niyang iparating."

"Complicated."

Tumawa si Rayne at pumikit. "Tapos, sinabi ko sa kanya. Via email! Na hindi ko kayang ibigay pabalik 'yong pagmamahal na binibigay niya sa akin. Ang shitty ko, dyusko."

"No, you're not."

"Sinaktan ko siya. Sobra."

"But 'di mo kasalanan kung hanggang pagkakaibigan lang kaya mong ibigay."

"Sinasabi mo lang 'yan kasi hindi ikaw, eh."

"Slight." Tumawa kaunti si Kaye. "But I've experienced it first hand. Then again, ilang beses ko nang sasabihin ito. You hurt someone and someone will hurt you. No in between."

"Ang hirap tanggapin ng nararamdaman ng iba kapag tinanggihan mo na 'yong sa iba," aniya. "Pucha. Napaka complicated talaga ng lovelife! Kaya ayoko ng lovelife, eh!"

Sumimangot si Kaye. "But gusto mo ako, right?"

"Ang pressure talaga ng tanong na 'yan, bakit kailangan tinatanong pa 'yan?" Pumalatak si Rayne. "Baka naman kaya natin gusto kasi bawal?"

"H-Ha?"

(Ito na naman sila.)

"Hindi ba parang ang weird na hindi naman ako ganito talaga tapos sa 'yo. . ."

"Bakit need lahat may explanation?"

Buntonghininga. "Kaya siguro hindi ako makapagsulat ng fantasy stories sa ngayon. Masyado akong nadidikit sa reyalidad. Na hanggang dito lang ako. Dapat dito lang ako sa totoo."

"Peke pa rin ba 'to para sa 'yo?"

"Fantasy 'to ng fangirl sa idol niya."

"Hahayaan mo lang ba akong mawala?"

Hindi nagsalita si Rayne.

Inilahad ni Kaye ang kamay kay Rayne.  "Kapit ka lang sa akin."

"Eh." 

"Bakit?"

Sumimangot si Rayne. "Pasmado ako."

Sumimangot din si Kaye.

"Seryoso!" Pinakita ni Rayne ang kamay niyang nangingintab. "Kanina pa ako kinakabahan. Ang lamig pa dito sa loob. Pwede ka na maghugas sa kamay ko."

"Pa-try nga."

"No!"

Tumawa silang dalawa. Kinagat ni Kaye ang pang-ibabang labi saka huminga nang sobrang lalim. Mukhang nabunutan ng malaking tinik sa sa puso.

"Pero, hindi ba gan'on 'yon?" ani Rayne, tumingin sa labas ng bintana. Hindi nila napansin na pababa na silang muli. "Kailangan may dahilan ang lahat para hindi kinukwestyon?"

Nanliit ang mata ni Kaye. "Can't we just like each other and that's it?"

Pumalatak si Rayne. "Pero. . "

"Rayne!" Inabot ni Kaye ang balikat ni Rayne. Niyugyog. "Ubos na ako sa pang-counter attack! Tama na ang mga pero please!"

"Pero."

"Tama na!"

"Pero. . ."

"Rayne. . ."

Tawanan ulit.  

(Sa totoo lang, mukhang paiyak na si Kaye sa pagka-frustrate ngunit gusto lang din tumawa nang tumawa.)

Umusog silang dalawa palikod at sumandal sa tigkabilang dulo ng upuan. Magkatitigan. Ngumiti.

Gumaan ang pakiramdam ng paligid.

"Last na nag-ferris wheel ako, no choice lang ako and I really find it boring. Gusto ko na agad umalis,"ani Kaye, nakatitig sa kanya. Nakangisi. "But ngayon. . . I feel like kapag lumabas tayo rito. . ."

"Mawawala?" tanong ni Rayne.

"Sa akin, hindi. Ikaw. . ."

Nakasandal lang si Rayne sa salamin. Pinagmasdan niya ang nasa tapat na si Kaye. Sa bawat tibok ng puso niya, nararamdaman niya ang takot. Ngunit mas malakas, mas naririnig, mas kumakabog ang saya.

As if on cue, tumigil ang cabin nila at binuksan ang pintuan. Nagpasalamat ang staff. Lumabas sila, nawala ang lamig mula sa cabin ngunit hindi nawala ang nararamdaman.

Sa katunayan, mas naging. . .magaan?

Nakatingin sa kanila ang staff na binigyan ni Kaye ng five hundred pesos. Ngumiti ito, yumuko sa kanila at nagpaalam.

Naglakad sila, at doon lang naalala ni Rayne na naka-three inch heels nga pala siya,ngunit hindi siya nagreklamo. Pero kinakabahan siya.

Ano nang sunod? Normal pa rin ba?

Bakit parang gusto niyang bumalik ulit sa ferris wheel?

Hala. Hala. Hala. Bakit ang tahimik nilang dalawa? Paano na?!

Sa gitna ng pakiramdaman ng dalawa sa may seaside, natigil sila sa paglalakad nang may tumigil na isang lalaki sa harap. Napaisip kung sino sa kanila ang kakausapin dahil para itong may gustong sabihin na hindi masabi.

"Uhm, Kuya—"

Nagulat sila nang biglang sumigaw ito, napaka lakas, to the point na narinig ng mga nasa paligid ang sinabi nito.

"WHY DON'T YOU JUST FUCKING KISS AND MAKE OUT, HUH?!"

After a few seconds, bigla itong yumuko, humingi ng pasensya. Mukha pa itong natakot sa kanilang dalawa at tumakbo. "Shit, Caril! I won't do this ever again! You'll lose on our next deal!" anito, mabilis na hinatak ang babaeng kinuhanan ng video ang buong pangyayari.

"Better luck next time, Leo," natatawang ani ng tinawag na Caril. "Better luck next time."

Lahat ng tao, natigil. Na-stun. Lalo na si Kaye at Rayne na nanlaki pa ang mata, fresh pa sa iyakang nauwi naman sa confession at nagpapakiramdaman.

Talk about awkward.

"Rayne. . ."

Sa pagbanggit lang ulit ng pangalan niya, kinabahan na agad siya.

"Kaye. . ."

"Nawala ba?"

"Ang alin?"

"Sa 'yo? Kung anong nangyari sa ferris wheel?"

"Gusto mo ba?" tanong ni Rayne, nakangisi.

"Ayaw ko 'yon."

Sabay silang naglakad, hindi alam kung saan tutungo. Parehas na nakangiti.



#LoveWins

● Ito ang hashtag na ginamit ni Pres. Obama para ipakita ang suporta sa same-sex marriage na na-legalize sa America noong June 26, 2015.

  ● Simula ng araw na ito, ginamit na rin ng mga nasa LGBTQ+ Community ang hashtag para ipakita at i-celebrate that love really wins no matter who and what you are.


Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: [email protected]

⚢ random photof the chapter ⚢

(Nakikinig daw siya ng music dyan, mga jajmental. haha!)

Featured #LS4N1 tweet:

Featured #LS4N1 edit: _Nadyacprs | twitter

yes, this is edited. o_o

Raw pictures:

ginalingan ni nadya. :))

⚢ random Kaye Cal photo of the chapter cos wala lang hihi ⚢

isa pa. 

:D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top