07 | seven
⚢
Nakatig-dalawang mozzarella sticks at tatlong baso ng margarita na sila Kaye at Rayne. Papunta na sa apat. Masarap, eh. Kaso tulad ng dati, nagre-react na naman ang allergies ni Rayne. Mabilis mag-init ang pisngi niya kapag nakakainom ng alcohol, at kung hindi lang mapula ang neon lights sa loob ng bar, malamang kitang-kita ang pagkapula ng mukha niya.
Siya ang depinisyon ng drunk blush. Sobrang malalang drunk blush, sinabuyan ng blush on ang buong mukha mulo noo hanggang paa.
"Maglaro na lang tayo ng simple at napaka-unique na game, as in promise, sobrang unique niya first time mo lang maririnig."
Natatawa na si Kaye sa sinasabi ni Rayne. "Let me guess."
"Ano?"
"Bato-bato-pik?"
"What."
"Ah, alam ko na!"
"Sige, ano?"
"Tagu-taguan?"
"Dito sa bar?" pagtataka ni Rayne.
"Ng feelings," natatawang anito.
Tumikhim si Rayne, tinaas ang isang kilay. "Ay, wait. May feelings ba?"
"Ouch, 'yon lang." Tinapik ni Kaye ang dibdib. "Pwede pa namang magkaroon soon."
Tawanan.
Hindi lasing si Rayne, lalo na si Kaye (mukhang malakas sa labanan ng inuman ito) pero mas kumportable na sila lalo sa isa't isa dahil kung anu-ano na ang napansin nila sa bar at tinawanan kahit wala namang nakakatawa.
"Game, ano nang laro?" Abot tainga pa rin ang ngiti ni Kaye, malakas ang trip, mas nagiging hyper.
"Pwera sa taguan ng feelings?" tanong ni Rayne.
Tumango si Kaye. "Yup. Given na ata 'yon."
Matapos mahimasmasan sa panibagong tawanan, sinimulan ni Rayne ang sasabihin.
"Dahil umiinom tayo." Nakipag-cheers pa siya ng baso. "At. . ." Kinuha ni Rayne ang braso ni Kaye, tinitigan ang relos. As in, titig – tsaka niya lang na-realize na aalamin nga pala niya kung anong oras na. "Madaling araw na." Isang ngiti ang binigay niya na ibinalik ni Kaye. "Mag midnight confessions tayo."
"Uy, grabe. Napaka unique nga n'yan!"
"'Di ba?!"
(Ang lakas po ng trip ng dalawa.)
"Parang truth or dare ba 'yan?"
"Hindi! Ang korni n'un. Mga ganung ganap 'yong pinipilit para magkaroon ng ganap kasi bored na bored na tapos gusto maglandian. Hindi tayo gan'on."
"Hindi ba?" Natawa si Kaye. "Paano ba 'yong tayo?"
"Tayo?"
(Sige na nga, hindi sila lasing. Siguro medyo nahihilo lang. Kaunti. As in, kaunti. Ish.)
"Ano na, Rayne?" natatawang ani Kaye. "Paano na tayo maglalaro ng midnight confessions?"
"Simple lang. Magtatanong ako, sasagot ka."
Nag-a-alinlangang tumango si Kaye, naghihintay ng susunod na sasabihin ni Rayne.
Walang sinabi si Rayne.
Nagkatinginan lang sila saglit.
"Ako ba, hindi mag-ask ng questions sa 'yo?"
"Ikaw bahala. Hindi naman ako interested masyado." Uminom siya, saka natigilan. "I mean, hindi ako interesting!" Nang tumingin lang si Kaye sa kanya, mas nataranta siya. "I mean, hindi ko sinasabing hindi ako interested sa 'yo, pero iba 'yong—wait, not that kind of interest—sorry, hindi—ah, teka, oh shit. Lumalala habang tumatagal."
Sumimangot si Rayne at natahimik. Habang sa buong litanya niya, ang liwanag ng itsura ni Kaye. Ilang sipsip sa baso ng iniinom. Nangingiti.
Hindi talaga lasing si Rayne pero nag-iinit lalo ang pisngi niya. (Dahil saan? Clue: kahihiyan.)
"Gets, gets. Gusto kong magtanong. I'm interested."
Mapagbirong umirap si Rayne. "Push. Ako unang magtatanong?"
"May magagawa pa ba ako?" natatawang anito.
"Wala, syempre. Lady's first, 'di ba?" Kaunting isip, then, ting! "Anong pinaka weird na tinanong sa 'yo ever?"
Binaba ni Kaye ang hawak na baso at natawa. "Many to mention. Ako naman. May nakilala ka—"
"Ops, wait. Wait lang, teka lang. Hold your horses."
Natawa si Kaye. "Nasaan 'yong horse paano ko hahawakan?!"
(Ang korni ni Kaye, kainis. Hihi.)
"Hindi accepted ang many to mentions!"
"Marami nga talaga."
"Mamili ka ng isang isasagot. New rule, walang secret. All honesty lang. Midnight confessions nga, eh. Parang 'yong kay Papa Jack."
"Hindi ba ibang. . .wild stories nandoon?"
"Kaye!" Nanlaki mga mata niya.
"Rayne!" natatawang sagot ni Kaye.
"'Yong isa! Bago 'yong segment na 'yon!"
"Ah, gan'on ba? Naaabutan ko lang tuwing madaling araw 'yong confessions."
"Ano ka ba, rated G lang tayo rito!"
"G? Hindi ata pwedeng for General lang kapag nandito ako."
"Ha? Bakit naman?"
"Sobrang simple bang ma-explain in public o sa mga kids kung bakit sa girls ako nagkakagusto?"
Natigilan sandali si Rayne, nagseryso silang dalawa, ngunit ngumiti siya sa naisip. "Eh 'di Rated G. Rated Girls."
Lumawak ang ngiti ni Kaye, tinaas ang hawak na baso at uminom. "Gusto ko 'yan."
"Game na? Lumalayo na tayo sa topic, hindi mo pa sinasagot nang maayos 'yong tanong ko."
"Sige na, sige na," natatawang anito. "Ano bang weird na question sa akin. . .wait, ano nga ba? Hmm. . ."
Nangingiti si Rayne dahil ang kulit na binoboses nito ang pwede namang isipin lang.
"Maraming nagtatanong kung lalaki raw ba ako."
"Weird ba 'yon?"
"Ata? Dahil lesbian talaga ako?"
"Hindi naman weird 'yon, eh. Lesbian ka nga pero ilang beses ko bang sasabihing ang lalaki nga sabi ng dating mo?"
"Kapag nagkatotoo na."
"Ay."
Tumawa si Kaye. "Oo na, oo na. Huwag ka nang magalit. Isa pa ba?"
"Oo, 'yong weird talaga."
"Marami ring nagtatanong kung babae raw ba talaga ako."
Napasapo sa noo si Rayne. Umiling. Uminom siya sa baso ng margarita at bumuntonghininga.
"Bakit?" natatawang tanong ni Kaye.
"Niloloko mo naman ako, eh."
"Seryosong tinatanong sa akin 'yon!" nangigiting anito. "Ayaw mong maniwala?"
"Weird na tanong na kasi."
"Ano bang weird gusto mo?" Natatawa na si Kaye. "Uhm, may. . .tanong din sa akin kung bakla raw ba ako."
"Seryoso ka ba? Ikaw, bakla?"
Biglang ngumuso si Kaye. Nilagay nito ang kamay sa baywang at hinawi ang imaginary hair palikod sa tainga saka kumurap ng mabilis. Nag-beautiful eyes.
"Hindi ba pwede?" tanong ni Kaye nang pinipilit gawing babae ang boses pero sobrang fail, natawa na lang si Rayne.
"Ayoko na, give up na ako," ani Rayne. "Ikaw na magtanong."
"Yes!"
"Hala."
"Okay, ako na magtatanong."
Nagkatinginan lang sila habang nakangiti si Kaye, nag-iisip. Hindi tuloy malaman ni Rayne kung iiwas ba niya ang tingin o makikipagtitigan siya.
Ang umiwas ng tingin, talo.
Walang nagpatalo sa titigan.
"Anong paborito mong kulay?"
"Seryosong 'yan tanong mo?"
"Yup."
"Sige," natatawang ani Rayne. "Green."
Tumango-tango si Kaye. "Ikaw na magtanong."
"Grabe, ang kontrobersyal ng tanong mo. Kinabahan ako, muntik na akong mapa-confess bigla."
"Uy, confess naman saan?"
Nagkibit balikat si Rayne. "Sa feelings siguro."
"Agad-agad? Rayne naman?! Akala ko ba taguan ng feelings?"
"Ay, oo nga pala. Sorry. Itatago ko na ulit." Umakto pa si Rayne na binulsa niya ang kinuha sa may puso na hangin, tumatawa. "Ang simple naman kasi ng tanong mo, eh."
"Wait. Warm up pa lang."
Nangiti si Rayne, pabirong umirap. Panay na lang din siya ngiti! Nahahawa na ata siya kay Kaye.
"Tanong ko ay. . . saan ka nakatira?"
"Sa condo."
Tumango siya. "Ikaw na."
"Oh, 'yon lang? 'Di mo ako kukulitin kung saang condo?"
Uminom muna si Rayne. "Bakit ko ipipilit kung mukhang ayaw naman?"
"Grabe 'yon, nagpapapilit lang ako."
"Bakit kailangan magpapilit pa kung gusto naman talaga?"
"Siguro may mga tao lang na gusto malaman if may maglalaan ba ng effort para sa kanila?"
"Gan'on ka ba?" tanong ni Rayne.
"Ikaw ba, hindi gan'on?"
"Babae ako, eh."
"Babae rin naman ako, ah."
"Ay, so gan'on na lang 'yon. Tine-take advantage mo talaga 'yong. . ."
"'Yong. . .?"
"Hindi ko alam itatawag nang hindi nakaka-offend," dire-diretsong sabi ni Rayne.
"Kasarian at pagkatao ko?" Natawa si Kaye. "Ito na nga lang advantage ko bilang lesbian, 'di ko pa ba gagamitin in good use?"
"The heck!" natatawang aniya. "Ang daya n'on! Pero sa tingin ko kahit naman lalaki, gusto maramdaman na importante sila, no?"
Tumango-tango si Kaye. "Kahit sinong nakakaramdam at may feelings, gusto 'yan." Tinaas nito ang baso. "Para sa mga gustong ma-feel na importante sila. Para sa lahat ng tao."
Nag-untugan ang baso nila.
". . .at pusa," dagdag ni Rayne.
"Pusa?"
"Oo," aniya. "'Yong pusa namin, pa-importante rin minsan. Kapag 'di ka na kailangan, aalis. Kapag ikaw naman ang gusto ng kalinga, aayawan ka."
Tumawa si Kaye. "Cat lover?"
"Dati dog, as in. Kaso nagbabago pala talaga ang preferences natin once dumating na 'yong particular moment na magsasabi ng it's time."
"Sure kang pusa pa rin topic natin?"
"Bakit, ano bang iniisip mong topic?"
"Pwedeng tayo."
"Hala ka."
"Charot lang, uy."
Nagtawanan muli sila. Isang cheers muli ng mga basong paubos na ang laman.
"May question ako," ani Kaye, mabilis na pag-iba ng topic. "Sino pala mga friends mong kasama ngayong gabi?"
"As in pangalan?"
"Yup."
"Xanne at MJ."
"Sun. . .araw?"
"Medyo. X-A-N-N-E. Parang ako, ulan pero R-A-Y-N-E."
"Babae?"
"Oo. Pinaka matagal ko nang kaibigan."
"Since?"
"2004."
"Mukhang fetus ka pa n'on, ah."
"Grade 4 naman," natatawang ani Rayne. "Ikaw siguro gurang ka na n'ong time na 'yon."
"Grabe 'yon! Mga 2nd year high school lang naman siguro."
"Ang tanda na!"
Tumawa si Kaye, humawak pa sa dibdib para kunwari dramatic. "Nakaka-hurt ka naman magsalita. Hindi naman ako old enough para maging pangit tingnan na magkasama tayo ngayon."
"Sorry na. Magtatanong na a—"
"Wait, hindi pa tapos," pagpigil ni Kaye.
"Ang dami nang sagot sa tanong mo."
"Mga follow up questions lang 'yon, hindi pa tapos."
"Fine. Ano?"
"Sino naman 'yong MJ? Boy na friend?"
"What?! Boy na friend?"
"Wala bang na sa gitna?"
Tawa nang tawa si Rayne. "Maria Jesusa pangalan n'on, beh."
Tumawa rin si Kaye. "Malay ko ba, beh."
Hindi na lang pinansin ni Rayne ang paggamit din ni Kaye ng beh. Huwag nang lagyan ng malisya para walang sakitan. Napunta sa ngiti ang tawa ni Rayne at kalaunan ay medyo naging seryoso.
"Ako na ba magtatanong?" tanong ni Rayne.
Akala ni Rayne, makakaalis na siya sa biglaan niyang nasabi kaso na-stuck ata si Kaye.
"Mayroon na tayong endearment, beh," anito.
"Sira! Sanay kasi ako sa gan'ong tawag," aniya. Gumagapang ang kahihiyan. Bakit ba kasi niya nasabi 'yon? "Magtatanong na ako, ah."
"Okay lang, beh."
"Ang kulit mo."
"Thanks, beh."
Mukhang walang balak tumigil si Kaye so, okay. Panindigan na lang hanggang sa magsawa na.
"Game na, beh," ani Rayne.
Napailing siya sa sarili, natatawa.
"Game, beh, I'm waiting." Ngiting-ngiti naman si Kaye.
Para siyang sinusuntok sa bawat beh ni Kaye, hindi na sigurado si Rayne kung paano siya nakaka-survive sa usapan nila.
(Dyusko.)
"Minsan ba, uhm. . .medyo malalim na 'to. Keri lang?"
Nag-thumbs up ito bilang tugon.
"Minsan ba naisip mong maging lalaki?"
Napanguso si Kaye. "Sa tingin mo?"
"Sinagot ng tanong 'yong tanong ko?"
"Sinagot mo rin ng tanong 'yong question ko na sagot para sa tanong mo?"
"Aw, putek. Naguluhan na ako."
Nagtawanan sila.
"Honestly," anito, uminom sa baso. "Yes of course. It crossed my mind a few times before. Before, ha? May mga pangyayari sa buhay ko noong mapapasabi na lang ako na sana totoong guy na lang ako."
"Same," wala sa sariling tugon ni Rayne.
"Same?" pagtataka ni Kaye. "You're a—"
"I mean, same. Lalo na kapag nagkaka-mens. Masakit sa puson. Cramps."
Mukhang natauhan si Kaye at tumango. Ngumiti. "Totoo."
"So, kapag nagkaka-mens ka, hassle?" pagtataka ni Rayne.
"Kailan ba naging rainbow and unicorn ang mens, right? Kahit na mukha akong guy, wala pa rin akong exemption sa hagupit ng dysmenorrhea bawat month," natatawang ani Kaye.
"Nyeh. Bakit ka pa popormang lalaki kung may mens ka pa rin pala?"
It was supposed to be a joke, pero sino ba namang shunga ang magjo-joke tungkol dito sa harap pa ng taong hashtag relate?
Sinong insensitive? (Clue: Rayne.)
Ngumiti si Kaye, walang bahid ng pagkaasar o ano. Malumanay lang. "Hindi naman kami, or me, sa part ko, pumoporma para maging lalaki o para mawala 'yong perks at hirap ng pagiging babae. Most likely, me, or we, are just attracted mentally, emotionally and sexually to girls."
"Girls? Hindi woman?"
"Same la—"
"Girls 'di ba, parang mga bata—"
"Ang pilosopo mo, Rayne," natatawang sabi ni Kaye, panay ang kain ng mozzarella sticks. Ganoon din si Rayne. "Ang cute."
Luh.
"Sorry," natatawang sabi ni Rayne, napahimas sa dibdib - sa may buto, para ihinahon ang mabilis na tibok ng puso. "Hindi ako lasing, pramis. Madaling araw na kasi kaya medyo hyper na ako."
"Okay lang. Mas okay nga, eh. You're loosening up."
"Magulat ka na lang nagsasasayaw na ako sa lamesa natin."
"Uy!" Nanlaki ang mata ni Kaye at natigil sa gitna ng pagkain. "Talaga?"
"Hala! Gustong-gusto?" natatawang tanong ni Rayne sa nakangiti lang na si Kaye. "Gustong-gusto talaga?"
Tumawa ito. "Marupok lang. Sorry naman na."
Sinawsaw ni Rayne ang daliri sa paubos na alcohol sa baso niya at winisikan si Kaye na umiiwas pero tumatawa.
"Para saan 'yon?!"
"Wala akong holy water," ani Rayne, ilang wisik pa ng margarita kay Kaye. "Mahimasmasan ka naman."
Ang lakas ng tawa ni Kaye.
"Teka, ubusin mo na 'yang tawa mo, may tanong pa ako." (Ang saya panoorin tumawa ni Kaye. Nakakaloka.) "Sabi mo may mga moments na sana lalaki ka na lang. Tulad ng mga anong pagkakataon?"
"Hindi ba dapat ako na mag-ask ng question?"
"Sagutin mo muna tanong ko, dali."
"Ang daya nito, oh."
"Please?"
"In love, syempre."
Naghintay si Rayne ng kasunod. Ng idudugtong. Something. More. Kaso, wala nang sinabi si Kaye. Nahihiya siya pero gusto niyang magtanong. Alamin ang kwento. Laliman pa ang gabi.
"Wala bang pa-expound d'yan? Tulad ng ehem, kwento?"
"Alam mo, ako na magtatanong."
"Hindi mo pa sinasa—"
"Sasagutin ko next questions mo kapag sinagot mo na questions ko."
"Questions? With S?"
"Yes."
Sumipsip siya sa baso na kaka-refill lang. "Ano nang tanong mo nang makwentuhan mo na ako."
"Two questions," ani Kaye, nakataas ang pointing at middle finger. "First one, oo o hindi lang ang answer. Second, kapag um-oo ka, kukwentuhan mo ako."
"Bakit ako magkukwento? Ikaw dapat magkwe—"
"Ito lang for now then I'll answer your every question."
"Ows? Mukhang dinadaya mo na nga ako ngayon, eh."
Tinapik ni Kaye ang dibdib nang nakakamao at tinaas na parang nagpapanatang makabayan. "Promise."
"Fine, fine."
"Yes na, ah? Sa dalawang questions ko?"
"Oo."
"Pinky promise?" Tinaas nito ang pinky.
Natatawang nakatitig si Rayne sa pinky ni Kaye. "Pinky promise? Seryoso?"
Inilapit ni Kaye ang kamay sa kanya bilang tugon, seryoso.
"Fine, pinky promise."
Hindi pa rin tinatanggal ni Kaye ang pagpa-promise nila gamit ang hinliliit, nagtanong na ito. "May experience ka bang related sa LGBT? Or sa lesbians para mas specific."
"Paanong experience?" kinakabahang tanong ni Rayne. Naka-lock pa rin ang pinky niya sa kay Kaye.
"I don't know. Kakilala. A friend. . ." Kinalas nito ang pagkakapulupot ng mga hinliliit. "Nagkagusto? Naging. . . girlfriend?"
Biglang tumawa si Rayne. "Kailangan bang totoo?"
Halata ang kaunting gulat sa mukha ni Kaye ngunit naghintay lang ito, hindi kumikibo sa pagkakaupo sa tabi ni Rayne.
"May kaibigan ako. . ." pagsisimula ni Rayne.
Tumaas ang kilay ni Kaye, may pagkunot ang noo. "Oo na ba sa first question?"
Naging mas alerto at tila nabuhayan si Kaye. Nakatitig kay Rayne, naghihintay ng sagot, na para bang ang oo o hindi mula kay Rayne ay isang signal sa kung anong bumubulong sa likod ng utak.
Imbis na sumagot sa tanong, nagpatuloy si Rayne sa kwento.
"Noong highschool . . ."
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Intersex
● Indibidwal na ang sexual anatomy o chromosomes ay hindi nagfi-fit sa tradisyunal na "babae" at "lalaki".
● People born with XXY chromosomes
● This is more on biological / sexual identity kaysa sexual orientation
examples: babae sa physical na anyo pero pang lalaki ang anatomy o isang taong in-between female at male ang genitals (penis, testes, vagina, uterus)
see also: hermaphrodite
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Official hashtag: #LS4N1
Wattpad: pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: [email protected]
⚢ random gif of the chapter ⚢
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top