06 | siX

"Pwede naman tayong pumasok ng MOA kung naiinitan ka," natatawang ani Rayne, tumingin sa labas. "Bakit kailangan pa natin gumastos para magpa-aircon?"

Pagkasarang-pagkasara ni kuya ng pintuan ng kaban nila sa ferris wheel, agad nagsalita si Rayne. Nasa tigkabila silang upuan kahit pinilit ni Kaye na magtabi sana sila.

("Para po sana balance, magkatapat na lang po," ang sabi ni kuya. Oo na lang sila pero pansing kating-kati si Kaye na tumabi sa kanya.)

"Sabi ko sa 'yo, ako nang magbabayad."

"Gusto nga kita, 'di ba?" natawa si Rayne sa panlalaki ng mata ni Kaye. "Ilibre."

"Naman, Rayne, eh!"

Nagtawanan sila. Saka natahimik.

Dahan-dahan ang pag-angat ng sinasakyan, tumatama ang sinag ng papalubog na araw sa kanila. Tumahimik. Parehas pinagmasdan ang paligid.

"May lahi ba kayong chinese?" tanong ni Kaye, again, sa gitna ng kaunting katahimikan.

Paglingon, gustong malusaw ni Rayne sa titig ni Kaye.

"Bakit?"

"Yung family mo. Skin tone. Then 'yong mata mo. . . singkit."

"Huwag mo naman masyadong titigan mata ko," natatawang ani Rayne, palabirong tinatakpan ang mata ni Kaye.

Pinigilan nito ang kamay niya, tumitig pa lalo. "'Di ko mapigilan, parang kulang pa nga."

Tumawa si Rayne. "Gusto mo bang turuan kita mag Mandarin?"

"Marunong ka?"

Mabilis na tinaas ni Rayne ang isang kilay, may pagmamayabang sa ngisi.

"Anong ituturo mo sa akin?"

"Yī, èr, sān, sì, wǔ, liù, qī, bā, jiǔ, shí."

"Anong ibig sabihin n'on?"

"Numbers. 1 to 10."

"Ano ulit?"

Inisa-isa ni Rayne ang pagturo kay Kaye ng pagbibilang in Mandarin. Hindi sila matapos-tapos dahil panay ang tawa ni Kaye kapag nagkakamali.

"Iba na nga lang," ani Rayne. "Ito. Madali lang."

"Sige."

"Tsao kinsi oo pah ou."

"Anong ibig sabihin n'on?"

"Hindi mo alam?"

"Hindi naman ako Chinese."

"Ang dali lang n'on. Disappointing, Kaye Cal."

"Grabe, 'di naman ako Chinese."

"Chowking siopao," sabi ni Rayne sabay tawa. "Joke lang na marunong akong mag-Mandarin. Pero may Chinese blood kami, full blood 'yong angkong namin sa mother side."

"Kaasar! Pinagtitripan mo ako!" Panay ang tawa ni Kaye. "Napaniwala ako sa chowking siopao! Nakakainis na ang galing!"

"Nasa tono 'yan. Ikaw, 'di ba taga Davao ka? Turuan mo rin ako mag bisaya. Alam ko lang, gitapol, eh."

"Paano mo nalaman 'yon?"

"In-invite ako as author guest sa event tapos ayon. . . kinailangan kong malaman kung anong bisaya ng tinatamad. Gitapol na ko."

"Bagay sa 'yo." Tumawa si Kaye. "Okay, sige. Ano bang magandang sabihin. . ."

"Pwera sa akin?" Natawa si Rayne, nagtaka si Kaye kaya kinailangan pa niyang i-explain. "Maganda. Pwera sa akin. . . ano ba 'yan, Kaye. Makisama ka naman sa akin."

Tawanan ulit ang dalawa.

"Tsaka 'yong madali lang na line, ah. 'Yong may meaning! Baka mamaya, gayahin mo ako sa siopao."

"Sayang." Ngumuso si Kaye. "'Yon pa naman sana naisip ko."

"Ayusin mo. Dapat deep, tipong malulunod ako."

Tumawa si Rayne pero natigil din dahil sa muling pagtitig sa kanya ni Kaye. Nakaramdam siya ng ilang. Paano, ang lalim ata ng iniisip nito. Magtuturo lang naman ng bisaya line.

"Rayne, nganong dili na lang mahimong kita?"

"Ano raw?"

"Ulitin ko. Rayne, nganong dili na lang mahimong kita?"

"Bakit parang pangalan ko? Anong sinasabi mo na may pangalan ko?!"

"Kasi ako nagsasalita. Try mo kapag ikaw na nagsalita: Kaye, nganong dili na lang mahimong kita?"

"Pangalan mo naman?" Nagtaas ng kilay si Rayne, mas naging attentive. "Paano ulit? 'Yong per syllable."

"Kaye, nga-nong di-li na lang ma-hi-mong ki-ta?"

"Dapat ba talaga may name?"

"Pwede namang wala kaso 'yong thought. . ."

"K." Tumahimik muna saglit si Rayne bago nagsalita. "Kaye, nga-nong di-li na lang ma-hi-mong ki-ta."

Lumawak ang ngiti ni Kaye. "Ulit-ulit. Mas mabilis, and 'wag mo kalimutan 'yong tono."

"Na parang patanong?"

Tumango ito.

"Kaye, nganong dili na lang mahimong kita?"

Ngumisi si Kaye, kinagat ang labi. "Ganahan ka? Sige na uy, kita na lang, Rayne."

"Ano 'yon? Bakit parang iba na?"

Mas lumawak ang ngiti ni Kaye. "Secret."

"'Di nga?"

"Secret nga."

"Bisaya ng secret o secret 'yong ibig sabihin ng linya?"

"Oo ka na lang."

"Ayoko nga! Baka kung ano 'yon, eh."

"Ouch!" Humawak si Kaye sa dibdib. "Ang sakit naman ng pagtanggi. Hinay lang, Rayne."

"Ang daya."

"Sinong mas madaya sa atin sa siopao?"

"At least sinabi ko 'yong meaning." 

Tumawa si Kaye. Nakaurong ito, pinipilit ilapit ang tuhod kay Rayne. Napapansin din niyang gusto abutin ng kamay nito ang sa kanya pero malayo pa rin.

Nagdadalawang isip si Rayne kung gusto ba niyang ilapit ang sarili, ang kamay kay Kaye, o hayaan na lang na hindi siya nito maabot.

Hinayaan niya. Hindi para hindi siya maabot, hindi lang niya hinayaan ang sariling abutin ito.

"Kapag kasama kita," ani Kaye nang matahimik silang muli. "Tumitigil 'yong mundo."

Lumingon si Rayne, may kaba sa dibdib. "Po?" Natawa si Rayne. "Teka, ang galang ko d'on sa part na 'yon."

Ngumisi si Kaye ngunit nawala rin. Bumuntonghininga at sumandal sa upuan. "But hindi tumitigil 'yong oras. . ." anito. "Laging may time limit."

"Oo nga," pagsang-ayon niya, tumingin sa labas ng bintana. "May time limit. Tapos, mawawala."

Tumango si Kaye. ". . .mawawala."

Naramdaman niya ang daliri ni Kaye na dumaplis sa kanya. Napatingin siya rito at napakuyom. Nilayo ni Kaye ang mga daliri.

"Bakit gan'on?" tanong nito.

"Ang?"

Nagseryoso ang mukha ni Kaye. "Why is it always like this to us? There's this certain feeling. . . na anytime soon, this will be over?"

"Ay talaga? Naiisip mo 'yon?" pagtataka ni Rayne.

"Hindi mo ba naiisip?"

"Positive thinker ako, eh."

"Negative thinker na ba ako?"

Tumawa si Rayne. "Ano lang. . . siguro, acceptance."

"Acceptance?" Kumunot noo ni Kaye. "Saan?"

"Na matatapos din 'to."

Ilang segundong tumitig si Kaye sa kanya. "So we will just accept it? Gan'on na lang?"

"Hindi ba dapat?"

Seryoso ang tingin ni Kaye. Nanliit ang mata. Walang bahid ng ngiti sa labi. Umurong itong muli palapit kay Rayne, tinama ang tuhod sa tuhod niya. Hinawakan ito.

"Gusto mo bang matapos 'to?"

"'Yong ride?"

"Rayne. . ."

"Medyo."

Kumunot noo nito. "Gusto mong matapos?"

'"Yong ride. Anlamig, eh. Giniginaw pa-off shoulders ko."

Maliit na ngiti galing kay Kaye. "Bakit ka ba ganyan, Rayne?"

"Hindi ko rin alam ba't ko naisipan mag-off shoulders," aniya, alam sa sariling magkaiba ang topic nilang dalawa. "Gusto ko lang talaga maging pretty girl for a day."

Tumawa si Kaye, nakisabay sa usapan. "Gusto ko sanang ihubad 'tong damit ko para ipatong sa 'yo but. . . wala nang iba sa ilalim nito, eh."

"May chest binder ka naman, ah."

"Papakita ko chest binder ko sa 'yo?"

"Wow naman, Kaye, that escalated quickly."

"Ikaw, eh. Gusto mo ata." Hinawakan ni Kaye ang pangatlong butones sa suot. "Tanggalin ko na?" Umakto itong tatanggalin nang sumigaw si Rayne.

"Huwag!" Pinigilan ni Rayne. Hinawakan ang kamay ni Kaye. "Ako na lang gagawa para sa 'yo." Pinalitan niya ang kamay ni Kaye at siya ang humawak sa butones nang tumawa si Kaye at hinawakan ang kamay niya.

"Ano, Rayne? Totohanin na sa cubicle?"

"Alam mo, Kaye. . ." Isa-isang binutones ni Rayne ang suot ni Kaye. Mula sa pangalawa na tinanggal niya kanina sa cubicle hanggang sa pinaka taas na halos sakal na ito. "Rated PG lang. okay?" Inunat pa niya ang damit sa may balikat. "Hindi tinted 'yong salamin dito."

Totoo dahil nakikita nila ang ibang couples na nasa ibang cabin.

Nakangisi si Kaye nang lumayo si Rayne.

"Kakasabi ko lang na PG tapos 'yong ngiti mo. . ."

"Bakit?" natatawang ani Kaye. "Anong mayroon sa ngiti ko?"

"Mukhang may balak."

Tawanan.

"Hay nako, Karen Jade, ang iyong image, nasisira na po."

"Anong image naman?"

"Nawawala ang wholesome image. Susumbong kita sa manager mo."

Tumawa ito. "Grabe. . . pwede naman maging naughty. Minsan."

Si Rayne naman ang tumawa. "Kaya ang hirap maging sikat." Umiling siya. "May image pa. Buti pa ako, normal na mamamayan ng Pilipinas."

"Uy, grabe. Ganito naman talaga ako for real," natatawang ani Kaye. "Normal na tao lang din ako. And sa up bringing din sa family at environment kaya ako ganito. Marami lang kailangan hindi gawin at i-post para iwas sa negative."

"May nambabash sa 'yo?"

"Hindi naman nawawala 'yon."

"Actually, ako talaga 'yon," sabi ni Rayne. "'Yong mga dislikes sa youtube videos mo? Sa akin talaga galing."

"What—"

"Kasi 'di ba, there's a thin line between love and hate?" sabay tawa.

"Ah, so, love mo ako?"

Naubo si Rayne sa narinig. "Alam mo, feeling ko may problema ako."

"Grabe 'yong change topic."

Tumawa si Rayne. "Seryoso ngang feeling ko may problema ako."

Umiling si Kaye. "Sige na, anong problema mo?"

"Pwera sa 'yo?"

"Problema mo ako? Bakit na naman?"

"Pwera sa hindi ka na mawala sa isip ko. . ."

"Rayne!"

"Bakit?"

"Bakit ka nambibigla!"

Tumawa si Rayne. "Joke lang! Teka." Napahawak si Rayne sa ulo. "Nahilo ako kakatawa."

"Tapos joke na naman."

"Gusto mo bang seryosohin?" tanong ni Rayne.

"Hindi pa rin ba? Hanggang ngayon?"

Sa sobrang seryoso ng mga mata ni Kaye, ngumiti si Rayne at iniwas ang tingin.

"Tungkol sa problema ko. . ."

Napansin niyang umiling si Kaye nang sumandal. Huminga nang malalim saka tumango at ngumiti sa kanya. "Okay, anong problem?"

"Ang sakit ng legs ko," aniya. "Ayos lang, papatong sa gilid? Feeling ko minumura na ako ng legs ko in Mandarin."

Tumawa silang dalawa.

Pinatong ni Rayne ang dalawa niyang paa na naka-boots pa rin sa upuan, gilid ni Kaye. Pinukpok niya ang ilalim ng binti at napapangiwi. Gusto niyang maiyak.

Napaatras siya nang hawakan ni Kaye ang anklet na sinuot nito sa kaliwang paa.

"Ingatan mo 'to, ah?"

"Naman. Papa-frame ko pa nga 'yan pagkauwi ko."

Ngumisi si Kaye. Pinindot-pindot ang binti ni Rayne. "Gusto mong i-masahe kita?"

"Uy, teka!"

Bago pa maka-react si Rayne, kumabog na ang puso niya. Hinawakan ni Kaye ang kaliwa niyang binti. Iniayos ito nang hindi tinatanggal ang sapatos ngunit hindi madudumihan ang damit. Sa unang pisil nito sa binti, napa-ahh agad si Rayne.

Ngumisi si Kaye sa narinig. "Mukhang battered leg na 'tong binti mo, ah."

"Heels pa more si ate girl," natatawang ani Rayne. Nang maramdaman ulit ang pagdiin ni Kaye sa muscles ng binti niya, napa, agh, shit siya. "Ang mali ng sound reactions ko."

Hindi napigilan ni Kaye ang sarili sa pagtawa, patuloy sa pisil at paghagod sa binti ni Rayne. "Hindi ko na nga pinapansin."

"Ang sarap, eh!"

"Rayne!"

"What?"

"Akala ko ba PG?"

Tumawa silang dalawa.

"Ayoko na," ani Rayne, pilit binababa ang binti. "Tigil na natin 'to."

"Agad-agad? Hindi pa nga nagsisimula 'yong totoong laban?"

"'Yon na nga, eh. Paano pag nagsimula pa?" Nanlaki ang mata ni Rayne, sabay ngiti. "Tigil na pagmasahe."

"No, no, hayaan mo na ako," ani Kaye, natatawa. Hindi binibitawan ang binti ni Rayne. "Kwentuhan lang tayo. Anong gusto mo, hard o soft?"

"Kaye. . . Cal. . ." may pagmamaktol sa boses ni Rayne. "Tama na. . ."

Tumawa si Kaye. "Sige na, sige na. Hindi na." Inikot-ikot nito ang paa. Halos tumunog ang joints niya sa pagkapagod.

"Minsan ba naisip mong gawin ang isang bagay pero hindi mo ginagawa?" tanong ni Rayne.

"I try. . . to not do that," sagot ni Kaye. "Lalo na ngayon. As far as things go in my life, kaya ko lang hindi nagagawa ang isang bagay is because of time restrains."

"Busy girl."

Tumawa si Kaye. "Bakit? May ganyan ka bang experience?"

"Bigla ko lang naalala kagabi na may writer na sobrang nagagalingan ako sa kanya at sobrang tempted na ako i-follow siya pero ayon, hindi ko pa rin pinindot. Ang babaw, 'di ba?"

"Sobrang hirap ba magpindot? Ganito lang, oh." Pinindot ni Kaye ang binti ni Rayne, tumawa.

"Pero naka-follow siya sa akin. Isang click lang, mutual na kami."

"Follow mo na. . ."

Pumalatak si Rayne. "Paano kung finollow ko siya tapos hindi ko na nababasa gawa niya? Paano kung after a few reads, hindi ko na pala gusto 'yong sinusulat niya?"

"Ah, grabe 'yon," ani Kaye, pabirong hinawakan ang dibdib. "Ganyan kabilis pagkawala ng interest mo?"

"Hindi, hindi. . .ko alam?" sabi ni Rayne. "Baka lang. Paano. What if. Kasi 'di ba, what if hyped lang ako ngayon pero sa susunod, hindi na pala?"

"Hindi naman kailangan hyped ka lagi."

"Paanong hindi hyped? Eh 'di balewala din, sana hindi na lang nag-follow. . ."

"May certain moments ang hype," anito. "Sa part ko, and napapansin ko rin, There will be a few people na hinahanap ako kapag hindi nakapag-post online which is very flattering but karamihan, hindi hyped kapag hindi ako nagpapakita. But they follow me for updates."

"Pero. . ."

Itinabi ni Kaye ang kaliwang binti ni Rayne at ang kanan naman ang kinuha. Pinigilan ni Rayne mag-react nang pisilin nito ang binti niya. Hindi niya maintindihan kung anong mararamdaman sa hawak ni Kaye sa kanya.

"Ang touch move ko kasi ata," aniya. "Kapag nag-follow ako, 'yon na 'yon. Nakakatakot na baka hindi ko naman pala siya magustuhan tapos pagsisihan ko."

"Pwede naman mag-unfollow?"

"Hala, ayaw. Isa 'yon sa pinaka iniiwasan ko." Sumimangot si Rayne. "Gusto ko for a lifetime na sana. Kaya minsan, todo stalk ako. Mine-make sure kong gusto ko talaga."

"Grabe. Can't believe problema mo talaga ang simpleng pag-follow."

Diniin ni Kaye ang hagod sa binti ni Rayne. Huminga nang malalim si Rayne. Bakit parang humina 'yong aircon ng cabin nila?

"Malala talaga minsan overthinking ko. Problema ko talaga 'to sa lahat ng social media accounts ko. Ingat na ingat sa follow button kaya—"

Napansin ni Rayne na nakangiti si Kaye habang minamasahe siya, nakikinig man sa kanya o hindi, nagtataka na siya.

"Ba't nakangiti ka d'yan?"

Umiling si Kaye, ngumisi. Pinanood ni Rayne ang paghimas nito sa kanyang binti. Baba, taas. Baba, taas. Kinilabutan siya nang mas maramdaman ang init ng palad ni Kaye sa balat.

Pag-angat niya ng tingin kay Kaye, napatitig siya sa mga mata nitong nakatingin sa kanya. Kinabahan. Mas naramdaman ang pagdikit ng kamay nito sa balat.

Napahawi siya ng buhok at napatingin sa labas. Bakit ang bagal ata ng pag-akyat nila? Nasa gitna pa lang? At. . . malapit nang lumubog ang araw.

"May question ako."

"A-Ano?"

"PGT days pa lang, kilala mo na ako."

"Uhm, oo nga?" sagot ni Rayne, naguguluhan. "Nailatag na 'yang fact na 'yan since fetus days?"

Tumawa ito. "2010 pa ang PGT na sinalihan ko."

"Uhm, oo nga?"

"2017 na ngayon. After a month, 2018 na."

Napapatitig si Rayne sa kamay ni Kaye na patuloy ang pagmasahe sa binti niya. Akyat. Baba. Paikot. Napapansin niya ang bawat kilos ng mga daliri nito. Paglapat ng palad sa balat niya. Ingat na ingat.

Normal lang naman ito pero bakit. . . nawawala ata siya sa wisyo?

Huminga siya nang malalim. Umiinit.

"Nagustuhan mo ba ako simula nung 2010?"

'Yong titig ni Kaye. . .bakit ganyan?

"A-Ah?"

"I mean, 'yong boses ko—"

"Oo, di ba? You got me at Wonderful Tonight," nangingiting sagot ni Rayne. "Ano ba 'yan, mamaya magulat ako pumutok na 'yong ulo mo sa sobrang pagpapakain ko ng ego mo."

Tumawa silang dalawa.

"And yet you're here." Nakadantay lang ang kamay ni Kaye sa binti niya, hindi gumagalaw. Ang init. . .ng palad nito. "Kung nagsawa ka ba sa akin, nandito ka pa rin? Nandito ako? Nandito tayo sa ferris wheel? After 7 years. . ."

Huminga siya nang malalim. Gusto niyang bawiin na ang binti para hindi na dumikit ang palad nito sa balat niya pero ayaw rin niya.

"A-Ang weird nung term mo sa sawa—"

"My point is, I don't think you're the type of person na nagsasawa agad-agad. Kung nagsasawa ka man? Sabi mo nga, for a lifetime na."

Ginalaw ni Rayne ang paa. Ibinaba. Nagpasalamat. Kinailangan pa niyang himasin ang dalawang binti dahil para siyang nakikiliti na ewan.

(Sensitive much?)

"Balik siguro to sa commitment issues," aniya. "Paano kung hindi ko mapanindigan hanggang huli? Paano kung ngayon lang pala 'yong pagkagusto ko sa gawa niya. Na-hyped lang. Makakasakit lang ako kasi umasa siya sa follow ko. Masasaktan din ako kasi pinaasa ko siya sa follow ko."

Ngumisi si Kaye. "Ang sarap maniwalang may taong hindi tayo sasaktan at masasaktan kahit kailan, pero possible ba 'yon?" ani Kaye, nakatitig sa mga mata ni Rayne.

"Uhm, kung kakayanin?"

"Iiwasan? Tao lang tayo, Rayne. Mararamdaman natin 'yan kahit hindi natin sinasadya minsan."

"Inaamin mo bang nakakasakit ka?"

Ngumisi si Kaye. "Siguro?"

Napaatras si Rayne nang tumama ang binti ni Kaye sa binti niya.

(Kailan pa siya naging sensitive?!)

"Talaga?"

"I guess, lahat naman tayo."

"Bakit? May nagsabi na ba sa 'yo nang harap-harapan na nasaktan mo sila?"

Tumawa si Kaye. "Bakit tayo napunta sa akin?"

"Gusto ko lang malaman."

"Hmm, yeah."

"Anong sabi?"

Ngumisi ito. "Na nasaktan ko sila."

"Sila?! Ang dami naman!"

Pasimpleng nag-pogi sign si Kaye kaya natawa si Rayne. Na sinabayan na rin ni Kaye ng tawa.

"Heart breaker ka pala, eh."

"Kidding aside," anito. "That's just the way life is. Nakakasakit tayo, then nasasaktan. Kaya kung may nafi-feel ka, like - pagkagusto; itodo mo na lang. Pikit mata. Masaktan at makasakit ka man, ngingiti ka pa rin sa huli at masasabi mong ginawa mo lahat. Walang pagkukulang."

"Paano nga kung ngayon lang pala 'yong feeling?"

"Aalagaan syempre 'yong feelings para hindi mawala."

"Ang hirap ata n'on."

"Hindi, ah. Minsan, mawawala, but once kinulit ka na. Hindi mo na mapigilan. That feeling you can't keep on denying. . . You just go for it."

"Grabe, follow lang pinag-usapan natin, 'no?"

"Hindi na lang kasi follow lang ang pinag-uusapan natin," ani Kaye.

Umiwas siya ng tingin kay Kaye at tumingin sa labas ng bintana ng cabin. Nasa kalahati na sila ng pag-akyat, wala pa sa pinaka tuktok ngunit maliliit na ang mga nasa paligid, ang mga taong naglalakad, ang ilang buildings, ang mundo sa ibaba.

Napahawak nang mahigpit si Rayne sa upuan sa biglang pagtayo ni Kaye. Akala niya katapusan na nila pero hindi naman gumalaw ang cable car. Walang sabi-sabi itong naupo sa tabi niya at tumingin sa labas ng bintana.

"Ah, kailangan lumilipat ka talaga sa tabi ko?"

Patayo na sana si Rayne, uupo sa pinanggalingan ni Kaye pero pinigilan siya nito.

"Dito ka lang," anito. "Please?"

"Wala na." Naupo nang maayos si Rayne sa tabi ni Kaye. "Dinaan na ako sa please."

Tumawa si Kaye. "Salamat naman nagwo-work."

"Kainis nga, eh," natatawa rin ani Rayne.

Natahimik silang magkatabi. Hinahanap ng kamay ni Rayne ang presensya ng hawak ni Kaye ngunit minabuti niyang kumuyom. (Nasasanay na siya. Lagot.) Walang kilos si Kaye na nakaupo sa tabi ni Rayne. 

Parehas silang nagpapakiramdaman.

Tumitig siya sa araw na malapit nang mamaalam. Bakit naman biglang ang payapa ng buong moment?

Nakakatakot.

Ang tahimik.

"It all sums up sa natatakot ako magmahal," biglang sabi ni Rayne sa kawalan, sagot sa kaninang pinag-uusapan. Ang lakas ng kabog ng dibdib. "'Yong tipong ibibigay lahat tapos wala nang matitira sa sarili kaya hirap na hirap akong ibigay sa umpisa pa lang."

"Mababaliw ka ba if ever?"

"Hindi ko pa ata nararanasan kaya parang. . .paano kung ganito pala ako? Nababaliw. Nawawala sa sariling katinuan?" Unti-unti siyang ngumiti sa sunod na mga sinabi. "Nababasa ko pa naman sa mga horoscopes na very passionate lover raw ang mga Scorpio."

"Seriously?

"Oo. Tsaka hot in bed."

Humagalpak sila ng tawa.

Pinatong ang siko sa sandalan at hinarap si Rayne nang nakaupo. Dinantay nito ang ulo sa kamay dahilan para mailang si Rayne at napaatras sa kinauupuan.

"Masyado ka namang attentive."

Pinipilit niyang paupuin nang maayos si Kaye pero ayaw nito magpaawat. Gustong nakaharap sa kanya ang halos buong pagkatao.

"Nakikita mo bang passionate lover ka?" tanong nito.

Tumingin sa taas si Rayne, tinitigan ang bakal na kisame. "Hindi ko alam. Sobrang nagiging close talaga ako sa mga tao pero kapag nagsimula na ang romantic intimacy. . ."

Napabaling siya ng tingin kay Kaye nang hawakan nito ang pisngi niya, magaan ang paghimas ngunit para siyang sinuntok ng kiliti sa tiyan.

"H-Hinahayaan ko na lang silang umalis. . ."

Sumimangot si Kaye rito, nakakunot pa ang noo. "Pwede ba tayong magtitigan ulit? 8 minutes naman."

"H-Ha?" (Bakit sasabog na ang puso ni Rayne?!) "Anong trip mo?"

Ngumisi si Kaye. "Ako lang ata nahuhulog, eh. Baka kapag 8 minutes, sumunod ka na rin."

Pati ang tawa ni Rayne, rinig ang kaba.

"Parang ano. . .parang. . .kapag nahulog mula dito, lasog-lasog tayo?" Tumingin sa ilalim ng ferris wheel. "Ang layo ng babagsakan, oh."

"Hayy, Rayne."

"Hello?"

Ngumisi si Kaye. Tumitig ito sa mga mata ni Rayne. Hindi niya maiwas ang tingin dahil para itong kanina, nahi-hipnotismo siya.

(Ganito ata kapag nabubudol-budol?)

"Alam mo," biglang iwas ni Rayne ng topic. "Sobrang cliche ng ferris wheel scene pero may ganito sa paborito kong movie."

Natigil ang paghimas ni Kaye sa pisngi niya. "Ang bilis talaga. . ." Ngumisi.

"Pero nakatayo lang sila. Tamang-tama din, may sunset pa, tapos. . ." Lumingon si Rayne sa papalubog na araw. Naalala niya ang sunod na ginawa ng dalawang character sa paboritong movie at napakagat ng labi. "Nevermind pala sa part na 'yon. Pero ang cool doon, may hinahabol ding airplane kinabuka—"

Napaatras si Rayne dahil ang lapit ng mukha ni Kaye sa kanya pagbalik ng tingin kay Kaye. Malakas ang pagkakauntog niya sa salamin na bintana ng cabin. Tinulak niya kaunti si Kaye na medyo lumayo.

(Medyo. As in, medyo lang para masabing lumayo nga. Mukhang walang balak lumayo ni Kaye.)

Ngumisi ito. "Tapos nag-kiss sila."

"Alam mo 'yon?"

"Every romance movie with ferris wheel ever," nakangiting anito. "But I think alam ko 'yong sinasabi mo. Before Sunrise? Ethan Hawke and Julie Delphy?"

"Oo, 'yun nga! Nice! Favorite ko. . . 'talaga. . . "

Nanlalaki ang mata ni Rayne. Dahan-dahan ang pag-atras niya dahil sa dahan-dahang ding paglapit ni Kaye sa kanya hanggang sa naramadman na niya ulit ang salamin sa likod ng ulo niya. Akala niya titigil na si Kaye, ngunit hindi ito tumigil.

"'Yong chemistry. . ." 

Lumapit lang ito nang lumapit.

Hanggang sa halos bumaba na si Rayne sa upuan.

". . .nila! Kaye!"   

Pilyang ngiti ang binitawan ni Kaye bago ito mas lumapit pa. Napapikit na lang si Rayne, halos pahiga na at tinatakpan ang kalahati ng mukha nang dahan-dahang hinila nito ang kamay na pinangtatakip at inupo siya. Pumulupot ang braso nito sa kanya para yumakap.

"Sabi mo kapag nagkaroon ng romantic intimacy. . ." bulong nito. Nararamdaman niya ang kamay nitong mas hinihila pa siya palapit. Hinihila siya palapit. ". . .hahayaan mong lumayo."

"K-kahit hindi intimacy, kahit 'yong magbigay ng slight interest lang. . .hindi ko na alam 'yong gagawi—"

Humigpit ang yakap. 

"Hahayaan mo ba akong lumayo?"

"Kung. . .kung 'yon ang gusto mo."

"Rayne, alam mo naman na, 'di ba? Hindi ka manhid."

Napangisi si Rayne, tumango. Pumikit siya at siniksik ang mukha sa leeg ni Kaye. "Kaya nga sinasabi ko sa 'yo lahat ng mali para magdalawang isip ka na."

"Wrong move ka ata, Miss." Tumawa ito, ramdam ang paghigpit pa lalo ng yakap. "Mas lalo pang lumalalim."

"Sure na ba 'yan?"

"Sure."

"Lagot."

Nasa tuktok na sila ng mabagal na pag-ikot ng ferris wheel. Sa pinakas taas. Sa pinaka magandang pwesto para makita ang pinaka view—ngunit walang tumintingin sa labas ng bintana. Walang tumitingin sa paglubog ng araw. Ang focus nila ay ang isa't isa at tibok ng puso; mukhang pati ang nararamdaman ng dalawa, nasa highest point na rin. Kailangan na lang panindigan.

(Kung maninindigan.)



National Coming Out Day (NCOD)

● Founded noong 1988 by activists Robert Eichberg and Jean O'Leary. Instead of "bashing" the anti-LGBT community - minabuti nilang i-celebrate na lang ang pag-come out ng mga members ng community para maging positibo ang outlook sa pag-come out.

● They chose October 11 or 12 as the NCOD , depende kung nasaan ka, para i-celebrate ang anniversary ng 1987 National March on Washington for Lesbian and Gay Rights

● They believe na nangyayari ang homophobia dahil nananahimik ang lahat; at naniniwala silang once a homophobic or have oppressed views sa LGBTQ+ loved ones or close to came out of the closet - mababawasan o mawawala ang negativity ng mga ito dahil nga kasama sa community ang mahal nila sa buhay.



Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: [email protected]

⚢ random photo of the chapter ⚢

Featured #LS4N1 tweet:

Featured #LS4N1 edit: @annengsshi | twitter

⚢ random Kaye Cal photo of the chapter cos wala lang hihi ⚢

Mga beh! Malapit na abutan ni Kaye ang first place kaya keep on voting www.wish1075.com/wishawards or click external link (for web users)!! Everyday po ito until January 15 yehey! 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top