06 | Six
⚢
"Saan mo naman nakuha 'yan?"
"Ano ka ba, may internet."
"Uh. . .hmmm. . ." Imbis na tanggalin nito ang hawak sa balikat ni Rayne, mas humigpit pa ang pagkakaakbay niya. "Oo nga, may crush nga ako."
"Okay. . ." (Aray. Aray. Aray. Bakit may masakit?) "So anong ganap dito."
Parehas pa rin silang nakasandal sa isang salamin na pader ng saradong establishment. Ang isang brasong pag-akbay ni Kaye kay Rayne ay naging yakap. Dalawang braso ang nakapulupot sa kanya. Halos mabaon siya sa dibdib kung hindi lang maluwag ang yakap.
"Teka! May make up mukha ko! Malalagyan damit mo!"
"Hayaan mo na."
Natigil.
Hindi na niya malaman kung nasaan na nga ba ang mga hawak nilang bote ng tubig kanina.
"Ang PDA nito," ani Rayne. "In fairness."
"May affection ba?" tanong nito.
Ngumiti si Rayne. "May public display."
"Okay lang ba?" tanong ni Kaye, dinantay ang pisngi sa ulunan ni Rayne.
"Kapag ba sumigaw ako rito, may maniniwalang minamanyak mo ako?"
"Ewan ko. Ta-try mo ba?"
Ang weird pala kapag nararamdaman ang bawat vibration sa tuwing magsasalita, tatawa, o gagalaw si Kaye – masyadong naha-highlight kapag nakayakap sa kanya ito.
"Maniniwala kaya silang may babaeng nangmamanyak ng babae rin?"
"Pwede silang maniwala dahil hindi naman ako mukhang babae. And yes, I think, lalo na kung alam mong may malicious intent. Kahit mukhang feminine."
"Hmm, malicious intent," nangingiting ani Rayne. "Pero alam mo. . ." Hinawakan ni Rayne ang magkabilang balakang ni Kaye. "Napansin kong may curve ka rito. Mas sexy ka sa akin."
Mukhang nagulat si Kaye ngunit hindi pa rin bumibitaw sa yakap. "Ito ba 'yong malicious intent?"
"Secret," natatawang ani Rayne. "Hindi ako aamin."
"Wala pa rin palang aminan?!"
Tawanan.
"And really?" ani Kaye. "Pinagmamasdan mo talaga katawan ko?"
"Hello, galing ako sa concert mo." Pumikit si Rayne, mas dinantay ang pisngi sa dibdib nito. "Sino pa bang titingnan ko nang ilang oras kundi ikaw lang naman."
"Gusto ko 'yan."
"Cute mo nga sumayaw, eh."
"Ano ba!" natatawa nitong react. "Nakakahiya!"
"Pero kapag kumakanta ka, d'on mas nade-define . . ."
Tinatago ng suot na tux ni Kaye ang hubog ng katawan. Ipinasok ni Rayne ang kamay sa loob ng tux, ang polo nito ang tanging hadlang sa balat sa balat na hawak. Unti-unti ang paggalaw ng mga kamay ni Rayne, sinusundan ang hubog, kinakabisado ng kamay ang nakatago nitong kurba. Naramdaman niya ang malalim at maharas na pag-ihip ng hangin ni Kaye.
Kumapit siyang muli sa black suit sa tigkabilang gilid – hindi yumayakap pabalik. Ngunit hindi rin niya gustong ibaba ang kamay. Ayaw niyang hindi maramdaman ang lapit nila sa isa't isa.
"Minamanyak mo na ba ako?" tanong nito, natatawa. "Dapat na bang ako ang matakot sa 'yo?"
"Ang tanong kasi talaga, bakit mo ako niyayakap?" Kahit si Rayne mismo, kinabahan sa sariling tanong. "Ito ba 'yong sagot mo tungkol sa crush mong taga-Davao?"
"Gusto mo bang ikaw ang isagot ko kapag ini-interview nila ako tungkol sa crush?"
"Bakit, crush mo ba ako?"
Tumawa ito, humigpit sandali ang yakap. "Hindi."
"Eh, 'di hindi."
"Ikaw kahinaan ko."
Tigil.
Hinga.
"Huh?"
Tigil.
Hinga.
"Hindi mo ba napanood 'yong guesting ko kay Tito Boy?"
"Hindi. . ." aniya. "Sinubukan kong huwag masyadong manood ng mga videos mo."
"Ouch. Bakit naman?"
"Baka masyado akong matuwa sa 'yo."
Tumawa ito. "Pero alam mo 'yong sa crush na interview?"
"Sobrang dami kasi," aniya. "Hindi ko maiwasan dahil laging bini-bring out. Laging sinasagot ng isa d'yan sa interviews."
"Oh. . ." Kaunting katahimikan. "Selos?"
Tumawa si Rayne. "Push mo 'yan."
"Malapit ko na talagang i-push." Bumaba ang mga kamay ni Kaye sa likuran ni Rayne. Ramdam niya ang kamay nito sa likod. "Tinanong ako ni Tito Boy sa Fast Talk, mabilisan. What's my weakness."
"Okay. . .sinasabi mo sa akin ito dahil. . .?"
"What ang tanong, sana nag-who siya."
"Hindi ko pa rin gets kung anong gusto mong i-punto."
"Ano ka ba?"
"Ha?"
"Ano ka?"
"Anong ano ako? 'Di ko gets?"
"Basta, tell me. Ano ka? Anong klase ka?"
"Uhm, tao?" Sobrang unsure pa rin si Rayne.
Tumawa ito. Ramdam niya ang vibration. "Ano pa?"
"Naghuhulaan na ba tayo rito?"
"Mukha. Game. Ano ka pa?"
"Uhm. . .anghel?" natatawang ani Rayne.
"Pwera pa d'on." natatawang sagot ni Kaye.
"Ano ba dapat? Uh, babae?"
"Sige lang. Ano pa?"
"Ano ba dapat kong isagot?"
"Chinita."
Napadilat si Rayne ngunit hindi niya kinilos ang ulo o kahit anong parte ng katawan niya. Nakailang kurap siya.
"N'ong tinanong ako kung anong weakness ko, mga mata mo agad naalala ko. Kung paanong hindi mo ako tinitingnan pabalik kapag tinititigan kita. At kung paano ka lumingon sa akin, tititigan ako, minsan panliliitan ng mata," natatawa nitong sabi. "Kung paano ka mag-smile para ipakitang mayaman ka at nadadala sa pag-smile mo 'yong eyes mo. Kung paano mo ako irapan kapag nagsusungit pero ang cute pa rin."
"Okay, tama na." (Sasabog na ang puso ni Rayne. ) "Hindi buhok, tho? Sayang naman, ma-effort din mag-maintain ng white hair."
"Isa na 'yon, but ano bang mas mapang-akit?"
"Ah, so, sine-seduce ka ng mata ko, gan'on?"
"Gan'on na nga."
"Nako, paano pa kaya kapag kinarir ko?"
"Baka mahimatay na ako, Rayne."
Tumawa si Rayne at pumikit muli. "So, ano ba talagang whole point nito? Para ibahin ang topic mula sa crush?"
"Just a crush, Rayne. Just a crush."
"Pwedeng lumalim."
"Hmm. . ."
"Maraming common interests. . ."
"Hm? Tulad ng?"
"Parehas kayong taga-Davao."
"Rayne. . . Taga-Manila na ako."
"Nag-originate."
"Kahit na. . ."
"Tsaka matagal na," ani Rayne. "High school days pa kilala, 'di ba?"
Humigpit ang yakap ni Kaye tulad ng paghigpit ni Rayne sa kapit sa tux. "Crush lang. Crush lang talaga. . ." pag-ulit ni Kaye. "Hanggang doon lang talaga 'yon."
"Hindi siya wala lang."
"Wala lang man to siya uy."
"Nababanggit sa mga interviews, eh," tuloy niya.
Hidi nagsalita si Kaye.
Humugot nang malalim na hininga si Rayne. "Kung nasa Davao ka ngayon, may chance maging kayo."
"Wala ako sa Davao. Nandito ako."
"Kung."
"Rayne. . . crush lang talaga. Wala lang 'yon. As in."
"Teka lang nga."
"Bakit? Gal—"
"Check ko lang 'yong label. Nagugulo na ata."
Tumawa sila, lalo si Rayne. Kaso naunang magseryoso si Kaye.
"Rayne. . ."
Tumikhim si Rayne. "Sige na, kung crush lang, bakit may paganito pa? Anong pinaglalaban nitong yakapan?"
Natahimik saglit si Kaye, mukhang inaalam pa ang susunod na sasabihin. Pinapakiramdaman ang susunod na gagawin.
Ilang beses lang huminga nang malalim si Rayne.
(May machakit talaga, ih.)
"Yakapan ba talaga 'to?" tanong ni Kaye, pagbasag sa katahimikan. May halong biro sa tono ng boses. Iniiba ang topic nang tuluyan. "Bakit hindi ko naman nararamdaman 'yong hug mo sa akin?"
Mas humigpit ang hawak ni Rayne sa tux ni Kaye sa gilid, kaunti na lang ay baka mahatak na niya ito at masira. (Muntik na niyang itanong kung kay Kaye ba 'tong tux o hiram lang d'on sa designer na si Belle. Baka naman pwedeng lukutin nang sobra?)
May takot pa rin. Hinayaan na lang muna niya.
"Baka himatayin ka kapag yumakap ako pabalik," ani Rayne.
Naramdaman niya ang pagngiti nito sa ulunan niya. Ang dalawang kamay sa likuran niya ay gumalaw nang kaunti.
"Try me," sabi ni Kaye.
"Hala, anong try me 'yan."
Tawanan.
"I mean, hug me back pala."
"Ayaw."
"Bakit?" bulong nito, mukhang sumimangot pa sa tono ng boses.
"Baka magkaasahan tayo rito, eh," natatawa niyang sabi. "Magkasakitan, gan'on."
"Ay, wala bang aasahan?"
Binaba niya ang mga kamay at hinayaan lang na nasa gilid. Bilis ng tibok ng puso.
"Kaye. . ."
"Ugh." Humigpit ang yakap ni Kaye sa kanya. Halos yumuko na ito, ang mukha ay tumama na sa balikat ni Rayne. As if hindi pa sapat ang kaninang mahigpit na yakap. "Sorry. Alam kong strai—ahhh, ewan. Ito na naman ako. Nababaliw na ba ako, Rayne?"
"Parehas ata tayo."
Natatawa si Rayne sa sinabi ngunit gusto rin niyang maiyak.
Pumapasok sa isip niya ang tanong na bakit? Bakit niya gustong umiyak? Bakit siya iiyak? Anong mayroon at bakit parang gusto na lang niyang umiyak nang umiyak kahit wala namang nakakaiyak talaga?
"Uuwi na ba ako?" tanong niya.
"Huwag muna, please."
"Sige. . . uhm, ganito na lang ba tayo?"
Napatingin siya sandali sa paligid – kaunti lang ang dumadaan at karamihan pa sa mga ito ay walang pakialam. Good. Kanya-kanyang buhay.
Huminga nang malalim si Kaye bago kumalas sa yakap. "Sorry, ah." Napahilamos ito ng mukha. Sinuklay ang ginulong buhok ni Rayne palikod. Sa frustration. Stress. Naghalo-halong emosyon.
Hinawakan ni Rayne ang mga kamay ni Kaye at para pigilan si Kaye sa pagkamot ng mukha. Bumitaw rin naman siya agad bago pa magtagal ang hawak niya rito. Tiningnan niya ang suot na damit ni Kaye. Pinalis niya ang dumikit na make up dito, ngunit may hindi natanggal. Mukhang masyadong madiin ang pagkakayakap.
"Wala ka ba talagang boobs?" pagbasag ni Rayne sa katahimikan.
Ang seryosong mukha ni Kaye ay napinturahan ng gulat at ngiti. "A-Ano?"
"N'ong niyakap mo ako, halos sumubsob ako sa dibdib mo," aniya. "Flat."
"Rayne!"
"Bakit?"
Tumawa si Kaye.
Sobrang lakas.
Halos isang minuto pa ata bago ito nahimasmasan.
"Gusto mo bang kapain?"
"What?!" Nanlaki ang mata ni Rayne. Nag-init bigla ang pisngi. "Ayos lang ako."
"Char lang." Tumawa ulit si Kaye. "Namula ka."
Napakagat si Rayne ng labi. Biglang nahiya. "Ikaw, eh!"
Tawa ulit. Ang saya-saya ata ni Kaye na nahihiya si Rayne.
"Hindi talaga sobrang flat," anito. "But pang malas na future pa rin kung para sa mga girls."
Tumikhim si Rayne. Nahihiya pa rin ngunit kailangan ituloy ang usapan. Dapat ituloy lang. Walang katapusan. "Ang super blessed mo talaga na may panglalaki kang physicality. Nagli-lean on ka talaga sa masculinity. Except those. . ."
"Those?" Tumaas ang kilay ni Kaye.
"Those freaking hips."
Ngumiti si Kaye, mukhang nahiya.
"Paano mo. . .natatago? Na parang wala talaga?"
"Ang alin? Future or hips?"
"Hindi mo naman natatago hips mo, eh! 'Yong boobs."
"Rayne! Filter!" Natawa si Kaye, napahawak sa dibdib. "Dati, sports bra. Ngayon, may chest binder ako. And to tell you the truth, hindi ko alam ba't sinasabi ko sa 'yo to."
"Dahil cute ako?"
Ngumisi si Kaye. "Good enough. But maybe may something dee—"
"Ah, teka. 'Yong binder," pag pigil ni Rayne sa sasabihin ni Kaye. "'Yan ba 'yong bondage cloth na iniikot sa dibdib par—"
Pinagmasdan siya saglit ni Kaye bago ito sumagot.
"Hindi, but na-try ko na rin n'ong nag-e-experiment pa ako. May nabibiling mga chest binder. Pwede siyang sando-like o kaya hanggang dito—" Tinuro niya ang parte ng sariling ribs. "Mid rift ba ang tawag d'on?"
"Oo, pero. . . hindi ba masakit?"
"Parang bra lang," anito. "Na sobrang sikip."
"Eh, 'di, masakit nga!"
"Kumportable na when you get used to it. And hindi ako kumportable kapag wala."
"Gan'on. . ."
"Yes," nakangiting ani Kaye.
(May gusto pa talagang itanong si Rayne kaso ang weird na. . .kaya. . .)
"So. . . anong experiment ginagawa mo noon?"
Tumawa si Kaye. "Mga bagay-bagay."
"Anong mga bagay-bagay 'yan?"
"Syempre noong bata ako. . . bakit gusto mong malaman? Interesadong-interesado ka? Baka magsisi ka."
Umaangat ulit ang atmosphere at mood. (Buti naman.)
"Bawal malaman?" Sumimangot si Rayne. "Alam kong nakakasawa na 'tong mga tanong na 'to pero pwede ka bang magkwento?"
"About naman saan?"
"Kung paanong. . .anong ginawa mo n'ong nalaman mong babae gusto mo? Na gusto mo pala magmukhang lalaki. Bakit. . .Kailan?"
"Nag-umpisa?"
Tumango si Rayne.
Hinatak ni Kaye si Rayne para maglakad. Masyado na silang napapatagal sa spot na 'yon.
"It all started like how everything almost started," ani Kaye, inaalala ang nakaraan, nangingiti na para bang may joke na naalala. "Bata pa lang kami, then kalaro ko siya. We were best friends at lagi talagang magkasama dahil siya lang ang kalaro kong babae then the rest, halos lalaki na lahat. Halos lahat din kami sa lugar na 'yon, may crush sa kanya. Unang pagkakakilala pa lang namin, crush ko na siya."
"Gan'on lang kasimple?"
"Yup. Walang fireworks display. Alam ko na lang agad, crush ko siya. Ang tanging fireworks lang na na-feel ko, kahit gaano pa ka-korni, ay n'ong nag holding hands kami."
"Bata pa kayo nito?"
"Yes. Sa isang game 'yon and wala pang malisya. . .pero mayroon na talaga. Ang hirap i-explain, basta mafi-feel na lang talaga. I mean, sa akin, na-feel ko na lang talaga 'yong crush - 'yong tibok ng puso," anito. "Noong nagkaaway nga kami, umiyak kami parehas. Pero sa kanya dahil sa pagkakaibigan namin – para sa akin, higit pa r'on."
Lumiko sila, naglakad lang ulit, walang patutunguhan.
"Tapos nagkabati kayo?"
"Yes, then nagkaroon na ng pagka-ilang lalo na n'ong naging highschool na at mas lumalim 'yong feelings ko for her. Sinubukan kong i-focus sa ibang girls 'yong feelings, eh. 'Yong atensyon na sa kanya ko binibigay noon, pilit kong binigay sa iba."
"Siya ang first love mo. . ."
"Ang daming iyakan n'on," natatawa nitong ani. "Minahal niya ako, eh, sabi niya."
"More than friends?"
"Sabi niya."
Natigil si Rayne sa paglalakad. "Naging kayo ba?"
"No." Ngumiti ito, hinatak si Rayne para magpatuloy sa paglalakad. "Ni-let go ko siya."
"Ano? Bakit?"
"May boyfriend na."
Nanliit ang mata ni Rayne. "Pero. . .mahal ka raw niya? What? Ang gulo."
"Hmm, 'di ba nag-focus ako sa iba? N'ong na-realize kong sa kanya pa rin ako bumabalik, sa kanya pa rin ako bumabagsak, may boyfriend na siya. Masaya na sila, e-extra pa ba ako?"
"Kaye. . ."
"Siya talaga ang dahilan kung bakit nasulat ko 'yong Isang Araw na kanta," natatawa nitong sabi. "Sobrang emosyonal ko pa n'on. Sising-sisi na dapat hindi ako nag-focus sa iba para hindi ako iyak-tawa habang nag gigitara. Alam mo naman ang high school years – pinaka marupok at angsty na phase sa life."
"Oh D'yos ko," bulong ni Rayne. "Isang araw lang ang hinihingi ko. . ."
"Bakit mo. .."
"Isang araw lang naman. Pagbigyan mo na ako. . ."
Magkatitigan sila.
"Rayne?"
"Bigay mo na sa akin 'to. Nang maramdaman muli, at marinig muli. . ." halos pakanta nang banggit ni Rayne sa lyrics ng kanta ni Kaye. "Na mahal niya rin. . .ako. Kaya pala nasasaktan ako sa lyrics n'on kahit ang simple lang."
Natawa si Kaye.
"Bakit ka tumatawa?" tanong niya. "Sorry na, kaya ayokong kumanta, e—"
"No, no, no!" Umakbay si Kaye at niyakap sandali si Rayne. "It was perfect."
"Ayos na sana 'yong pag no mo, eh. Bigla mong binanatan ng perfect, lalong 'di ako naniwla." Pabirong umiling si Rayne, kumalas sa akbay ni Kaye. "Bakit ka nga tumatawa?"
"Na-realize ko lang na laging may isang girl best friend ang magpapatibok ng puso ng mga tulad kong nais lang naman magmahal na nagkakamali at nasasaktan din sa huli."
"Pero minahal ka niya, bakit hindi mo siya pinursue. . ."
"Now that I'm thinking about it, sa sobrang daming gumugulo sa mind ko noon, hindi ko na rin sure kung ano talaga ang totoong reason," pag-e-explain nito. "Kung ako ba ang mali dahil tinuon ko ang focus ko sa iba para hindi ako ma-hurt sa kanya, o siya ba ang mali dahil pumunta siya sa iba kahit sinabi niyang love niya ako, o kami ba ang mali dahil ni-let go na rin namin isa't isa; piniling maging happy na lang sa kung anong path na tahakin."
"Mas pinili mong maging best friend."
"The friendship was also ruined, so, hindi ko rin pinili 'yon, I guess."
Lumunok si Rayne. "N'ong kinompose mo 'yong Isang Araw. . .gusto mo talaga siya makausap? Kahit isang araw lang?"
"I guess. Sobra. Noon," diretso nitong sagot. "May pagkakataonng hindi ko rin maikanta 'yon nang maayos dahil sa umaapaw na emotions."
"Parang love letter mo sa kanya 'yong kanta. . ." ani Rayne. "Na may tono. . ." dagdag niya. "At music video."
Natawa si Kaye.
Natawa na rin si Rayne.
"Pero. . . kasi. . .minahal ka niya pero bakit. . ."
Ngumisi si Kaye. "Kapag ang babae, pinapili between a guy and a lesbian, sino sa tingin mong pipiliin niya?"
"Kung sinong mahal niya?"
"Safe answer." Tumawa si Kaye. "But mahirap 'yan. Paano kung same na love? Nagkakatalo sa romantic love at friendship love, right? And there's a thin line between those two love. But still, may line pa rin."
"Paano mo ba masasabing hindi na lang pala pagkakaibigan 'yong pagmamahal mo sa taong 'yon? When you crossed the line?"
"Love mo siya higit pa sa pagkakaibigan kapag naiisip mong makakabuo kayo ng family. . ." sabi ni Kaye, nakangiti pa rin habang naglalakad. "Kahit parehas kayong babae."
Natahimik
"Have you?"
"Have I what?"
"Nakita ang sariling magkakapamilya kahit parehas kayong babae?"
"Ang cheesy ba kung sabihin kong oo?" natatawa nitong sabi. "Pasensya na, ah. Ang hopeless romantic ko talaga."
"Okay lang, hindi ko lang talaga. . .ang gulo, sorry. Parang feeling ko, naliliwanagan ako na mas lalong naguguluhan din. Ang daming sagot. Ang daming ding bakit."
"Sanay na ako," sabi nito. "Mahirap talaga intindihin nang sobra. Mahirap din talaga i-explain ang lahat sa mundo. Complicated life!" natatawa nitong dugtong.
"Masakit pa rin ba?" tanong niya.
"Ang alin?"
"'Yong sa best friend mo. . . 'Yong pagkanta mo ng 'love letter' mo sa kanya?" Nag-quote air pa siya sa love letter.
"Hindi na love letter ang kanta kapag wala na 'yong feelings for that person. Nagiging feelings na lang talaga for the song." Hinawakan ni Kaye ang pisngi ni Rayne at hinimas ito ng hinlalaki. "And, baka need kong ma-hurt para mangyari ang nangyayari ngayon."
"Sa tingin mo, worth it ba 'yong pain?"
Tumingin sa kanya si Kaye, ngumiti, at saka tumango.
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Cross-dresser
● Gender expression ng mga individual na nagdadamit para magmukhang the opposite sex. This is in physical lang.
● This doesn't mean na ang cross-dresser ay lesbian / gay na, minsan, they just like dressing up as the opposite sex. Aesthetic.
● Perfect example dito ang ilang cosplayers na nagko-cross dress. Like si Sasuke (lalaki) o L (lalaki) ang character na kino-cosplay pero (straight) babae ang cosplayer.
examples: Kaye Cal is a lesbian cross-dresser, Vice Ganda is sometimes a gay cross-dresser.
● Jose Manalo and Wally Bayola are straight cross-dressers (lalo na para sa kalyeserye noon). Paolo Ballesteros was considered a straight cross-dresser until he came out a few months ago. (2017)
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Official hashtag: #LS4N1
Wattpad: pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: [email protected]
⚢ random meme of the chapter ⚢
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top