06 | six


Kilala ng mga crew sa restaurant si Kaye (kaya sinadyang patugtugin mula sa phone ng chef ang cover nitong Runaway by the Corrs.) Paano, matapos sa pagkain ng sushi at dessert at makapagbayad sila (Wala talagang "sila" okay? Si Kaye lang ang nagbayad!), lumapit ang halos lahat ng service staff sa pangunguna ni Rave the waiter at tinanong kung ang lalaki bang kasama ni Rayne ay ang nag-iisang si Kaye Cal, the singer with a soulful voice to die for.

Nagkaroon ng photo-op. Selfie sa bawat isa. Kiligan. Ngitian. Tinginan. Habang si Rayne, pinapanood kung paano magningning ang kasimplehan ni Kaye sa gitna ng mga natutuwang mga staff. Napapangiti siya sa pakikipagbiruan pa nito sa mga tao.

May makahulugang tingin naman ang ibang crew sa kanya, lalo na si ate waitress sa umpisa. Hindi lol-'di-naman-maganda' kind of look. More on, syet-ategirl-ang-swerte-mo-kasama-mo-si-Kaye Cal! look.

Muntik nang tumingin si Rayne sa waitress ng chill-ate-baka-bigla-akong-di-makapagchill look pero nanatili lang siyang nakangiti. Na-a-amaze at the same time nawiwindang sa mga taong lowkey sabik kay Kaye.

Paano kaya kung fangirls talaga?

Naalala niya kung gaano ka-hype ang mga babaeng naghahanap kay Kaye sa CR. Scary.

Pagkatapos ng mahaba-habang photo-op session, nang palabas na sila, pinagbuksan siya ni Kaye ng pintuan.

Nakarinig siya ng yiee mula sa mga crew, nangunguna ang waiter na si Rave. Paglingon, naka-thumbs up ito.

She knows she's lucky enough to experience this, really. Nakakaramdam na nga agad siya ng lungkot dahil ang mga ganitong masasayang pagkakataon, mabilis mawala. Mabilis maglaho. Makakalimutan. Isang panaginip lang.

Tulad na lang ng picture nila ni Kaye na tinakpan niya ang sariling mukha habang blurred naman ang kay Kaye – nakalimutan na niya kung nasaan.

Naiwan ba nila 'yong litrato sa restaurant?

Ayon, nauna nang naglaho.

Di bale, maiwan man 'yon o ano, hindi pa rin naman kita ang mukha niya. Okay na rin 'yon dahil kapag paulit-ulit niyang makikita 'yong litrato, paulit-ulit din siyang manghihinayang.

Manghihinayang saan? No idea. Basta nakakapanghinayang lang kapag natapos na ang gabi at uuwi siya, hihiga sa kama, tititigan ang kisame at mapapabuntonghininga.

(Wow, ang emo.)

"Okay lang sa 'yong maglakad? Medyo mahabang lakaran papuntang Ministop?"

Nakalimutan niya for a moment kung anong mayroon at bakit sila pupunta ng Ministop.

"Bubuhatin mo ba ako?"

"O, tara. Piggyback ride ba o bridal style?"

Biglang na-imagine ni Rayne ang sarili niyang buhat ni Kaye. Sa likod. Tapos ang isa, sa mga braso. Putek. Ang korni!

Kilig!

"Bakit ka naka-smile d'yan?" natatawang tanong ni Kaye.

Este. . .

"Parang sako na lang para romantic." Natawa si Rayne sa sariling joke. "Atsaka, sinong nakangiti?" Rayne Poker Face: On. "Naglalakad na rin tayo. May magagawa pa ba ako?" pabirong aniya.

Ah! Oo nga pala, kailangan mag-charge ng phone kaya sila pupuntang Ministop!

Nangiti si Kaye, may binulong na hindi narinig ni Rayne saka lumiko sa kanto. "Dito tayo."

Sumunod siya dahil hindi rin naman niya alam kung nasaan ang Ministop. Kahit nga ang mismong pauwi, hindi rin niya alam.

"Meron ka namang magagawa. Mag-stay ka rito tapos ikaw na bahala sa sarili mo."

"Ganyan ka ba talaga sa mga nakakasama mong kumain ng couple bento?"

"Ikaw pa lang naman nakakasama kong kumain ng 'couple' bento. . ."

"Ay naks, first time mo pala ako."

Biglang tumawa si Kaye at tinakpan ang bibig. "Ano bang klaseng sentence 'yan!"

"Hala, inaano kita?"

Kinagat lang ni Kaye ang labi at tinapik ng tatlong beses ang balikat ni Rayne. Tumigil ito sa paglalakad, katapat ang isang bar. 5YNCO ang pangalan. Nasa loob ang malakas na tugtog kaya muffled mula sa labas.

"Bakit ka tumigil?" pagtataka ni Rayne.

Ang harsh ng pulang ilaw mula sa labas ng bar. Ang neon ng datingan dahil na rin sa neon statement sa isang pader. 

each of us is a little universe.

Pinagmamasdan ni Kaye ang loob saka nito binaling ang tingin sa kanya. "Umiinom ka ba?"

"Alam mo habang patagal nang patagal, pa-creepy nang pa-creepy mga tanong mo. Unti-unti na bang naa-unfold totoong intensyon mo?" Niyakap ni Rayne ang sarili. "Bata pa po ako."

"Kaunti lang naman ang age gap."

"At talaga namang. . ."

"Charot!" Tumawa ito. "Gusto mo?"

Tinuro ni Kaye ang 5ynco bar, ang sumisigaw na red light mula sa loob at mga taong nagsasaya't nag-uusap. Nag-iinuman pati. Sa labas, may mga nakaupo per dalawang dalawang lalaking nag-iinom ang kumukuha ng atensyon niya. Ayaw sanang makinig ni Rayne sa usapan ng mga ito ngunit ang lakas ng mga boses, lalo na ang isa na mukhang lasing na.

"Ang nakakaloko lang talaga, wala akong ka-date ngayong Balemtayms!" sabi ng lalaki, nagpapapansin ang t-shirt nitong may nakasulat na malaking GWAPITO at may arrow na nakaturo sa mukha.

"Boss, tapos na Valentine's."

"Dondon, everyday is Valentine's day! Everyday, wala akong date! Dos pati itawag mo sa akin, wala tayo sa talyer!"

"Uy, Boss wag kang sumuka!"

"Uhm. . ." binaling ni Rayne ang atensyon kay Kaye. "Akala ko ba magcha-charge ka ng phone? Ang layo ata nito sa Ministop."

"Makakapaghintay ang pagcha-charge. Tara?"

Napatingin si Rayne sa paghawak ni Kaye sa braso niya. Nagpatianod siya sa pagpasok, nilagpasan ang dalawang lalaking lasing sa labas, at naupo sa isang booth para sa dalawa. Mas malakas ang tugtog sa loob kaya imbis na magkaharap ay lumipat si Kaye sa tabi ni Rayne para magkaintidihan.

"Ano ulit?"

Inilapit pa lalo ni Kaye ang tainga kay Rayne dahil hindi nito narinig ang sinabi niya. Napaatras naman si Rayne, syempre sa ilang. Sinong mag-aakalang nakakatakot pala kapag masyadong malapit kay Kaye? Pakiramdam niya wala siyang karapatan sa ganitong circumference around Kaye.

"Ang sabi ko!" pasigaw na sabi ni Rayne.

Napaatras si Kaye at napatakip ng tainga. Nabingi ata saglit. Natatawa.

"Ang lakas ng boses!"

"Hindi mo ako marinig, eh. Sabi ko, paano na 'yong manager mo, hindi ka ba uuwi? Anong oras na?"

Tiningnan ni Kaye ang suot na relos. Dahil sa pagtaas nito ng kaliwang kamay, napatitig muli si Rayne sa singsing. Nilapit ni Kaye ang bibig sa tainga ni Rayne.

"May curfew ka ba?"

"Wala pero—"

"Inaantok ka na?"

"Hindi naman pero—"

"Nagpupuyat ka ba?"

"Oo pero—"

"Uuwi ka na ba?"

"Hindi pa pero—"

"Alisin mo na 'yong pero. Mag-chill na lang tayo ngayon dito. Muna."

"Nako, ah. Kapag ako sinisi mo—"

"Sisisihin talaga kita kapag hindi ka pa pumayag. Nandito naman na tayo. Wala nang atrasan." Tamang-tama, dumating na ang in-order ni Kaye na Margarita Pitcher at Mozzarella Sticks. (Chillax lang, hindi walwalan para walang iyakan.)

Pinag-serve sila ng waiter bago ito umalis. Nakangiti si Kaye nang tinaas ang baso ng Margarita.

"Cheers?"

Hawak lang ni Rayne ang sariling baso. "Hindi ba parang bawal sa 'yo 'to or something?"

"Minsan lang naman."

Inuntog ni Kaye ang baso sa hawak ni Rayne.

"Celebration ba 'to?" Uminom kaunti si Rayne sa baso niya kasabay ni Kaye. "Uhm. . . congrats? Sa cine-celebrate natin."

Pinagmasdan muna siya ni Kaye; para bang may gustong alamin. Gustong tanungin. "Actually, today is my birthday celebration."

"Ay, oh? Happy birthday!"

Nanliit sandali ang mata ni Kaye, mukhang may iniisip. Ngumiti lang si Rayne.

"Celebration lang talaga, tapos na birthday ko."

Tumango-tango si Rayne. "Eh, 'di advance happy birthday."

"Hindi ba dapat belated?"

"Advance! Para ako pinaka una sa susunod mong birthday. Huwag mong kalimutan 'yan."

"Sa tingin mo, paano ko makakalimutan?" Tumawa si Kaye pero natigil, at napatitig.

Napatitig din bigla si Rayne pero nakaramdam agad ng ilang. Mas kabado dahil mas malapit na sila ngayon, wala nang lamesang maghihiwalay sa kanila o mga restaurant staff na nanonood sa kanila. Sa bar, kaunting galaw lang ay madadaplisan na niya ang braso ni Kaye, o tuhod, o binti o paa. Kaunting hilig ng ulo ay tatamaan na niya ang kay Kaye.

Walang nakatingin. Walang nakikinig. 

May sarili silang mundo.

Ilang kurap pa ang ginawa ni Rayne bago napakurap din si Kaye at ngumiti.

"Lumiliwanag ka."

"H-Ha?"

Parang may kung anong humila ng puso niya paloob.

"'Yong aura mo dito sa bar, dahil na rin ata sa hair mo. Para kang nagliliwanag ng red, sa lighting din siguro ng place."

Nailang si Rayne sa pagtitig ni Kaye sa kanya. Masyadong malapit. Masyadong taimtim. Masyadong malalim.

(Ahon, ahon din baka malunod.)

"Ikaw din naman, nagliliwanag ng red, eh."

"Hindi! As in, your light is extra special. Tumitingkad na red."

"Masyado kang natutuwa sa buhok ko."

"It really suits you."

Mapagbirong hinawi ni Rayne ang buhok. "I know, right?"

"Pero uy, amalayer nga lang." Tawa. "Char. But seriously, bagay talaga sa 'yo. Promise."

Ang cute na tinaas pa ni Kaye ang kaliwang kamay, tapos binaba at kanan ang tinaas. Ang haba ng mga daliri ni Kaye at medyo payat. Nakakatuwa tingnan.

Hihi.

Hindi malaman ni Rayne kung bakit niya inapiran si Kaye. How she can embarrass herself was beyond her but she still did. Na-stun naman si Kaye, hindi nito malaman ang ire-react. Malamang, nabigla. Ba't naman kasi makikipag-apir out of nowhere?

"Ano 'yon?"

"Para hindi ka mapahiya, mukha kang nakikipag-apir, eh."

Tumawa si Kaye. "Ano ba 'yon."

"Buti nga niligtas kita sa kahihiyan! Isipin nila, hindi kita ina-apir-an! Ilang beses na kitang nililigtas ngayong gabi, ah."

Pinaglapat ni Kaye ang dalawang palad at nilapit sa gitna ng dibdib. "Maraming salamat po sa paglitas sa akin, butihing binibining Rayne." Yumuko pa ito. "Ang puso't kaluluwa ko ay sumaiyo."

"Maraming salamat binibi—gino—"

"Sige, kaya mo 'yan." Mukhang amused pa ang itsura ni Kaye.

"Nahihirapan ako kung paano kita itatawag."

"Kung ano lang ang gusto mo."

"Gusto mong tinatawag kang sir, eh. So, gusto mong ginoo?"

"Ok lang, kung awkward sa 'yo, pwede rin namang babe—ay, char lang!" Ngiting-ngiti si Kaye.

"Nako, walang char-char. Baka seryosohin ko," nakangiting ani Rayne.

"Why not?!"

"Kainis!" Natawa si Rayne at napainom na lang sa baso ng Margarita. "Nagki-cringe ka ba?"

"Saan? Sa babe?!"

"Sira!" Sinimulan na ni Rayne ang pag-iba ng usapan.. "Kapag tinatawag kang miss. O kaya she. O binibini?"

"Ah, linawin mo kasi," anito. "Sa totoo lang, ang daming awkward na tinginan at pakiramdaman kapag nangyayari 'yan. Hindi sila sure kung anong i-a-address sa akin."

"So. . . cringe nga?"

Uminom si Kaye sa baso. "Hindi talaga cringe. Cringe is like naiinis, right?"

Tumango si Rayne.

"More on uncomfortable siguro sa part ko? That weird feeling kapag diretso nila akong tinatawag as she, her, girl, woman, lady, miss. Kapag bibigyan ako ng flowers minsan, nahihiya rin ako."

"Really?"

Tumango si Kaye. "Minsan gusto ko, minsan awkward. Weird, right? Awkward din kapag naiilang silang tawagin ako dahil hindi nila alam kung paano. Minsan ayos lang kahit ano. Her, him, binibiro ko pang it. May times na tinatama kong babae ako para lang mawala 'yong confusion."

"So, sinasabi mong babae ka?"

"Minsan lang mangyari 'yon. Although, sa mom ko, firm siyang gusto niyang tinatawag ako as a girl."

"Paanong gusto niya? As in. . .?"

"As in kunwari sa restaurant. Tatawagin akong sir tulad kanina which is ayos lang sa akin pero magre-react si Mama ng, 'Anong Sir? Ma'am 'yan' kaya another awkward tinginan session na naman sa amin nung waitress o waiter."

"Siguro inaalam nila kung paano naging Ma'am."

"Madalas, ganyan nga!"

"Paano, mukha ka talagang lalaki. Kahit titigan ka nang matagal, hindi masyadong mapapansin na. . ." Sa hindi malamang dahilan, mula sa mukha ay bumaba ang tingin ni Rayne sa dibdib ni Kaye. Nasaan ang. . .? Kapatagan. (Siguro dahil naka-suit ito kaya hindi pansin kahit malapitan?) Inangat niya ang tingin sa mukha ni Kaye na amused sa kanya. Nahiya tuloy siya sa pagtingin. "Ayon, lalaki talaga."

Napahawak si Kaye sa dibdib. "Minsan napapaisip nga ako kung maswerte ba ako dahil ganito ako o malas dahil paano kung hindi ako 'yong ako ngayon, paano kung kasing straight ako ng ruler, kawawa naman ako."

"Eh 'di buti na lang pala hindi ka kasing straight ng ruler?"

"Wala, eh. Baling ruler pala ako," natatawang ani Kaye. Binaba nito ang baso at kumain ng mozzarella sticks saka tinuon ang atensyon kay Rayne habang ngumunguya. (Dyusko.) "Enough about me. Tell me more about yourself, Rayne."

"Ba't napapa-straight English ka na? Lasing ka na ba?"

"Oy grabe 'yon, hindi ah. Ikaw nga 'tong nilalasing ko sana. Nagwo-work na ba?"

"Alam mo kaunti na lang, itong rom-com natin magiging thriller na."

"Thriller agad?"

"Bakit? Gusto mong erotica muna?"

"Uy!"

Tawa nang tawa si Rayne nang manlaki ang mata ni Kaye sa pagkabigla. Napataas pa ito ng kamay na para bang pinapatahimik si Rayne. Nilingon pa ang paligid – wala namang nakarinig dahil kanya-kanya ang mga tao.

"Joke lang sa erotica, putek, hindi ko rin alam kung ba't ko nasabi 'yon. Iniisip ko ata 'yong 50 Shades of Grey."

"Rayne. . ."

"O?"

"Ako ba dapat matakot dahil 'yan ang iniisip mo?"

"Depende, eh. Mahilig ka ba sa kadena?"

Napahawak si Kaye sa sarili. "Nako po dyusko po."

"Hindi ako mahilig sa kadena," sabi ni Rayne.

"Ikaw talaga?"

"Alangan siya?" turo ni Rayne sa lalaki sa labas, 'yong walang ka-date n'ong Valentine's.

Tumawa si Kaye. "So, dapat ba tayo?"

Biglang tumawa si Rayne na pinagtaka ni Kaye. "Ang galing, no."

"'Yong kadena? O siya?"

"Para kang may magic," natatawang ani Rayne. "Kahit ganyan na sinasabi mo, tapos wala na ring sense pinag-uusapan natin, may chance na mapa-oo na lang sa 'yo 'yong tao."

"Bakit, mapapa-oo ka na ba? Baka nakukuha ka na ng kapogian ko?"

Tumawa si Rayne dahil hinimas-himas pa nito ang baba. Nag-pogi sign pa. Hindi naman siya lasing pero bakit ang saya-saya niya? Sa music ba? Ingay ng mga tao sa paligid? Sa katabi niya?

"Oo na lang ako."

"Yiee, gusto ko 'yan." Nilapit ni Kaye ang balikat nito kay Rayne. "Ikaw, ah."

"Ano na namang ako?" natatawa niyang sabi. (Medyo defensive, wala pa nga.)

"Attracted ka na ata sa akin n'yan, eh?"

Pabirong tinulak ni Rayne si Kaye palayo. Pabiro rin siyang umirap at uminom sa baso, ninamnam ang iniinom. Hinayaan lang niyang mag-stay sa labi ang bibig ng baso habang kinukulit siya ni Kaye na tingnan ito. Nagpapa-pogi sa harap niya.

Kinagat niya ang bibig ng baso. Medyo madiin.

Mahirap na, baka mapa-oo na nga lang talaga siya bigla sa mapagbirong tanong nito.



Questioning

● From the term itself, inaalam pa kung ano siya at kanino siya attracted.

● Uncertain of sexual orientation and / or gender identity.

● Still exploring.

see also: bi-curious, gay curious


Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: [email protected]

⚢ random gif of the chapter ⚢

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top