05 | fivE

"Sinong nag-text?"

Tinago ni Rayne ang phone at umiling. "Wala, 8888. Tapos na raw unli ko."

"8080 'yon."

"Ang?"

"Globe unli? And Sun gamit mo, right? Or nagbago ka na ng simcard?"

Tumawa si Rayne at niyakap ang braso ni Kaye, hinatak sa paglalakad. "Tara na, saan ba tayo dito?"

"Hin—"

Change topic. Change topic.

"Paano kung sumikat ka," tanong ni Rayne kay Kaye habang naglalakad. Nakakapit pa rin siya sa braso nito. Naglalakad pa rin patungo sa seaside. "'Yong sobrang sikat, Bruno Mars sikat, internationally. . . paano 'yon?"

Nilingon siya ni Kaye, napaisip. "Uh. . ."

"Iiwan mo ba lahat?"

"Sino nagsabing iiwan ko lahat?"

"Kasi pupunta kang ibang bansa, so doon ka maniniraha—"

"Hindi ko iiwan lahat. . ."

"Ano 'yon, dadalhin mo sa ibang bansa?" Tumawa si Rayne.

"Madadala ba kita?"

"Ay, wow," ani Rayne. "Ang bilis ng comeback na 'yon, hinay lang. May araw pa."

Tawanan.

"I'm not sure about that. . ." sabi ni Kaye, kinuha ang kamay ni Rayne na nakayakap sa braso at hinawakan lang. Tinapik-tapik. "Sobrang privilege na sa dami ng artist na pwedeng kuhanin ng Poplife, ako ang napili nila."

"Yeah. . ."

"And doing an international album with them, ang saya?"

Tumango si Rayne, humigpit ang kapit sa braso ni Kaye. "Iiwan mo Team Kaye Cal?"

"No, no, no. . ." anito. "Physically, siguro. But I'm still making music for them."

"Hindi ka na makakapunta sa mga meet and greets. Mahihirapan ka nang kausapin ng mga supporters mo. Maabot. Hindi ka na makakapag special guest. . . Wala na. Puro blondes na makikita mo sa ibang bansa."

Tumawa si Kaye, inuntog ang gilid ng noo sa tuktok ng ulo ni Rayne. "Ikaw lang blonde sa buhay ko."

"Kahit hindi naman ako blonde talaga. White hair nga, eh."

"Namali ata ako ng punch line."

"Papakiligin mo na lang ako, mali pa ng linya. Kulay pa ba ng buhok ko mag-a-adjust?"

Tawanan.

"Pero 'di nga, paano 'yon?" tanong ni Rayne.

"Sa adjustment ng buhok?"

"Sira! Sa international career."

May kaunti pa ring ilang na nararamdaman si Rayne sa mga taong napapatingin sa kanila. Tinatanggal niya sa isip ang mga tingin na 'yon. Dapat tanggalin sa isip ang mga tingin ng iba.

Si Rayne lang at si Kaye.

Silang dalawa lang.

(At ang masakit na paa ni Rayne dahil sa heels.)

Humugot nang malalim na hininga si Kaye. Ngunit bago pa ito makapagsalita, sumingit si Rayne.

"Teka, teka, upo tayo? Ang hirap talaga maglakad sa heels na 'to, baka maubos na 'yong paa ko."

"Tsk. Sabi ko naman sa 'yo, bubuhatin kita, eh."

"Umupo na lang tayo, no? Gusto mo pang gumawa ng eksena, eh."

Tinanggal ni Rayne ang yakap sa braso ni Kaye. Ngunit nagulat siya nang maramdamang parang hinabol pa ni Kaye ang kamay niya. Hindi siya hinawakan, pero naramdaman talaga niya 'yong paghabol! 'Yong daplis! 'Yong parang may kasabay na sigaw ng, uy, wait, hawak pa gan'on!

Sobra-sobra ang kaba niya.

Tipong lahat na lang, may malisya. Lahat na lang, nakakakaba. Lahat na lang. . . nakakainis!

Nauna siyang maupo sa pahabang upuan na nakalaan sa mga tambay ng seaside, sa may damuhan. Sumunod si Kaye. Napansin niya na may napa-double look sa kanilang dalawa. Bahala ang mga ito.

Tinanggal ni Rayne ang boots na suot at ini-stretch ang mga paa na nakamedyas. Sobrang sakit talaga, eh!

"Game." Kumunot ang noo niya. Medyo nasisilaw sa araw na papunta sa dapit-hapon. "Kung nagtuloy-tuloy ang success mo. . ."

"I really want to, as a musician, sino bang may ayaw ng international success."

"Bakit parang nakakaramdam ako ng pero."

Ngumisi si Kaye. Tinaas nito ang isang paa, hinarap ang buong katawan kay Rayne at pinatong ang siko sa sandalan. "But pumapasok din sa isip kong. . . mami-miss ko 'yong suportang nakukuha ko dito sa Pilipinas. Gets na mayroon pa ring mga pinoy sa ibang bansa and people can still hear me world wide but sometimes. . ."

"Iba pa rin?"

"Yeah. Iba pa rin 'yong nakikita ko ang KCST na laging nandoon kung nasaan ako kasama ang Team Kaye Cal ko. I'll miss hearing the shouts. The We Love You, Kaye Cal." Ngumingiti si Kaye. "But. . ."

"Iba pa rin 'yong international success."

Pumikit si Kaye at humugot nang malalim na hininga. Muntik nang pumikit si Rayne dahil feeling niya, hindi niya deserve makita ito. Parang kumikinang pa dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha nila.

"As an artist, we wanted to be heard world wide."

"Pero iba pa rin sa Pinas."

Tumawa si Kaye. Nagkamot ng noo. "Ang hirap mag-decide talaga."

"Gusto kong sumikat ka," natatawang ani Rayne. "As in, 'yong mainstream sikat. Pero ayaw ko rin."

Nagtaas ng kilay si Kaye sa narinig, interesado sa sinabi ni Rayne.

"Gusto kong maging successful ka internationally. Gusto kong maraming maka-appreciate sa boses mo. As in, gusto ko - manalo ka sa lahat ng awarding. Gusto ko nga rin na magka-album kang ikaw nagsulat ng lahat ng kanta, eh."

"Ang dami mo namang gusto! Eh, ako ba?"

"Lodi nga kita, 'di ba?"

"Agh, Rayne. Stop."

"Pero Lodi!"

Pinisil ni Kaye ang pisngi ni Rayne. "Beh, tama na."

"Sabi ko nga, titigil na. Grabe, kailangan pa may endearment?"

Tawanan.

"Pero alam mo, Kaye, kahit na andami kong gustong mangyari sa 'yo, ayaw ko rin mangyari." Tigil. "Pwera sa album na ikaw nagsulat ng lahat ng kanta at awards dahil deserve mo 'yon nang sobra. Ibang usapan 'yong sobrang maging successful ka, at sobrang sikat. . . parang, hindi ko kayang marami nang makakakilala sa 'yo. Ang contradicting."

Hahawiin dapat ni Kaye ang buhok ni Rayne ngunit lumingon si Rayne dito, nakasimangot.

"Bakit hindi mo kaya?" pagtataka ni Kaye, nakangiti.

"Dadami kaagaw sa 'yo."

Tumawa si Kaye. Kumagat sa ibabang labi. "Grabe 'yon, Rayne!"

"Tsaka lalayo ka lalo."

"Hindi naman ako lalayo."

"Sinasabi mo lang 'yan. Kapag nandoon ka na sa ibang bansa, wala na. LDR na 'yan."

"Tayo?!"

"Sira! LDR sa Team Kaye Cal!"

"Kasali ka d'on, right? Sabi nga ng ate mo. . ."

"Eh 'di LDR sa amin, masaya ka na?" ani Rayne. "Dami mong babae, daig mo pa playboy." 

"Nagseselos ka ba?"

"Kapag sinabi kong oo?"

Napakagat ng labi si Kaye, pinipigilan ang pagngiti ngunit ang lawak talaga ng ngiti nito. Tumaas ang kilay nito, mapagbirong nagsabi ng, "Talaga?"

Mapagbirong umirap si Rayne. "May or may not be true, hindi ako aamin."

"Aw, Rayne, ano ba 'yan! Ang paasa."

"Ayokong pinapalaki 'yong ego mo, nagiging cute ka, eh."

Biglang tumawa nang napaka lakas si Kaye, kinailangan niyang takpan ang bibig. Namumula na ito sa kakatawa.

Tinapik-tapik ni Rayne ang balikat nito, umiling-iling pa.

"Kalmahan mo lang, Kaye. May bukas pa para tumawa."

Pinagtitinginan na nga sila ng ibang tao. Paano, nakaupo lang, gumagawa pa ng eksena sa pagtawa. Nagkatinginan pa si Rayne at isang babae na pinapanood ang pagtawa ni Kaye. Nagtataka.

Nang mahimasmasan, pinatong ni Rayne ang kamay sa balikat ni Kaye. "Ayos ka na?"

Ngiti ang tinugon ni Kaye.

"Pag pinagtatakahan lang ako," ani Rayne.

"Ano?"

"Bakit kaya tayo may urge gumawa ng something extra ordinary for the first time para sa mga idol natin?" tanong ni Rayne.

Huminga muna si Kaye nang malalim saka sumagot. "I guess it's like love. We do things for that person, we shower our attention and feelings and all our efforts without waiting for anything in return."

"Bakit kailangan English?"

Tawanan.

Tumikhim si Rayne. "Parang unconditional love lang na ganap?"

"Yeah," ani Kaye. "Parang gan'on nga."

"O baka humihingi talaga tayo ng kapalit at the back of our minds. Na sana, kapalit ng lahat ng first time natin gawin para sa idol natin, mapansin din tayo pabalik."

"Gan'on ka ba sa akin?"

Naubo si Rayne sa pagtawa. "Wow, ba't napunta tayo sa ganitong usapan. Taas pa ng araw, oh."

"Just asking."

Kinagat ni Rayne ang labi. Tumitig sa mga mata ni Kaye. Bakit ang saya niya?

"Ewan ko," aniya. "Saktuhan lang pero. . . iba kapag na-notice na ni senpai."

Tawanan.

"Papansin ka pala, eh."

Ngumuso si Rayne. "Pero 'di rin, eh. Minsan masaya na ako sa sarili kong mag-fangirl, mag-effort, mag-isa. Kahit hindi ipaalam sa iba. Sa akin lang, basta mailabas ko 'yong feels ko sa moment na 'yon. Kahit nga 'di ko sabihin sa 'yo, kahit hindi mo ako pansinin, keri lang."

"Ah, pwede palang snob-in kita ngayon?"

"Ayos lang."

Sumimangot si Kaye. "Hindi ko kaya."

Tumawa si Rayne. Umiling. "Ang weird lang talaga kasi hindi naman ako ganito. . .at alam mo bang may may mga videos ka sa youtube na slideshow ng mga photos mo tapos may background music?"

"Hmm." Hinimas nito ang baba. "I think. Parang nakikita ko minsan."

"Alam mo bang pinapatos ko nang panoorin 'yon?! Kahit paulit-ulit ko nang nakikita 'yong pictures?"

Tumawa si Kaye.

"Natutuwa pa rin ako, hindi ko alam kung bakit!"

Tuloy lang si Kaye sa pagtawa.

"Seryoso ako, ano nang nangyayari sa akin? Hindi 'to biro!"

Pero natatawa na rin si Rayne.

"Ba't ka ba tumatawa? Sobrang pinoproblema ko na kaya 'to."

"Hayaan mo na lang kasi."

Nanlaki ang mata ni Rayne. "Na maadik ako sa 'yo?!"

Ngumisi si Kaye. "Adik ka na ba sa akin?"

"Ano ba 'yan, ito na nga ba sinasabi ko."

"Bakit?"

"Wala."

"Hindi nga?"

"Wala. Nevermind."

Nagkatitigan sila sandali bago tumango si Kaye. "Sabihin mo na lang sa akin kung sinong nag-text sa 'yo."

"Ha?"

"Hindi 'yon unli. Shall we test it? Tatawagan ko number mo sa Sun?"

"Nasa sa 'yo pa rin 'yon?"

Ngumiti lang si Kaye.

"Iba na number ko."

"Try nga natin."

"'Yong totoo. . ."

Kumunot ang noo ni Kaye. "Sinong nag-text?"

Hinawakan ni Rayne ng hintuturo ang noo nito at minasahe para mawala ang pagkakakunot. "Wala lang 'yon."

"Nawala 'yong ngiti mo kanina, paanong wala lang 'yon?"

"Wala la—"

"Okay, sige," bigla nitong sabi. Ngumisi - pero nagulat si Rayne dahil may kakaiba sa ngisi na ito. Umupo nang maayos si Kaye at sumandal sa sandalan, tumingin sa kawalan. "Sino nga ba naman ako para sabihin mo sa akin 'yon."

"Hala ka. Seryoso ka ba d'yan?"

Nanahimik si Kaye.

Tumitig si Rayne sa side profile nito. Ang buong katawan niya, nakaharap dito, nakataas na ang paa niya sa upuan. Biglang gusto niyang maiyak. Bakit ganito na siya ka-close kay Kaye? Bakit natititigan na niya nang ganito ang dating malayo sa kanya? Bakit ganito?

Ang hirap paniwalaan.

"Malulusaw ako," ani Kaye, seryoso ang mukha, nakatingin pa rin sa kawalan. "Sa mga titig mo."

Ngumiti lang si Rayne bilang tugon.

"Huwag ka tumitig," anito.

Ngiti ulit mula sa kanya.

"Rayne. . ."

Pinatong ni Rayne ang noo niya sa balikat ni Kaye at pumikit.

Ang dami-daming pumapasok sa isip niya pero lahat malabo. Si Kaye lang ang malinaw. Huminga siya nang malalim. Nakailang segundo nakapatong ang noo niya rito hanggang sa inangat niya ang ulo, tumitig sa mga mata ni Kaye na kumikintab sa sinag ng araw.

Nang uupo na nang maayos si Rayne, pinigilan siya ni Kaye.

"Pwede ba tayong. . . can we stare at each other's eyes?"

Sobrang dali lang naman nito, ngunit todo ang kabang naramdaman ni Rayne.

"B-Bakit?"

"Four minutes." Kinuha nito ang phone, at sinet ang timer. "Just four minutes."

Nagtataka man, tumango si Rayne sa titig ni Kaye.

"Teka, nagsisimula na ba?"

Hindi sumagot si Kaye.

"Pwede mag-blink?"

"Ikaw."

Nakatitig sa kanya si Kaye. Gustong iiwas ni Rayne ang mga mata sa hiya ngunit para siyang nahigop nito. Hindi siya makagalaw. Hindi makaupo nang maayos. Seryoso ang mga mukha.

Nawala ang ingay sa paligid.

Titig.

Ang seryosong mga mukha ay unti-unting naging ngiti. Sabay na ngumiti, nagpigil pa. Lumalabas ang dimple sa pisngi.

Walang sabi-sabing pinindot ni Rayne ang dimple ni Kaye. Ang cute, eh. Nagtaka si Kaye pero nagkibit balikat lang si Rayne.

Lalo silang nagkangitian. Kagat labi. Huminga nang malalim si Rayne. Pakiramdam niya, kinukuha ng titig ni Kaye ang lahat ng hangin na mayroon sa paligid.

Na tanging mga mata lang nito ang lifeline niya.

Naramdaman na lang niya ang kamay ni Kaye na hinawakan ang daliri niyang nakapatong sa may hita. Ginusto niyang yumuko, tingnan kung tama ba ang naramdaman, ngunit hindi niya maalis ang titig sa mga mata ni Kaye.

Nakatitig lang.

Nakangiti.

Ang daliri niyang hawak ni Kaye.

May kaba sa puso. Ngunit may kapayapaan din.

Paano sila napunta sa ganitong pangyayari?

Nakailang kurap siya nang maramdamang nag-iinit ang mga mata niya kaya kinailangan niyang huminga nang malalim. Hinga, Rayne. Hinga.

Tinaas niya ang dalawang kilay na ginaya ni Kaye. Nanliit ang mata at nanliit din ang kay Kaye. Mas lalong lumawak ang ngiti nila, lumalabas na ang mga ngipin. Hanggang sa napapansin na ni Rayne ang pangingintab din ng mata ni Kaye.

Sa sinag ng araw?

Sa. . . polusyon?

Sa. . . kanila?

Bakit gusto niyang umiyak?

Gusto niyang magsalita. Magsabi ng kung anu-ano. Ngunit dahil sa mga titig ni Kaye, natahimik siya. Nawalan siya ng karapatang magsalita at ang gusto lang gawin ni Rayne ay tumitig.

Tumitig. Tumitig. Tumitig.

Ang gaan.

Ang bigat.

Narinig niya ang alarm ng phone ni Kaye. Tapos na ang apat na minutong dapat na titigan ngunit walang umalis sa pagtingin nila sa isa't isa. Walang kumakawala sa mahika ng titigan.

Hanggang sa napakagat ng labi si Rayne.

At napatingin si Kaye sa mga labi niya.

Agad itong kumurap at huminga nang malalim. Tila natauhan. Lumayo kaunti, ngumiti at biglang nahiga sa kahabaan ng upuan. Pinatong nito ang ulo sa hita ni Rayne.

"A-Anong—" 

 Nakailang kurap din si Rayne bago siya tumingin kay Kaye.

Bigla ang kabang naramdaman niya dahil dito – it's too intimate, sumisigaw sa ibang tao – ngunit hindi niya magawang ilayo o itulak.

"Anong drama 'to, ba't ka humiga?"

Malawak ang ngiti ni Kaye. "Pagod na ako, galing akong airport remember? Gusto kong mahiga."

"Sa hita ko pa talaga?"

"Thank you, beh."

"Beh ka d'yan."

Nakangiti si Kaye. Kinuha nito ang kaliwang kamay ni Rayne at kinulong ng dalawang kamay, ipinatong sa sariling dibdib.

Pwera sa flat, naramdaman ni Rayne ang kabog ng dibdib ni Kaye.

Kinabahan ito tulad niya. . . parehas nilang hindi pinapahalata.

Mukhang hindi na niya mababawi ang kamay sa hawak nito. May parte din sa utak niyang hayaan na lang siyang hawakan ni Kaye. (Gan'on kalandi ang parte ng utak niyang 'yon. . .at ito ang parteng sinunod niya.)

"Kanina sa The Racks," pagbasag ni Kaye sa katahimikan. "Bakit kapag pinag-uusapan 'yong gagawin mo after graduation, bakit hindi mo sinasagot nang maayos?"

"Naalala mo pa 'yan?"

"Kanina lang pinag-usapan, ah."

Tumawa si Rayne. Sumandal sa sandalan ng inuupuang bench, inayos ang ulo ni Kaye na nakapatong sa hita.

"Lagi na kasi naming pinag-uusapan 'yon. Nakakasawa na. Ilang beses ko nang sinabi sa kanilang gusto kong magsulat pero lagi nilang tinatanong sa akin kung anong gusto ko gawin," sagot niya. "Parang hinihintay nilang marinig 'yong gusto nilang sagot ko para tumigil sila sa pagtatanong."

"Which is?"

"9am to 5pm desk job ang gusto ni papa, high-paying with benefits naman kay mama."

"Ayaw mo ba ng gan'on?"

"Ayos lang talaga kaso nasubukan ko nang magtrabaho, hindi ko kaya na may sinusundan akong oras. Napansin kong mas nakakagawa ako nang may sariling oras talaga."

"Ako rin."

"Nakakapagod ding bumyahe," aniya. "Hindi tulad kapag nagsusulat ako, nasa bahay lang."

"Tamad," nangiti nitong ani.

"Hindi ko tinatanggi. Number one trait ko 'yan, eh."

"Sabi nga ng papa mo."

"Feeling ko nga bagay sa akin pagsusulat at pag-publish ng book kasi nakaupo lang tapos mabilis ako mag-type. Isa pa, ang sarap makita 'yong libro at the end of production. Ang saya malaman 'yong reactions ng mga mambabasa sa nasa utak mo lang noon. Ang overwhelming makausap ng mga readers na gusto talaga mga sinusulat mo. Hindi 'yon gets nila Mama, eh."

"But nakikita ko sa Mama mo na sinusuportahan ka. Pinagtanggol ka sa Papa mo."

"Ayun, appreciated 'yon, sobra. Kasi nakikita niyang nagkakapera naman? Pero at the back of her mind, na minsan, tatanungin niya sa akin - kailan ako magtatrabaho talaga."

"Nasanay siguro sila sa office job. Monthly income. Benefits. The stability."

"Ikaw ba, naranasan mo 'yon?" Trinace ni Rayne gamit ang hintuturo ang kilay ni Kaye. "Bago ka mag gig. Nagtrabaho ka ba sa office?"

"Not. . .necessarily. My parents have been somewhat supportive sa gusto kong gawin."

"Kasi, successful ka na." Magaang pinipindot ni Rayne ang talukap ni Kaye kaya napapapikit ito. Nilaro naman ni Kaye ang isang kamay niya. "Ang dami nang ganap sa 'yo, di ka na po ma-reach."

Tumawa si Kaye. "28 na rin ako, Rayne. Mag 29 na. I'm not saying na successful na talaga ako but I've been moving forward for a long time. Dapat talaga maraming nangyayari sa buhay ko because if walang nangyayaring pag-angat. . . kawawa naman ako."

Sinundan ng hintuturo ni Rayne ang tangos ni ilong ni Kaye, pinindot-pindot ang tungki.

"Nasa marrying age ka na rin," nangingiting ani Rayne, may hint ng panunukso.

Kinagat ni Kaye ang labi at ngumisi. "Kung pwede lang 'di ba, but hindi naman ako nagmamadali. Nagmamadali ka ba?"

"Ako? Ba't ako magmamadali?"

"Baka lang gusto mong paspasan."

Pinisil ni Rayne ang ilong ni Kaye dahilan para magtawanan sila.

"Ang weird na pinag-uusapan ang kasal 'no?" natatawang sabi ni Rayne.

"Ikaw ang nauna, sumunod lang ako sa usapan."

"'Di kasi, parang. . .ang weird lang. Na may pagkakataong nagiging normal na talaga ang usapang kasal dahil sa nasa ganitong age na tayo. Tipong dati, sobrang weird. . .pero ngayon, hindi maiwasan 'yong kasal at anak - tipong, dati, girlfriend lang ang hanap tapos ngayon, apo na."

Tumaas ang kilay ni Kaye. Natigil sa paglalaro sa daliri ni Rayne. "Girlfriend ang hanap sa 'yo?!"

"Sa 'yo!"

Tumawa si Kaye. "Believe me. Hindi sila naghahanap ng girlfriend sa akin. Mas masaya silang wala."

"Eh, pero. . .gets mo ba ako?"

"Yes, yes. Gets. Dahil nasa ganitong age na tayo. Amazed nga ako n'ong pumipirma na ako ng cheke last time. Tumatanda na talaga tayo."

"Mas ka nga lang, gurang."

"Parang four years lang ang gap. . ."

Bumaba ang hintuturo ni Rayne mula sa tungki ng ilong patungo sa itaas ng labi. Sinundan niya ang outline nito at natigil. Napatitig sa labi ni Kaye.

"Ang ganda ng labi mo." Pinindot ni Rayne ang pang-ibabang labi ni Kaye. "Ang natural ng pagka-red lips mo."

Napatitig sa kanya si Kaye. Siya, nakayuko, si Kaye, nakahiga.

"I mean, shet. Ang mali ata ng sinabi ko?"

Binuhasan siya ng isang litro ng kahihiyan.

Kagat labing ngumiti si Kaye. "Ikaw, ah. Kung anu-ano tinitiga—"

Nagulat si Kaye at biglang napaupo nang may tumampal ng binti niya pababa ng upuan.

"Nakikitang ang daming gustong umupo, humihiga?!" halos bulyaw nito sa kanila. "Mga kabataan talaga ngayon. Ang dumi-dumi pa ng sapatos!"

Nagkatinginan si Rayne at Kaye, nanlalaki ang mata. Agad silang nag-sorry. Pagkatayo ni Kaye sa hiya, naupo ang matandang babae na may binubulong pa.

Napatingin ang ilang tao sa kanila.

Nang susuotin na ni Rayne ang boots, bigla itong kinuha ni Kaye. Walang sabi-sabi itong lumuhod sa harap niya na kinagulat niya.

"Uy, ano 'yan?!"

"Nagpo-propose."

(Totoo, mukha nga itong nagpo-propose.)

"Sira! Tumayo ka d'yan," natatawang sabi ni Rayne, pinipilit patayuin si Kaye. Ngunit tulad ng dati, may iba itong plano.

May kinuha si Kaye sa bulsa ng pants; isang anklet, 'yong tig sasampung piso sa kung saan. Pinagsamang blue at pink ang kulay. Simple lang. Dahan-dahan nitong itinali sa left ankle bago isinuot sa mga paa ni Rayne ang boots, iniayos ang zipper.

Ngumiti si Kaye, nasa likuran ang isang kamay at ang isa ay inialay sa harap ni Rayne, naghihintay.

"Para kang baliw," ani Rayne.

"Mas magmumukha akong baliw kapag 'di mo tatanggapin."

"Blackmail."

"Kunsensya tawag d'yan," natatawang anito.

Hinawakan ni Rayne ang kamay ni Kaye at tumayo. Nang mapatingin sila sa lola na masungit, umiling ito at bumuntonghininga, mukhang stressed sa kanila.

Biglang may sumigaw ng, "magbe-break din kayo!" mula sa kung saan.

Nagkatawanan si Kaye at Rayne.

Nang maglakad sila, hawak niya ang braso ni Kaye, napapatitig si Rayne sa bawat hakbang ng kaliwang paa. Sobrang simple ng anklet na ito ngunit pakiramdam niya ay dinadala siya nito sa alapaap.

Bakit may paganito pa? Haist.

Pag-angat ng tingin, may mga tao nga pala sa paligid. Nakatingin ang ilang nakatambay rin sa ibang upuan. May isa pang napansin si Rayne na nakataas ang phone camera – kunwaring nagse-selfie – pero napapansin niyang sumusunod sa kanila ang lens.

Itong ginagawa nila. . . alam niyang sa paligid, may nakakakilala kay Kaye. Alam niyang may nakakakitang mga mata, nakakarinig na mga tainga. Siguradong sa susunod ay may mga labing magsasalita at mga daliring magta-type at post online.

Ano nang kasunod nito?

"Matapos tayong pagalitan ng nakatatanda," natatawang ani Rayne. "Saan tayo?"

Tinaas ni Kaye ang tingin sa kalangitan. "Ferris wheel."

Umangat ang tingin ni Rayne sa taas ng ride, mabagal ang pag-andar. Tumitig siya rito, dilaw at kahel ang kalangitan dahil sa papalubog na araw.

"Kapag sumakay tayo d'yan," sabi niya, nakaangat pa rin ang tingin. "Magiging bida tayo ng isang gasgas na rom-com."

Kung si Rayne ang magsusulat ng rom-com movie nila ni Kaye – saan kaya magtatapos ang dalawang oras nilang movie?

"May romance na ba?" tanong ni Kaye sa kanya, nakataas ang dalawang kilay, naghihintay ng sagot.

Ibinaling niya ang tingin dito, sinagot si Kaye ng tanong din. "May comedy ba?"

Ngumiti si Kaye bilang tugon.



Christopher Street Liberation Day

● June 28, 1970 unang ginanap ang pinaka unang march sa local streets ng LGBTQ+ community members sa New York City para i-celebrate ang first year anniversary ng Stonewall riots.

● Ito ay considered as the first gay pride parade.

● Ang gay parade ay pagtitipon ng LGBTQ+ community sa isang lugar para magsaya, magparada, magtaas ng gay banners at signs. Ipagmalaki ang homosexual rights at ang pagkatao.

● From then on, naging yearly na ang pagpaparada at pag-celebrate nito. 

● Ang Gay pride LGBT pride ay isang positive stance against discrimination at violence sa mga lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) people. Ito rin ang pag-promote sa mga sarili ng kanilang self-affirmation, dignity, equality rights, pagtaas ng visibility as social group at community.


Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: [email protected]

⚢ random gif of the chapter ⚢

Featured #LS4N1 tweet:

Featured #LS4N1 edit: @notsomerrymari | twitter

⚢ random Kaye Cal photo of the chapter cos wala lang hihi ⚢

Mga beh! Keep on voting for Kaye Cal sa Wishclusive! Super umangat si Kaye sa loob ng 24 hours dahil na rin sa tulong niyo. Yiee. 

EVERY DAY ang pagboto per twitter and facebook account. Kaya don't forget. Araw-arawin natin! hihi. Just go to www.wish1075.com/wishawards or click external link (web users) to vote until January 15! ♥

2nd as of 10:00pm Dec 16

Habulin natin ang 30% ng first place!!!! ♥


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top