04 | Four

Walang in-order si Kaye pagkarating nila ng Mcdo kaya hindi makain-kain ni Rayne ang binili nitong Cookies and Cream McFlurry para sa kanya. Nakaupo sila sa pinaka gilid, sa tabi muli ng glass wall, kita ang labas.

"Akala ko ba mag-ice cream tayo?"

"Oo nga."

"Tayo," pag-ulit ni Rayne. Itinaas niya ang nag-iisang ice cream cup sa lamesa.

"Wala pang tayo, Rayne! Excited?"

"Hala."

"Char!" Tawa. "Bawal sa akin, eh."

"Ang daya!"

"Sensya naman."

Tinitigan ni Rayne ang McFlurry. "Ako lang kakain. . ."

"Ayaw mo ba?"

"Libre mo pa, sabi ko sa 'yo may pera akong dala, eh."

"Ngayon lang naman manlilibre, tatanggihan mo pa?"

"Malamang, ngayon lang din tayo ulit nagkita," natatawang ani Rayne.

"I wonder why. . ."

Napasubo ng ice cream si Rayne sa sinabi ni Kaye. Alam na niya kung saan tutungo ang topic at mas magandang puno ang bibig niya kaysa sumagot.

Ano nga bang sagot kung sakaling may tanong?

Sana wala na lang tanong para hindi na sumagot.

"Iba na ba number mo?"

Ayun na nga ang iniiwasang tanong.

"Hmm?"

Subo ulit ng ice cream. Marami.

"Yung number mo. . ."

Ice cream pa.

"Rayne. . ."

Isa pang subo ng ice cream! Fuck. Brain freeze.

Nang hindi na nagsalita ulit si Kaye, susubo pa sana ulit si Rayne nang pigilan siya nito, hawak ang kamay na hawak ang plastic na kutsara, ibinaba sa lamesa.

"Nagpalit ka ba ng number?"

Sinubukan ni Rayne bawiin ang kamay hindi siya pinakawalan ni Kaye. Nakapatong lang ang kamay nito sa kanya. Hindi pinapayagang makasubo ulit ng ice cream.

Kaya ang ginawa niya, tinungga niya ang natunaw na ice cream sa baso. Napakunot noo si Kaye kaya hinawakan din nito ang kamay niyang hawak ang baso.

Wala nang iwas. Hawak na siya ni Kaye.

"Iniiwasan mo ba 'yong tanong?"

"Uy!" ani Rayne, hindi na pinilit ang mga kamay para gumalaw. "Thanks nga pala sa libre. Pagkain kanina at ice cream."

"Iniiwasan mo nga."

"Grabe, anong iniiwasan?" Tumawa siya. "Ano 'yong iniiwasan ko?"

"Tanong ko."

"Anong tanong?"

"Rayne. . ."

"Seryoso, ano talagang tanong. Promise, hindi ko iiwasan."

"Gamit mo pa ba 'yong number na tinawagan mo noon para kausapin mga kaibigan mo?"

"Ay, teka. Hingi muna ako ng tubig."

Patayo na sana si Rayne kaso pinigilan siya ni Kaye. Seryoso na ang mukha nito. Hindi naman naaasar pero nakakunot na ang noo, nagdidikit ang mga kilay sa gitna.

"Joke lang, ito naman, hindi mabiro."

Hindi nagsalita si Kaye.

Napalunok si Rayne. "Ugm, pero. . .ano. . . seryosong nauuhaw ako. Kuha muna ng tubig?"

Mula sa mahigpit na hawak ni Kaye sa dalawang kamay ni Rayne, lumuwag ito. Natakot pang bawiin ni Rayne ang kamay kaya inunti-unti pa niya ang paglayo mula sa ilalim ng hawak nito.

Ngumiti muna siya bago nilapag ang baso ng McFlurry at plastic spoon bago tumayo. Nasa may counter na siya at naghihintay ng dalawang baso ng tubig nang ma-realize niya ang lahat.

Hinawakan siya ni Kaye sa kamay! Hindi lang isa, dalawang kamay! Hindi lang sandali, matagal talaga!

Bigla siyang nanlamig at kinabahan. Napapikit at pinilit huminga nang normal. Kinailangan pa niyang mag close-open ng kamay dahil parang may kumikiliti sa kamay niya.

"Here's your water, Ma'am," sabi ng babae sa counter, ngiting-ngiti kahit gabi na. Nalaman niya ang dahilan nang may binulong ito sa kasamahan na, "Si Kaye Cal nga ata 'yon."

Nagkatitigan si Rayne at ang binulungan na isa pang crew. Nagkangitian sila bago yumuko si Rayne sandali at nagpasalamat.

Na-conscious naman siya dahil nakatitig sa kanya si Kaye habang naglalakad siya pabalik sa table, hawak ang dalawang tubig.

"Nare-receive mo—"

"Kilala ka nung mga nasa counter."

"Huh?" pagtataka ni Kaye. "Iniba mo na naman 'yong topic."

"Ay! Sorry, sorry!" Uminom muna ng tubig si Rayne. "Ano ulit 'yon?"

"Wala ka talagang balak sagutin 'yong tanong ko, ano?"

"Kaye. . ."

May tanong sa mukha ni Kaye, nakikita ni Rayne. At siguradong sa utak nito, gulong-gulo rin. Kahit naman siya mismo, naguguluhan sa sarili. Pwede ba 'yon? 'Yong gusto na ayaw? Ayaw na gusto?

"Masyado lang. . .ano, uh. . ."

Huminga nang malalim si Kaye, sumandal. Uminom ng tubig. "Okay lang kung hindi mo na sagut—"

"Hindi, kasi, ano. . ." Bakit ba ang hirap mag-explain kahit madali lang naman talaga? "Nasa internship ako the past few months, tapos naging busy talaga. Tapos. . . ano. . . ayon, kapag may nagte-text sa akin, hindi ko agad nare-reply-an at nalilimutan ko na tapos. . . walang signal madalas phone ko tapos. . ."

"Hirap na hirap ka."

"Hirap na hirap talaga ako gumawa ng excuse na valid dahil alam kong wala at alam kong invalid lahat pero kasi 'di ba, wala lang naman ako kaya. . .fuck." Humawak si Rayne sa dibdib. Humugot nang malalim. Huminga nang malakas. "Kinakabahan ako. Sorry, sorry. Galit ka ba?"

Pumalumbaba si Kaye. "Minsan, nagtataka talaga ako sa human nature nating magtanong ng obvious naman."

"Hala." Napakagat labi si Rayne sa panliliit sa sarili. "Dahil. . .minsan, kailangan. . .natin. . .malaman talaga mula doon sa tao? Kailangan talaga magtanong para. . .hindi tayo manghula o mag-assume?"

Ngumiti si Kaye nang taimtim. "May point."

Naghintay si Rayne; iba pang mga pwedeng sabihin tungkol sa hindi niya pagre-reply rito. Something. Ngunit wala na siyang nakuha pa ulit kay Kaye.

Napaiwas ng tingin si Rayne, napatingin sa paligid. Karamihan ay nagkukwentuhan at kumakain. Masaya. Mukha sila lang ang may napalibot na lungkot.

Nagulat siya nang biglang tumayo si Kaye. Kinabahan siya at agad na napahawak sa sleeve ng tux nito para pigilan.

"Aalis ka na?"

Ngumiti ito sa kanya. Malawak. "CR lang. Grabe sa pagka-clingy, ah. Sama ka ba?"

Napangiti rin bigla si Rayne. "Akala ko lang magkaka-alone time na ako kapag umalis ka na, sayang."

Nakangiting nakapamulsang naglakad palayo si Kaye. Tanging nagawa na lang ni Rayne ay sundan ito ng tingin, pagmasdan ang tindig nito nang nakatalikod na naglalakad hanggang sa mawala sa paningin.

Pagtingin niya sa isang lamesa ng grupo ng mga babae, sinundan din ng mga ito ng tingin si Kaye. Nang nararamdaman niyang titingin sa kanya ang mga babae (dahil sa lamesang ito nanggaling si Kaye), ay iniwas niya ang tingin – tumingin sa labas.

Totoo ngang tumingin sa kanya ang grupo ng mga babae, kita niya sa kaunting repleksyon ng glass wall.

Minsan naiisip niyang napipilitan lang si Kaye na kasama siya.

But then again. . . bakit magkasama sila ngayon?

Deserve ba niya ito?

Nakailang subo siya sa ice cream bago nakita sa repleksyon ang paglalakad pabalik sa kanya ni Kaye. Nilingon niya agad ito at napatitig.

Ang weird ba kung napo-pogi-an talaga siya kay Kaye ngayong gabi kaya siya kinakabahan? Sa black tux talaga 'to, eh – sama pa 'yong nakatali ang kalahating buhok palikod. Nang magtama ang tingin nila, ngumiti ito sa kanya.

Ngumiti rin siya hanggang sa umupo si Kaye sa tapat niya.

"Bakit ka naka-smile?" tanong nito.

Nawala na ang malungkot na aura. . . unti-unti na nila itong pinapalitan.

"Ikaw, bakit ka nakangiti? Ginagaya lang kita."

Tumawa si Kaye, uminom sa maligamgam na tubig. "Gusto mo ba talaga malaman kung bakit ako naka-smile?"

"Nako, ah. Ayusin mo 'yang sasabihin mo."

Tumawa na naman si Kaye at sumandal sa upuan, nakapamulsa sa pantalon. Inunat nito ang mahabang biyas kaya natamaan kaunti sa ilalim ng lamesa ang paa ni Rayne. Agad naman nag-sorry si Kaye at napaupo nang maayos.

Napatingin si Rayne sa grupo ng mga babae – napapatingin talaga ang mga ito sa kanila. More likely, kay Kaye.

"'Di kaya masyado tayong overdressed sa Mcdo?" tanong niya rito.

"Hayaan mo na, 'di naman tayo kilala ng mga nandito."

"Ako, sigurado," ani Rayne. "Eh, ikaw?"

"Huwag pa-humble, baka biglang may sumigaw na reader mo."

Nawalan ata siya sandali ng hininga.

"Ay, weh?"

Ngiti ulit.

"Paano mo nala—"

"Sinabi mo sa akin noon na nagsusulat ka ng mga fiction novels, 'di ba?"

"Sinabi ko 'yon?"

"Ay grabe! Nalimutan mo na?"

Tumawa si Rayne. "Hindi ko maalala, sorry!"

Seryosong hindi na niya maalala masyado ang karamihan ng napag-usapan, lalo na ang mga pinagsasasabi niya. Naaalala lang niya 'yong feeling nang kasama si Kaye. 'Yong kilig. 

Hihi.

At lungkot. . .

"Hindi mo nga rin naalalang sabihin sa akin 'yong apelido mo."

"Oy, kailang—"

Natahimik si Rayne at nanlaki ang mata nang banggitin ni Kaye ang apelido niya. Marami siyang gustong itanong ngunit hindi niya maiboses. Mukhang nakikita naman ito ni Kaye.

"I actually searched for R-A-Y-N-E in google."

Napalunok si Rayne.

"Ang daming results kaya sinubukan kong lagyan ng word na writer."

"Hala."

"Hindi ko pa rin mahanap kaya naglagay ako ng key words na Rayne. Pinoy. Writer. Online."

Hindi makapaniwala si Rayne sa naririnig.

"Tinry ko i-search lahat ng lumalabas na may Rayne hanggang sa nakita ko sa isang post 'yong name mo, nagbabaka sakali," bigla itong natawa. "Ang weird ba kung sinearch ko rin 'yong white haired girl writer whose name is rayne? Sabi nila alam ng google lahat. Hindi naman pala."

Tumawa si Rayne habang kinakabahan pa rin. "OA naman kasi 'yang pag-search mo. Kulang na lang ilagay mo, 'the one who I was with last February."

"Kung pwede lang, 'di ba?" Natawa si Kaye. "Nagdagdag sana ako ng that pretty white-haired girl."

"Nakakaloka."

"Oo nga," anito. "Nakakaloka." Tumawa si Kaye dahil nagboses babae pa ito pagkasabi ng salita. "Did you know na searchable ka sa google sa kaunting key words lang?"

Nao-overwhelm na siya sa naririnig. "Ang stalker mo talaga."

"Uy, grabe 'yon," natatawa nitong ani. "Naghanap lang naman ang simpleng ako because apparently, the girl I was searching for ay hindi magaling mag-reply."

Walang halong bitter taste ang sinabi ni Kaye kaya lalong naramdaman ni Rayne ang hiya.

"May issues ata ako sa pagre-reply."

"Mukha nga," ani Kaye, nakangiti. "But at least."

"At least?"

"Nandito ka sa harap ko ngayon. In flesh."

Naubo si Rayne sa pagkain ng ice cream at kinailangan pa niyang uminom sa tubig ni Kaye dahil ubos na ang kanya.

"Wow naman Karen Jade Cal ano ba naman 'yong kaunting filter lang sa mga sinasabi mo?" Napakamot si Rayne sa gilid ng mukha.

Umaakyat ang lahat ng init at dugo sa pisngi ni Rayne – ramdam niya. Hindi naman siya umiinom, pakiramdam niya inaatake siya ng mabilis na pagkalasing at allergy.

Tumawa si Kaye, tinakpan ang bibig. "I'm sorry. Iba din talaga when I'm seeing you online, then sa personal."

Kinagat ni Rayne ang labi, tumango-tango. Nagkukunwaring hindi apektado. "Mas cute nga ako online."

"Hindi rin."

"Anong ibig mong sabihin?!" Pinandilatan niya si Kaye. "Hindi ako cute?!"

"Rayne!" Natawa ulit si Kaye nang malakas. "Ano ba 'yan?"

"Issue sa akin 'to, 'wag kang tumawa."

"Mygahd."

Hindi pa rin tumitigil sa pagtawa si Kaye. Namumula na nga ito kaya naghintay lang si Rayne.

"Ayos ka na? Naka-move on na?"

Nag-peace sign ito. "Okay na ako. Seriously, kung hindi mas sa personal, I should have settled online, 'di ba?"

"Alam mo, kumain ka na lang ng ice cream." Bigla-biglang sinubuan ni Rayne si Kaye ng isang spoonful ng McFlurry. "Nang ma-brain freeze ka naman."

Naubo si Kaye sa pagkabigla ng pagsubo ng ice cream ngunit walang tubig kaya namula na talaga ito kakatawa. May kaunti pang lumabas sa bibig na tumulo sa lamesa. Natatawang kumuha si Rayne ng tubig at panay ang sorry.

Nang mahimasmasan na sila sa pagtawa, napansin na talaga ni Rayne ang kanina pang grupo ng mga babae at mas lalong kinabahan. Totoo na talaga 'to, tinitingnan na talaga sila ng mga ito dahil kahit 'yong mga nakatalikod, nababali na ang ulo kakatingin sa pwesto nila ni Kaye.

"Nakatingin sila," aniya.

"Saan?"

"Sa may likod m—huwag kang tumingin!" Napahawak bigla si Rayne sa mukha ni Kaye para pigilan niya ang paglingon nito. "Dito ka sa salamin tumingin."

Sumunod naman si Kaye at pasimpleng tumingin sa repleksyon. "Saan dito?"

"Ayun, oh."

Bumalik ang tingin ni Kaye sa kanya. "Baka nagkataon lang. Ang ingay kaya natin."

"Kanina. Pero tingnan mo ngayon, parang nagsisikuan pa."

"Sa buhok mo 'yang mala-nyebe," nakangiti nitong sabi.

"Hindi, eh. Ibang klase ng tingin kapag tungkol sa buhok," sabi niya. "Kilala ka ata ng mga 'yan."

"Baka ikaw ang kilala nila."

Umiling si Rayne habang sumusubo ng ice cream "Fans mo siguro yan, kinikilig na, oh."

True enough, mukhang mas nagiging hyper na 'yong grupo ng mga babae. Mukhang mga kiti-kiti. Mukhang gustong-gusto nang tumayo at lumapit.

Tumingin ulit si Kaye sa repleksyon. Ngumiti. Binaling ang tingin kay Rayne. "Mukhang sa 'yo."

"Sira. Bakit sa akin? Hindi naman ako masyadong nagpapakita ng mukha kapag nagsusulat, no." Tinuro ni Rayne si Kaye gamit ang maliit na kutsara. "Ikaw nasa TV. Youtube. FB. Twitter."

Pumalumbaba si Kaye. "Mukhang nagpapakita ka rin naman ng face sa Instagram."

"Stalker!" natatawang ani Rayne. "Speaking of, pinost mo sa Instagram!"

"Ang alin?"

"Yung polaroid picture natin! Kasama 'yong dalawang rose. Nasa sa 'yo pala 'yon?"

Ngumiti si Kaye. "Paano mo nalamang pinost ko? Hindi naman masyadong kita 'yon, ah?"

"Hindi mapapansin ng hindi nakakaalam pero alam ko kaya nakita ko."

"Sino kayang stalker sa atin ngayon?"

Napatahimik doon si Rayne. Aminado naman siyang medyo stalker siya ni Kaye. Fan nga siya, eh. Pero ibang level naman kapag si Kaye na ang inalam kung sino talaga siya.

Kaya pa ba niya? Buhay pa ba? Kailangan na ba ng oxygen?

"Ako lang makaka-gets n'on. . ." ani Rayne.

Ngumiti si Kaye. "Our little secret."

Lumakas ang ingay ng mga babae at rinig na rinig na nilang dalawa. Mukhang parehas pa nga silang kinabahan nang magkatinginan.

"Alis na tayo?" ani Kaye.

"Tara?"

Tumayo silang dalawa. Dahil hindi pa rin ubos ang McFlurry, dinala ito ni Rayne. Iniwasan nilang tumingin sa grupo ng mga babaeng sinabuyan na ata ng asin. Palabas na sila nang may tumawag.

Hindi lang kay "Kaye!"

Pati na rin kay "Rayne!"

Tinawag silang dalawa!

Sabay silang napalingon. Na-stun ang mga babae, mukhang hindi pa nag-sink in sa mga ito ang pagtingin nila Kaye at Rayne. Isa. Dalawa. Tatlo - tilian! Dahil sa ingay, napatingin din ang ilan sa dalawa. Ang mga customers, nasa cashier at kahit ang guard. Yumuko si Kaye, mabilis na naglakad patungong pintuan, pinauna si Rayne sa paglabas.

"Sila nga! OMGOMGOMG!"



Coming Out

● Ginagawa, ganap o process ng pagsabi o pagbalita sa ibang tao ang tunay na sexual orientation and / or gender identity. 

● This is to let others know and acknowledge your honest self.

● May mga times na sa ibang tao, isa itong lifelong process.


Official hashtag: #LS4N1
Wattpad:
 pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: [email protected]

⚢ random meme of the chapter ⚢

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top