04 | four
⚢
Tahimik. Walang nagsalita. Walang sumang-ayon o tumanggi sa 'couple' spiel. Umalis muna ang waitress para makapag-isip sila ng o-order-in nang taimtim. Ang pressure kayang mag-order nang nakatitig ang mga waiter o waitress.
"Anong gusto mo?" tanong ni Kaye, nagtitingin sa menu.
"'Yong pinaka mura please."
Medyo na-stress siya sa nakikitang presyo.
"Pinaka mura? Water?"
"Anong tubig? 45 pesos 'to, oh! May halong ginto."
Tumawa si Kaye. "Libre ko naman."
"Allergic tiyan ko sa mga gintong tubig."
Mas lalong tumawa si Kaye kaya biglang ginusto ni Rayne sumigaw ng, 'wag ka na nga tumawa't lalo kang gumagwapo! pero ang nasabi niya nang malakas ay, "Nakakainis!"
"Nakakainis? Ako?"
Oo.
"Uy, hindi. Anong nakakainis?"
"Sinabi mo, nakakainis."
"Sinabi ko 'yong nakakainis?"
"Oo, ah?"
"Ows?"
"Oo nga. Sinabi mo."
"Lapit ka dito."
Sumunod si Kaye at inilapit ang mukha nang nagtataka. Nakaramdam ng hiya si Rayne dahil halos makita na niya ang pores nito pero nilakasan niya ang loob – nagpaka-feeling close.
Napapikit si Kaye sa pagtapik ni Rayne ng pisngi nito habang sinasabi ang, "Imagination mo lang 'yan."
Ibinalik ni Rayne ang tingin sa menu pero kitang-kita niya sa peripheral vision na hindi kumilos si Kaye. Walang kahit anong galaw ang mukha, ganoon pa rin kalapit, pero nakadilat.
Ilang sandali, labas ngiping ngumiti si Kaye at umiling bago naupo nang maayos. "Ito na lang," turo nito sa heart-shaped detachable board menu. COUPLE PROMO FOR ROMANCE. "Kung gusto mo?"
"Uhm. . ." Kahit pinipilit ni Rayne magpaka-feeling close, talagang nahihiya siya kay Kaye, eh. "Di ba ang weird? Pang-legit couple to, eh?" pabulong niyang ani. "Baka pagbayarin tayo ng price for two."
"What?" natatawang ani Kaye. "Hindi 'yan."
"Naku sinasabi ko sa 'yo ganito 'yong sa mga rom-com."
"Alin? Nagkakatuluyan mga nagpapanggap na mag-girlfriend?"
"Hindi! Pinaghuhugas 'yong mga walang pera."
Tumawa si Kaye, hindi in-expect ang sinabi ni Rayne. "They won't know. Atleast hindi masakit sa bulsa kung ito o-order-in natin?"
"Ikaw na talaga bahala. Kung saan mas kumportable 'yong card mo." Sama na ang kapal ng mukha ko, ang gusto niyang idagdag. At lakas ng trip natin ngayong gabi.
Pinagmasdan ni Rayne ang pagtaas ni Kaye ng kamay para tawagin ang waitress. Nakatutok lang siya habang ino-order nito ang COUPLE PROMO FOR ROMANCE. Pinanood niya ang pagtango ng waitress, pagngiti ni Kaye, pagtawa nila tapos pagtingin sa kanya. Bumuka ang bibig. May sinasabi. Kinakausap siya.
Teka, kausap siya?
Teka lang, kailan pa siya nabingi?
"Ano po 'yon?" biglang sabi ni Rayne.
"Lutang ka na ata," natatawang sabi ni Kaye. "Anong drinks gusto mo?"
"Ah, kahit ano."
Nilingon ni Kaye ang waitress. "Miss, may kahit ano ba kayong drinks?"
Tumawa ang waitress. "Ang funny niyo naman, Sir."
Napapikit si Rayne at napahawak sa noo. May mas igagasgas pa ba sa linyahan 'tong si ategirl? 'Yong totoo?
Pag-repeat order, nilingon ng waitress si Rayne saka ngumiti. (No, no. Hindi maarteng ngiti, okay? Sa mga palabas lang 'yon at libro. Ito, sincere, may amazement sa mukha.)
"Nice hair po, Ma'am."
Ngumiti si Rayne.
"Parang nyebe," nakangiting banggit ni Kaye, hindi sa kanya, hindi sa waitress, mas para sa sarili. "Is it weird kung magpapaalam akong pahawak ng buhok mo?"
Wala pang pag-sang ayon, hinawakan na ni Kaye ang buhok ni Rayne. Nakailang kurap ito bago natauhan sa ginagawang pagsuklay sa buhok na hawak. Napaatras sa bigla.
"Ouch!"
"Ay, sorry!"
Nasabunutan kaunti si Rayne pagkatanggal ni Kaye ng mga daliri sa strands ng buhok.
"Hindi ko sadyang sumabit!"
Biglang tumawa si Rayne habang inaayos ang puting buhok. "Keri lang. Ganyan talaga buhok ko, masyadong sensitive."
Hindi na nila namalayang wala na ang waitress sa gilid at silang dalawa na lang ang nakakarinig sa isa't isa.
"Ang ganda ng buhok mo talaga," ani Kaye.
"I agree."
"Hindi man lang nagpa-humble?"
Tumawa silang dalawa.
"Maganda nga tingnan," ani Rayne. "Kapag lumapit ka naman, makikita at mararamdaman mo 'yong damage tapos malalaman mong hindi pala talaga maganda. Sa malayo lang maayos. Kapag hindi mo lang hawak."
"Uy, grabe! Hugot 'yon, ah. Pwedeng. . .?" Sumenyas itong gustong hawakan ulit ang buhok ni Rayne.
Nilapit ni Rayne ang ulo at pumalumbaba sa lamesa.
Hinaplos ni Kaye ang buhok niya, mas magaan na ang kamay, iniingatan ang bawat hibla para hindi sumabit sa gitna ng mga daliri.
"Ito nga 'yong better at mas maganda rito."
"Ang alin?"
"Once you get nearer, kahit alam mong hindi kasing perfect tingnan sa malayuan, accepted mo pa rin 'yong damage." Ngumiti si Kaye. "Mas ite-take care mo pa nga lalo para hindi mo masira kapag nasa mga kamay mo na, kapag hawak mo na, dahil alam mong it should be taken care of at hindi taken for granted."
Inilapit ni Rayne ang nakapahigang hintuturo sa ilalim ng ilong.
"Ano 'yan?" pagtataka ni Kaye.
"Nosebleed!" Agad tumawa si Rayne. Pasandal na sana siya pero sumabit pa ang buhok niya sa daliri ni Kaye kaya ilang hibla rin ang nabunot mula sa anit. "Ang sakit!"
"Sorry!"
Hawak ni Kaye ang ilang hibla ng puting buhok ni Rayne. Doon napansin ni Rayne ang silver ring na suot nito sa palasingsingan, kaliwang kamay. Simple lang ito pero kumikintab ang mga batong nakaukit.
Ano kayang mayroon sa singsing na 'yon?
"Thank you sa remembrance."
Natauhan si Rayne sa boses ni Kaye. (Sino nga bang hindi matatauhan sa boses nito? May chance na mabaliw ang mga tao sa boses ni Kaye, okay. Case closed.)
"Remembrance ka d'yan." Kinuha niya ang mga hibla mula sa kamay ni Kaye para itapon sa kung saan.
"Uy, 'yong remembrance ko!"
Pinilit pang silipin ni Kaye ang sahig para makita ang mga hibla ng buhok. Failed..
"Remembrance ba para saan?" nagtatakang tanong ni Rayne.
"For this night, syempre."
"Sus."
Tumingin sa madilim na labas si Rayne, iniwas ang tingin sa kaharap.
"Anong sus?" tanong ni Kaye.
"Bakit mo naman aalahanin 'to, eh may pagkamalas nga 'tong gabi."
"Malas ba for you itong gabi?"
"Sa 'yo."
"Anong sa akin? Ako 'yong bad luck mo?!"
"Oo," malamig na sabi ni Rayne.
"Ouch?" Sumimangot si Kaye, mapagbirong hinawakan ang dibdib, parte ng puso. "Ang sakit."
Tumawa si Rayne. "Joke! I mean, sa 'yo. Malas sa 'yo 'tong gabi."
"Paano mo naman nasabi 'yan?"
"Dapat nakauwi ka na ngayon at natutulog pero na-lock ka sa CR nang matagal, nawala na 'yong sasakyan mo pauwi, gumastos ka pa para sa gintong hapunan—pun intended—get it? Kasi Japanese food, hapon. . ."
"Mygahd, Rayne!" Tawa lang nang tawa si Kaye. "Ang corny!"
Nagtuloy si Rayne sa sinasabi. "Low batt pa phone mo, nababaliw ka na rin ata kakatawa tapos—"
"Tapos kasama kita?"
"Exactly! Tingnan mo? Malas."
"Iniisip ko rin 'yan kanina. I was dead tired." Sumandal sa inuupuan si Kaye, nahihimasmasan na mula sa tawa. "But then again, paano magiging unlucky evening kung mukhang nag-ii-start pa nga lang?"
"Alam mo, antok ka na," ani Rayne, lips in a thin line, pinipigilan ang ngiti.
"Hindi sobrang antok, madaling araw ako nakakatulog kahit pagod."
"Same."
"Uy nice, soulmates."
"Soulmates?" nangingiting sabi ni Rayne, tumaas ang kilay. "Naniniwala ka sa soulmates? Seryoso?"
"Why not?"
"Bakit sa dinami-dami ng pwedeng paniwalaan, sa soulmates pa?" tanong ni Rayne.
Napahawak sa baba si Kaye at tumingin sa gilid, tila nag-iisip. Pinigilan ni Rayne ang pagngiti at pumalumbaba na lamang, tinatakpan ang labi. (Sabihin pang kinikilig siya sa nakikita kahit totoo naman.) Pabiro siyang umiirap nang nagpo-pogi sign pa si Kaye habang hinihimas ang panga.
"Siguro dahil if bawal ang marriage dito," sabi ni Kaye nang medyo seryoso na ang itsura. "Kakapit na lang ako sa belief na may person for me na walang magagawa ang normal na lipunan para pigilan dahil naka-destiny na talaga."
Natahimik si Rayne sa narinig, ninamnam ang bawat salitang binitawan ni Kaye. Nagkaroon siya ng kagustuhang magtanong nang magtanong, alamin kung anong mga bagay ang umiikot sa isip at puso ni Kaye.
Nakakatakot na kaunting siwang lang ang binukas ay gustong-gusto na niyang makilala ang taong 'to.
"Gusto mo bang magpakasal?"
Ayan, hindi na siya makapagpigil.
"Sinong hindi?"
"May kaibigan akong ayaw magpakasal o magkapamilya kahit ang daming nagiging girlfriend o nakakalandian. Siguro sa kasalukuyang 'to, real time, may kalandian 'yon ngayon."
"Guy?"
"Yep."
"Maybe dahil hindi naman pinagbabawal. He's free to choose what he wants. Nakahain na kaya may choice hindi tikman. While on my part, wala sa sobrang limited choices ko. Ipipilit ko pa kahit bawal o hindi pwede or maraming may ayaw. Pinagdadamot, eh. Pero gusto ko, hindi lang tikman kundi ma-experience in full course ang marriage."
"Rebel kid ka pala."
"Sumasakit na nga ulo ni mama sa akin."
"Cheesy ka rin."
"I know, I'm sorry! Too much?"
Nagtawanan sila.
Dumating ang order nila, dala-dala ng waiter na may pangalang Rave sabi sa nametag. Ngiting-ngiti ito, mukhang full of energy pa rin kahit gabi na na kabaliktaran ng waitress kanina na halatang pinipilit na lang dumilat. Nilapag ng waiter ang bento at napailing si Rayne dahil may heart-shaped design pa sa pagkain. Kahit ang kanin nila, nakapa-heart shape imbis na normal na hugis.
"Wow, Kuya, Valentine's na Valentine's talaga kahit tapos na," kumento ni Rayne. "May hang-over pa rin?"
"For the whole month of February po itong promo, Ma'am."
"Ah, okay. Sabi ko nga, eh. Pahiya ako kaunti, bawi ako bukas."
Natawa parehas si Kaye at ang waiter na si Rave.
"Ayos lang 'yan Ma'am, natawa din naman 'yong date niyo."
"Date agad? 'Di pwedeng gutom lang tapos gustong gumastos nitong kasama ko?" ani Rayne, natatawa.
"Sshh." Tinapik ni Kaye ang kamay ni Rayne sa lamesa. "Pasensya na Kuya, ganyan talaga 'yan pag gutom."
Napatitig si Rayne sa silver ring ni Kaye sa daliri na nakapatong sa kanya. Nangungusap ang mata ni Kaye at agad niyang naalala na pang couple nga pala ang bento na in-order. Pang-legit couple.
Nagtaka naman sila nang bigyan ng tig-isang half heart na board. Kapag pinagdikit, bubuo ito ng BENTO & CO.uple na nakasulat. Parehas silang may pagtataka sa mukha nang magkatinginan.
Si Kaye na ang nagboses ng tanong, "Ano pong mayroon dito?"
"Photo-op po, Sir."
Ngiti na naman si Kaye sa Sir.
(O sa photo-op idea? Walang nakakasigurado. Hmmm.)
"Photo-op?" tanong ni Rayne.
"Ito po." Tinuro ng waiter ang nasa menu, maliit lang na description (at hindi na rin binasa ni Rayne sa katamaran bago mag-order.) "May libreng photo-op ang couple sa pag-receive nila ng order at idi-display po namin doon." Tinuro ang isang side na may malaking heart shaped board na may mga pictures. "Or pwede niyo rin pong itago. Buo niyo na po 'yong heart para sa picture."
Nilabas na nito ang polaroid camera. Nakatitig lang si Rayne. Nakikipag-telepathy siya na tigilan na sana ni kuyang waiter ang kalokohang ito dahil baka mamatay si Rayne sa hiya. Nagulat naman siya nang magsalita si Kaye.
"Rayne."
Pangalan lang niya ang binanggit, kinabahan agad? Wow. Ano 'yon.
Hawak na ni Kaye ang kalahating puso, nakaabang sa paglapit ni Rayne ng isa pang kalahati para mabuo na ito.
Nang magbilang na ang waiter para sa pag-picture, biglang hinarang ni Rayne ang kamay sa parte niya na kinagulat ni Kaye.
"Uy!"
Flash.
"Ba't mo tinakpan? Hindi ka makikita!"
Pagkalabas ng photo sa polaroid camera, binigay ng waiter 'yong picture, hinintay matuyo at magpakita.
"Si Ma'am, napaka mahiyain," ani waiter at napasimangot pagkakita ng photo. "Nasira po yung picture. . ."
"Sir," tawag ni Kaye. "Pwede bang isa pa?"
"Sir, sorry. Naka-inventory po 'yong film at bento promo. Iaawas po sa amin kapag sumobra po sa isang film per couple."
Couple. Weird.
"Babayaran ko na la—"
"Huwag na," ani Rayne. "Oks na 'yan."
Magkabilaan ang tingin ng waiter kay Kaye at Rayne, halatang naguguluhan na.
"Pakisulat na lang po 'yong special date niyo dito sa ibaba?" Inilapag nito ang isang pentel pero walang kumuha sa dalawa na nagkatinginan. "Uhm, ako na lang po magsusulat. Kailan po special day niyo?"
"Wal—"
"Feb 17," biglang sabi ni Kaye, nakangiti.
"Talaga, Sir?" Masyadong palakaibigan itong si Rave na waiter. "Ngayon po pala ang special day niyo. Enjoy your meal and date."
"Thanks," ani Kaye.
Nangiti na lang si Rayne.
Bago umalis ang waiter, sinabi ni Kaye na iwan muna ang photo sa table para pag-isipan kung itatago o hahayaang ma-display.
Tiningnan ni Rayne ang litrato nila. Vintage. Millenial ang datingan. Pwedeng pang-IG with hashtags. Sumakto ito sa pagtakip ng sariling mukha, tila inaabot ang camera, o may paparazzi na biglaang nakita. Kita rin sa litrato ang mabilis na lingon ni Kaye paharap sa kanya kaya medyo blurred din ang mukha nito.
Ang mga kamay nila, nakahawak sa half-heart, kita ang tattoo niya sa kaliwang braso na ginamit panghawak. Weird man dahil puno ng movements ang litrato lalo na ang mukha nila para sa identity—maganda ang pagkakaayos ng dalawang half-heart. Buong-buo. Static.
Sa gitna ng gulo nilang dalawa, maayos ang nasa puso.
Nakasimangot na kinuha ni Kaye ang litrato, tiningnan. Mas sumimangot. She was, actually, pouting. Kyut. "Sino bang magka-date ang pi-picture-an then tatakpan?"
"Talagang pinu-push mo na 'yong idea?" natatawang ani Rayne.
"We need to be convincing, 'di ba? Or else baka paghugasin tayo ng pinggan."
"Joke lang 'yon, eh. Mas makatotohanan pa ngang mangyari 'yong isa kesa maghugas pinggan. Tsaka naka-card ka kaya."
"Alin ang mas makatotohanan? 'Yong natutuluyan mga nagpapanggap?"
"Alam mo, shut up na lang ako," sabi ni Rayne, natatawa na lang ulit. Paulit-ulit, mawala sana ang awkwardness nararamdaman kaso hindi nangyayari. Nakakaloka.
Ngumuso muli si Kaye. (Dyusko.) "Remembrance na sana 'to, oh."
"Hala. Naaalala mo kung gaano ka-wild mga fangirls mo?"
"Bakit?"
"Wala lang, natatakot lang ako sa pwedeng mangyari kung makita nila 'yan."
"Akala ko ba mas gusto mong maging zombie if ever man magka-apocalypse?"
"Gusto mong kainin ko 'yang utak mo?"
"Pwede!" natatawang ani Kaye. "In a serious note, hindi naman nila makikita. I'll just keep it."
"Bakit itatago? Alam mo, kain na lang tayo."
Gamit ang chopstick, kinuha ni Rayne ang nasa malaking lalagyan ng chicken at tumikim. Napangiti siya. Masarap. Sinira niya ang heart shaped na kanin at kumuha nang kaunti para isubo nang magsalita si Kaye, kinakalas ang sariling chopstick.
"Ano bang ginagawa sa magagandang memories?"
Naubo si Rayne sa nilunok na kanin.
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Transgender
● Gender identity or gender expression ng isang indibidwal.
● They know deep inside na hindi tama ang gender na naka-assign sa kanila. They want to change their way of living, how people see them and how they see themselves from inside to outside.
● Transgender is not sexual orientation. magkaiba ang "sino at ano ako" sa "kanino ako attracted." ang gender ay "sino at ano ako."
● Trans woman: pinanganak na lalaki pero alam na babae talaga siya. pronoun used is SHE.
- When a trans woman (lalaki na nag-transition as babae ) is attracted to guys, she is straight.
- If she is attracted to girls, she is a lesbian. (ito ay dahil kino-consider na natin sila as BABAE.)
● Trans man: pinanganak na babae pero alam na lalaki talaga siya. pronoun used is HE.
- When a trans man (babae na nag-transition as lalaki) is attracted to girls, he is straight.
- If he is attracted to guys, he is gay. (ito ay dahil kino-consider na natin sila as LALAKI.)
● Transsexual: when they desire to get medical help (surgery) for their transition.
common misconception: hindi kailangan mag-take ng pills o magpa-surgery para masabing transgender. an individual is a trans as long as alam nilang mali ang gender na naka-assign sa kanila (that instead of this, they should be the other one).
see also: detransition
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Official hashtag: #LS4N1
Wattpad: pilosoptasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: [email protected]
⚢ random gif of the chapter ⚢
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top