02 | two
⚢
Gusto ni Rayne maging rated G ang isip pero paulit-ulit niyang naiisip ang what the fuck, what the fuck, what the fuck sa buong 1 straight minute na magkatapat sila ni Kaye sa cubicle. Nag-CR lang naman siya kanina, ah? Naiihi lang talaga siya, pramis. Gan'on lang. Hindi niya ito pinlano.
Tapos nakasama niya si Kaye sa CR?
Goodness gracious!
Hindi pa nakakatulong na sa buong 1 solid minute, wala silang ibang ginawa kundi magkatinginan saglit, ngingiti nang awkward (sa parte niya dahil maganda ang ngiti ng katapat), kanya-kanyang punas ng pawis, titingin sa lahat pwera sa isa't isa, accidentally na magkakatinginan muli, nagpapakiramdaman at naghihingalo (well, sa part ulit ni Rayne.)
Hindi tuloy malaman ni Rayne kung gusto ba niyang magpasalamat sa mga wild fans na nangyayari ito o medyo matakot para sa buhay dahil sa sinabi ni Kaye bago sila mapunta sa nakakamatay na awkward silence.
"Kapag nalaman nilang nandito tayo—ikaw at ako—nang ganito katagal, baka—"
"Gets, gets. Made-dead on arrival ako."
"More on guluhin lang. Sorry if nadamay ka pa."
"Nako, ayos lang. Ganitong lugar mga bet kong tambayan. Loob ng mainit at maliit na cubicle, gan'on. Ang saya."
Mukha lang talagang nagjo-joke si Rayne pero ang totoo, medyo nagdarasal na siya para sa sariling buhay. Syempre, safe si Kaye from the wild fans. Paano siya?
Paano na ang payak na buhay niya?
Sino ba naman siya, hindi ba?
She knows how a fangirl react, of course. Ang laki ng chance na hindi ito magandang reaction if ever. Nakikinita na niya sa future ang nagbabagang hates.
Tapos, ayon. Awkward silence.
After another minute, awkward silence pa rin.
Hanggang sa 2 minutes and 8 seconds in, tumikhim si Kaye – mukhang hindi na kinakaya ang ilang na nararamdaman pero bago pa ito makapagsalita, nauna na si Rayne.
"So kailangan natin maghintay rito para ma-clear nila 'yong lugar, tama?"
"Ah, oo."
"Tapos dito lang tayo sa cubicle para safe ka? Hanggang mawala mga tao?"
"Ikaw rin. Para safe tayong makalabas."
"Gusto mo bang ako na lang mag-explain sa mga fangirls mong wala namang nangyari sa atin at hindi ako buntis, promise?"
Natawa si Kaye sa sinabi ni Rayne saka muling tumikhim.
"I think it's too late. And alam mo naman, 'di ba?"
"Ang alin?"
Nagtaas ng kilay si Kaye, nagtaka.
"Bakit?" pagtataka ni Rayne.
"Hindi mo alam?"
"Ang?"
"I'm not a he?"
"He?" Nag-loading pa ata ang utak ni Rayne bago siya napa-"Oh" kasabay ng sinabi ni Kaye na:
"Hindi ako lalaki."
"Ah, yeah. Nabigla lang ako kanina. Gabi na kaya tapos mag-isa lang ako dito sa CR tapos may papasok nang naka-suit tapos ni-lock 'yong pinto. Muntik na akong magpa-party para sa lamay ko. Infairness."
"Para pala akong may gagawing masama, 'no?"
"Medj. Kinabahan nga ako, akala ko mawawala na 'yong puri ko." Pagkatawa ni Rayne, napansin niyang nahiya si Kaye. "Uy, sorry, walang filter 'yong bibig ko pag kinakabahan. Tatahimik na ako."
Kung hindi ba naman isa't kalahating awkward si Rayne ay umakto pa siyang zinipper ang sariling labi, ni-lock at tinapon ang susi sa inidoro tsaka finlush.
From 0 to Rayne, gaano ka ka-awkward?
"Ba't ka naman kinakabahan?" tanong ni Kaye.
Bumalik sila sa tinginan session. "Sino bang hindi kakabahan ngayon?"
"Kilala mo ba ako?"
Tahimik.
"I mean, you don't need to know me, really. Curious lan—"
"Ikaw si Kaye."
"Oo, ako nga si Kaye but—"
"Yon lang naman keri na, 'di ba?"
For the first time, malawak na ngiti ang ibinigay ni Kaye kay Rayne. Syempre, pa-demure si Rayne para kunwari hindi napopogian. At ang dimples nito sa pisngi, lumabas na.
"Gusto ko 'yan," ani Kaye.
Ngumiti pabalik si Rayne.
Tumunog muli ang phone ni Kaye kaya sinagot nito ang tawag habang tumingin si Rayne sa nakasaradong pinto ng mumunti nilang cubicle.
Ah, from now on – cubicle na nila ito. I-imagine niyang sinusulat niya ang Rayne x Kaye sa pinto tulad ng mga nakikita niyang shit sa mga puno sa mga shit na love story.
Bigla siyang natawa sa pinag-iisip.
"Bakit?" tanong ni Kaye pagkatapos ng tawag.
"Na-realize ko lang na ang cliché ng nangyayari ngayon."
"Bakit naman?"
"Ang weird lang na kailangan mo akong hatakin at isama sa cubicle para magtago, pwede mo naman akong iwan doon. Ang daming ganito sa mga rom-com."
"Under romance-comedy na ba tayo?" tanong ni Kaye.
"Under sa fiction. Hindi makatotohanan."
Ngumisi si Kaye. "Come to think of it, oo nga. Pwede kitang iwan kanina sa may sink at ako na lang nandito. Hahayaan kitang unang ma-harass at hihintayin ko na lang ding ma-harass ako pagkatapos mo."
"Pwede rin namang pagkabukas ng pinto, ituturo ko kung nasaan ka sa mga fangirls mo habang masaya akong lalabas ng CR nang walang galos."
"Grabe 'yon! Hindi ka man lang maaawa sa akin?"
"Okay lang 'yan, matangkad ka naman."
"Anong connect n'on?"
"Wala lang," natatawang sabi ni Rayne. "Para lang may masabi ako at hindi na awkward."
Tumawa muli si Kaye. "Gusto ko 'yan."
"Naisip mo ba talagang ha-harass-in ka ng mga supporters mo?"
"Actually, hindi. Gusto lang talaga kitang hatakin sa loob ng cubicle." May ngiti sa mga labi ni Kaye. Kung seryoso o may pangkapilya, hindi sigurado ni Rayne.
"Hindi ko sure kung seryoso ba 'yan o ano. . ."
Nanliit ang mata ni Rayne. Nanatiling nakangiti lang si Kaye, may hint ng pang-asar. (Keshe nemen, eh.)
"Alam mo dapat pala mag-away tayo para kunwari may tension," bigla niyang sabi para matigil ang masyadong matagal na titigan in silence.
"Tension?"
"Oo. Tipong, hawak ka sa braso ko," utos ni Rayne na sinunod ni Kaye. "Bitawan mo nga ako!" pag-arte niya, padabog tinanggal ang hawak ni Kaye sa braso niya na kinagulat nito. "Bakit mo ba ako hinahatak, ha? Kilala ba kita? Sino ka ba?! Anong karapatan mong hatakin ako?! Ang yabang mo akala mo kung sino ka! Ipapapulis kita sinasabi ko sa 'yo!"
"What?" Biglang tumawa nang malakas si Kaye.
"Para shippable!" natatawang rin niyang sabi.
Umabot sa isang buong minuto ang pagtawa ni Kaye. Hindi maka-get over. Kinailangan pang tapik-tapikin ni Rayne ang braso nito para mahimasmasan.
"Ang dami mo nang tawa," bulong ni Rayne. "Bukas naman 'yong iba."
"Ang kulit, I can't." Pagkatapos mahimasmasan, mapagbirong tumaas ang kilay ni Kaye. "Although, hindi ba tayo shippable kahit hindi nag aaway? Dahil ano? Hindi ako lalaki?"
"Nagjo-joke pa ba tayo dito?"
Walang sumagot. Sabay lang silang tumawa ulit bigla.
Ang kaninang awkward barrier sa kanila ay unti-unting nag-crack at nabasag. Nakakahinga na nang malalim si Rayne kahit papaano. Ganoon din si Kaye.
Kalmado. (Much better!)
"'Yong tumawag pala sa 'yo. . ."
"Ah, manager ko."
Tumango si Rayne. "Ano na raw balita?"
Naging sagot sa tanong ang pagbukas ni Kaye ng lock ng cubicle door. Dapat masaya si Rayne dahil sa wakas, makakaalis na sila sa masikip na mundo ng cubicle nila (yes, owning it na; cubicle nila) kaso pagtulak ni Kaye ng cubicle door – nakaramdam ng lungkot si Rayne. Bumigat 'yong feeling kahit hindi siya natatae.
Gusto niyang bumalik ulit sa masikip na cubicle kaso wala na siyang excuse para bumalik pa ulit.
"The coast is clear?" ani Rayne.
Ngiti ang tugon ni Kaye.
Imbis na dumiretso sa labas ng CR, sa may hugasan dumiretso si Rayne at muling naghugas ng kamay. Dahan-dahan.
Nasa likod niya si Kaye, nakasandal sa pader, nakatingin sa kanya mula sa repleksyon ng salamin.
Ngiti lang ang naibigay ni Rayne at yumuko, nag-focus sa kanyang kamay na sinasabon pa nang maigi para lang magtagal pa siya sa loob ng CR. May ganito talaga siyang pagkatao, eh. Ayaw niyang siya ang nauunang umalis o unang magbaba ng phone o unang magpaalam. Kung kaya niya, mananatili siya sa kinatatayuan; hinahayaan niyang iba ang unang tumalikod sa kanya, unang umalis sa lugar o ang magbaba ng tawag.
Ito rin ang ginagawa niya ngayon – pinapauna niyang lumabas ng parameter ng CR si Kaye tapos susunod na lang siya, pagmamasdan ang likuran ni Kaye mula sa malayo. Nang marinig ang paglalakad nito, napatingin siya mula sa repleksyon. Akala niya lalabas na ito pero naglakad ito palapit sa kanya. Sa tabi niya mismo.
Nilagay ni Kaye ang kamay nito sa tuktok ng ulo ni Rayne na pinapantay sa may baba nito.
"Bakit?" pagtataka niya.
"Inaalam ko height difference natin."
Lumawak ang ngiti ni Rayne. "Alam mo, curious din ako kanina."
"Wow, great minds think alike?"
"Pwede!"
"Ngayon ba curious ka pa rin?"
"Nasagot mo na ako so curiosity satisfied," ani Rayne.
"Ano bang height mo?"
"Wow. Hinay-hinay lang."
Tumawa si Kaye. "Walang negativity. Gusto ko lang talaga malaman 'yong height mo."
"5'2," sagot ni Rayne. "And a half!"
"May and a half pa?"
"Nahiya naman ako sa tangkad mo. Ano bang height mo?"
"5'9."
"Oh, ganyan pala mga 5'9."
"Yeah, I guess."
"May kilala kasi akong 5'8 at 5'10 pero walang 5'9. Ang galing, ganyan pala 'yon."
"Grabe! Ang laki ng difference!" natatawang sabi ni Kaye.
Tumawa rin si Rayne. "Ang ganda ng topic natin, sobrang makabuluhan. Kumusta naman ang view mula d'yan sa taas ng mga 5'9?"
Nakabaling pa rin ang tingin nito sa kanya sa repleksyon. "Ito, maganda naman."
"Hala."
Pagkatapos niya maghugas, nagpunta siya sa patuyuan ng kamay. At habang nagpapatuyo, si Kaye naman ang naghugas. Tila parehas nilang pinapatagal ang oras hangga't kaya pa (o hangga't may excuse pa.)
"Ba't ka nga pala nandito?" tanong ni Kaye.
"Iihi nga lang dapat, eh," mapagbiro niyang ani.
"Sensya—I mean, dito, sa venue. Ngayong date. Ngayong gabi. Sa place na 'to?"
"Bakit gusto mong malaman?"
"Curious lang."
"Nako, curiosity killed the cat."
Ang smiling face ni Kaye, hindi kinakaya ni Rayne. (Dyusko.)
"Hindi nga, bakit ka nandito sa venue?"
"Sa tingin mo, bakit ako nasa venue?" tanong ni Rayne at naglakad.
Sinusundan siya ni Kaye ng tingin mula sa salamin hanggang hawakan niya ang doorknob ng pinto—pinihit—pero what the fuck? Napatitig si Rayne sa doorknob at pinihit ito ulit. Ulit. Ulit pa.
"What the heck?"
Pinipilit niyang pihitin. Hinila. Tinulak. Kumatok.
"Bakit, anong nangyari?"
"Uhm. . ."
Tatawagin niya sana sa pangalan nitong Kaye ngunit nakaramdam siya ng hiya kaya hindi na lang. Umurong ang dila. Feeling ni Rayne, wala pa siyang karapatan i-address si Kaye sa pangalan nito. (But then, hindi talaga ito ang issue sa puntong ito.)
"Naka-lock 'yong pinto," announcement ni Rayne. "Paano tayo makakalabas?"
('Yan. 'Yan talaga ang issue.)
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Gay
● Under the sexual orientation: homosexuality.
● Biologically male (sex organs) pero sa kapwa lalaki (lang) romantically and sexually attracted.
● Mostly, him pa rin ang pronoun na ginagamit.
● Some gays, they want to look and dress like a guy pero may ibang nagme-make up or minsan ay nagde-dress up. Sobrang depende ito sa pagkatao.
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Official hashtag: #LS4N1
Wattpad: pilosoptasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: [email protected]
⚢ random gif of the chapter ⚢
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top