01 | onE
⚢
Paminsan-minsan na ring humingi ng sign (with s) si Rayne from above. Sa katunayan, naging basehan niya ang mga signs (with maraming s) para alamin kung crush ba siya ng crush niya noong first year high school. Tinatawag ang crush niyang ito bilang si Thunder ng mga classmates for unknown reason; teenage phase nickname, in short, ka-jeje-han noon na thankfully, tinigil din nang mag-third year na sila.
Bakit siya humihingi ng signs noong first year? S'yempre, as a low-key kinikilig, mahirap ang magtanong ng crush mo ba ako nang matapos na at magkaalaman.
Kailangan, from above ang mga sign(s). Una, para may basbas. Pangalawa, para may thrill habang umaasa sa wala.
● Kapag pumunta si Thunder sa may locker at hinawakan ang balikat ko, crush niya ako.
● Kapag hinawakan ni Thunder ang kamay ko nang matagal sa pakikipag-apir, crush niya ako.
● Kapag naupo si Thunder sa tabi kong vacant chair, crush niya ako.
● Kapag nilingon ako ni Thunder kahit 10 seats apart kami, crush niya ako.
● (and many more Thunder-related crush signs.)
Aaahhh, highschool immature days.
Ang masaya pa nito, nagkatotoo ang lahat (take note: LAHAT) ng hiningi niyang signs (na maraming s). Kaya sinong masisisi kung naniwala at umasa si Rayne na crush siya ni Thunder?
Ito na rin siguro ang dahilan bakit tumigil umasa si Rayne in general—dahil itong si Thunder na super crush niya (to the point na ginamit niyang password sa friendster at sa mga sumunod na SNS papuntang instagram ang pangalan; at imbis na Dear Diary ay Dear Thunder ang sinusulat), after a few years sa college days, nalaman niyang may gusto pala itong si Thunder sa kambal-tuko niyang kaibigan noong first year.
Nalaman din niyang nanligaw ba naman ito sa kaibigan niya (at!! matagal na palang may gusto si Thunder sa kaibigan niyang ito. . .since high school days pa!) pero basted din naman. (Buti nga.)
At oo, naisip din niyang parang ginamit lang siya ni Thunder (pinakilig nang gan'on-gan'on na lang) para mapalapit doon sa kaibigan. (Lumilipat kasi lagi si Rayne ng upuan para makipag chikahan sa kaibigan na 'yon.)
(Magandang ehemplo sa kabataan.)
And come to think of it, kapag dumadaan sa parte nila si Thunder - kinukulit nga siya, yes. Pero nagbabatuhan din ng papel ang kaibigan niya at si Thunder noon. May pagka-aso't pusa kasi ang dalawang 'yon.
(Ouch?)
Umasa pa naman siyang sasayawin siya ni Thunder n'ong prom n'ong third year. (Humiling ng sign na kapag sinayaw ako nito, crush niya pa rin ako kaso hindi nangyari.) Hindi rin siya natigil umasa n'ong fourth year. Sad.
(Curse her second older sister; ito ang nag-introduce sa kanya ng concept ng paghingi ng signs!)
Kahit tinantanan na niya ang paghingi ng signs, she never stopped believing. Minsan, hihingi siya ng sign. Kapag umulan, hindi na ako papasok sa school. Kapag tumingin 'tong prof ko, idi-dismiss niya kami nang maaga. Kapag lumapit sa akin ang kaibigan ko, ililibre niya ako ng pagkain. Iwas crush-related signs para iwas sakit.
Siguro dahil sa maturity na rin, naniwala siyang for less complications – all she need to do is to act. Move. Do something.
Sige na, sige. Ang pretentious naman kung sasabihin niyang hindi nga siya humingi ng sign. Of course she did, Kaye Cal connected.
Wala naman siyang paghiling ng, "crush ako nito kapag. . ." pero humingi pa rin siya ng sign (with s) kung magkikita pa rin ba sila.
● Kapag itong si Kaye, ngumiti habang kumakanta sa ASAP, magkikita ulit sila.
● Kapag itong si Kaye, hindi napiyok sa pagkanta, magkikita ulit sila.
● Kapag itong si Kaye, tumingin sa screen ng TV habang kumakanta, magkikita ulit sila.
● Kapag itong si Kaye, boses lalaki kahit babae biologically, magkikita ulit sila.
● Kapag itong si Kaye, kumurap, magkikita ulit sila.
Childish—but again, ano naman? It's 2017 already.
Masama bang umasa sa wala?
Natauhan naman din siya after a month, okay. Kaya niyang magdelusyon pero hindi kaya araw-arawin. Tinanggap na niya: hindi na talaga sila magkikita pa siguro. Magkikita. . . pero hindi na siya aasa.
Mapapanood na lang talaga ni Rayne si Kaye sa TV o sa screen. O sa malayuan. May parte sa pagkatao niyang masaya na siyang makita si Kaye, nakikita ang mga ngiti na naibibigay nito sa mga umiidolo, naririnig ang mga tiling para rito.
Kaya n'ong nagkaroon ito ng Himig Handog mall tour, pinuntahan niya ito, kahit malayo. Pa-birthday gift sa sarili, kahit hindi na sila magkasama o magkausap o magkadikit. At least, makita.
Minsan, iniisip pa rin niyang baka nga panaginip lang ang lahat.
Kaso. . . 'yong tuyong rosas.
Kaso. . . 'yong kaba na nararamdaman niya sa tuwing naalala ang halik sa pisngi. O kuryente sa pasmadong palad kapag naaalalang dumampi rito ang labi ni Kaye.
Pero ayon, nga. Ayos na talaga siya sa malayo.
Dahil sino nga ba naman siya?
Isa lang siyang mumunting mamamayan ng Pilipinas na malapit nang makabilang sa percentage ng unemployed sa bansa kapag natapos na ang graduation ceremony na ilang oras nang inuupuan ni Rayne.
Hindi nakikinig si Rayne pero excited na siyang tumayo at matapos ang graduation. Masaya dahil sa wakas, graduate na siya! Sa pagka-bored, panay ang titig niya sa suot na black boots with 3-inch heels; kinakalkula kung hanggang kailan niya kakayanin ang pagsuot nito.
Nagpalakpakan ang lahat nang sa wakas, natapos na ang huling pangalan na makaka-receive ng diploma.
Patapos na talaga. . .as in. Nalalasap na ni Rayne ang unemployed status sa kaibuturan ng puso. Papunta na rin siya sa wakas sa quarter life crisis; sa pagpili between 9 to 5 desk job o starving freelance writer. Mararamdaman na niya sa wakas ang adulting na nirereklamo ng apat na batches na nauna sa kanya pero naging kaklase noon.
Binato na nga nila ang mga graduation caps nila. Itinabi niya ang cap sa upuan.
Ngunit hindi pa pala tapos ang graduation.
Pinaupo na muna sila para iparinig ang graduation song at ipanood ang college memories. Sa stage, pagkatapos ng lahat, bago mag-alisan ang mga tao, may tumugtog.
Imbis na sa slideshow ng college memories ang napansin ni Rayne, tumitig siya sa umakyat sa stage.
Matangkad. Simple lang. Black worned-out boots. Black jeans, ripped sa may tuhod. Nakaputing polo shirt, malalaking itim na bulaklak o puno ang intricate design, sarado ang butones mula baba hanggang taas, sa may leeg. Hindi tulad ng lagi nitong suot na long sleeves, short sleeves ang cut kaya pakiramdam ni Rayne, wala siyang karapatang makita ang balat sa taas ng dalawang siko nito. Hawak ang mic nang batiin silang mga graduating at ang iba pang audience ng magandang hapon. Sa pagngiti na napaka pamilyar sa kanya, lumabas ang dimples sa kaliwang pisngi. Ang buhok, mukhang nagpagupit tulad ng dati – maikli, ngunit tumubo na ang shaved na gilid, kaunting bangs na naka-wax patalikod.
May hawak itong bulaklak: sumisigaw ng dilaw. Sunflower.
"Oceans apart day after day." Bakit. "And I slowly go insane."
Ang malamig nitong boses ay nakatanggap ng mga hiyawan hindi lang mula sa mga babae. Na-hyped ang mga kapwa graduate students pwera sa kanya.
Nakatulala si Rayne.
Bakit kumakanta si Karen Jade "Kaye" Dimol Cal sa graduation niya?
"I hear your voice on the line but it doesn't stop the pain."
Nilingon ni Rayne ang paligid, mine-make sure na tama pa ba ang mga nangyayari. Baka nagha-hallucinate siya. Baka sa sobrang paghingi ng sign(s) noon, nabaliw na siya at naging desperada kaya niloloko na siya ng mata.
Ngunit ang karamihan ay nakatuon ang atensyon sa stage; nakatingin kay Kaye, nakikinig kay Kaye. Kung desperada siya, nasa desperate mode rin ba ang mga kapwa niya graduate dahil nakikita at naririnig din ng mga ito si Kaye Cal?
"If I see you next to never. How can we say forever."
O talagang nandito si Kaye—in flesh? Kinakanta ang isa sa mga Ezra band cover classics since PGT days. To be specific, semi-finals song.
"Wherever you go, whatever you do. I will be right here waiting for you."
Lumibot ang mata ni Kaye, naglalakad-lakad sa stage, hawak ang bulaklak. Para saan, para kanino? May hinahanap. Malaki ang buong function room ngunit hindi ito sobrang laki para hindi siya makita ni Kaye. Sa puting buhok ba naman niya; tinanggal pa ang graduation cap – sinong hindi mapapatingin?
"Whatever it takes, or how my heart breaks."
Sa ilang sandali, nagtama ang paningin nilang dalawa ni Kaye.
"I will be right here waiting for you."
Saka ito ngumiti nang malawak.
Sa kanya? Sa katabi niya? Sa harap niya? Sa likod? Kanino ba ito ngumiti?
(Ayaw niyang mag-assume, okay. . . . . . . )
Hihingi ba siya ng sign kung nababaliw na siya o ano?
Buong alam niya, at ng lahat ng nagfa-follow kay Kaye Cal sa social media, ay nasa ibang bansa ito. Kung hindi siya nagkakamali, may kailangang linising ilang kanta sa international recording deal album kaya tumigil muna sa pag-mall tour.
Kaya bakit. . .bakit nasa Pilipinas si Kaye? Bakit ito kumakanta sa graduation ni Rayne? At bakit kinakabahan nang bongga si Rayne kahit nakaupo lang siya sa pwesto, nanonood at nakikinig nang naka-toga?
Bumaba si Kaye habang kumakanta.
Mas lalo siyang kinabahan, tila lalabas na ang puso niya sa dibdib.
Nagkaroon ng sigawan. May ilang lumapit at nagpa-picture na pinagbigyan nito. Pinagkaguluhan. Naglakad ulit. Picture. Hanggang sa tumingin muli si Kaye sa direksyon niya. Sa kanya mismo. At naglakad, paunti-unti, palapit. Nakangiti.
Tumingin siya sa paligid, mukhang nagtataka na ang lahat kung saan tutungo si Kaye. May ilan ding napatingin na rin sa kanya, o sa lugar kung saan siya nakaupo, mukhang may hinihintay.
Magkatinginan sila. Nagpa-panic si Rayne. Nakatingin ang mga tao. Ang iba pa ay nagvi-video, anticipating kung kanino ibibigay ni Kaye ang bulaklak.
Nagbubulungan ang iba, nakikita ni Rayne, napapansin. Halos magkaroon siya ng hearing enhancement sa mga naririnig. Ibibigay ba niya yung bulaklak? Kanino? Sa kanya? Dito sa white hair? Huh, magkaano-ano sila? Di ba siya si Rayne—girlfriend siya? Di ba tomboy si Kaye? Hindi siya lalaki? Ay, oh, sayang naman may gf na pala. Bagay ba sila? Malay, kaso girl and girl? Sayang. Sino? Basta, sayang.
Ang daming boses na nag-uusap; babae, lalaki. Halos lahat, nangingibabaw sa pagkanta ng maganda at malamig na boses ni Kaye.
Nanririndi si Rayne sa mga bulong.
Nagkatitigan sila ni Kaye. Nakangiti pa rin ito ngunit si Rayne, walang mga ngiti sa labi. Nakatitig lamang, ang mga mata ay nag-uumapaw sa magulong emosyon.
Ang pagbibigay ng bulaklak sa harap ng maraming tao ay isang malaking pasabog na maaaring sa mukha nila tumama. Sa pagkatao nila. Sa mga trabaho nila. Sa pamilya, lalo na ni Kaye. At sa mga tanong ni Rayne sa sarili.
Dahan-dahan, tulad ng paglalakad ni Kaye - umiling si Rayne, hindi nawawala ang titig kay Kaye.
Umiling siyang muli sa sarili, umiling siya kay Kaye. Dahan-dahan, as if ang slowmo ng ulo niya ay less ang sakit. . . less ang rejection; hindi napapansin ang nararamdaman ng end receiver ng pag-iling.
Natigil sa paglalakad si Kaye palapit sa kanya, nawala ang ngiti; nagpatuloy sa pagkanta.
"Oh, can't you see it baby," kanta nito, halos pabulong, nangarag saglit. Ang hawak na sunflower sa may dibdib ay binaba, napalitan ng pagkalito at sakit ang expression ng mukha ni Kaye. "You've got me going crazy."
Magkatitigan pa rin sila nang matapos na ang kanta.
Ay, hindi binigay? Akala ko sila. Akala lang pala natin, kaya ang daming nasasaktan sa maling akala! Baka nililigawan? Talaga, liligawan ng artista ang non-showbiz? Baka nag aassume lang tayo. Ay, sayang. Buti nga, eh. Ang papansin if ever, ha.
Bulungan.
Sigawan.
Palakpakan.
Gustong humingi ng paumanhin ni Rayne, lumapit. Yakapin paalis ang sakit sa mukha ni Kaye, ngunit nag-announce ng isang malakas na thank you, Kaye Cal and congratulations, graduates! dahilan para umingay at gumulo lalo ang function room. Dinumog Si Kaye, as usual. Picture. Sign sa kung saan. Tilian ang ilang nakapaligid.
Habang si Rayne ay nakatitig sa kawalan, nanginginig ang katawan. Sinubukan niyang tumayo. Halos matapilok sa heels at panghihina ng tuhod. Kanan. Kaliwa. Kanan. Inulit-ulit niya ang paghakbang hanggang sa makalayo na siya sa inuupuan. Ilang beses pinilit ni Rayne huminga nang malalim, namumuo ang init sa kanyang mata nang lumapit sa pwesto ng pamilya.
Gusto niyang umiyak bigla.
"Ayos ka lang? Namumutla ka. Para kang nakakita ng multo?"
Hinubad niya ang suot na itim na toga, revealing her dark blue off-shoulder dress beneath. Habang itinatabi ang toga, napansin niyang ine-escort na palabas si Kaye ng mga gwardya. May mga nagpapa-picture pa rin.
Nanghihina pa rin ang buong kaluluwa niya. Mas, nang hindi man lang lumingon si Kaye sa pwesto niya. Hindi siya nakita nito.
"Sosyal ng school niyo, may pa-Kaye Cal pa bago matapos," kumento ng pangalawa niyang ate, sinusundan ng tingin si Kaye. "Di ba idol mo 'yon?"
"Saan 'yong cap mo?" tanong ng mama niya, hinanap ang graduation cap. "Naku, babayaran natin 'yon. Hanapin mo!"
Distracted man, agad bumalik si Rayne sa upuan niya kanina. Hindi lang graduation cap ang nakita niyang nakalagay sa upuan. May isa ring bulaklak: sunflower.
Galing kay Kaye.
Ang isisigaw dapat ni Kaye ay binulong na lang, basta't maparating sa kanya.
Agad siyang lumingon sa may exit – palabas na si Kaye. May narinig siyang tumikhim, paglingon sa gilid, nakatingin sa kanya si Manager Ad.
Nakataas ang kilay nito, saka tumango papunta sa exit. Yumuko si Rayne, nag-sorry at nag-thank you. Tinapik nito ang balikat niya saka siya halos lakad-takbo para makalabas agad ng function room.
Ngunit wala pa siya sa gitna, napatigil siya sa paglalakad. Noong una, akala niya napaharang lang ang lalaking kapwa niya graduate. Hanggang sa magkapatintero na sila. Hanggang sa huminga ito nang malalim at ngumiti. Hanggang sa kinausap na siya nito.
"Congrats!" bati ng lalaki.
Hindi sigurado ni Rayne kung ang pangalan ba nito ay Ivo o Irann, kung tama pagkakakita sa screen kanina.
Ngumiti pabalik si Rayne, hawak nang maigi ang graduation cap at ang sunflower.
"Congrats din!" bati niya pabalik.
Akala niya tapos na ang batiang naganap ngunit may iba pang plano si Ivo o Irann.
"Rayne, 'di ba?" sabi ng lalaki.
Hindi mapakali si Rayne. Kailangan niyang habulin si Kaye pero ayaw rin niyang maging rude sa lalaki. Paano na? Ano na? Wala na bang mas ibibilis ito?
"Ah, oo."
Sinubukan na muna niyang kumalma.
"Rich nga pala." Ay, wow. Ang layo sa Ivo at Irann, saan galing ang mga 'yon? "Matagal na kitang gustong kausapin, nahihiya lang ako," sabi nito.
Sinilip muli ni Rayne ang exit, wala na si Kaye. Nakalabas na. Mawawala na ito, baka ito na ang huli. Hindi pwede. Hindi pwede. . .shit. Hindi pwede!
"Uy, sorry," sabi ni Rayne, humawak pa sa balikat ni Rich. "May hinahabol kasi ako, nagmamadali lang. Next time na lang!"
"Paanong next ti—"
Hindi na hinintay ni Rayne ang sasabihin ng lalaki. Basta diretso siya sa exit nang makasalubong ang panganay na ate, papasok.
"Saan ka pupu—"
"Pahawak nito, may hinahabol lang ako." Binigay ni Rayne ang graduation cap at ang sunflower sa ate niya. "Sunod na lang ako. Bye!"
"Si Kaye Ca—"
Diretso sa paglabas si Rayne ng function room. Nilingon niya ang paligid. Ang daming graduates na nagkalat, halos gustong sumigaw ni Rayne ng malakas na "Kaye!" para matigil si Kaye at makita niya.
Ngunit wala. Wala si Kaye. Wala siyang makitang Kaye. Wala na ba?
Paglingon sa isang parte, may mga guards na galing sa parte ng CR. Tumaas lalo ang dugo sa pakiramdam niya. Nagbabakasakali, halos patakbo (kahit naka-heels) si Rayne nang nanginginig ang tuhod sa kaba. Pumasok siya ng CR nang may mga babaeng napatingin sa kanya, ang ilan ay alam niyang kasali sa graduation dahil pamilyar ang mukha o tulad niya ay may kolorete at ayos na ayos.
Tumingin siya sa paligid.
Wala si Kaye. Napailing siya sa sarili, kagat ang labi. Baka sa men's CR pumasok? O baka wala rito si Kaye, baka huli na ang lahat, baka wala na talaga.
Gustong mapaupo ni Rayne tulad ng mga dramatic scenes sa isang dramarama pero minabuti niyang lumapit sa lababo. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso, gustong kumawala. Naghugas siya ng kamay, hinihiling na sana mahugasan ng tubig at sabon ang kagagahang ginawa.
Tumingin siya sa repleksyon sa salamin. Maayos pa rin ang puti niyang buhok na naka-tirintas, medyo nag-o-oily na ang mukha, ngunit ang mga mata.
Nangingintab.
Gusto niyang maghilamos ngunit papatayin siya ng pangalawang ate ate niya dahil masisira ang make up.
Napatingin naman si Rayne sa nagbukas na pintuan ng cubicle sa likuran. Akala niya nagha-hallucinate lang. Na-stun siya nang makitang si Kaye Cal ang kalalabas lang dito.
Kahit ang ilang babae, napatingin kay Kaye. Bakit may lalaki, marahil ang nasa isip ng mga ito.
Mukhang hindi pa siya nakita agad ni Kaye ngunit nang magtama ang paningin nila sa repleksyon ng salamin, mabilis ang kilos at walang sabi-sabing nilingon ni Rayne si Kaye. Nagmadali siya sa paglakad at tinulak si Kaye papasok ulit ng cubicle na pinanggalingan.
"Wai—"
Ni-lock ni Rayne ang pintuan ng cubicle at inupo si Kaye sa toilet seat. Rayne towering over Kaye. Nagkatinginan sila. Walang nagsasalita ngunit puno ng katanungan ang mga mata ni Kaye.
Ang tanong, may sagot ba si Rayne sa mga ito pwera sa malakas at mabilis na kabog ng sariling puso?
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Pansexual
● Under sexual orientation.
● They almost always reject the gender binary (dalawa lang ang gender sa mundo) and they consider being attracted to all. (Pan- is an ancient Greek prefix which means "all" or "every".)
● Attracted kahit kanino, regardless of gender identity / expression (trans, androgynous, femme, butch, agender, intersex) and / or sexual orientation (heterosexual, gay, lesbian, bi, etc). Walang pinipiling attraction. Basta kapag na-attract sexually, emotionally, romantically, na-attract talaga.
Difference between bisexual and pansexual:
bisexual - bi (two) sexes ...
add'l from pensatorn : attraction to MULTIPLE gender. hindi lang sa men and women. may or may not be all. basta they have preferences or may mas nagle-lean yung attraction nila.
pansexual - pan (all) - lahat.
add'l from pensatorn: attraction REGARDLESS of the gender. attraction to ALL genders, people. basta they like or they found someone attractive, that's it.
see also: omnisexuality, polysexuality, gender-blind
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Official hashtag: #LS4N1
Wattpad: pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: [email protected]
⚢ random gif of the chapter ⚢
⚢
Featured #LS4N1 tweet:
Kaya ba? HAHA.
Featured #LS4N1 edit: @kayels4n1 | twitter
⚢ random Kaye Cal photo of the chapter cos wala lang hihi ⚢
isa pa kasi may nakita akong mej sumakto sa ganap hihi
at dito po nagtatapos ang photo album ni Kaye. sa uulitin! HAHA. :(
⚢
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top