01 | one
⚢
Kung hindi pa siguro nakakaihi si Rayne, dalawa lang yan: it's either umurong ang ihi niya o bigla na lang siyang maihi on the spot.
Thankfully, katatapos lang niyang mag-CR.
Who would have thought, really?
Like, really? Sino?
Apparently, kahit sobrang imaginative, hindi ito naisip ni Rayne na mangyayari.
"Ay, oo. Pambabae nga 'tong CR."
Mababa ang boses ng kausap. Matangkad, kung iko-compute niya ang layo nila sa isa't isa at height difference, kulang-kulang aabot lang siya sa balikat nito. Okay, siguro lagpas naman sa balikat. (Pampalubag loob sa height niyang hindi naman masama na 5'2ft. And a half!) Nakasuot ito ng nakabukas na dark brown coat, ang panloob ay puting button-down polo shirt. parehas na nakarolyo hanggang siko. Ang pambaba ay bitin na brown slacks, at nakasuot ng brown leather shoes.
Kung 'checking out' ang tawag dito kahit wala siyang salamin sa mata kaya medyo malabo, siguro nga Rayne is checking out the person in front of her.
Paanong hindi? Silang dalawa lang ang nasa girl's CR (alam niyang mag-isa lang siya kanina pagpasok) tapos lalaki pa ang kaharap niya. (O mukhang lalaki at that matter.) Isa pa, malapit na atang mawasak ang pinto ng CR dahil ang lakas ng kalabog ng mga tao sa kabilang side.
"Ikaw ba hinahanap nila?" tukoy ni Rayne sa mga boses ng babae sa labas.
Ngumiti ang kaharap niya – mukhang ngiting nagmamakaawa. Mukhang may gustong ipahiwatig. Mukhang papunta na sa paiyak.
Nagtataka pa rin at kinakabahan, kailangan na umalis ni Rayne. Ngunit hahawakan pa lang niya ang doorknob, biglang sumigaw ang kaninang kausap. Wait, hindi sigaw, eh. Bulong? Pero malakas? O marahas.
Malakas enough para marinig niya ang urgency at mahina enough para hindi marinig ng mga tao sa labas.
"Wait!"
Lumingon siya. "Bakit?"
Pikit-mata itong nagsalita. "Pwedeng. . .pwedeng huwag munang buksan 'yong pinto?"
Ilang ulit sinabi ni Rayne sa sarili na kailangan niyang huminga. Hinga! Hinga lang. Hinga nga lang sabi, eh. Wait, paano nga ba huminga?
Tinaas niya ang kamay na tila tinutukan ng baril at lumayo sa pinto. Bumalik siya sa pwesto niya sa may hugasan, siniksik ang sarili sa gilid.
"Lalabas sana ako," mahinang sabi ni Rayne.
"I know, I know." Naglakad pabalik-balik ang kausap. "Kaso—"
"Baka pumasok 'yong mga nasa labas?"
"Oo—"
"Tapos kainin ka nang buhay?"
Ngumisi ito. Bumuntonghininga. Problemadong-problemado lang.
Nagsalitan ang tingin ni Rayne sa kausap at sa pintong natahimik. Ang laki ng pursyentong ang swerte niya dahil siya ang nandito pero ang laki rin ng pursyentong papatayin na siya ng dalawa niyang kaibigan dahil naghihintay ang mga ito sa kanya sa labas ng event place.
Ang masaya pa nito, wala siyang dalang kahit ano: Bag. Phone. Pera. Lahat, iniwan niya sa dalawang kaibigan (na marahil ay nagpa-plot na ng murder.)
"Tumahimik," sabi ng kasama.
Pinanood niya ang paglapit nito ng tainga sa pinto. Nakikinig. Ang mukha nito ay nakaharap sa kanya kaya umikot si Rayne at napahugas na lang ng kamay bigla. Sinusubukan niyang huwag tingnan ang kasama ngunit ayon, titigan na naman.
Quota na sila sa titigan mula sa repleksyon ng salamin, ah? Hinay lang.
Nanlaki ang mata nitong nakatingin sa kanya. Biglaan ang pagtayo nang maayos.
"Bakit?" tanong ni Rayne. "May katabi ba akong multo?"
Gustong matawa ni Rayne sa sarili joke kaso mukhang walang time sa joke ang kasama. Kanan-kaliwa ang tingin nito bago nag-settle muli sa mga mata niya. (Dyusko.)
"May susi sila."
"Ha?"
"Bubuksan nila 'yong pinto."
"Haa??"
Hindi malaman ni Rayne ba't nakaramdam din siya ng panic kahit sa totoo lang, dapat hindi siya nagpa-panic. Wala naman siyang ginawa. Nag-CR lang. Naghugas ng kamay.
Kaso nahahawa siya sa panic mode ng malalim na boses ng kasama.
Napaatras si Rayne nang lumapit sa kanya ang kausap. Napatunayan niyang lagpas balikat naman pala talaga ang height niya ri—teka, hindi ito ang tamang oras para alamin ang height difference—ito ang panahon para mag-panic ang buong kalamnan ni Rayne!
Bakit?
Dahil hinatak lang naman siya ng kausap papasok sa isang cubicle at mabilisang ni-lock ang pinto. (Syempre, masikip sa loob ng cubicle kaya the closer the better ang drama.) Ilang segundo lang ang lumipas, narinig na ni Rayne ang malakas na pagbukas ng pinto ng CR at tili ng mga babaeng natigil din agad.
"Saan siya?"
"Kaye?"
Mukhang nakaramdam ng takot ang kasama niya sa cubicle. Nang tingnan niya ito, okay – medyo lagpas naman pala sa baba ang heigh—teka nga, hindi nga sabi ito ang tamang oras para alamin ang height difference!
Ito ang panahon para malumbay ang braso ni Rayne dahil bumitaw na pala sa kanya ang katabi. Sayang.
"Nandyan si Kaye?"
Boses ng isang babae.
"Uy, si Kaye—nandito?!"
At isa pa.
"Asan si Kaye?"
Maraming babae.
May mga paang nakasapatos ang nasisilip ni Rayne sa ilalim ng pinto. Nang may tumigil sa harap ng cubicle nila, mahina niyang itinulak ang kasama paatras. Paatras pa lalo. Sa gilid. Siksik.
Rinig nila ang isa-isang pag-check ng cubicle hanggang sa sinibukang buksan ang pintuan ng cubicle kung nasaan sila.
May katok. Hindi lang isa, marami. At hindi rin ito mga katok na maayos – kumakalabog!
"KAYE? NANDYAN KA BA? Girls, may tao sa cubicle na 'to!"
Parehas na nagpa-panic ang dalawa. Sinenyasan niya si Kaye na tumahimik. Nagtaka ito.
"Ah, sorry," sabi ni Rayne, nakatitig sa mga sapatos sa labas ng cubicle. "Tumatae lang po!"
"Huh? Kaye, ikaw ba 'yan?"
"Rayne po ako, sino po sila?"
"Sure? Kanta ka nga."
Nagkatinginan si Rayne at Kaye, hindi malaman ang gagawin. Tumikhim si Rayne.
"Ako ay may lob—"
"Hindi nga ikaw."
Ay, waw.
Tunog disappointed.
Narinig ni Rayne ang mahinang pigil na tawa ng katabi. Gusto niyang ma-offend pero mamaya na lang siguro. Napatingin naman siya sa taas at kinabahan lalo dahil kung may matangkad na taong tatapak sa kabilang inidoro, siguradong makikita agad ang kasama niyang matangkad din.
Sinenyasan ni Rayne na maupo ito sa gilid na sumunod. Naupo rin si Rayne sa inidoro at tinitigan ang mga paa sa tapat ng pinto.
"Pasensya na po, baka po mabaho 'yong tae ko tapos maamoy niyong laha—"
"EEeehhk."
"Alis na tay—"
"Question lang," sabi ng isang babae sa labas ng cubicle. "Nakita mo ba si Kaye?"
"Sino po? Kanina pa po ako rito sa loob, may nakain po ata ako kaya naghihingalo po 'yong tiyan k—"
"Okay, okay too much information na. Wala ba talaga si Kaye?"
"Pasensya na p—prrttt!"
"Oh, god!" Napaatras ang mga paa to the point na hindi na ito nakikita ni Rayne mula sa ilalim. "Tara na, wala si Kaye dito. Lanie, alis na kami pasensya na sa abala. Thank you."
"Lanie? Rayne po—R 'y—"
Narinig nila ang pagmamadali ng mga tao palabas ng CR pero hindi kumilos ang dalawa kahit matapos ang isang buong minuto.
Nakaupo lang sa inidoro si Rayne.
Nakaupo ang kasama niya sa gilid.
Tahimik.
Hanggang sa matawa ang katabi ni Rayne (pero mahina lang, obvious na natatakot na may makarinig na iba.)
"Bakit?" tanong niya.
"May sound effects pa."
"Para maniwala," sabi ni Rayne. "Dapat nga literal akong umutot para may amoy na rin kaso hindi naman ako natatae ngayon."
Mula sa pa-demure na tawa ng kasama, tumawa ito nang malakas. Malalim, buo at malakas. Hindi mapigilan. Tinakpan pa nga nito ng kamay ang bibig at isa lang ang rumehistro sa isip ni Rayne:
Ang pogi naman.
"Ganyan ba talaga sila ka . . . grabe?" tanong ni Rayne, nagpapaypay gamit ang hawak na panyo matapos magpunas ng pawis.
"Ngayon lang."
"Mukhang nagayuma mo ata lahat."
"Mukhang hindi naman lahat," anito, nakatingin sa kanya.
"Nakakasigurado ka ba d'yan?"
"Gusto kong malaman."
Iniiwasan ni Rayne lumingon sa kasama dahil sobrang lapit nila sa isa't isa. Sino ba namang matitinong tao ang mauupo sa gilid ng cubicle at ang isa naman ay sa inidoro mismo?
(Clue: starts with K and R.)
Tumayo ang kasama niya, tumunog phone nito. Sa nabasa ni Rayne (hindi siya textmosa, promise.) mukhang tinatanong ng nag-text kung nasaan ito.
Naghintay lang si Rayne. Tumayo na rin siya at dumako sa kabilang gilid ng cubicle para magka-space (kahit wala naman talagang malaking space na maituturing. Halos isang metro lang.)
May tumawag sa phone ng kasama. Sa hindi malamang dahilan, tumingin si Rayne sa inidoro at finlush ito kahit wala namang dapat i-flush.
"Paano?" sabi nito. Tumingin ito kay Rayne. "May kasama ako. Oo. Nandito kami sa cubicle. Sige. Sure."
Cue na nga talaga ni Rayne makalabas. Kailangan lang niya ng lakas loob para kumilos sa ilalim ng titig ng kasama. Pero bago pa niya mabuksan ang door lock, pinatong ng kasama ang kamay sa pinto. Pinipigilan siyang lumabas.
"Huwag mo munang buksan."
"Ha? Bakit?"
Binulsa nito ang phone. Napatitig si Rayne nang iabot nito ang kamay. Nakikipagkamay.
"Kaye."
Nabingi ata si Rayne sa narinig.
"Po?"
"Ako pala si Kaye. Ikaw?"
"K—Letter K?"
Ngumisi ito at umiling, mukhang may naisip na nakakatawa. "K-A-Y-E."
"Oh."
Hindi pa rin binababa ni Kaye ang kamay kaya pasimpleng pinunasan ni Rayne ang pasmadong kamay at nakipag-shake hands.
"Ikaw, anong pangalan mo?" tanong nito. "Lanie?" Nangiti ito, pang-asar.
"Ano ka po, Starbucks? Rayne ako," natatawa niyang sagot. "With R, ha."
"Parang ulan?"
"R-A-Y-N-E."
"Rayne. . ."
Gustong mahimatay ni Rayne sa pagbanggit ni Kaye sa pangalan niya kaso masakit mahimatay sa puntong 'to at baka tumama ang ulo niya sa inidoro. pinilit niyang keep it cool lang kahit on the inside, nagwawala na ang lahat ng cells niya sa katawan.
"Ganito sabi ng manager ko, Rayne. . ."
"Hmm?"
"Hindi pa tayo pwedeng umalis dito."
"Dito?" tanong ni Rayne. "Sa CR?"
"Dito," sagot ni Kaye. "Sa cubicle."
Oh.
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Lesbian
● Under the sexual orientation: homosexuality.
● Biologically female (sex organs) pero sa kapwa babae (lang) romantically and sexually attracted.
● Mostly, she / her pa rin ang pronoun na ginagamit.
● Can be Femme: feminine; mukha, kilos and / or damit babae pero kapwa babae ang gusto.
● Can be Butch: masculine; mukha, kilos and / or damit lalaki na kapwa babae ang gusto.
other terms: gay woman, dyke (tibo) < can be insulting lalo na kung di kayo berks
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Official hashtag: #LS4N1
Wattpad: pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: [email protected]
⚢ random gif of the chapter ⚢
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top