00 | zero
⚢
ANG BAWAT ISA ay may mga paboritong pinapakinggan. Mayroong mga mahihilig sa tahimik o kaya sa mga maiingay. Ang iba'y gustong-gusto ang mga love songs, ang iba naman ay sa rock songs nahuhumaling. Boses ng mga magulang ang pinaka paborito ng ilan, o 'di kaya'y napapahinga sa tuwing naririnig ang paghinga o kahit pag-iyak ng anak. Mayroon din namang ang boses ng minamahal ang hindi pagsasawaang pakinggan—kahit paulit-ulit, kahit malakas, kahit mahina, kahit ano pang sinasabi, sinisigaw o kinakanta.
Siya, simula nang tumungtong sa entablado at ginamit ang sariling malamig na boses upang ikanta ang emosyon, ang paborito niya ay ang ingay mula sa kanyang supporters.
Pero medyo, slight, ish na hindi siguro sa ganitong paraan at pagkakataon.
Isinisigaw ng mga babae ang pangalan niya—Kaye Cal! Kaye Cal! Kaye! Cal!—habang nagtatago siya sa likod ng malaking stereo sa loob ng hall. Alam niya ang dapat gawin (pumasok ng kotse nang makauwi na't puno pa ang schedule kinabukasan), kaso sa pangyayaring ito – may 49.73 meters ang layo niya sa parameter ng kotseng kailangan sakyan para makauwi. Sa gitna ng pwesto kasalukuyan at kinalulugaran ng kotse, may isang daang tao ang nakapagitna (okay, oa lang talaga ang isang daan pero parang, eh, mula sa view niyang nakayuko, halos nakaupo na sa tiled floor, tila nakikipaglaro ng tago-taguan).
Hinahanap siya.
Hayok sa kanya.
Nakaabang ang mga babae—at ilang lalaki—siguro ay mga boyfriend na napilit panoorin siya dahil sa kagustuhan ng mga girlfriend; pwede ring mga nasa katawan ng lalaki ngunit pusong babae; mga mukhang lalaking hinihiling na sana totoo na lang (ehem, tulad niya, ehem) o pwede ring totoong lalaking hinihintay rin siya.
Totoong lalaking hinihintay siya?
Okay, sige. Posible naman.
Either way, one term: zombie apocalypse.
Siya ang sole human survivor.
Ang mga nakaabang sa kanya ay kailangan lagpasan para makapasok sa kotse. Kahit ang mga bouncers ay hirap na mapigilan.
Masarap sa puso ang pagmamahal na inaaalay sa kanya. Nakakataba ng feelings. Sa totoo lang, hinihintay na lang niyang ma-heart attack dahil puro taba na ang puso niya sa pagmamahal na binibigay sa kanya.
(okay, that was a weak joke. Anyway!)
Seriously, tho. Ang wild ng fans.
Dahil ba birthday concert niya at birthday gift ng mga sumusuporta sa kanya ang extra wildness na nangyayari?
Natatawa na lang siya sa nangyayari. Ang tragic (in a positive way naman, at least desirable pa rin siya, hindi ba? Thinking positive 101 lang.)
Sa kabilang dako ng halos madilim na hallway, inaaliw ni Kristine o Tyng, mas kilala bilang Ms. AD (kaibigan turned manager simula nang mag-solo artist a few years ago) at ilan pang staff ang mga wild supporters. Kung tama ang naririnig mula sa pinagtataguan, sinasabi ng mga ito ang, 'Nandito si Kaye Cal!'—turo sa pinanggalingan niyang kwarto na sigurado siyang wala siya roon dahil nasa likod siya ng isang malaking stereo.
"Fall in line lang para makapag-picture!"
Thankfully, marami naman atang naniwala na nasa kabilang dako siya at sumunod sa mga staff.
Naiinggit tuloy siya sa kasamahang banda na tumulong sa kanya sa birthday concert – mga nakaalis na ng venue, at marahil ay malapit nang makauwi kung hindi traffic sa EDSA.
Siya kaya, kailan makakauwi? Makakapagpahinga? Makakahiga?
Nami-miss na niya ang sariling kama.
Siguro nami-miss na rin siya ng kama niya.
Habang nagkaka-miss-an sila ng kama, naka-receive siya ng text mula kay Tyng. Sinilip niya ang manager, hindi na ito makita sa dagat ng mga tao na inaakay palayo sa kung nasaan siya nakaroon mismo.
Once nakalayo na mga tao sa pinagtataguan mo,
diretso kang likod para makapasok ng kotse. Okay?
Paano ka? Ikaw magdrive dba?
Hindi naman ako si Kaye Cal na pinagkakaguluhan.
Diretso ako dun pag andun ka na.
Salamat Manager! :D
Hay naku, sabi ko naman sayo wag ka dyan
dadaan kahit patago pa, eh.
Sorry na kase. Peace?
Ano namang alam niya sa paglunok ata ng extra joss ng mga nanood kaya ganito kataas ang energy kahit tapos na ang concert?
Tumunog muli ang phone. Dapat titingnan niya ito ngunit nakaramdam si Kaye ng isang presensya sa gilid. Unti-unti pa ang pag-angat niya ng tingin (para dramatic) nang makipagtitigan siya sa isang babae.
Petite ito. May suot na legit K Apparel Kaye Cal shirt na siya mismo ang nag-design.
Natanga sila parehas.
Katahimikan.
Parehas silang hindi alam ang gagawin.
Hanggang sa nakita ni Kaye ang unti-unting panlalaki ng mata nito (para dramatic din) kasabay ng bibig na napatakip pa gamit ang kamay pagkatapos isigaw ang, "OMG NANDITO SI KAYE CAL!" na sa sobrang lakas, sabay-sabay napalingon ang mga fangirls (at ilang fanboys at boyfriends) sa pwesto ng babaeng sumigaw.
Hindi pa natapos sa pagsigaw dahil tinuro pa siya nito.
Operation: divert attention ng mga zombies, failed.
Never pa atang nakatakbo sa dilim si Kaye Cal nang sobrang bilis sa tanang buhay niya, tinalo pa ang sports training noong highschool days.
Ngayon pa lang.
Agad siyang tumakbo. Mabilis. Sobra. Nakakahingal. Super. Heart-pumping. As in. May pagtago pa siya habang tumatakbo. Tulad niya, tumakbo rin ang ilan sa mga teen fangirls—na nakaalpas sa pigil ng bouncers.
Nagkagulo, malamang.
Hindi na niya malaman kung saan tutungo. Madilim sa hallway at ang iba ay sobrang shookt pa para ma-process kung siya ba ang nakita o hindi. Bago pa malapitan ng mga hindi na rin niya masyadong makita sa sobrang kaba at dilim – agad siyang pumasok sa CR ng mga babae.
Agad-agad din niya itong ni-lock.
"Nasaan si Kaye?!" boses ng isang babae mula sa labas.
"Nasa CR ata siya, parang nakita ko siyang pumasok doon!"
Kinabahan si Kaye para sa buhay niya.
"Wala ho r'yan si Kaye." Boses ni Tyng mula sa malayo, mukhang pinipilit kuhanin ang atensyon ng mga tao. "Dito ho tayo, nandito si Kaye."
"Nakita ko talaga siyang pumasok sa CR!" sigaw ng isa pang babae.
"Sure ka ba talagang si Kaye 'yon?"
"Promise, peksman! I have Kaye Cal radar!"
Tumahimik. May naririnig siyang mga bouncers.
Tumitig si Kaye sa pinto. Seryoso, nakakataba ng puso – pero omg, ang scary! Pagkapikit, sumandal siya sa pinto at huminga nang malalim. Maka-relax, ba.
May ihahaba pa ba ang gabi niya?
Sana wala na.
Gusto na niyang matulog s—nasagot ang tanong sa sarili pagkadilat. Napahawak siya sa doorknob nang may babaeng lumabas sa isang cubicle. Nagkatitigan sila, chinita ang agad pumasok sa isip.
Nagpakiramdamam.
Bigla siyang natakot dahil ganitong-ganito ang babaeng petite kanina. Ang pinagkaiba lang – hindi ito naka K Apparel shirt.
Tumayo nang maayos si Kaye nang lumapit ang babae sa hugasan. Kasing puti ng nyebe ang kulay ng buhok nito. Alam ni Kaye sa sariling mas matanda siya sa babae – mukhang nasa edad 20-25 siguro ang age range. O mas bata.
Nagkatinginan sila ng babae mula sa repleksyon ng salamin nang makaramdam si Kaye ng pagkabog ng dibdib.
De, joke.
Medyo nakasandal lang talaga siya sa pinto at bigla itong kumalabog. Hindi ang dibdib niya, ang likod. Ang pinto. May mga katok. Malalakas. Sa sobrang bigla niya, napalayo siya sa pinto at napatitig dito. Unti-unting natatakot na baka bigla gumiba ang pinto.
"Kaye? Kaye, alam naming nandyan ka sa loob!"
Isang babae.
"Kaye, buksan mo pinto! Pa-kiss lang, please!"
Hindi, dalawa!
"Pa-hug!"
Tatlo?
"Kaye, tara na sa ibang bansa para pwede magpakasal!"
OMG.
Ang dami!
Buo na ang loob ni Kaye na hindi siya lalabas ng CR (baka kainin siya nang buhay kapag lumabas) ngunit may problema.
May chance na magwala rin ang babaeng kasama niya tulad ng pagwawala ng mga tao sa kabilang side ng pinto.
At kung sakaling mapagbigyan ni Kaye ang babae ng selfie at hug tulad ng hinihingi ng iba sa kanya, lalabas ito ng CR at makakapasok ang mga kumakatok na hinabol siya (baka kainin siya—o sila—nang buhay ng mga nakaabang sa labas!)
Lalo siyang kinabahan nang gumalaw ang babaeng may nyebeng buhok (inasahan niyang dadakmain siya, pasensya naman) pero nagpunta lang ito sa may dryer at nagpatuyo ng kamay na hinugasan.
Nagkatinginan silang muli sa repleksyon.
Ngingitian niya dapat ito nang matapos na't makapagpahinga ang nararamdamang kaba (you know, makapag-fangirl na 'yong babae para matapos na) kaso nag-iwas lang ito ng tingin.
Nakakapagtaka.
Nahihiya ba sa kanya? Ngunit ang mga mata nito – hindi matang nahihiya, eh.
More on, wala lang.
Poker face? Sa presensya niya?
Ah, ewan.
Naisip na lang ni Kaye pumasok sa isang cubicle. If all else fail, magkukulong na lang siya. Gagawa na ng tent sa loob hanggang sa magsawa kakahintay ang mga tao sa labas. Hihintaying iligtas siya ni Tyng at ng mga bouncers.
Kaso bago pa siya makapasok sa unang cubicle, biglang nagsalita 'yong babae. Nakatalikod ito sa kanya ngunit nakatingin mula sa repleksyon ng salamin, mas malapit na ang kinatatayuan sa isa't isa.
"Sorry ah, uhm, ano, kasi. . . pambabae po itong CR?"
Na-stun si Kaye.
Alam ni Kaye na pambabae itong pinasukan niya. At siguradong alam ng lahat ng nasa birthday concert na siya, si Kaye Cal, ay sa pambabaeng CR pumapasok kahit isang malaking error ito ng universe: panlalaki ang tibok ng puso niya. (Isa pa, plus points ang makapasok sa men's CR dahil walang mahabang pila.)
Medyo isa lang ang pumasok sa isip (na may pagka-imposible (medyo ouch din if ever sa ego) pero pwedeng katotohanan):
Siyang si Karen Jade 'Kaye' Dimol Cal na katatapos lang ang 28th birthday concert sa La Chandelle, hinahabol ng mga wild supporters, pagod, nanghihina na sa gutom at naka-lock sa CR ay hindi kilala ng chinitang may nyebeng buhok sa harapan niya?
Dapat feeling safe siyang hindi ito biglang magwawala at mandadakma anytime soon.
Kaya lang. . .bakit parang nakakaramdam siya ng disappointment na hindi siya kilala ng partikular na babaeng ito?
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
LGBTQ+ (IA)
● Lesbian, Gay, Bisexual, Trans, Queer +
● Questioning, Intersex, Asexual, Ally
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Official hashtag: #LS4N1
Wattpad: pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Ask.fm: @plsptsya
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)
Readers FB group: Saksi ni Pilosopotasya
Online FB Shop: Stuff by Ulan (fb.com/UlanStuff)
Email: [email protected]
⚢ random gif of the chapter ⚢
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top