Chapter 4- Charlize Tamayo
Charlie
Papunta na ako sa isang kilalang mall para mamasukan bilang isang sales lady sa cosmetic section ng mall. Alam niyo kung bakit? Oo, natanggal na naman ako sa trabaho dahil sa hinayupak na lalaki na iyon.
Flashback
"Charlie, pinapatawag ka ni boss," tawag sa akin ni Alex na kasamahan ko sa trabaho. Sinunod ko naman siya at pumunta sa office. Pumasok ako at nakita ang kanyang naiinis na mukha na sinusubukan na kumalma.
"Bakit ho?" nagtatakang tanong ko.
"Ano ang nabalitaan ko kay Julie na may hinampas kang lalaki? Hindi lang basta lalaki, artista pa," inis na tanong niya.
"Eh kasi..." Hindi natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya ako.
"Walang kasi kasi. I don't need an explanation. I don't need an acceptable reason. Seeing it from the CCTV and hearing it from your co-worker is enough. You're fired!"
Ang saya 'di ba? Nasisira lahat ng plano ko dahil sa lalaki na iyon. Pumasok lang siya sa buhay ko, nagkagulo-gulo na ang mga plano ko sa buhay.
Nakikisabay pa ang malas na 'yon sa hindi mawala-walang ubo at pamamaos ko. Ang hirap pa namang pigilan ng ubo kapag maraming tao.
Pagkapasok ko pa lang sa opisina ng mall para sa aking interview ay napangiti ang nag-iinterview.
"Ano ang pangalan?" tanong ni Ma'am sa akin.
"Charlize Tamayo po." Pinilit kong magsalita kahit namamaos pa ako.
"Malat ka yata."
"Puyat lang po," katwiran ko.
"May paglalagyan ako sa iyo. Tanggap ka na. Pwede ka sa cosmetic section. Maputi ka at pwede kang magbenta ng gluta."
Pinakalma ko ang sarili ko at pinigilang matili.
"Kaya mo bang magsimula bukas?"
Mabilis akong tumango. "Opo," masiglang sagot ko. Sana tuloy-tuloy na ang swerte ko sa buhay.
"Pumunta ka sa admin para sa uniform."
"Makikiabot nga po ng bayad."
Ngayon ay papunta na ako sa mall para sa aking bagong trabaho. Sana naman walang mangyaring masama ngayon. By mangyaring masama, I mean sana ay 'di ko makita ang lalaking iyon. Nagdasal na ko't lahat-lahat kagabi para lamang hindi ko na siya makita pa. Ayoko nang matanggal muli sa trabaho dahil sa kanya. Kaunting ipon na lang, makikita ko na ang mga oppa. Kyaaahhh.
"Manong, para." Bumaba na ako ng jeep at nagsimulang maglakad papunta ng mall na may ngiti sa labi. Iniisip ko kung pa'no kung makikita ko ulit ang lalaking 'yon ay malaking kamalasan na talaga. Hahampasin ko ba ulit siya ng tray? May tray ba do'n? Kung hahampasin ko siya ng tray, paniguradong tanggal nanaman ako sa trabaho ne'to at paniguradong may bago na naman siyang pasa sa mukha. Inalis ko na lang ang mga mukha niya sa isip ko. Basta sana hindi ko siya makita ngayon.
Pagkapasok ko sa mall ay diretso agad ako sa cosmetic section para simulan ko na ang aking trabaho.
Kung todo 'Hi Ma'am' ako sa mga lumalapit sa area ko. These past few hours ay naging maayos ang aking trabaho. Maraming friendly na katrabaho, walang rude na customers and most importantly, hindi ko pa siya nakikita. Everything is doing great. Pero hindi ko pa rin mawala sa isip ko 'yong lalaking iyon. 'Di ko malaman ang gagawin ko 'pag nakita ko siya. Natatakot akong matanggal muli. Para na akong praning dito kakaisip lang sa lalaking iyon. May sumpa siya. Hindi ko pa naman kilala sa pangalan.
Artista! 'Yong itsura no'n, artista? Kailan pa naging artista ang mukhang adik?
Sa kakaisip ko sa lalaking iyon ay may nakita akong pamilyar. Ewan ko ba at kinabahan ako bigla. Tiningnan ko muli ang direksyon na nakita ko siya at wala akong nakitang lalaki. Sabi ko na't napapraning lang ako eh. Pero kinakabahan pa rin ako. Feeling ko talaga siya ang pumasok sa mall.
Kinalma ko muna ang sarili ko. Baka lang namamalikmata lang ako. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy sa aking ginagawa pero 'di ko pa rin mapigilang tingnan ang direksyon kung sa'n ko siya nakita. Maya-maya ay may narinig akong pamilyar na boses.
"Miss, asan ang mga foundation?" tanong ng lalaki.
"This way, Sir," sagot ng aking katrabaho. Napatingin ako sa kanila at nakita ko na naman sya.
"Ikaw na naman?" Gulat na sabi niya.
Syet...
Against talaga ang mundo sa akin. Hindi ako makapaniwalang makikita ko ulit siya. Bad trip naman ohh. Sabi ko na eh, iba ang kutob ko kanina pa.
Hindi ako nagsalita at hinayaan ko ang kasama kong mag-assist sa kumag na bwisit na yawa na malas na lalaking iyon.
"Charlie," tawag sa akin ng kasamahan ko. Napapikit ako at nanalangin sa lahat ng santo na mawalang parang bula ang lalaking kasing gaspang ng sand paper ang ugali.
"Aha! Charlie pala ang pangalan mo. Sabi ko na at bakla ka," sabi ng gagong yaw ana lalaki.
Nanlaki ang butas ng ilong ko. Hindi ko alam kung bakit ako nati-trigger ng lalaki na ito to think na binibiro naman akong bakla sa amin dahil paos nga ako nitong mga nakakaraang araw.
Natawa ang kasamahan ko na nauwi sap ag-ubo nang titigan ko siya ng masama.
"Hanapan moa ko ng foundation. Tutal ikaw naman ang may kasalanan nitong mga pasa ko!"
Napapikit ako at medyo nayamot dahil hindi ako pinakinggan ng lahat ng santo.
"Charlie?" tawag sa akin ng kasamahan ko.
Huminga ako ng malalim bago sumunod sa kanila.
"Dito ka lang!" Hinila ko ang kasamahan ko nang magtangkang iwan ako. "Ano ang atin, Sir?" Kung todo ngiti akong humarap sa bugbog na mukha ni Sir. Medyo napangiwi ang inner self ko.
Ako ba ang may gawa ng mga pas ana yan?
"Foundation. I need foundation. Sabi mo 'di ba, mag-foundation ako?" sarcastic na wika nito.
"Full coverage po ba?" I asked.
"'Yong matatapak 'to." Tinuro ni Sir ang pasa niya sa pisngi.
"Wala kaming pintura pero try mo ito, Sir." Binigyan ko siya ng mga samples ng foundation na hindi ko alam kung gagana.
"Acidic ka ba?"
"Malay ko," walang ganang sagot nito. Tiningnan nito ang mga bote ng foundation na binigay ko at saka walang ganang tumingin sa akin. "Ipili mo ako. At huwag kang magtangkang bigyan ako ng hindi ko kakulay."
Hinanap ko ang pinakamahal na foundation at saka binigya ko kay Julieta. "Subukan mo nga sa kanya 'to," wika ko. "Hindi kami bati niyan eh," dagdag ko pa.
"Luh, Charlie. Bakit nang-aaway ka ng gwapo?" manghang tanong ni Julieta sa akin.
Luh, nasaan ang gwapo? Dalmatian ang nakikita ko sa harap ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top