Chapter 17- Apply... Apply

Charlie

Kinabukasan, maaga akong umalis para pumunta sa may Gil Puyat. Pupunta ako sa agency na pag-aaplyan ko papunta sa Hong Kong. Sa medyas ko nga nilagay ang pera ko para kung sakaling ma-snatch ang bag ay hindi madamay ang panglagay ko sa agency.

With that in mind, nakipagsiksikan ako sa tren para lang mapadali ang biyahe. Sari-saring amoy ang malalanghap mo sa tren. May kakaligo, may amoy kagiging at may amoy uuwi pa lang. Pero lahat ng nakasakay ay pawang inaantok pa.

Kahirap talaga ng buhay dito sa Pilipinas. Talo lahat kahit masipag.

Bumaba ako sa Gil Puyat at naglakad papunta sa building ilang metro din ang layo sa estasyon.

Pagdating ko sa tapat ng building ay mahaba na ang pila. Karamihan ay mga babae ang naroon. Lahat ay may dalang folder or brown envelop kagaya ko. Lumapit ako sa guard at kumuha ng number. Nasa 550 ako.

"Boss, anong number nagsimula ang bilang?" tanong ko sa guard.

"Sa one," sagot nito na parang ang tanga kong kausap. "Saan ba dapat magsimula?"

Pang 550 ako?

Nilingon ko ang paligid at napailing.

Nagtiyaga akong pumila.

At inabot ako ng alas-tres bago ako nakapasok sa opisina ng agency.

"Ano ang inaapplyan mo?" tanong sa akin ng babae sa likod ng table. May manipis itong kilay na parang 'yong tindera namin sa canteen dati. Bagong straight ang buhok nito pero parang kay tigas ng mga hibla. Humahalimuyak din ang pabango niya samantalang amoy araw na ako dahil sa init sa labas.

"Kung ano po ang available," sagot ko. Hindi naman ako choosy. Basta makaalis lang.

Mula sa computer, nagtaas ng paningin ang babaeng may manipis na kilay na Danica ang pangalan ayon sa name tag na naka-pin sa blazer nito.

"Ano ang natapos mo?"

"Nasa envelop—"

"Wala?"

Napatikhim ako. "Senior Highschool."

"Katulong ang available para sa 'yo."

"Meron bang available as sales lady?"

Malakas na bumuntong hininga si Danica. "Hindi ka nakatapos. Mabuti nga at may ino-offer pa ako."

Napalunon ako ng buong tipak na laway na tuyo. "Sa Hong Kong?"

"Merong Saudi, meron sa Singapore at may available pa sa Hong Kong."

"Sa Hong Kong na lang," I replied in a resigned voice.

"Katulong ha!" Pag-uulit ni Danica. Matamlay akong tumango.

Saka pa lang binuksan ni Danica ang inabot kong brown envelop. Pinanood ko siya habang binubuklat ang mga dala kong PSA, NBI, Police Clearance at iba pang documents na alam kong kakailanganin.

Inabutan ako ni Danica ng form at pinasagutan sa akin.

At the back of my mind, sabi ko, okay na rin ito. Sanay naman ako sa gawaing bahay. Kahit mahirap ang trabaho ng kasambahay.

"May placement fee dito. Kung hindi mo mababayaran within 7 days, itatapon ko na ang application mo."

"Magkano?" Pasimple akong yumuko at inaabot ng daliri ang perang pumailalim na sa magkabilang medyas ko.

"Fifty thousand ang placement fee. Ikaw ang magbabayad ng lahat ng lahat ng government fee pati medical mo."

"Magbabayad na ako. Dala ko na nag pera."

Mas lalong tumaas ang kilay ni Danica. Inabot ko ang pera sa kanya at binilang niya... ng dalawang beses.

Pagkatapos ay nagsulat siya sa resibo.

"Thirty-thousand lang ang nakalagay," wika ko nang makita ang nilagay niya sa resibo.

"Iyan lang talaga ang nilalagay namin sa resibo," masungit na sagot ni Danica. Aangal na sana ako nang magsalita siya ulit. "Akin na nga kung ayaw mo."

"Okay na," naiiritang sagot ko.

Muling binilang ni Danica ang pera bago inilagay sa drawer ng table niya. Binigyan niya ako ng isang listahan.

"Ayan ang mga kailangan mong gawin. Andiyang na ang pangalan at address ng clinic. Kailangan mong magawa 'yan ng isang buwan. Pagkatapos ay bumalik ka dito. Sabihin mo sa guard, for deployment ka para hindi ka na pumila sa labas. Naiintindihan mo?"

"Oo, naintindihan ko." Ano akala mo sa akin, inutil?

Mag-aalas singko nan ang makalabas ako ng building. Naglakad muli ako papunta sa tren station para umuwi. Pagod at gutom ako. Hindi ako nakapagtanghalian dahil baka mawala bigla ang pila kanina at umulit ako sa umpisa.

Sa tren ay mukha ng mga pagod na tao ang mga nakikita ko. Sari-sari muling amoy. Lahat maiinit na ang ulo.

Pagod na pagod ako ng makauwi ako sa maliit na bahay na tinutuluyan ko.

Katulong.

Hindi sa minamaliit ko ang propesyon, pero iyon lang ba talaga ang kahihinatnan ko dahil hindi ako nakapag-aral?

"Kaya mo 'yan, Charlie," bulong ko sa sarili ko.

Kinabukasan, inayos ko ang schedule ko sa pinapasukan ko. Hindi pa ako pwedeng mag-resign. Kailangan ko pa ng pera. Hindi naging masaya ang mukha ng supervisor ko nang makita ang application ko ng leave at laktaw-lakataw pa ang araw. 

"Bakit ka magle-leave?" tanong ng supervisor ko.

Kailangan pa ng dahilan?

"Uuwi kasi ako ng probinsya," pagsisinungalin ko. "May kailangan akong asikasuhin."

"Nang bungi-bunging araw?" tanong nito.

"Malapit lang probinsya ko. Ano lang, Laguna."

"Kailan pa naging probinsya ang Laguna?" sarcastic na tanong nito.

Hindi ba probinsya ang Laguna?

"Ano ang gagawin mo sa probinsya?" tanong muli ng supervisor ko.

Malapit na akong mainis. Bakit ang hirap mag-apply ng leave?

"Makikipaglamay sa unang araw ng leave ko, tapos makikipag-libing sa pangalang araw ng leave ko. Tapos 'yong ikatlong araw ng leave ko para sa pa-siyam."

"Hindi ba pwedeng online lamay na lang?"

Gaga 'to ah! May online lamay na ba?

"Hindi eh."

Umismid ang supervisor ko bago pinirmahan ang leave form ko at padabog na binigya sa akin.

Pinasa ko agad sa admin ang leave form ko bago pa magbago ang isip ng supervisor.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top