Chapter 13- Tanging Ikaw

Charlie

During lunch break lang ako nakakagamit ng phone. Habang nagbo-browse ako sa social media, nakita ko ang isang video... video ni Ryker habang kumakain mag-isa sa food court.

Dito 'to sa mall, ah.

Ang sabi ng nagvi-video, "Kawawa naman siya, kumakain siyang mag-isa. Mukhang malungkot si Kuya. Ganyan talaga kapag iniwan ka na ng mga kaibigan mo. Wala kang pamilya. Tatanda kang mag-isa."

Tawa ako nang tawa. Hindi naman mukhang malungkot si Ryker, mas mukha ngang gutom eh.

Nagbasa ako ng mga comments. Mostly, nagtatanong ang mga netizens kung si Ryker ang nasa video dahil hindi masyadong kita ang mukha nito.

May mga netizens na nagsasabing "Leave him alone." O kaya "Normalize eating alone. Hindi siya malungkot."

Pinadala ko ang link ng video kay Melissa. After a while nagreply siya sa akin.

Melissa: Hahaha si Ryker nga 'yan. Ipapadala ko sa kanila.

Charlie: Kawawa hahaha.

Melissa: Maba-badtrip 'yon for sure. Nga pala, mamaya na ilalabas ang music video. Mga 7pm. Panoorin mo ha. Ang ganda, nakita ko na ang preview.

Charlie: Sige sige.

Hindi na nag-reply si Melissa. Naibigay nya na sa akin ang kabuuan ng bayad para sa music video. Kulang pa pang-agent fee para sa pangarap kong makapag-Hong Kong. Kailangan ko pang mag-ipon.

Bumalik ako sa area ko after lunch break. Naroon si Julieta at nagde-demo sa ilang customer. Nagpagpag ako ng mga imaginary na alikabok para makita ng supervisor namin na may ginagawa ako.

Almost 4pm nang dumating si Brix na may kasamang napakaganda at sosyal na babae.

"Here? Here ba, hon?" tanong ng babae na kasama ni Brix.

"Charlie," masiglang bati ni Brix sa akin. Ngumiti ng ubod ng tamis ang kasama ni Brix. Para siyang barbie.

"Siya si Charlie?" masiglang tanong ng babae.

"Yes, siya si Charlie. Hi Charlie, si Mitch, girlfriend ko. Mitch, siya si Charlie, 'yong kinukwento namin ni Blaze," pakilala ni Brix sa amin.

Makikipagkamay sana ako kay Mitch nang bigla niya akong niyakap at nag-beso.

Napa Oh na lang ako.

"Foundation, Ma'am?" singit ni Julieta sa amin. Iniwan niya ang customer niya nang makita ang mga kausap ko.

"No, thank you," sagot ni Mitch. "We will ask Charlie if we need anything."

Pasimple akong tumingin kay Julieta na nawala ng kaunti ang ngiti. "Charlie, paki-asikaso ang customer doon."

"No, we want Charlie. You deal with your customers and we will talk to Charlie," sagot agad ni Mitch.

"Ako na dito," sabi ko kay Julieta na alam kong hindi niya nagustuhan.

Nang makalayo si Julieta, kumuha ng foundation si Mitch nang hindi tinitingnan ang presyo. Nilagay niya sa basket na hawk ani Brix. "So, Charlie, what time ang out mo?"

"6 pm pa," I replied.

Lagay lang nang lagya ni Mitch sa basket.

"Hindi mo ba ita-try muna?" Ngumuso ako sa mga make-up na nasa basket.

Umiling si Mitch. "Shades ko 'yang kinuha ko. Anyway, mamaya na raw mapapanood ang music video."

Tumango ako.

"Sama ka sa amin," sabi ni Mitch.

"Ha? Bakit?"

"Let's watch the music video together," Mitch sweetly replied. "Saka para ma-meet mo ang ibang friends namin."

Malapit ng mapuno ang basket na hawak ni Brix.

"Gusto kaya ni Rose ang shade na ito?" Mitch asked Brix na nagkibit balikat na lang. Lumingon sa akin si Mitch. "Ano ang shade ng lipstick mo, Charlie?" she asked.

"Err, kahit anong shade na available," nahihiyang sagot ko. "Pero maganda ang shades ng bago naming product." Lumipat kami sa kabilang estante kung saan naroon ang medyo high end na products.

Turo lang nang turo si Mitch.

"I'll take all the shades," sabi ni Mitch. Si Brix kaya ang magbabayad ng lahat?

"Babalik kami dito ng before 6pm so we can pick you up," bilin ni Mitch sa akin bago sila umalis ni Brix. She hugged me again at nag-beso ulit bago sila nawala ni Brix sa paningin ko.

"Hoy, Charlie. Si Brix ba 'yon ng Overdrive?" tanong ni Julieta noong wala na sila Brix at Mitch.

"Ewan ko," kaila ko.

"Ang arte ng girlfriend ha. Bili mo ko niyan ang peg. Kawawa naman 'yong lalaki."

"Mukha namang mayaman 'yong babae. Baka may sariling pera," I replied.

Umismid lang si Julieta. Halata ang inggit sa mukha.

Fifteen minutes before 6pm, bumalik si Brix at Mitch sa area ko.

"We will wait for you," sabi ni Mitch.

"Wala kang magagawa, Charlie. Nasa itaas na ang iba, nagpa-reserve sila sa restaurant," Brix added. Saktong 6pm nang magpaalam ako kay Julieta na nakasimangot.

"Oh, let's go. Saan ba ang way?"

Sumunod si Mitch sa akin kaya pati si Brix ay nakasunod. Nagmamadali tuloy akong nagbihis sa staff room. Hinila agada ko ni Mitch nang makalabas ako sa staff room. Mabilis ang lakad namin papunta sa escalator.

Sa isang mamahaling restaurant kami pumunta. Dere-deretso si Mitch papunta sa loon ng restaurant.

"Here we are," she announced.

Kumaway sa akin si Jaxx at Blaze. Si Ryker ay parang nagmumukmok sa tabi ni Blaze at nakahalukipkip.

"Sabi sa 'yo Ryker, madadala ko si Charlie," pagmamalaki ni Mitch. Pinakilala ni Mitch ang lahat sa akin. Jaxx's girlfriend is super ganda. Pati pangalan ay mukhang sosyal; Margaux. Nakilala ko rin si Rose na mukhang nasubukan na ang lipstick na binili ni Mitch.

Pinaupo nila ako sa tabi ni Ryker dahil iyon na lang ang vacant. Binigyan niya ako ng menu.

"Kinulit ka ni Mitch?" tanong ni Ryker sa akin nang makaupo ako.

"Binili niya ang lahat sa cosmetics," biro ko kay Ryker.

"Knowing Mitch. Kung pwede ka lang itakas kanina pa ay ginawa na niya. Ano order mo?"

Napangiwi ako sa presyo sa menu.

"Ang mahal dito," bulong ko kay Ryker.

"Hindi namna ikaw ang magbabayad. Mag-order ka lang," sagot ni Ryker.

"Napanood mon a ba ang video mong kumakain mag-isa?" Hindi ko napigilang matawa ng bahagya.

"Tanginang mga estudyante, daming alam. Gutom lang ako ng araw na 'yon eh."

"Charlie, napanood mo na ba ang kumakalat na video ni lonely Ryker?" tanong ni Brix na ikanatawa namin.

Mukhang naba-badtrip si Ryker. Kinuha nito ang cellphone at nagtype.

"Nakita ko kanina. Sinend ko kay Melissa."

"Si Melissa nga ang nag-send sa amin," Blaze commented.

"Anong video," Rose asked.

Nagsimula na naman ang biruan. Someone played the video on the screen that is on the wall. Sabay-sabay kaming natawa nang mag-play ang video.

"Bakit ka alone?" biro ni Rose kay Ryker.

Sa mismong video, napansin ni Brix ang comment ni Ryker. Nag-comment talaga siya.

Tangina 'yong nag-video. Gutom lang ako, hindi malungkot.

Inulan ng tumatawang emoticon ang comment ni Ryker sa video. Natatawa na rin siya sa mga comment na naka-flash sa screen. Na-confirm na rin sa wakas na si Ryker nga ang lonely sa food court.

Dumating ang mga order nilang food. Nahihiya naman ako sa mahal ng pagkain dito. Ryker keep giving me their order. Para sa lahat naman daw 'yon.

Bandang 7pm nang i-play ni Jaxx ang music video na ginawa namin para sa kanta nilang 'Tanging Ikaw'.

Natahimik ang lahat habang pinanonood ang makalumang video. Unti-unti naman akong namumula dahil shit... bakit kuhang-kuha ang lagkit ng titigan namin? Hindi naman gano'n kalagkit ang pagtitig ko ah.

At 'yong scene sa hagdanan, bakit parang nangungusap ang mata ni Ryker? Isa pa ang scene sa simbahan kung saan ikakasal kunwari ako, bakit naluluha siya?

Tinitingnan ko ang lahat habang nanonood sila. Si Margaux ay nangingiti. Si Mitch ay nakakapit kay Rose at parang kinikilig. Si Rose naman ay nakatulala sa screen.

Nang pinakita ang kissing sceen namin sa hulihan ng video, tumili si Rose at Mitch.

"Shit.... I'm so kilig. Isa pa nga," sabi ni Mitch.

Napatingin sa amin ni Ryker ang lahat nang matapos ang music video.

"May chemistry kayo," sabi ni Margaux na sinang-ayunan ni Rose at Mitch.

At doon nagsimula ang tuksuhan nila. Namumula akong kumuha ng potato wedge at sinuko si Ryker.

"Kumontra ka naman," mahinang wika ko sa kanya.

"Ang ganda no'ng music video," wika ni Ryker.

Maganda nga pero bakit kasi nanunukso sila?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top