Chapter 25
Chapter 25 | Voice
Para ba akong nabingi dahil wala akong ibang marinig sa aking paligid. Para akong namanhid dahil hindi ko madama kahit ang mga patak ng ulan sa aking balat. Parang wala lang sa akin ang malamig na hangin. Hindi ko na nga sigurado kung ano ba ang iniiyak ko, basta nasasaktan ako.
Humina na ang aking hagulgol pero hindi ang ulan. Walang saysay kung ngayon pa ako sisilong dahil hindi ko na rin nabilang kung ilang minuto na ba akong nakaluhod sa pwesto ko at bigong bigo.
Isa sa mga ayaw kong gawin ay magmukhang mahina sa harap ng mga tao pero heto ako ngayon, nag-iisa sa gitna ng malawak na parke sa Maynila at ginagawa ang bagay na iyon. Anong magagawa ko? Sa sobrang lungkot ko, hindi ko na kinayang itago pa kahit saglit ang sakit.
Ilang linggo na akong nagtitiis sa eskwela kung saan maraming may ayaw sa akin, sa bahay kung saan mag-isa lang ako, at sa sarili kong pinipilit na maging okay. Nagsisinungaling na lang ako sa sarili para gumaan ang loob ko.
Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang kailangan ko sa puntong 'to. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin para makaahon sa pagkabagsak kong ito. Ang gulo-gulo ko na kahit ako mismo, hindi ko na maintindihan sarili ko.
Sumagi sa aking isip si mama. Tama, uuwi na si mama ngayong gabi. Para bang gumaan ang pakiramdam ko nang naisip iyon. Ilang saglit lang ay kumalma na ako at napagdesisyunang tumayo na.
Mom would be going home tonight. Baka siya pa ang mauna sa aking makauwi. I needed to move quickly. It had been days since she left for Batangas, but it felt like a decade for me. I have been so lonely and down. My frozen heart needed her warmth. I needed her because I couldn't need anyone but her.
Out of all people I could rely on, I was more dependent on my mother. She let me do the things by myself, but I knew I still needed her guidance. She was the only person I could run to and show my weaknesses.
"Mika? Ikaw nga!"
Mabilis akong napaangat ng tingin sa pamilyar na boses sa aking gilid. Hindi ako agad nakapagsalita sa gulat. Wala akong ibang taong iniisip kung hindi ang makita si mama pag-uwi. Ni hindi ko rin naisip na baka bumalik si Reon para sunduin ako. Kaya bakit siya nandito? Was it all just a coincidence? Trojan was around here earlier, were they hanging out?
"P-Pirad! Bakit ka nandito?"
May hawak siyang itim na foldable umbrella at maayos ang porma kaya napagtanto kong baka nga gumala sila ngayon dito. Imbis na sagutin ako, lumapit siya sa aking pwesto para mapayungan. Muling umihip ang malakas na hangin at nanginig na ako ngayon sa lamig.
Napansin iyon ni Pirad kaya parang gusto niyang hubarin ang suot na itim na jacket. Tumayo na ako para ipakita sa kanyang okay na ako.
"I was with Trojan earlier. Galing kami sa Troyen at gagala lang sana kami rito. Sabi niya manonood siya ng fountain tapos bumukod lang ako saglit dahil may gusto akong bilhin. Napansin kitang nakaluhod dito kaya nilapitan kita. Anong nangyari?"
Mabilis akong umiling. Wala akong ganang magkwento sa kanya ngayon.
"Kailangan ko ng umuwi, Pirad. Pwede bang samahan mo muna ako mamili ng damit tapos hatid mo ko sa sakayan—"
"Ano ka ba? Pwede kitang ihatid sa inyo para hindi ka na mahirapan. Uuwi na rin naman ako tutal parang wala na si Trojan sa paligid," Pirad said. "Ang lakas ng ulan, ito na yata 'yong paparating na bagyo."
Saglit kong pinag-isipan ang sinabi ni Pirad. Mas gagaan nga ang problema ko kung magpapahatid ako sa kanya pero tama bang sumang-ayon na lang ako? Para akong nahiya dahil hindi naman kami close ni Pirad. Masyado lang siyang generous at mabait kaya nag-volunteer na tulungan ako.
"Sure ka ba? Hindi ba nakakaabala?" I asked.
He nodded. "It's fine with me, Mika. Besides, I'm guessing that this happened to you because of him. I'm his only friend who knows about you, so I feel like I need to take care of you on behalf of that asshole."
A faint smile appeared on my face. Hawak ng aking mga kamay ang dalang small bag. Basa na ang labas nito at mukhang nabasa na rin ang loob. Ayos lang naman dahil nakalagay sa mga plastic envelope bags ang mga importanteng gamit ko. Madalas akong gumamit nito tuwing tag-ulan kaya walang problema kahit pa nag-emote ako sa kalagitnaan ng Luneta habang bumabagyo.
"Salamat, ha? Hindi na ako nakasilong kanina kaya naabutan ako ng ulan."
"It's okay, tara na sa parking. Do you want to wear my spare shirt or do you want to buy new clothes inside the mall? Lalamigin ka kasi kapag pumasok pa tayo, baka magkasakit ka niyan."
Tumango ako at naintindihan ang nais niyang iparating. Wala rin naman akong sapat na pera pambili ng bagong damit. Ayaw kong manghiram pa kay Pirad dahil siya na nga ang maghahatid sa akin pauwi.
"Gamitin ko na lang shirt mo. May tuwalya ka kaya?"
"Meron, 'di ko pa rin gamit," Pirad said as we began to walk.
Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong sa nangyari sa amin ni Trojan kanina. Nireserba ko na ang kwentong 'to para kay mama. I knew I wasn't fully healed yet, so I figured that I would breakdown if I speak about it again. Ayaw kong umiyak kay Pirad.
Ang puti kong Converse ay nabalot na sa dumi. I chuckled. Ang bad timing ng lahat. Bad timing na ganito ang damit ko, bad timing na nagkita kami ni Trojan at nag-usap pa. Bad timing 'yong bagyo. Bad timing 'tong nararamdaman ko.
Medyo malayo ang nilakad namin ni Pirad at nahirapan pa kami dahil tinatangay ng hangin ang maliit niyang payong. Siya rin tuloy ay nabasa pero hindi naman siya nagreklamo.
"You can dry yourself first inside the car. Tinted naman at sa labas ako maghihintay. Sabihan mo na lang ako kapag tapos ka na," Pirad said when we finally reached his car.
May pinindot siya sa car key remote na hawak at tumunog ang sasakyan. Na-unlock na rin ang mga pinto kaya pumasok na ako sa passenger seat. Sinabi ni Pirad na na sa glove compartment lang ang tuwalya at shirt niya kaya binuksan ko iyon.
Muli kong nilingon ang labas at nakita kong nakatalikod si Pirad sa kotse. Medyo madilim din sa paligid at tanging mga street lamps lang ang ilaw. Hinubad ko na ang basang pang-itaas at pinatuyo ang sarili. Wala na akong magagawa sa pang-ibaba kaya nag-alala ako sa upuan.
Sinuot ko ang itim na shirt ni Pirad nang natapos. Hinubad ko rin ang suot na sapatos. Inisip kong upuan ko na lang 'yong tuwalya para 'di gaanong mabasa ang upuan. Nang natapos ako sa pag-aayos, binaba ko ang bintana para sigawan si Pirad.
Pumasok na rin siya sa driver's seat at binuksan ang makina ng kotse.
"Nabasa ko pala ng konti 'yong upuan," I said.
"Ayos lang 'yan, Mika. Do you need plastic for your wet clothes? Meron ako rito."
"Ah, oo, pahinga."
Tahimik niyang inabot sa akin ang isang puting plastic. Inabala ko ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit ngayon habang pinaandar na ni Pirad ang sasakyan.
"Di ko gaanong lalakasan ang aircon, kahit ako nilamig sa lakas ng hangin sa labas."
"Legit bang may bagyo? Di ko na nasasabayan mga balita, e."
"Oo, bagyo 'yan kaya sabi ko kay Trojan kanina umuwi na kami—"
Nagtaka ako dahil saglit siyang tumigil sa pagsasalita kaya parang bitin tuloy. Napagtanto kong baka inisip niyang wrong move na sabihin ang pangalan ni Trojan. I chuckled to lighten the mood. Ngayon ko lang din napansing kanina pa pala nakikiramdam si Pirad.
"It's okay, Pirad. Immune na ako sa sakit, sa dami ko ba namang pinagdaanan."
"I'm sorry," he said, worried.
"Gagi, okay lang." Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin basta ayaw ko na lang mapahaba ang topic namin.
"Siguro mga eight na sa inyo na tayo."
"Okay..."
Nilabas ko ang aking cellphone na nakalagay sa isang plastic envelope bag para may pagkaabalahan. May text si Reon sa akin na inabutan daw sila ng malakas na ulan at na-struck sa traffic. Tinanong niya rin kung nakasakay na ba ako pauwi.
I was typing a reply when a call popped out. I immediately answered it because it was my mother.
"Ma, kumusta?" nagagalak kong tanong. "Pauwi na ako galing Luneta. Na saan ka?"
Napansin kong maingay ang background niya kaya mukhang na sa labas.
"Na sa Maynila na rin at pasakay na pauwi! Mika, may ipapagawa ako sa 'yo pag-uwi!"
Malakas ang boses ni mama dahil mukhang maingay at magulo talaga sa banda niya. Mabuti na rin dahil mahihirapan akong intindihin siya kapag mahina ang boses.
"Ano po iyon?" I raised my voice, too, for her to hear me.
"Compile all the documents we have. May iilan na akong nabalot bago umalis at na sa cabinet ko ang mga 'yon. M-Mag... ka na rin ng mga—"
"Wait, ma, choppy ka! Hindi ko naintindihan sinabi mo!"
Hindi na ako mapalagay dahil bukod sa biglaan ang mga utos ni mama, nakakairita pa ang signal niya. Ang bad timing! Why would she order me to compile all of our documents as if she was in a hurry?
Pinilit kong manatiling kalmado para maintindihan siya kahit pa parang nahihilo na ako. Hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi ni mama.
"Ma, tawag ako ulit! Hindi na kita marinig, as in!"
"Mika, makinig ka!" Muling umayos ang boses niya bago ko pa ibaba ang tawag.
"Ano 'yon, ma? Nakikinig ako!"
"Mag-impake ka na rin ng mga gamit, aalis na tayo pa-Batangas. Huwag kang magbubukas ng mga ilaw. Ilock mo lahat ng mga pinto at isarado mo lahat ng mga bintana bago ka mag-ayos ng mga gamit. Bilisan mo lang!"
Tuluyan na akong binalot ng kaba. Bakit nagmamadali si mama na umalis kami? May bagyo pa at hindi ako handa gawin lahat ng bilin niya ngayon.
Gusto kong tanungin kung bakit pero mukhang malabong mapapaliwanag pa niya sa akin ngayon lahat. Mukhang nagmamadali rin siya sa kabilang banda.
"Mika! Bilisan mo lang kumilos! May pera pa tayong nakatago sa safe locker ko, kunin mo lahat. Ingatan mo! Kapag tapos mo nang kunin lahat ng mga kailangan, umalis ka sa bahay at pumunta kahit saan basta matao! I-text mo ako kung na saan ka pagkatapos, doon kita pupuntahan!"
"S-Sige, ma. It-text kita kapag na sa bahay na ako—"
"Huwag na, Mika! Unahin mo ang mga pinapagawa ko para makaalis ka agad! We're not safe in that house anymore. If only I have the important files with me or if I can be there before you, hindi na kita pababalikin doon!"
"Bakit, ma? Anong mayroon? Why are you in a rush—"
"I have no time to explain this to you, not now! Sa ngayon, gawin mo muna lahat ng—"
Napatalon ako sa gulat at nabitawan ko pa ang phone. Nanlaki ang aking mga mata sa biglang narinig na ingay mula sa banda ni mama. May malakas na bumusina, para bang katabi lang ni mama ang kotse sa sobrang lakas.
Nanginginig ang aking mga kamay nang pinulot ko ang phone. Muli ko itong tinutok sa aking tainga. Para bang may nakabara sa aking lalamunan at hindi ako mapagsalita nang maayos.
A horrible scenario crossed my mind, but I tried to erase that thought.
Imposibleng mangyari iyon.
Hindi mangyayari iyon.
"Ma! Anong nangyari?" I shouted.
"What's happening?" Pirad asked. He probably saw I panicked.
"S-Si mama, kausap ko lang tapos may sasakyan. Hindi pa nae-end ang call kaya na sa kabilang banda pa si mama—"
"Where is she?"
"I-I don't know where exactly," naiiyak kong sabi.
Napasabunot ako sa aking buhok. Gulong gulo na ako sa nangyayari. Hindi ako mapapakali hangga't hindi pa nagsasalita si mama. I was desperate for her response. I needed her to say something.
Nanlalamig na ang sikmura ko at pakiramdam ko'y masusuka ako sa sobrang kaba. Diretso sa labas ang tingin ko at mas nababahala ako ngayon dahil mas lumakas ang ulan.
"Ma! Sumagot ka naman!" I pleaded. "Ma, hello—"
Napatigil ako sa pagtawag nang may narinig na hindi pamilyar na boses. Malayo ang boses nito dahil mukhang hindi hawak ang phone ni mama. Nahirapan akong intindihin ang sinabi niya pero pinilit kong pakinggan.
"Sir! May nasagasaan tayo!"
Kahit pa sobrang ingay ng kapaligiran at kumulog ang langit kasabay nito, masasabi kong hindi ako nagkamali sa narinig. The man's voice was alerted as well, he seemed scared of what he had done.
"Hello? Kuya! Sinong nasagasaan mo! Hoy, sumagot ka nga!" I yelled until my throat ran dry. "Kuya! Hoy, alam kong naririnig mo 'ko! Sumagot ka! Tangina nito!"
"What!" Another voice shouted.
Mas mukhang malayo ang boses ng taong iyon pero kinilabutan ako dahil para bang kilala ko ang may-ari nito.
Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong isipin. Kahit si Pirad ay nagtatanong na sa akin kung sino ang nasagasaan. Wala akong masabi dahil nabigla ako sa lahat ng nangyari. Mabilis ang tibok ng aking puso at nararamdaman ko na ang pagsakit ng ulo ko.
Wala akong ibang gusto ngayon kung hindi ang marinig muli ang boses ni mama.
"Saglit, sir! May kausap siya sa cellphone—po? Sigurado po ba kayo!"
"Kuya! Sumagot ka naman! Na saan ang mama ko? Bakit na sa 'yo ang phone niya? Kuya, please naman kung sino ka man!" pagmamakaawa ko.
Lumandas na ang luha sa aking pisngi. Nanginginig na ang mga mata ko. Hindi na ako makakita nang mabuti. Hindi na ako makahinga nang maayos.
Boses lang naman ni mama ang hinihiling ko pero bakit ang tagal niyang magsalita?
"K-Kuya! Hello—" Naputol na ang tawag.
Kahit pa nanginginig ang mga daliri ko at nanlalabo ang paningin, pinilit kong muling tumawag sa numero ni mama. Ni hindi man lang iyon tumagal ng tatlong segundo. Hindi ko na siya ma-contact.
"Tangina," nanghihina kong bulong.
Niyakap ko ang sarili habang pilit ko pa ring tinawagan ang numero ni mama. Pinilit ko, paulit-ulit, kahit pareho lang naman ang kinalabasan. Inulit ko muli, wala na akong pakialam kahit pa mabasag ko ang screen ng cellphone sa sobrang diin pumindot.
"Tangina naman!" I cried as if it would make a difference. "Gumana ka! Tangina!"
My thumb was now bleeding, and half of the screen cracked. May linya na ang screen ng phone ko pero tuloy pa rin ako sa pagtawag. I was killing myself in my head. I'd never forgive myself if worse comes to worst.
I didn't want to accept what the man said! May nasagaan siya pero ayaw kong isiping si mama iyon! Buhay si mama! Uuwi siya! Magkikita kami pagkatapos kong kunin lahat ng mga gamit namin! Sabay kaming pupunta sa Batangas!
"Mika!" Natigil lahat ng aking iniisip sa lakas ng pagtawag ni Pirad.
Ngayon ko lang din naramdamang nakaparada kami sa gilid ng kalsada. Hinablot ni Pirad sa akin ang phone na kalahati na lang ng screen ang gumagana.
I looked at Pirad. His eyes worriedly met mine. I probably looked pitiful in my current condition, but I didn't care about myself anymore.
"P-Pakitawagan naman si mama." I sobbed as I slowly lowered my head. "Kailangan kong marinig ang boses niya."
Para bang pinunit nang paulit-ulit ang puso ko sa sakit. I covered my face with my hands and cried out all the pain. I couldn't do anything to save my very own mother. I was the last person she had talked with, but I didn't hear her voice for the last time.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top