Chapter 24

Chapter 24 | Goodbye

Hinayaan ko lang ang aking sariling magpahinga buong hapon. Nagluto naman ako ng aking hapunan noong nakaramdam ng gutom.

Hindi pa muling tumawag o sumagot si mama sa huling text ko sa kanya kaya sinubukan kong kontakin. Mukhang may iba siyang inaasikaso dahil kahit limang beses na akong tumawag ay hindi man lang nasagot ni-isang beses.

Wala akong ganang gumalaw buong araw kaya hinintay ko na lang ang sagot ni mama buong gabi. Hindi ko napansing nakatulugan ko na pala iyon.

Mabilis kong hinablot ang aking phone noong nagising sa kalagitnaan ng gabi at nakahinga nang maluwag noong may reply na si mama. Sinabi niya lang na mamayang gabi pa ang uwi niya, ni-hindi man lang nagsabi tungkol sa paghahanap sa kanya ni Sir Lucre.

Bumalik ako sa pagtulog dahil sa hapdi ng mga mata. Nagising na lang ako muli noong may araw na. Ang usapan namin ni Reon ay magkikita kami para sa kanilang sasakyan ako sumabay.

Ayaw niyang mamasahe pa ako hanggang sa Luneta kaya kinausap niya ang parents niyang hihiramin niya ang isang family driver nila para i-service kami.

Ayos na rin dahil sa kalagayan ko ngayon, hindi ko talaga kakayaning maglakbay ng gano'ng kalayo. Pagod ako sa hindi malamang dahilan at walang gana kahit pa tumayo.

Parang gusto ko nga biglang i-cancel 'tong lakad namin pero si Reon 'yon. Kung hindi kami ngayon magkikita, kailan naman? Malapit na kaming umalis at lumayo rito kaya baka matagalan pa ang susunod naming pagkikita ni Reon.

Ginalaw ko muna ang aking mga daliri at kumurap-kurap habang na sa dingding ang tingin. Baka makatulong din ang pag-alis ko ngayon lalo na't ang sabi ni Reon, lilibutin namin ang mga tourist spots sa Maynila. Hanggang six ng gabi lang daw siya pwede kaya susulitin namin ang buong tanghali.

I ate my late breakfast after I took a bath. I changed clothes after that and called Reon. Ready na akong umalis at pumunta sa meeting place namin, gusto ko lang munang malaman kung siya rin ba ay paalis na.

"Saan ka na?" she asked me the moment she picked up.

"Ayan nga rin itatanong ko sa 'yo," I chuckled. Having a conversation with others right after your breakdown surely felt awkward.

"Na sa biyahe na kami papunta sa meeting place natin. Huwag mong sabihing on the way ka pa lang sa banyo?"

"Gaga, nakabihis na ako. Papunta na rin ako do'n, tinawagan lang kita para malaman kung na saan ka na."

"Oh sige, tawagan kita kapag nauna kami. See you!"

"See you," bulong ko bago tuluyang binaba ang tawag.

Hindi ko sigurado kung paano ko ba pakikisamahan si Reon mamaya, tunog excited pa naman siya kanina. Kaibigan ko siya at alam kong maiintindihan niya kung hindi ako okay, pero ayaw ko sanang sirain ang huling araw naming magkasama.

Totoo namang gusto kong gumala kasama siya pero parang mali lang talagang ngayon araw pa. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko matapos kong i-lock ang aming gate.

Nilakad ko na ang labasan at sumakay ng jeep papunta sa meeting place namin ni Reon. Hindi iyon kalayuan sa amin pero dahil sa traffic ay natagalan. Ayos lang sa akin iyon dahil kumalma na ako habang na sa biyahe.

Pababa na ako ng jeep noong tumawag si Reon. Hindi ko na lang sinagot dahil nandito na rin naman ako, baka madapa pa ako sa pagbaba. Alam kong tanga ako sa pag-ibig kaya ayaw kong maging tanga pa sa ganitong kasimpleng bagay.

Tama nga ang hinala kong nandito na rin si Reon. Nakita ko ang pamilyar nilang kotse na naka-park sa gilid ng isang fast food. Mabilis akong naglakad palapit doon at kumatok sa gitnang bintana ng kotse. Bahagya akong umatras para hindi matamaan ng pabukas na pinto.

"Nakakagulat ka naman, biglang may kumakatok!"

"OA nito, may iba pa bang kakatok dito bukod sa akin?" natatawa kong sambit kay Reon na nakahawak pa sa dibdib niya.

Mabilis akong sumakay at sinarado ang pinto. In-adjust ko ang aircon dahil napakainit sa labas! Sinabihan naman ni Reon ang driver niya na pwede nang umalis. Kinakalikot ko pa ang isang aircon nang maramdaman ko ang titig ni Reon sa akin.

"Bakit? Mas gumanda ba ako ngayon?" pabiro kong tanong.

"Wala kang maloloko rito. Bakit namamaga 'yang mga mata mo?"

"Hala siya," bulong ko. Kanina namang tiningnan ko ang sarili sa salamin, hindi na halatang namamaga ang mga mata ko!

"You're bad at acting. I don't know how Jijinia fell on your old stupid prank."

"Kakakita lang natin ulit, ayan talaga una mong sasabihin sa akin? Wala man lang hi, hello? Kumusta ka na? Kumain ka na ba?"

Kumunot ang noo ni Reon. "Fine, you probably don't wanna talk about it."

"Wala lang 'to," I tried to convince her.

"Sure. Is it okay if we just enjoy today? Stop thinking about whatever is bothering you, at least for the time being. I don't want to hang out with someone who isn't in their best state."

Napangiti ako sa sinabi ng kaibigan. "Aminin mo na lang kasing na-miss mo 'ko."

She scoffed and rolled her eyes. Wala pa rin talagang pinagbago! Ang tanging nagbago lang siguro sa kanya ngayon ay humaba ng konti ang buhok niyang hanggang balikat na ngayon.

Feeling ko talaga may something 'tong tinatago sa akin dahil ang blooming. Feeling ko recently ang pangit ko na dahil puro sakit lang ang nararamdaman ko.

"Mas blooming ka sa personal. Confirmed ko na today na may something talaga! Secret reveal naman diyan!"

Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "W-Wala naman! Parang tanga 'to. Boring nga sa school dahil wala ka na laging may bagong issue kada buwan."

Sumingkit ang aking mga mata dahil ang suspicious ng pagkakasagot niya. "Sino ba kasi 'yan?"

"Anong sino? Wala nga!"

"Yong lalaki po bang laging kasama ni Ma'am Reon?" nangtutuksong singit ng kanyang driver.

Ako naman ngayon ang nanlaki ang mga mata. Inalog-alog ko si Reon dahil sobra akong naintriga sa chismis ng driver niya! Todo pabebe at deny naman ang isang 'to!

Sabagay, kahit ako ay hindi makapaniwalang may kinikita na si Reon ngayon. Parang kailan lang napakasungit at distant niya sa mga tao lalo na sa mga lalaki.

"Hindi ako mapapakali hangga't hindi mo sinasabi kung sino!" natatawa kong sabi habang patuloy na pinapalo ang braso ng kaibigan.

Napapapikit siya sa tuwing tumatama ang palad ko sa kanyang braso. Hindi naman malakas at pabiro ko lang iyong ginawa.

"Ipagkakalat ko 'to! Si Reon may—"

"Sa isang project lang kaming nagsama ni Pirad, my goodness!"

Halos lumabas na ang mga mata ko sa aking katawan. Napatakip ako ng bibig sa narinig at pilit na tumili. Ako naman ngayon ang inalog-alog ni Reon at pinapatigil ako sa pagtili. Humalaklak naman ang driver nila.

"Tadhana nga naman!" sigaw ko.

"Anong tadhana-tadhana? Wala naman 'to, ang OA niyo."

Tinuro ko ang kanyang pisngi. "Wala pala, e, bakit ka namumula?"

Mas lumala lang ang pag-aalipusta sa akin ni Reon dahil pinuna kong namumula siya na parang kamatis. Hindi ko nga napansing na sa Maynila na pala kami! Kung hindi pa kami tinanong ni Kuya Nelson kung saan kami unang gagala ay baka hindi pa natigil 'tong si Reon sa kakaaway sa akin.

Napaka-cute naman ng isang 'to magkagusto, sobrang denial pero sobrang obvious niya rin naman! Hindi ko masyadong kilala si Pirad at bilang lang sa aking mga darili ang past interactions namin kaya hindi ko kayang sabihing na sa tamang tao si Reon.

Mukha namang wala akong dapat ipag-alala dahil kanina pa pinipilit ni Reon na wala nga lang kasi iyon. Noong natapos na raw nila ang project, hindi na sila muling nagpansinan.

Inasar ko siya kung baka kaya sobrang moody niya ngayon dahil doon pero sinakal niya na naman ako. Kapag hindi niya kayang manalo verbally, namimisikal talaga 'to!

Minabuti kong huwag na siya muling asarin dahil baka sa hospital ang uwi ko mamaya. Noong bumaba kami mula sa kotse saka ko lang nakita nang buo ang outfit niya ngayon.

May white shirt siyang soot at naka-black suspender shorts tapos naka-rubber shoes na itim. Ang cute niya sa outfit niya ngayon, akala mo hindi makabasag pinggan.

Ibang iba naman ang style ko sa kanya. Naka-black spaghetti strap croptop ako at high waist na maong na may black thin belt pangporma lang. Nakaputing Converse ako at may suot na black cap. May puting long sleeves din akong dala na nakatali palibot sa aking baywang. Susuotin ko lang 'to kapag masyadong mainit. Hindi na masyadong maaraw noong lumabas kami ni Reon.

Napatingin ako saglit sa kalangitan nang may natunugang kulog. Biglang sumagi sa aking isip na baka umulan mamaya. Mabilis ding nawala sa isip ko iyon noong pumasok kami sa Planetarium.

"Bakit wala rito mukha niya? Siya pa naman mundo ko, chariz!" biro ko dahil trip ko lang.

"Sinong siya ba?" istriktong tanong ni Reon sa akin.

"Wala, joke lang, e. Hindi ko naman mundo 'yon!" mabilis kong bawi dahil for some reason, parang mas galit pa si Reon kay Trojan kaysa sa akin.

"Akala ko, e... huwag ka na do'n, malay mo na sa Batangas talaga ang true love mo."

"Nah, pass muna sa kahit sino. Nawalan na ako ng ganang magkaroon ng attachment sa iba," wala sa sarili kong sabi habang mabagal kaming naglakad ni Reon paikot.

"Don't isolate yourself, that's not good for you."

Saka ko lang na-realize ang aking sinabi. Gusto ko sanang bawiin iyon pero hindi ako nakaisip ng magandang palusot lalo na't sineryoso ni Reon iyon.

Inaamin ko namang ang aking sinabi pero... ayaw ko lang magpahalatang hindi ako okay ngayon. Baka masira ko ang araw na 'to, umokay na nga kanina, e.

"Hindi naman. I'm more like Neptune, oh-" I pointed at the planet. "Malayo ang distansya sa araw. I'm just distancing myself from possible harm caused by others."

"But you know, we're all part of one galaxy so it doesn't matter if you're far from the rest. You belong here with everyone whether they hate or like you."

"Woy, wait lang expired na yata pagiging Englishera ko," biro ko upang pagaanin ang aming usapan.

Lagi talagang siniseryoso ni Reon ang halos lahat ng sabihin ko. Okay lang naman sa akin iyon at naa-appreciate ko ang concern niya bilang kaibigan ko, pero ayaw ko lang talagang i-spoil 'tong gala namin.

"You can joke around and act fine around me, but don't stop me from saying my opinion, Mika. Don't let your past chase you down," Reon said to me before she walked forward to take pictures.

My lips curled into a faint smile. I was tired of hearing other people's voices, but Reon said exactly the right words. I watched her from where I was standing. I would definitely miss Reon once we'd leave the city.

Huminga ako nang malalim bago siya muling tinabihan at dinaldal. Naaliw kami sa mga nakita namin to the point na naging topic pa namin ang Bigbang Theory. Siguro na-weird-an sa amin 'yong mga nakasalubong namin na halata namang pang-Instagram lang ang pinunta rito.

Hindi naman kami science nerds ni Reon, sadyang may pagkakataon talagang nagtutunog matatalino kami. Aminado rin akong mas maalam si Reon sa ganitong topic dahil never naman akong sinipag alamin ang history ng mundo.

Bumili kami ni Reon ng street food noong may nadaanan. Nilakad na lang namin ni Reon ang mga sumunod na destinasyon dahil hindi naman mainit.

I tucked my hair behind my ears when a strong wind passed by. Muntik pa akong malunod sa iniinom na palamig.

"Sakay tayo do'n!" sabi ko kay Reon kasabay ng pagturo ko sa papalapit na train.

Matagal ko na 'tong nakikita rito pero never pa akong nakasakay. Para siyang 'yong train sa Thomas & Friends na sobrang nac-creepy-han ako.

Simula noong bumukod kami ni mama sa lugar ni papa, naging habit ko nang hintayin si mama umuwi galing sa trabaho. Syempre ang tanging libangan ko lang noon ay manood ng sandamakmak na TV shows.

Noong bata ako malalaman kong twelve midnight na kapag 'yon na ang show sa Disney Channel. Maya-maya lang ay nakakatulog na ako dahil lagi akong pumipikit 'pag si Thomas 'yong na sa screen. Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-gets kung paano nagustuhan ng ibang mga bata ang show na 'yon.

"May bayad ba 'yan?" tanong ni Reon na akala mo siya pa ang mas walang pera kaysa sa akin.

"Di ko alam, tanong na lang natin."

Sa huli ay nakasakay kami ni Reon doon. Nagulat pa ako dahil medyo masikip pala sa loob. Ayos din dahil sumaktong sa direksyon namin patungo ang malakas na hangin.

Nag-picture kami ni Reon habang nakasakay. Noong nangawit na ang kamay ko sa kakahawak ng phone, binaba ko saglit ang braso at tumingin sa bintana.

"Kuya, isang palo naman diyan!" pang-aasar ko sa driver dahil nababagalan ako.

"Ikaw kaya paluin ko?" pananakot ni Reon.

Tipid kong nginitian si Reon at pinaglapit ang dalawang kamay na parang nagdadasal.

"Di pwede, Ma'am! Baka masira," biro pabalik din ng driver sa akin.

Matapos namin maikot ang buong Luneta na nakasakay sa train, niyaya ko naman si Reon magkalesa. Wala naman akong balak sanang sumakay dahil medyo pricey ang isang sakay pero marami namang baong pera si Reon kaya hindi ko na problema 'yon.

Nakasakay na ako sa kalesa noong nagbakasyon kami ni mama sa Ilocos Sur kaya hindi na bago sa akin ito. Ang kasama ko lang ang maingay kakareklamo na hindi niya raw kayang sumakay.

Vinideo ko nga dahil minsan lang magmukhang tanga si Reon at sa maliit na bagay pa!

Inalalayan siya ng konduktor umakyat at nilahad ko rin ang aking kaliwang kamay para hawakan niya. Matapos ang tatlong failed attempts, nakasakay na rin si Reon sa wakas.

"Oy! Wala pa!" tili ni Reon noong gumalaw ang kabayo at medyo tumalon-talon.

Tawang tawa kami ni kuyang konduktor sa mga reaction ng babaeng 'to.

"Ready na po ba?" tanong sa amin bago tuluyang umalis doon.

"Go na kuya, huwag mong alalahanin ang isang 'to. Masasanay din kalaunan 'yan," masaya kong sabi.

"Gagang 'to! Kapag ako nahulog sa kalagitnaan ng kalsada-"

"Hindi ka mahuhulog, tanga. Hawak ka lang sa akin kung 'di ka pa komportable—"

Napahalakhak ako noong mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako na parang tarsier. Ang lamig ng mga palad niya!

"Paano kung magwala 'yong kabayo tapos—"

"Oh e 'di goodbye problems, goodbye Philippines, goodbye world, and hello heaven na tayo—"

"Puta ka ayaw ko pang mamatay!"

"Oh sige, pagpalagay nating naka-survive ka—"

"Bakit ako lang naka-survive?" naalarma niyang tanong at mabilis na hinarap ako.

Nanlaki ang aking mga mata noong napagtanto ang sinabi. E sa siya lang naman ang ayaw pang mamatay sa aming dalawa? Kung oras ko na, e 'di oras ko na. It had nothing to do with me showing suicidal intentions.

"Dark humor ba—"

"Ah, dark humor?" pigil niya sa akin at nagsimula na akong sermunan tungkol sa dark humor.

Hinayaan ko na lang si Reon dahil sa ganitong paraan, nakalimutan na niya ang kaba niya kanina. Nabalik lang siya sa reyalidad noong na sa highway na kami at may mga nakatabing sasakyan. Aliw na aliw siya dahil first time niya 'tong naranasan.

Dumating na ang oras na tinawagan siya ng kanilang family driver upang paalalahaning kailangan na nilang umuwi. Alasais na ng gabi at madilim na ang kalangitan.

Nagpasikat naman ang iba't ibang mga kulay ng Christmas lights na nakapalibot sa lugar. Ang mga malalaking parol din na nakasabit sa kada poste ay naghari sa gabi. 'Yong malaking Christmas tree sa 'di kalayuan ay kumikinang na ang ganda kaya maraming nagsipunta roon para mag-picture.

"Sure ka na talagang 'di ka na sasabay pauwi? Baka mahirapan kang mag-commute?" paninigurado ni Reon sa akin bago siya pumasok sa kanilang kotse.

Tumango ako. "Oo nga, okay lang. Hintayin ko pa 'yong dancing fountains at magpapahinga saglit. Pagkatapos no'n uuwi na rin ako. Text na lang kita."

"Sige, ha! Ingat pauwi!"

"Ikaw din, I had fun today. Salamat at sa uulitin!" pagpaalam ko sa kaibigan.

"Sa uulitin ikaw naman ang manlilibre."

"Huwag na pala, 'di na ako ulit magpapakita sa 'yo."

Pabiro niya akong sinapak at tuluyan nang sumakay sa kotse nila. Kumaway ako hanggang sa nakaalis na sila sa aking harapan. Tumalikod na ako at naglakad papasok muli sa park para maghanap ng pwedeng upuang malapit sa fountain.

Siguro sa sobrang busy at occupied din ng isip ko nitong nakaraan, hindi ko nadamang papalapit na pala ang Pasko. Wala kaming Christmas tree, parol o kahit Christmas lights man lang sa bahay dahil madalas kami noon ni mama magbakasyon sa ibang mga lugar tuwing holidays.

Gumaan ang loob ko ngayong nakita ko ang mga ito nang malapitan. Sa labas ng bahay ko lang naman kasi madalas makita ang mga ganito.

Never ko pang naranasang maging sardinas sa Divisoria para mamili ng mga regalo at mga palamuti. Hindi ko pa nararanasang maghanda ng maraming pagkain para sa Noche Buena. Ni hindi pa nga ako nakakumpleto ng simbang gabi!

Nakakatawa lang dahil kung ano pa ang mga karaniwang ginagawa, iyon pa ang hindi ko nasusubukan.

Hindi ko napigilang ngumiti nang may nadaanang pamilya sa isang banda na nagsasaya. May malapad silang picnic blanket at doon naka-upo ang mag-asawa.

Dalawa ang anak nilang babae na mukhang mga na sa five to seven years old pa lang. May nilalaro 'yong dalawang bata na umiilaw-ilaw. Chini-cheer sila ng papa nila sa ginagawa habang ang nagv-video naman ang nanay nila.

Good for them.

Ang pinakamaswerteng tao na yata sa buong mundo ay ang mga taong na sa magandang pamilya kasi hindi naman lahat mayroon at magkakaroon niyan ganoon man sila kayaman o kaunlad sa buhay.

Ilang beses ko nang sinabi sa sarili na okay lang na si mama lang ang mayroon ako pero ilang beses na ring sumagi sa isip ko na siguro mas okay kung kompleto rin kami... na masaya rin kami.

Siguro hanggang panaginip na lang talaga 'yon at mananatili bilang isang imahinasyon.

Sinuot ko na ang aking puting oversized long sleeves ngunit hindi binutones dahil medyo lumamigi na ang hangin. Naupo ako sa isang bakanteng bench at dahil naalala ko na rin si mama ngayon, nilabas ko ang aking phone para i-message siya.

Kanina lang ay sinabihan niya akong na sa biyahe na siya pabalik. Inisip ko na lang na baka na sa bahay na siya o hindi kaya'y malapit na. Bigla kong naisipang bumili ng pasalubong kay mama.

Alam kong paborito niya 'yong bibingka na tinitinda malapit sa bahay namin kaya siguro bibili na lang ako mamaya bago umuwi.

Naagaw ng mga taong nagkumpulan sa aking harapan ang aking atensyon at huli na noong napagtanto kong nagsimula na ang dancing fountain.

Masyado ng crowded ang parteng ito kaya mag-isa akong naghanap ng ibang pwesto. Isang minuto na yata akong naglalakad pero wala akong nakitang spot na pwede kong singitan man lang.

Sasandal na lang sana ako sa katabing poste nang may biglang natagpuan ang aking mga mata na walang taong pwesto. Medyo madilim doon dahil mukhang sira 'yong lamppost pero ayos lang, sapat na ang liwanag ng dancing fountain para makakita ako.

Sinandal ko ang aking mga braso sa itaas ng metal railings at tumingala na sa fountain. Malakas ang tugtog kaya sumisigaw ang mga tao sa paligid kanina para magkarinigan. Mabuti na lang at konti lang ang mga narito, nabigyan ako ng pagkakataong mapag-isa at sulitin ang oras na 'to.

I sniffed twice when a familiar scent crossed my mind. Akala ko noong una ay lutang lang ako kaya ko iyon naisip... pero noong narinig kong bumulong ang katabi ko ay dinalyuan ako agad ng kaba.

Parang tanga, anong ginagawa niya rito! Alam kong open for all 'tong park pero bakit siya nandito at magkatabi pa kami ngayon!

Kanina naman ay hindi ko napansing may katabi pala akong iba at walang matapang na pabangong kumakalat. Siya talaga 'tong tumabi sa akin ngayon kaya bakit ako lalayo?

"Alam kong alam mong ako 'to. I know we had an agreement, but can you talk to me for a moment?" masungit niyang sabi sa akin.

Ampota, e 'di sinadya niya talagang tumabi sa akin dito! Kailan pa niya nalamang nandito ako? Nag-story ako sa Instagram pero kanina pa 'yon noong na sa train ride kami ni Reon. Naka-block ako sa kanya kaya paano niya makikita iyon? Unless kung sa Instagram ng iba siya nakitingin!

"Bakit na naman?" Sinungitan ko nga rin.

Pinilit ko ang sariling huwag siyang lingunin kahit isang beses lang. Alam ko kasing matutunaw na naman ako kapag nakita siya.

Na sa moving on phase na ako at wala akong balak bumalik sa kanya... pero kasi... nakakatakot i-take ang risk. Nakakatakot na baka magkusa na naman akong balikan siya.

Mabuti na lang at madilim sa pwestong 'to, hindi namin mapapansin ang hitsura ng isa't isa.

"I remember you saying you liked me since junior high..."

Kumunot ang aking noo. "What about it?"

"Wala naman, naalala ko lang at napagtantong ang tagal mo rin pala akong nagustuhan," tamad niyang sabi.

"Is this to feed your self-confidence?"

"No, I don't even have one," he immediately replied. "I just want to ask why."

"Why?" I repeated.

"Why did you like me for that long?"

Saglit lang, hindi ako ready sa tanong niya.

"Bakit mo naman biglang gustong malaman?"

Hindi ko alam kung trippings lang ba siya o seryosong gusto niyang makarinig ng matinong sagot mula sa akin. Kung makipag-usap pa ang isang 'to parang 'di ako ni-block sa Instagram at sinaktan, ah!

"Because I don't see myself likable or even admirable. People only praise me because of my face."

Tumango ako nang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Medyo naguluhan lang ako dahil ngayon lang namin 'to napag-usapan.

"Guwapo ka naman talaga kaya anong 'yang sinasabi mong 'di ka admirable?"

"So you fell for me because of my appearance, too?"

"I mean... oo, nabudol ako ng mukha mo dahil gwapo ka pero tingin mo ba tatagal at lalalim pa ang nararamdaman ko kung iyon lang ang dahilan?" I said, trying to make him realize something.

"So... you liked me more when you got to know me better?"

"Siguro ayon nga. Halos pareho pa trip natin sa buhay at naging masaya ako kasama ka... kaya siguro mas nagustuhan kita."

God, why was I saying these things again? Ang cringe palang pakinggan ngayon lalo na't hindi na ako gaanong masyadong patay na patay sa kanya.

"I see. Thank you," biglang sabi niya.

Weird talaga nito today. Napakagat ako sa aking ibabang labi.

"You're welcome?"

I heard him chuckle.

"And I'm sorry for giving you mixed signals before. I admit I am a complicated person."

"A-Ayos lang, nasanay na ako," I stuttered. Bigla-bigla kasing nags-sorry!

Oh, tapos ano na ngayon? Papatawarin ko agad? Tangina, ni-hindi man lang nga tumagal ang kahit anong galit ko sa kanya. I always ended up forgetting about it. Inisip ko kasing never akong makakatanggap ng matinong apology galing sa kanya dahil parang lagi siyang unaware na nasasaktan ako.

"I'm really sorry for everything I'd said and done to hurt you."

"Okay na nga," mabilis kong sabi dahil para bang biglang bumigat ang loob ko.

"I mean it, Mikasha. I'm sorry."

"Okay na nga, kulit naman nito. Isa pang sorry mo itutulak na kita sa fountain."

He chuckled once again. Hindi ako nag-react, umayos lang ako sa pagtayo dahil nangalay na ang kaliwang paa ko.

"I met your best friend when I returned your stuff. Tinanong niya ako no'n kung ako ba ang fiance mo, wala akong nasabi dahil sa gulat."

What?

Nanlaki ang aking mga mata at tuluyan na siyang nilingon. Sumabay pa ang pagtalon ng mga tubig kaya nakita kong nakatingin din pala siya sa akin!

"About that—"

"I denied her accusation, though. Mas naguluhan nga lang siya dahil ako raw ang naghatid sa 'yo noon sa kanila at nasabi mo raw na tayo nga."

"It was just supposed to be a prank—"

"No need to explain it to me, Mika, I'm not that dense. Mukhang mas sineryoso nga lang ng kaibigan mo iyon dahil umalis siyang may luha sa mga mata. I had been conflicted about it so I tried to know more by asking her. Sinabi niya sa akin ang side niya. She even said that maybe you never genuinely liked me... na baka pati ang nararamdaman mo para sa akin ay isa ring kasinungalingan."

"Trojan—"

"Pero hindi, 'di ba?"

I blinked twice, couldn't believe he even asked that.

"O-Oo naman, totoong gusto kita—"

"Pero ginamit mo rin bilang excuse 'yon para makalayo sa kanya? Sa pagkakamali mo?"

Nawalan ako ng salita. Heto na naman tayo sa topic na 'to. Hindi na ako magdadalawang isip na mag-walk out kung pati si Trojan tuluyan na akong kamuhian at kagalitan dahil sa isang pagkakamali.

"I'm not mad at you," he said as if he could read my mind. "I understand, Mikasha. You liked me. You tried to prank your friend but it turned out bad. I don't care about your best friend issues or that particular mistake."

My lips parted. My eyes started to get blurry because of the tears on the corner of my eyes. Nababasa kami ng fountain pero balewala lang iyon ngayong kaharap ko si Trojan at sinasabi ang mga ito sa akin.

I was so close to walking away thinking he despised me, too, but here he was...

"What I care about is you not faking your feelings towards me. Ang selfish, 'no? Gusto kong marinig na totoo ang nararamdaman mo para sa akin pero ako 'tong hindi magawang iparanas din sa 'yo 'yon. I know I'm an idiot for wasting something so genuine."

"Trojan..." I trailed off, I wanted to say something but nothing came out of my mouth.

Trojan smiled at me, his eyes closed and lips on a full curve. He looked painfully happy.

"I have never experienced such a strong admiration from someone. I'm sorry if I didn't know what to do the first time you confessed. Tinanong mo ako noon kung bakit ako nag-STEM kahit 'di ko trip 'yon. It's because my father doesn't want me to meddle with business. Maging kahit ano na raw ako, huwag lang akong mangialam pa sa negosyo. Ang hirap lang dahil 'yon ang gusto ko."

This had nothing to do with us, but I was more than willing to listen to everything he wanted to say. He mattered to me even after all the heartbreaks.

I wanted to reach him and keep him in my arms, but my body couldn't move. I was afraid he'd stop if I do something else. I badly wanted to know his reasons and hear the words kept behind his eyes.

I knew how your tongue felt heavy of the words left unspoken. I knew this feeling better than anyone so I wanted Trojan to know that I... I was here. I have always been here.

"He made it clear right from the beginning that he had no expectations from me. I have been trying to impress him to prove that I can be something more, not just a carbon copy of his appearance. People only see and praise me because we look alike, which I hate the most. I can be more than what they think of me if only they let me."

The sky roared a thunder. It was supposed to be our cue to stop this conversation and seek shelter, but we didn't move a muscle.

"It's frustrating to always keep everything to myself. Para bang sinasadya ko na lang na patahimikin lagi ang sarili dahil alam kong wala namang makikinig. Maybe that's the reason why I suck at expressing myself."

Ramdam ko kung gaano kabigat ang mga dinadala niya. Noon pa man ay pansin ko nang may tinatago siya pero iba pa rin ngayong alam ko na.

Parang gusto kong bumalik sa mga araw na magkasama kami para lang mas pagandahin pa ang mga pagkakataong iyon. Para man lang may maganda akong maiiwan sa kanya bago kami muling maglayo ng landas.

Iilang sunod-sunod na patak galing sa langit ang kumapit sa aking balat. Batid kong nagsipag-takbuhan na rin ang mga tao sa paligid para makasilong at makaiwas sa papalakas na ulan.

Tanging kami lang ni Trojan ang hindi nakisabay sa gulo at nanatiling nakatitig sa isa't isa. Hindi alintana kahit pa mabasa nang tuluyan sa malamig na buhos ng ulan.

"But you... you saw something in me. You know me more than I understand myself. I realized a lot of things when I finally acknowledged you and my feelings. I'm sorry it took a while before I had courage to say these things to you. I'm sorry if apologizing is all I can do.

"If destiny permits, I would like to have another chance to pursue you. Obviously not now, at least when things are much better for both of us. You're moving out of the city, right? I heard from Reon. It was unfortunate to lose you, but I promise I would never let you go again next time."

Fuck.

Promise. Next time. Kailan naman kaya 'yon? At dadating ba talaga 'yon? Bakit hanggang sa huli, binibigyan niya ako ng rason para umasa? Ayaw ko na nga. Bakit kailangan pa niyang mangako, sobrang halata namang ito na ang huli naming kabanata?

My tears interacted with the intense rainfall that poured down on us. Trojan smiled once more as he brushed his wet hair with his left hand.

"I don't like goodbyes," I said with my lips trembling. I looked away. "Umalis ka na kung wala ka ng sasabihin."

It was better this way. I didn't want to hear any more of it, especially the last farewell coming from him. I knew nothing good would ever come to us again after this.

May pakiramdam din akong kailanman, 'di na kami muling magtatagpo dahil dito na niya tinapos lahat.

I fell on my knees with my eyes closed and hands shaking when Trojan was finally nowhere to be found.

Tangina naman, bakit ang sakit?

Bakit lahat na lang ng gusto ko laging nauuwi bilang isang kathang isip?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top