Chapter 23
Chapter 23 | Thoughts
"Pupunta pala ako bukas, ma, sa Luneta. Gagala kami ni Reon," I informed mom over the phone.
"Oh sige lang, Mika, basta huwag kang magpagabi. Uuwi rin ako sa Linggo, konti na lang pala ang kailangan kong asikasuhin dito sa bago nating bahay."
My eyes slightly widened. "Nandiyan ka na ba, ma?"
"Oo, kadadating ko lang. Na sa fast food ako ngayon, kakain ng almusal."
"Ah, kaya pala parang na sa labas ka. Sige na, ma, ibababa ko na 'to. Magluluto na rin ako ng agahan ko. Ingat diyan!"
"Ikaw din, mag-ingat," tipid niyang paalala bago namin tuluyang tinapos ang tawag.
Kaninang madaling araw si mama umalis para bisitahin ang bago naming bahay sa Batangas. Kagabi ko rin nakausap si Reon at kinuwento ko sa kanya ang naging drama namin ni Ji.
Noong una ay tahimik lang siyang nakinig. Mas ayos nga iyon sa akin dahil kay Reon ko lang nailabas 'yong mga salitang gusto kong sabihin kay Jijinia.
"Siguro nga mali talaga ako at hindi ako agad mapapatawad ni Ji... pero Reon, hindi ko lang maisip na gano'n pala kasakit ang ginawa ko para kay Ji."
"You know what I think?" Reon finally said something.
I was waiting for her to say her opinion about this because I felt like I needed someone else's view to enlighten me. Sa totoo lang ay sakto rin ang pagsalita niya dahil nauubusan na ako ng sasabihin. Ramdam ko na ring mabigat na ang aking mga mata at minu-minuto na akong napapahikab.
"I get Jijinia's point. It's disappointing naman talaga to discover that the first-ever person to be your friend has lied to you for years, and that person's a coward for running away. I understand her frustration, but... don't you think it's too much to use that as a reason to make your remaining high school days there miserable?"
Saglit akong natahimik at napatulala na lang sa kawalan. Sarado na ang ilaw ng aking kwarto kaya wala akong makita sa paligid.
"I think it's childish and so immature. Oo, mali mo 'yong 'di mo agad sinabi, but you never had the intention to fool her. You wanted her to just forget it eventually. Could there be another reason behind her hatred towards you? Or maybe none, she just got overwhelmed by her emotions?"
Gumulong ako sa aking kama. "I don't know..."
"Of course, how would you know? You weren't with her last year," tamad na sabi ni Reon. "Basta para sa akin, she doesn't need to go that far. Maybe her new friends brainwashed her or something, based lang sa innocent personality niya."
"Pareho pala tayo ng iniisip kung gano'n..." pag-amin ko dahil iyon din ang laman ng isip ko mula kanina.
Paano pala kung kagagawan talaga ng mga kaibigan niya 'to lalo na't ang iba roon ay may hinanakit sa akin?
"I like to say that you two should talk about it again, this time in a peaceful way, but I think it'll be a bit difficult for you."
Napapikit ako dahil tama si Reon. Gusto kong magkaayos kami ni Ji bago ako umalis, kahit hindi na mabalik ang pagkakaibigan namin, pero paano kaya kung lagi siyang nakadikit sa mga kaibigan niya? Baka mapasama pa kung akong mag-isa ang lalapit.
Ngayon ay Biyernes na at sabi ni Reon, nakatulog na lang daw ako kagabi habang kausap siya. Ayaw ko na sanang isipin pa ang problema namin ni Ji dahil parang wala naman na talaga akong magagawa, pero kung wala na naman akong gagawin—kailan naman kaya?
Napansin kong maraming pagkakataon nga akong sinayang nitong mga nakaraang taon kaya hanggang ngayon ay may pagsisisi pa rin sa aking puso.
Kailan kaya ako matututo? Ilang pagkakamali pa ba bago ako madala? Bakit kasi ang hina ko pagdating sa ganito? Bakit kasi ang paglayo lang ang kaya ko?
Kung naiinis si Jijinia sa akin, mas naiinis ako sa aking sarili.
Sa pagpasok ko sa aming room, ramdam ko ang mga matitinding titig nilang lahat sa akin. Gusto kong balewalain at huwag na lang pansinin pero paano ko gagawin 'yon kung sobrang halata nilang lahat?
If I had the opportunity to not attend today's classes without missing any lessons and activities, I wouldn't hesitate to stay at home. Ang takot na mahuli lang naman sa klase ang inaalala ko kaya pumasok pa rin ako ngayon.
Para akong anino ng lahat. Tahimik lang sa upuan at pilit na inaliw ang sarili sa pagsusulat ng kung ano-ano sa likod ng scratch notebook.
Saglit akong napatitig sa matulis na dulo ng aking ballpen. Hindi ko namalayang tumagal pala ang tingin ko roon at nadiin ko pa sa pahina ng aking notebook kaya nabutas. Nabalik ako sa reyalidad nang tumayo silang lahat upang batiin ang una naming guro sa araw na 'to.
Pinilit kong makinig dahil ayaw kong mapahiya. Parang nanlamig ang sikmura ko noong inanunsyo pa ni ma'am na by pair daw kami ngayon at kami na ang pumili ng gustong kapares.
Hindi ako agad nakagalaw sa aking pwesto dahil wala naman akong mapupuntahan dito. Imbis na magmukhang kawawa ay binasa ko na lang ang guidelines ng gawain, madali lang naman at kaya ng individual.
"Mika!" tawag sa akin ni Wendy. Natanaw ko sa gilid niya si Sam na nakatingin din sa akin.
"Pwede raw trio sabi ni miss since 'di equivalent sa 2 ang total natin. Sa amin ka na?"
Tatlong beses akong kumurap matapos marinig iyon. Hindi ko alam kung bakit ang bait pa rin ng pakikitungo ng dalawang ito sa akin kahit na kumalat na siguro sa campus 'yong hate sa akin.
Gusto kong humindi at magsinungaling na kaya ko namang mag-isa dahil pakonti-konting kumakalat ang takot sa aking sistema. Paano kung may masama rin silang gawin sa akin kapag nakuha na ang loob ko? Paano kung may pinaplano pala silang ipahiya ako kaya ang bait nila ngayon sa akin?
Gano'n naman kasi silang lahat. Kukunin nila ang loob mo tapos kapag nahulog ka na sa patibong... ikaw na naman ang kawawa.
Napaiwas ako ng tingin. Gusto kong tumanggi at mapag-isa na lang. Gusto kong umuwi dahil biglang sumama ang pakiramdam ko... pero nang muli kong nilingon ang dalawa ay may pag-aalala sa kanilang mga mata. Mukhang gusto pa nila akong kumbinsihin pero nagpipigil dahil hindi ako makasagot o makagalaw man lang.
"S-Sige," tipid kong sagot. Naginhawaan sila na akala mo ay kanina pa nagpipigil ng hininga.
I was never the open book type of person that anyone could read whenever they'd want to. I had always been secretive about myself.
I couldn't even write about my life in school activities. I couldn't fully open up to others. I could try to tell a part or two about it, but I'd always end up not telling the entire story. It was as if it's a danger zone that's highly prohibited to come close to.
Laging may natitira pa ring parte sa likod ng isip ko na kinatatakutan kong ibahagi sa iba. Takot na baka husgahan nila ako at hindi maintindihan. Takot na baka kapag nalaman nila... masira na naman ako.
Maybe it was the trust issue I developed during my childhood. Maybe it was because I grew up only with my mother, without no one's help. I thought I could independently carry it all so I ended up keeping everything to myself. I was too self-centered that I unconsciously hurt others for my benefit.
What a horrible person.
I could feel my hands getting cold and sweaty as we continued to do the activity. Why was this running inside my head at this time of the day?
I wanted to get rid of the thoughts disturbing me, but it was as if they had been planted on me for a long time. Ngayon lang lumaki kaya mahirap nang putulin at pigilan pa ang pagsibol.
Why was I feeling anxious in a broad daylight? No one's going to hurt me here... or maybe... mayroon: sila. Silang lahat na hinuhusgahan ako. Silang lahat na naging masama ang pagtingin sa akin dahil lang sa isang pagkakamali.
"Excuse me." Mabilis akong tumayo at lumapit sa aming guro upang pakiusapan siya kung pwede bang umuwi na muna ako.
Sinubukan akong kumbinsihin ni ma'am na sa clinic daw muna ako imbis na umuwi dahil wala raw susundo sa akin. Ayaw kong manatili sa clinic dahil wala namang maitutulong ang teacher-nurse doon sa nararamdaman ko.
Gusto kong umuwi, magkulong at mapag-isa. Gusto kong magtago kung saan walang nakakakita. Gusto kong mawala.
"Sigurado ka bang kaya mo talagang umuwi mag-isa, Mikasha?" Kaharap ko ngayon ang aming adviser na pinatawag pa talaga ng guro namin kanina para kausapin ako.
Tipid akong napatango. "Masama po talaga ang pakiramdam ko, hindi na nga po sana ako papasok ngayon. Sasakay naman po ako sa tricycle pauwi, malapit lang po rito ang bahay namin."
Sa huli ay napapayag ko rin siya. Kanina pa nakahanda ang bag ko sa pag-alis kaya mabilis ko na lang iyong kinuha sa room. Tahimik akong bumaba sa aming building at tinahak ang maaraw na daan papunta sa gate.
"Mika!" I heard Jam's familiar voice.
I looked up to where I heard the voice coming from. Kalalabas niya lang sa room nila sa first floor at bahagyang tinakbo ang distansya naming dalawa. Saglit akong huminto para pasinin siya.
Mas matangkad na si Jam ngayon kumpara noong junior high kami. Medyo mahaba na ang buhok niya at tila ba mas naging moreno pa siya ngayon.
"Saan ka?"
"Uuwi."
Kumunot ang kanyang noo. "Uuwi ka na? Aga, ha! Bakit? Masama pakiramdam mo?"
Tumango lang ako. Mas lalo tuloy siyang sumimangot.
"Ang tahimik mo naman?"
"Masama nga kasi pakiramdam ko, wala ako sa mood makipagbiruan."
"Hindi, e. Parang may iba—"
Imbis na pakinggan pa siya ay tumalikod na lang ako at naglakad na palayo. Aanhin ko naman kung may ibang makapansing may kakaiba nga sa akin? Wala rin naman silang magagawa.
Mas masakit pa nga 'yong may gustong tumulong sa 'yo pero hindi alam ang gagawin. Mas lalo ko lang nararamdamang hindi talaga ako okay dahil kahit ang ibang tao, hindi ako kayang ayusin.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marahang hablutin ni Jam ang aking kamay. Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa kanya dahil may biglang naalala.
Bata pa ako noon at ilang taon na ang nakapilas, bakit ba hindi pa rin ako makaalis sa alaalang iyon? Nakakapagod na hanggang ngayon ay madali lang para sa masamang alaalang iyon ang takutin ako. Kahit tumanda at nagkaisip na ako... kapag bumalik ang nakaraan, parang bumalik lang din ako sa dati.
"Wag mo 'kong hawakan!" I hysterically yelled at Jam and ran as fast as I could.
Tears pooled in the corner of my eyes. My vision became blurry because of the tears, but I didn't stop. Not even when the guard tried to ask me, not when Jam tried to catch up with me. I ran keeping both of my hands clasped and close to my chest.
Kumalma lang ako noong malayo na ako sa school. Huminto muna ako sa ilalim ng isang malaking puno at doon hinabol ang hininga. Pinunasan ko ang aking magkabilang pisngi dahil sa pag-iyak.
Tangina.
Bakit ba ganito ako?
Dapat okay ako, e, pero bakit hindi?
Kailan pa ba 'to nagsimula? Kailan pa ba 'to nakatago sa akin? Bakit ngayon lang sila muling bumabalik? Ayaw ko na silang maalala.
"Ouch," a girl behind me hissed when I tried to step backward.
I didn't notice her behind me at all! Akala ko ay ako lang mag-isa ang nandito dahil kanina pa naman nagsilabasan ang mga pang-umaga..
I turned around to fully face the person and to my surprise—it was Lierre, Trojan's little sister! She wore the same uniform as I did, meaning, she also studies at Higharo.
Bakit ngayon ko lang 'to nalaman at bakit... dito siya nag-aaral? Her family's wealthy enough to enroll her to big universities or a much better high school.
Lierre had this cute ribbon clipped on her hair when she glanced at me once again.
"Sorry, hindi kita napansing na sa likuran ko," marahan kong sabi.
Wala siyang sinabi pabalik pero sobrang talim ng titig niya sa akin. Palihim akong napalunok dahil naramdaman ko ang pamilyar na presensya ni Trojan sa kanya.
Siguro ay palipas na ang isang minuto nang napagpasyahan niyang umiwas ng tingin. Tahimik lang kasi kaming nagtimbangan ng tingin sa isa't isa. May kung anong misteryo sa mga mata ng batang 'to na para bang kaya ka niyang basahin sa isang titigan lang.
Inadjust niya ang kanyang bag at umaktong aalis na. Dumaan siya sa aking gilid at sinadyang sobrang lapit sa aking kaliwang tainga.
"It's okay to be sad over the things you thought you have moved on from," she whispered in a very rehearsed tone.
When an electrifying pain struck straight at my heart, I realized that the scars I had from the past had never healed all these years.
Like a seed buried in the dark, my past traumatic experiences and cruel memories grew slowly inside me. My shadow that became longer the more I exposed myself to light carried it everywhere with me.
The smiles I had shared with others were nothing but a disguise. The happiness I had during my youth was now as empty as a blank space... because deep down, I never really recovered and walked forward from where I came from.
Hindi ko na kakayaning tumagal pa sa labas dahil halo-halo na ang aking nararamdaman. Pinara ko ang tricycle na sumaktong dumaan sa pwesto ko. Tipid kong sinabi sa kanya kung saan ako bababa.
Kadalasan ay walang traffic sa ganitong oras kaya naman mabilis lang kaming nakarating sa bahay.
"Sa gate na brown na lang kuya—" nabitin ang aking pagsasalita dahil sa natanaw.
A familiar black-tinted vehicle was parked in front of our house. I ordered the tricycle driver to just drop me off in front of our neighbor's house.
I silently walked near our house after I paid for my ride. No one was waiting outside the car, but I was sure somebody was inside it.
Biglang sumagi sa isip ko si Trojan... pero hindi ba't parang imposible? Bakit naman siya mapaparito, hindi na nagtatrabaho sa kanila si mama. Hindi na kami nag-uusap at higit sa lahat, may usapan kaming lumayo na sa isa't isa. Imposibleng siya 'yan ngunit hindi rin ako makaisip ng iba kung hindi siya.
Hawak ko na ang aming gate nang biglang may malalim na boses mula sa likuran ang kumuha sa aking atensyon.
Dahan-dahan akong lumingon. Mataas na ang sikat ng araw ngayong tanghali pero hindi sapat iyon para hindi ako manlamig sa nakita.
Si Lucre Marcus Zorron lang naman ang nandito at kauusapin ako! Nakasuot siya ng pormal na mga damit ngunit walang coat at nakabukas ang dalawang unang butones ng suot na puting polo. Ang parehong long sleeves ay nakatupi hanggang siko, sobrang kinang tuloy ng gold wrist watch niya dahil sa araw.
Kaharap ko lang naman 'yong pinakatinitingalang Zorron sa lahat. Siya ang panganak nina Sir Kyer at Ma'am Olivia na halos hindi nakikisalamuha sa mga taong tulad ko.
"Magandang tanghali," bati niya sa akin pero para bang salungat ang tono sa sinabi.
"A-Ah, hello po..." I stuttered.
"Is your mother home?" walang pag-aalinlangan niyang tanong.
Medyo naibsan ang kaba ko noong napagtanto kung sino ang hanap. Si mama naman pala ang sadya! Baka pababalikin siya sa trabaho?
"Wala po siya ngayon, e, may inasikaso po."
He slowly nodded his head. His piercing eyes never left staring at me like how his youngest sibling, Lierre, did earlier.
"I see. Let her know that I'm looking for her," bilin niya at mukhang aalis na agad.
Gano'n lang 'yon? Wala man lang konting explanation kung bakit?
"Para po ba sa trabaho?" I hesitantly asked.
Tumaas ang kanyang mga kilay na para bang may sinabi akong ayaw niya. "Para sa trabaho."
Sumakay na siya muli roon sa tinted na sasakyan at nakaalis na lang sila lahat-lahat ay nanatili akong nakatayo sa harap ng aming gate.
Bakit parang... may mali?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top