Chapter 19

Chapter 19 | Ending

Una kaming sumakay sa Ekstreme Tower Ride bilang warm up ayon kay Trojan. Wala naman akong naging problema roon dahil hindi naman gaanong nakakatakot ang ride.

Literal na ihuhulog ka lang naman mula sa taas. Ano pa bang katatakutan ko, nahulog nga ako sa taong hindi ako gusto.

Ako ang may hawak ng mapa ng amusement park kaya laging dumidikit sa akin si Trojan upang tingnan kung saan ang susunod na maganda.

"Do you want here?" tanong niya sa akin at tinuro ang bandang iyon sa mapa, "or where do you want next? Kanina mo pa ako hinahayaang pumili, ikaw naman."

Mabagal kaming naglalakad sa gitna ng malawak na daanan dahil iniisip pa namin kung saan magandang sumakay.

"Wala namang problema sa akin kung saan mo gusto. Suki na ako rito mula pa noong bata ako," I said.

"Okay, then," he paused, "I want to try Air Race, but it's going to turn 360 degrees... let's just try Disk-O-Magic."

Mabilis ko siyang nilingon at sinabing, "Okay lang naman ako sa Air Race, doon na muna tayo!"

Tinaasan niya ako ng kilay at palabang sumagot, "Really? Remember what happened to you before sa Dream Twister? You couldn't even read the menu properly."

"That was before," I defended myself, "and that was the first time I ever felt weak after riding an extreme ride. Kinaya ko naman, 'di ba? Buhay pa rin ako!"

Trojan laughed, "Okay, fine. If you say so... huli nating sakyan 'yan."

"Bakit huli pa? Minamaliit mo ba ang kakayahan ko, ha?" natatawa kong tanong.

"Just in case you pass out, at least we're done riding everything," pang-aasar niya pa.

"Napaka-caring mo talaga, 'no? Hindi ka ba makaka-surive ng isang araw ng hindi nang-iinsulto?" biro ko sa kanya.

"I think it runs in our blood. My sister also loves insulting and annoying others and that includes me," sagot niya na parang litong-lito, "pero pareho rin kaming mabilis mapikon."

"Halata nga. Ang laki mong pikon," tawa ko, "napansin kong kapag naka-rebat ako sa 'yo at wala ka ng masabi pa, sisimangot ka na lang."

"That's better than cursing you," he reasoned.

I made a mocking face and told him, "Pwede mo naman akong murahin basta in a friendly way... tutal mukhang sa friend zone din naman ang tungo ko sa buhay mo."

"Uh huh? So new method mo na ngayong mang-guilt trip?"

"Hoy!" agad ko siyang hinarap para lang depensahan ang sarili, ngayon ay patalikod na akong naglalakad, "hindi ako nangg-guilt trip, okay? Sinasabi ko lang ang tingin ko. Besides, it was a joke."

"Okay, thank goodness it was a joke."

"Paasa ka lang talaga," tawa ko muli.

Hindi na siya muling nakasagot dahil hinila ko na ang kanyang kanang braso patungo sa Disk-O-Magic. Mabuti na lang at mukhang kasama pa kami sa susunod na batch.

Hindi na namin kinailangang maghintay pa ng matagal. Ayos din 'tong araw na napili ni Trojan, mainit nga lang pero mukhang okay lang kay Trojan ang mainitan.

"What were doing earlier anyway?" he asked me while we waited for our turn.

I was tying my hair in a ponytail when I answered, "Nir-review lang ang presentation namin for Entrepreneurship."

"Oh? You took ABM?"

"Oo, ikaw ba?" I asked back.

"I tried STEM..."

"Huh?" naguguluhan kong tanong, "hindi naman sa judgemental ako pero para kang naligaw na tupa."

"Same," seryoso niyang sabi.

"Gago, joke lang 'yon."

"I know," he tried to smile, "totoo namang para lang akong naligaw doon. Thank god Mia's in the same class with me. Hindi naman ako mahina sa core subjects and my grades are doing fine... I just don't see any future of me in this track."

"Oh, bakit ka kasi nag-STEM in the first place?" I confusingly asked.

"It's complicated," he dismissively said.

I stared at him for a short while and when he noticed my gaze, he irritatingly asked me, "What?"

"Ngayon mo pa sinabing complicated na parang hindi ako sanay sa 'yo," bulong ko sa kanyang tabi.

"I'm sorry you have to endure my shits, too. I swear, I'm trying to figure out things-"

"Trojan... have you ever heard of the saying: the more you force yourself to achieve greater things, the more tired you'll be?" I temporarily stopped just to check his reaction.

I continued, "I don't know what's going on with you and your family, but I've been thinking earlier that maybe they are the root of your problem. I don't know what you are feeling towards me, but please remind yourself that I never forced you to like me back. I've admired you for years now. I admit that sometimes, I wish you to return anything back to me... but I never dictated you to do so."

"Maybe your family's pressuring you but not me. Maybe they are consuming too much of your thoughts to the point you unconsciously let it affect other parts of your life," I added.

Isinawalang bahala ko ang malalakas na tugtog sa aming paligid at ang maiingay na tili mula sa mga taong nakasakay. Importante sa aking masabi ito kay Trojan para man lang mabawasan ang iniisip niya.

Ayaw kong maging pabigat sa buhay niya. Kailanman ay hindi ko hiniling na gustuhin niya ako pabalik para lang mahirapan at masaktan siya.

Bata pa kami upang malaman agad ang lahat ng bagay sa mundo at paniguradong marami pang magbabago sa mga susunod na araw... buwan... at taon.

Kung sasaya siya sa iba, tatanggapin ko naman... basta lang masaya siya.

"I just want to make it clear... that when it comes to us, it's fine to take it easy. You don't have to push yourself to the limit. Things will eventually make sense. Ako rin naman... minsan ay naguguluhan sa sarili. I just don't let my worries take over me," I told him.

He was looking only at me even when I already finished my impromptu. Hindi ko tuloy alam kung nakatulong ba ang sinabi ko dahil bigla siyang natahimik.

Pababa na ang mga naunang sumakay at handa na ang staff buksan ang maliit na gate upang papasukin kami.

"Thank you," saka lang ako nakakuha ng sagot mula kay Trojan.

"Baliw, ano ka ba? Wala 'yon. Na sa 'yo rin naman kung paano mo ih-handle ang buhay mo. Concerned lang ako dahil para kang problemadong problemado sa nararamdaman mo sa akin. Hindi mo kailangang pilitin, Trojan," I lightly stated to make him a bit better.

"Yeah, but still... thank you for enlightening me."

I jokingly poked his right cheek and teased, "Huwag ka ng malungkot."

He showed me my favorite smile of him, "I'm not sad. Your words just calmed me down."

"OA mo naman, maliit na bagay lang 'yon, Trojan. Even Pirad can say those words to you," biro ko.

"Nah, I don't open up to people..." he purposely murmured maybe for me not to hear it.

I wasn't able to respond after that because the staff already signalled us to go in. I noticed the bright expression coming from Trojan's smiles when I quickly stole a glance on him as we picked our seats.

Happiness glittered in his eyes that made me want to stare at him for a longer period of time. This wasn't his typical look or mood, I slightly felt honored to see him in this version of himself because seeing him laughing and getting excited over extreme rides was a rare sight to see.

I wonder how many people who have rode this felt relieved? That although it was frightening to try, it could still help someone be themselves.

A staff checked our seatbelts to make sure no one gets flown away.

"You nervous?" panunukso muli ni Trojan.

"Baka ikaw," tawa ko pabalik.

"Ako pa talaga, huh?" he mocked, "you're always quiet when you're nervous, that's why I asked."

Napangiti ako sa kanyang sinabi, akala mo talaga jowa, e, 'no? "Hindi ako kabado ngayon."

"Are you going to shout?" pag-iba niya sa topic.

Bahagya kong tinagilid ang aking ulo sa kanyang banda upang sana'y makausap ng mas mabuti, "Yes but not because I'm scared."

I saw him nod once and replied, "Nice! I'm going to shout, too, because I feel like it," then his lips stretched widely.

Sumaktong pinaandar na ang Disk-O-Magic nang sasagutin ko pa sana si Trojan at kahit hindi ko pa sana planong sumigaw ay napatili ako sa gulat.

Wala man lang warning, grabe!

Kaninang pinapanood ko 'to parang ang bagal lang pero ngayong nandito na ako at nakaupo, pakiramdam ko anytime soon mahuhulog ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ba kaming inikot, hindi ko nga rin namalayang tapos na! Isa-isa na silang nagtayuan at gusto ko na rin sanang umalis ngunit hindi nakisama ang mga legs ko.

Ngayon ko talaga masasabing hindi ako komportable sa ganitong klaseng rides!

"Oh? Need help?" natatawang tanong sa akin ni Trojan, "you need to stand up, Mika."

"Alam ko!"

"Bakit bigla ka namang galit ngayon?" Halos humandusay na si Trojan sa sahig sa sobrang tuwa, "can you stand up? Are you stuck or something?"

"Hindi mo ba nakikitang nanginginig ako, oh!" pinakita ko sa kanya ang dalawa kong kamay at umirap.

"Do you want me to carry you?"

"Gago, pagtitinginan tayo. Teka, susubukan ko ulit. Suportahan mo na lang ako at baka matumba ako."

Hindi kami agad naglakad patungo sa sunod naming sasakyan dahil gusto niyang kumalma raw muna ang katawan ko.

Sumang-ayon ako agad dahil tao rin naman akong nahihilo at nanghihina, ano? Gusto ko mang sumasakay sa extreme rides ay may pagkakataon talagang napapagod ako pagkatapos.

"Here, I bought water..." Trojan handed me.

Tahimik akong nakaupo sa bakanteng bench nang siya'y bumalik. Akala ko naman kung saan na 'to pumunta,
binilhan lang pala ako ng tubig.

Tahimik kong tinanggap ang kanyang biniling tubig at habang umiinom ako ay muli siyang nagsalita.

"Aren't you hungry yet? I think it's been three hours since we got here."

I gulped and asked him back, "Ikaw ba?"

I closed the bottle and just then turned my attention to him. I caught him directly staring at me. I smirked and unconsciously waved my left hand in front of his face. His eyes blinked several times as if he got paralyzed for a second.

Saka lang siya natauhan at parang nabalik sa reyalidad.

"Gandang ganda ka ba talaga sa akin at natutulala ka?" halakhak ko.

Inirapan niya lang ako at sumagot, "I'm not hungry yet, but in case you want to grab a snack, there's a hotdog stall nearby."

"Oh? Saan? Bibili ako."

"Ako na," bigla niyang singit, "my treat since I am the one who invited you here."

I made a face as I responded, "Sure ka ba? May dala naman akong pera para sa akin. Sobra pa nga 'to, e, kayang kaya rin kitang ilibre."

"Whatever, fine, buy your snack with your own money... but I'll be the one who's going to fall in line and buy it for you. Stay here and wait for me," he told me with finality.

Problema nito? Bakit biglang naging bossy 'tong lalaking 'to?

"Okay?" I said, unsure.

Ginawa ko ang sinabi niya, ayaw ko rin namang tumayo pa dahil napaganda na ang pahinga ko rito. Binigay ko kay Trojan ang perang pambili at siya na ang bumalik sa stall na kanyang tinuro.

Honestly, I still couldn't get the hang of being with him. We weren't naturally close but it amused me how I could manage to deal with him whenever we were together.

Bihira lang kaming magkaroon ng oportunidad na magkasama at madalas pa ay sa mga pagkakataong hindi ko inakala.

Sa tagal kong nagustuhan si Trojan, marami din akong napag-isip sa nagdaang taon. Kung noon ay uhaw ako sa atensyon niya at mabilis mairita tuwing may kasama siyang ibang babae, ngayon ay kaya ko ng kontrolin ang nararamdaman ko.

Kung iisipin, napakababaw ko noon. Hindi ko rin namalayan kung kailan ako nagbago pero buti na lang at mas gamay ko na ang sarili ko ngayon.

Siguro dahil alam ko na kung hanggang saan lang dapat ako sa buhay niya? Siguro dahil may parte sa aking tanggap nang kahit wala akong parte sa mundo niya? O siguro dahil ngayon, may iba na akong prayoridad kaysa sa kanya?

"I hope you're fine with brown hotdogs?"

Muntik na akong mapatalon dahil bigla siyang sumulpot sa aking tabi. Hawak na niya ang pagkaing para sa akin ngunit nakatingin siya roon na parang gulong gulo.

"Kumakain naman ako niyan," I tried to hide my chuckle, "mas gusto ko nga 'yang brown."

He leveled my eyes. "Really?"

"Oo nga, akin na nga!"

Inagaw ko na sa kanyang ang hotdog at walang sabing kumagat na roon. Sinubukan kong lingunin ang gawi ni Trojan at pigil na pigil siyang tumawa na parang nakakatawa akong panoorin.

Ano bang problema nito? Totoo namang mas gusto ko 'tong brown na hotdog kaysa sa kulay pula. Anong nakakatawa roon?

"Para kang tanga riyan," I hissed, "hindi ka pa ba nakakakain ng ganitong hotdog?"

"What?" natatawa niyang tanong, "it's not the hotdog, okay? What are you thinking anyway?"

"Ako pa ngayon?" I defensively responded, my eyebrows went up.

"I did not say anything about the hotdog."

"Pero natatawa ka."

"Why not? I'm happy so it's natural to smile?" pang-aasar pa niya.

Ako na ngayon ang umirap at nagpatuloy na lang sa pagkain. Hindi ko talaga ma-gets mood swings nito, kanina lang ang suplado tapos ngayon masaya na siya ulit.

"The weather's too hot today," I heard him comment, "I need water."

Nagulat ako ng wala sa sarili niyang kinuha ang water bottle na kanina kong ininuman. Wala namang problema kung doon siya kukuha ng tubig para inumin pero ang gago... hindi man lang nagdalawang isip!

Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang ginawa. Muntik ko pang mabitawan ang stick ng hotdog sa gulat.

Mabilis niyang ininuman ang butas ng bote! Ni hindi niya man lang nilayo sa bibig niya. What the hell?

"Bakit mo naman naisipang uminom diyan?" sita ko sa kanya, "nakita mo namang ininuman ko na kanina, ha?"

"Wala ka namang sakit, 'di ba?" nakangisi niyang tanong at muling tinakpan ang bote.

Nanatiling nakabukas ang aking labi dahil hindi pa rin ako mapaniwala sa kanyang ginawa... at sinabi!

"What? Sobra bang nakakabilib ang ginawa ko?" tukso pa niya.

Kumurap-kurap ako upang mabalik ang sarili sa reyalidad. Nang napagtanto kong mukha na akong tanga, umiwas ako agad ng tingin sa kanya.

"Just awkward," sagot ko na lang at mabilis na inubos ang pagkain.

"Why? Feeling mo hinalikan kita?" halakhak ni Trojan sa aking tabi.

Mariin akong napapikit. I was thinking of that, yes, but he didn't have to voice it out!

"Don't worry, someday-"

"Anong someday?" bayolente kong sigaw na muling naging rason ng kanyang pagtawa.

Sa mga lumipas na masasayang oras kasama si Trojan, hindi ko napigilang tanungin ang sarili kung ano ba ang nagustuhan ko sa kanya.

I was young when we first met and my heart was filled with delightfulness that night. We were in the same fancy venue like where most fairy tales and ideal love stories could happen. All I knew was it started when I got attracted to him on that moment.

But could attractiveness really deepen and transform into something more as time passed by?

Sa dami kong nalaman tungkol kay Trojan, sumagi na sa aking isip na may posibilidad talagang hindi niya ako magustuhan pabalik. Hindi ako ang tipo niya at hindi rin naming kayang manatili sa isang relasyon.

I mean, I didn't approach him to make him my boyfriend in the first place. It was because of the fleeting emotions inside me that I somehow wanted to release... but until now, I couldn't get over him.

Siguro tanga nga talaga ako dahil may parte sa aking umaasa pa rin, lalo na ngayong tila may nabubuo na siyang damdamin sa akin. Gano'n na ba ako kababa, na kaya kong makuntento sa tira-tirang atensyon at manatili sa hindi siguradong tao?

Sinabi ko sa kanyang hindi niya kailangang pilitin ang sarili pero sa likod ng aking mga salita ay may katanungan: paano naman ako?

Inisip ko ang kasiyahan niya pero paano ang akin?

Kasalanan niya ba kung hindi na siya kailanman dadating? O kasalanan ko dahil pinili kong maghintay?

Ang gulo... at sa bawat pilit mong intindihin, mas gumugulo. Ito na nga siguro ang sinabi sa akin ni mama, na dapat may limitasyon... pero na saan ba ang hangganan? Paano ko ba malalaman kung kailan dapat na akong tumigil?

Tahimik akong nakatayo sa labas ng souvenir shop na aming binisita. Napagdesisyunan kasi naming huling sumakay sa Jungle Log Jam bago kumain ng dinner kaya naparito kami upang bumili ng extra shirts. Si Trojan ang na sa loob at nakapila, ayaw niya akong makisingit pa sa loob dahil nga basa ang itaas kong damit.

I hadn't checked the time yet but by observing the mixed colors of the clouds and how the sky slowly turned darker, I knew nighttime was about to come.

I suddenly remembered what my tiny fingers were holding: a printed photo of us two taken before we got send off the Jungle Log Jam. Trojan sat in front while I was behind him. The crew ordered us to smile at the camera to capture our faces.

Looking at it now, I didn't expect this would turn out good. My eyes softened as I closely looked at it. The excitement we felt earlier was shown in the photo. We both had genuine wide smiles plastered on our faces and our eyes sparkled due to sunlight.

"Here," Trojan appeared beside me.

I quickly hid the photo behind my back and took the shirt he bought and handed to me.

"Is that our photo?" he smirked.

"Oo. Tara na, magbihis na tayo. Ang awkward ng basa ang damit!" I changed the topic.

"Okay but let me see the photo, too!"

"Mamaya na!" I laughed, "baka hindi mo isoli, e."

"Ikaw ba ang magtatago?" he asked, confused.

Bakit? Gusto niya rin bang itago? Isang kopya lang kasi ang binigay at inakala kong wala siyang interes dito kaya inisip kong ako na lang ang mag-uuwi.

"Kung ikaw naman ang magtatago, okay lang... so let me see it first!" He tried to snatch the photo from me so I didn't have any choice but to let it go.

I jokingly rolled my eyes and started to walk. When I didn't feel him beside me, I turned around to check where he was. He was almost a meter behind me and was walking slower because he was staring at the photo with full attention.

Behind him was an astonishing scenery of the sun setting down. His silhouette fitted perfectly like a final jigsaw puzzle piece. It was as if the skies intentionally made this ending beautiful and a little bit better for the both of us.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top