Chapter 15
Chapter 15 | Visit
Ngayon lang ako nagpasalamat dahil nagkasakit. Hindi ako madaling daluyan ng sakit ngunit kapag naman mayroon ay malala na minsan pakiramdam ko hindi na ako makababangon pa.
My mother already sent my excuse letter for the rest of the week stating that I couldn't attend the prom this Saturday due to high fever. I didn't bother knowing the school's response, heck, I literally had no energy at all to think.
I chose to rest for the previous days, I felt like I overworked myself too much both physically and mentally or maybe it was just due to stress.
Mom's been working at home because she didn't want to leave me alone in this condition. She helped me to immediately heal which I genuinely appreciated. She even slept inside my room just to keep an eye on me... but mom never asked why I cried that day.
Sabado ng umaga, tuluyan nang gumaan ang aking pakiramdam. Kahapon pa naman naging maayos ang kalagayan ko ngunit ayaw pa ni mama na gumalaw ako ng todo at baka raw mabinat.
"Mikasha, ang tigas talaga ng ulo mo!" my mother worryingly yelled.
Tumawa ako upang ipakitang magaling na ako, "I'm fine na nga, ma! Tumayo lang ako para masabayan kitang mag-almusal."
"Ang sabi ko, dadalhin ko na lang ang almusal mo sa kwarto—"
"E ayaw ko na roong kumain, ma. Saka okay na nga ako, malakas na ako ulit! Hindi na mabigat ang pakiramdam ko," pamimilit ko ngunit nanatili siyang masama ang tingin sa akin.
"Oh sige, hindi na lang ako masyadong gagalaw ngayong araw kahit okay na ako."
She was glaring sharply at me as I walked near our dining table. Para bang nagdududa pa rin siya kahit pa totoo naman ang sinabi ko. Alam ko namang malala akong magkasakit pero alam ko rin kung kailan maayos na ang aking pakiramdam.
"Okay na talaga ako, ma. May panlasa na nga ako ulit saka hindi na masakit ang ulo ko, nakaligo na nga akong mag-isa kahapon," kalmado kong sabi habang nagsasandok ng aking kanin.
Saka lang si mama gumalaw at nagsandok na rin ng kanya. Nakangiti akong umupo sa aking silya na kanya ring sinundan. Ilang segundo pa akong naghintay ng maaaring sabihin ni mama ngunit sa huli'y wala na siyang nasabi.
Tahimik kaming kumain sa mga naunang minuto at tanging pagtunog lamang ng kutsara sa plato ang maingay. Hirap na hirap akong palabasin ang catsup mula sa bote nang biglang kumibo si mama.
"Mikasha," seryoso ang kanyang tono nang ako'y tawagin.
"Luh, serious 'yan?" pabiro kong sagot.
"When I passed your excuse letter sa school mo, I tried to ask them about your performance. You know I ask you often, too, right?"
Tipid akong tumango at muli siyang nagpatuloy, "Pero malay ko ba kung nagsasabi ka ng totoo sa akin. You always say that school's fine, your subjects are okay... as your mother, I want to know more pero hindi ko rin ugaling pilitin ka upang magkwento sa akin."
Pansamantala akong natigil sa paggalaw at tinitigan na lamang ng aking mga mata ang lamesa.
Hinayaan ko si mama na muling magsalita, "Ang sinabi sa akin ng paaralan, maganda naman ang performances mo pero nitong mga nakaraang araw ikaw daw ang usapin sa campus."
Bigla akong napahiling na sana bumalik agad ang sakit ko, as in now na. Bukod sa nakakahiyang pag-usapan ay mahirap magtago kay mama. Siyempre, nanay ko 'yan. Hindi na ako magugulat pa kung may lie detector pa siyang hinanda para mahuli ako.
Her whole face was painted with confusion as she said, "Nagulat ako dahil parang artista naman ang anak ko. Inisip ko noong una na baka marami ka lang talagang naging new friends kaya ka pinag-uusapan o dahil nga magaganda ang performances."
I couldn't keep my laughter anymore, I roared out a sequence of loud laugh as mom added, "Tapos noong sinabi sa akin ng adviser mo kung bakit, nagulat ako. Literally! My eyes almost got out of my body when I heard the reason behind!"
"Ma naman, parang ewan. Ang seryoso kanina tapos ngayon—"
"Ikaw ang parang ewan, Priscilla Mikasha!" she accused me that made me laugh more, "ang taas din talaga ng pangarap mo, ano? Talagang anak pa ng boss ko?"
"Grabe, ma! Why do you sound like I murdered someone?"
"Ikaw ba namang malaman ang rason kung bakit chismis ng taon ang anak, hindi ka ba maloloka?" she exaggerated.
Gusto ko sanang uminom ng tubig dahil parang nanuyo ang aking lalamunan katatawa. Siguro kung ibang nanay na 'to, sermon ang inabot ko. 'tong nanay ko parang tropa ko lang kung mag-react, walang sense 'yong kaba ko kanina—fake news lang pala.
"Now, I want to know the truth. Ang sabi ka-partner mo si Mikael sa prom but you aren't attending later, tama?"
"Oo, ma, hindi na ako dadalo mamaya," simple kong sagot.
"Sino bang unang nagyaya sa inyong dalawa? Ikaw?"
I answered her, offended, "Tingin mo talaga, ma, gano'n ako kapatay sa kanya? Siya naman ang nag-first move noon, ma!"
"Totoo bang may gusto ka raw sa kanya?" walang prenong tanong ni mama.
Hindi ako agad nakasagot.
Ano ba? Nahuli na niya ako pero nahihirapan pa rin akong sabihin. Dapat pa ba talagang lumabas sa mga labi ko? Halata namang sinadya ni mama na kausapin ako sa ganitong paraan para komportable akong makasagot... pero parang hindi kasi tamang aminin ko na lang bigla.
Besides, I'd been thinking for the past days to finally cut off my foolish feelings toward him.
"Anak nga talaga kita... ambisyosa 'to," she commented when she realized my answer.
I let out a tiny chuckle and didn't say anything after. I grabbed my glass and poured water inside it. I was drinking when mother asked me again.
Parang hindi na tuloy siya mapakali nito.
"Kailan mo pa gusto si Mikael? Siya ba 'yong tinutukoy mo noong sinabi mo sa aking may nagugustuhan ka na?"
I gently wiped off the damp on my upper lip before I dismissively answered, "Hindi na importante kung kailan, ma... at oo, siya nga... pero hayaan mo na 'yon."
"Oh, bakit ganyan ka ngayon sumagot?" she pointed out, intrigued, "dahil din ba sa kanya kaya ka umuwi noong luhaan?"
I tried to stretch out a smile, "Yes... but it doesn't matter. I'm over it. Typical one sided relationship lang naman, ma. Hindi lang naman ako ang unang nakaranas nito. He doesn't like me, umasa ako sa wala. Kaya ngayon, move on na."
"I doubt it," natatawa niyang sabi.
"Wala man lang support, ma? Gusto mo ba akong manatiling tanga?"
A side of her lips rose as if mocking me. She didn't immediately answer yet I waited. Para kasing may gusto siyang sabihin ngunit pinipigilan niya lamang ang kanyang sariling ilabas iyon.
"Don't worry, ma... I mean it. Maybe getting over him is quite challenging, but I mean it when I say it's over. People love to take advantage of chances and soft hearts who keep on giving. Trojan doesn't owe me anything and it isn't his fault that he doesn't like me. Ngayong tanggap ko na ang katotohanan, hindi na ako muling magbibigay pa ng tsansa para sa amin," I randomly muttered.
Ramdam ko ang titig sa akin ni mama nang muli akong nagsalita, "Hindi niya ako type? Then go on and date others. Hindi niya ako gusto? Okay, e 'di don't. Bakit ako maghahabol? Ginamit niya lang ako para matigil na ang issue niya sa ex niya? Gago siya for that kaya ekis na siya sa 'kin."
I glanced at my mother because I wanted a reaction from her. She was finishing her plate already. Nakinig lamang siya at mukhang hinintay lang akong matapos bago siya muling magsalita.
"Mikael's easy to like," mom babbled out of nowhere, "actually... anyone's easy to like, especially when your feelings take over. I admit that Mikael's smart and handsome, but it's still early to develop such commitment on him, Mika."
"That's why I asked you earlier... kailan mo pa siya gusto? I don't want you to end up not considering someone else just because you devoted yourself early to the wrong person."
Nahimigan ko ang mas malalim na pinahihiwatig ng aking ina. Hindi niya ito madalas ikwento sa akin dahil ayaw niya rin mismong pag-usapan. I never bothered to start this topic as well because she seem conflicted everytime about it.
Ako na lang din ang nakahalata na mula noong lumayo kami kay papa para sa aming ikabubuti, hindi na siya muling nag-abala pang magmahal ng iba. Mom did the right decision which was to leave his territory, but that didn't erase her love for him.
"I know, ma," I smiled again, "totoong magm-move on na ako. Ang taray, 'no? Move on talaga, akala mo naging kami."
Mom just laughed at my statement as she stood up and approached me. I let her right palm check my temperature so that she'd finally believe that I was already feeling well.
"Ma'am Olivia's asking me today to go to work..." she trailed off, "kaya mo na ba talagang mag-isa rito, Mika?"
I immediately nodded to assure her, "Oo, ma. Hindi naman ako lalabas, dito lang ako."
"Siguraduhin mo lang, Mikasha. May malaking private event kasi ngayon sa Troyen," mom informed me, "and ma'am Olivia's having a hard time without me physically present there."
"Okay lang talaga, ma... oh! By the way, can I invite my friend over?" tanong ko nang naalala ang mensahe sa akin ni Reon noon.
She said she wanted to visit me, but that time I had no energy to entertain anyone. Hindi ko pa siya nasasagot pero tingin ko naman ay hindi busy ang babaeng iyon ngayong Sabado.
Mom's eyebrows moved upward as she asked, "Sino naman? Si Ji?"
"Ah, hindi... si Reon sana, ma. Siya iyong kinukwento ko sa 'yong seatmate ko."
"Oh, sure! Invite her over. Pwede rin siyang mag-overnight kung gusto niya. Pakiramdam ko kasi ay magtatagal ako sa event," mom joyfully answered, "at least you'll have someone while I'm away."
Afterwards, we proceeded to our own agendas for today. Inuna kong ligpitin ang pinagkainan namin at habang naghuhugas ng mga pinggan ay pinag-iisipan ko na kung ano ang mga magagandang panoorin ngayon.
Nang natapos ako sa paghuhugas ay tahimik kong tinahak ang aking kwarto upang kunin ang cellphone. I walked toward our living room while I manipulated my device.
My body bounced once as I sat on the soft brown couch, I unconsciously grabbed the nearest square pillow beside me and placed it above my thighs.
I immediately clicked the call button after I opened my conversation with Reon. It was ringing the moment I called, but a minute passed and she didn't answer. My brows almost met when my first call attempt ended. I immediately tried again and wished that she could finally notice my call.
"Hello, Mika?"
Muntik pang madulas sa kamay ko ang aking phone nang bigla siyang nagsalita sa kabilang linya.
"Hello, Reon!" maligaya kong bati, "sorry pala at hindi kita agad nasagot noong nakaraan. Ang taas kasi ng lagnat ko."
"It's fine. Nagduda pa ako noong una na baka fake lang ang reason mo... but then I realized, why on earth would you make it up? You dreamed attending the prom with your longest crush," she sounded confused.
I chuckled a bit, "Free ka ba ngayong araw? You can come over our house, then I'll you the tea."
"Okay ka na ba?"
"Oo, magaling na ako. Ano, punta ka?"
"Ngayon na?" she panicked, "wala naman akong ginagawa pero wala kasing available na driver sa amin."
"Mag-commute ka?" I suggested.
"I don't know how."
I rolled my eyes over as I brushed my hair using my left hand, "Right, rich kid problems."
"Wait, I'll call my mother to send back a driver. Sabihan kita kapag papunta na ako sa inyo. Please send me your address pala. By the way, is your mother home? Ang awkward ko pa naman sa parents."
"Aalis siya ngayon pero alam niyang pupunta ka rito. Pwede ka rin palang mag-overnight kung gusto mo," I told her.
"Talaga? Hindi naman ako mamamatay sa gutom kasama ka, 'no?"
Natawa ako sa tanong ng kaibigan, "Marunong naman akong magluto pero huwag mo 'kong gawing yaya. Magdala ka ng personal maid mo kung gusto mo rin."
"Baliw, I don't have a personal maid. Anyway, I'll drop this call na to ask my mother."
"Okay! Excited na ako!" I rejoiced.
"See you in a bit," she said before finally ending the call.
Nang natapos ang tawag ay agad kong tinipa ang aming address at ni-send sa kanya. Sunod ko namang pinaki-alamanan ang aming living room television upang mamili ng mga palabas na pwede naming panoorin mamaya. Alam kong mahilig sa crime si Reon pero wala ako sa mood upang manood ng gano'n.
I was quietly scrolling through Netflix's home page when mom came out from her room on the second floor. She was slowly descending down the stairs as she asked me.
"Natanong mo na ba ang kaibigan mo, Mika?"
"Yup, she'll inform me na lang once she's on the way," I simply answered.
Mom wore her usual office attire, but the elegant long black dress she was struggling to hold bothered me.
"Formal event?" I asked out of nowhere.
"Yup, kaya mahabang gabi iyon. Ma'am Olivia actually wants me to bring you, but you just recovered so no."
Naintindihan koi yon kaya hindi na ako nagpumilit pang sumama. Besides, there would be a bigger chance to see him there at the event. Formal at private ang event so probably it could be quite similar to a family gathering or celebration ng mga Zorron.
"Enjoy," parang tanga kong sabi.
Natawa si mama sa aking sinabi, "Why do you sound bitter all of the sudden?"
"Hindi naman, ma," I loosened up a bit.
"Oh siya, mauuna na ako. Don't forget to lock the gate and doors, Mika."
"Yes, ma'am!" pabiro kong sagot.
Tumayo rin ako upang isara ang aming gate sa paglabas ni mama. I waved goodbye and even jokingly sent a flying kiss. Nang na sa loob na ng aming sasakyan si mama ay pumasok na rin ako sa aming tahanan. I locked the door and decided to take a bath.
Habang na sa banyo ay nag-ala Regine Velasquez ako. Aminado naman akong hindi gano'n kaganda ang boses ko kaya nga sa banyo lang ako nagiging singer. Ewan, para kasing napapaganda ng echo ng banyo 'yong boses ko.
Ngayon ko lang na-realize kung gaano pala naging ka-boring ang buhay ko mula nang lumipat ako sa Syru. Nag-aaral naman ako noon pero hindi tulad ngayong naging sobrang studious ako. Never naman akong ni-pressure ni mama sa pag-aaral ko, tanging ako lang 'tong nabigla sa students ng Syru.
Noong inobserbahan ko kasi si Trojan parang ang chill niya lang. Hindi ko agad naisip na ito na 'yong nakalakihan nila kaya't sanay na sila. I underestimated them too much.
Tamad akong bumalik sa aming sala at hinayaan ang katawang bumagsak malambot na sofa. Muli kong binuksan ang aking cellphone upang tingnan kung may mensahe na ba muli si Reon.
She still hasn't messaged me so I decided to send, "Balita?" to get an update.
I exited our conversation and my finger unconsciously clicked Facebook. I was scrolling through my newsfeed as my other hand was busy combing my hair. May nadaanan tuloy akong post ng kaklase na tungkol sa gaganaping prom mamaya. Hinayaan ko na lang iyon at sinubukang kalimutan.
Para naman akong inaasar ng tadhana dahil ang mga sumunod ko pang nakita ay tungkol pa rin sa prom. Iritado kong ni-refresh ang feed upang mawala na ang mga epal na posts sa aking paningin.
Then out of nowhere, a part of my mind was whispering me to search for his name on the search bar since checking his accounts became my daily routine already.
Nitong mga nakaraang araw ko nga lang hindi nagawa dahil may sakit ako. Ngayong inuutusan ako ng aking sarili na gawin, parang gusto ko na lang muling magkasakit.
I was staring at the search bar for too long now. I was still torn between should I or should I not. Kung is-stalk ko naman siya'y hindi niya malalaman.
Oo, sinabing kong magm-move on na ako pero it takes time naman. Hindi naman dahil sinabi ko ngayon ay literal na ngayon din ako makaka-move on.
"Putangina, Mika," I cursed myself, "ang dami mong rason."
In the end, I forced myself not to do it.
Ang laking achievement.
Padabog kong nilapag ang aking phone sa gitnang lamesa at agad hinablot ang remote na katabi nito.
"Huwag mong ugaliing maging tanga, Mika," I foolishly reminded myself.
Para talaga akong tangang naghahanap ng pwedeng panoorin habang hinihintay ang sagot ni Reon. Paulit-ulit ko ring binibigkas ang bago kong mantra.
Sa huli'y napagdesisyunan kong panoorin ang Korean movie na Along with the Gods. Mahaba ang film at may kasunod pang parte kaya sigurado akong makatutulong 'to as a distraction.
I unexpectedly got hooked on the movie. I had a lot of questions from the start and I couldn't take my attention off it because I badly wanted to know everything behind the character's life. I tried to quickly check my messages if Reon already from time to time but there was none.
Nang na sa falling action na ako ng movie, hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Hindi talaga pwedeng hindi ka maiyak sa kahit anong Korean drama or movie.
Fantasy na ang genre nito pero nagawa pa rin nilang magpaiyak. I constantly wiped off the unstoppable tears as I read the subtitles. Sobrang multi-tasking pero ang satisfying.
"Next na, next na!" I chanted when the first movie ended.
Mabilis kong ni-play ang sumunod at hindi na inisip pang mag-bio break o kumuha man lang ng pwedeng kainin. Iiyak din naman ako kaya anong point ng pagkain? Madudungisan lang ako.
My mind was now making silly theories. Ayaw ko sanang mag-isip pa dahil kaya nga ako nanonood ay para mawala ang stress. Parang mas na-stress tuloy ako!
I was so into the movie to the point I didn't immediately hear someone was pressing our house's doorbell!
"Gaga, nandito na yata si Reon," I hissed to myself.
Mabilis kong ni-pause ang movie at hindi na tiningnan pa ang phone. Tinakbo ko agad ang aming pinto upang lumabas, hindi na ako nakapagsuot pa ng tsinelas dahil sa pagmamadali.
"Hoy, sorry!" sigaw ko kay Reon habang ang tingin ay na sa mini shoe rack at pumipili ng pwedeng tsinelas na suotin, "kanina ka pa ba?"
Agad kong sinuot ang puting sandals ni mama at saka lang tuluyang hinarap ang bisita.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita. Hindi ko alam kung tama bang pagbuksan ko siya at papasukin.
Bakit naman siya pupunta rito? Wala naman ang mama ko at ang mama niya rito ngayon! Ano, trip niya lang? Wala siyang magawa sa buhay niya?
"Are you just going to stand there?" masungit at naiinip na tanong ni Trojan sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top