Chapter 10

Chapter 10 | Presence

I spent the first month of my summer with my mother travelling around Luzon. Iyon lang din daw kasi ang kinaya ng leave niya at ayos lang naman sa akin.

We went to Laguna, Cagayan and Ilocos Sur and took a lot of pictures together. Mas napadali na nga ngayon ang road trips namin dahil may bagong sasakyan si mama.

Noong may sapul si mama sa utak, ako ang pinasubok niyang mag-drive! Ako naman 'tong curious ay pumatol. Hindi naman kami naaksidente at nagulat pa nga ako dahil ang bilis kong natutunan ang basics na tinuro ni mama.

Huli sana naming destination ang Bicol because we both wanted to see Mount Mayon hindi lang sa picture but sadly we had not enough time.

After ng bonding namin ni mama, si Jijinia naman ang sumunod kong kasama noong summer.

Isang linggo akong tumira sa kanila at kung ano-ano lang naman ang ginawa namin doon. We baked or more like almost burned their kitchen, we binge watched movies, played with their pets at one time nasama pa ako sa isang family outing nila!

Nakakaloka!

Jijinia's mother was fond of theater arts so sinama nila ako noong nanood sila. I thought the show would bore me but I actually found myself interested in it.

"Mika, tama na pagp-picture!" suyaw sa akin ni Jam na na sa gilid ng pool.

Binaba ko ang aking phone upang sinagawan din siya pabalik nang biglang hinablot naman ni Nicholas ang phone ko at tinulak ako ni Loui upang mahulog sa pool.

"Mga gago!" sigaw ko nang nakaahon.

Natatawa silang tumalon sa tabi ko. I splashed them water using my hands, gusto ko pa sanang lunurin si Loui dahil grabe 'yong pagtulak niya sa 'kin!

"Saan mo nilagay phone ko, Loui?" tanong ko nang nakalapit siya sa akin.

"Nilagay ko sa bag mo, nandoon naman si mama," he answered.

"Saan na si Ji?" Jam asked me when we went near him.

"Hayaan niyo, susunod din 'yon," I told them.

First time kasi ni Ji magsuot ng hindi rash guard at kanina habang na sa banyo kami, sobrang kinakabahan siyang magpakita. Okay naman katawan ni Ji pero gets ko rin kung sa una'y hindi siya komportable.

Pareho kaming naka-swimwear shorts at bra lang, hindi naman talaga ito sana 'yong susuotin ko pero gusto ko siyang suportahan kaya nagganito na rin ako.

"Nasubukan niyo na ba 'yong mahabang slide?" I asked them.

"Hindi, sabay-sabay nga sana tayo, ang tagal lang ni Ji," Nicholas answered.

To be honest, biglaan lang talaga 'tong pa-swimming ni Loui. Isang linggo na lang bago ang pasukan nang bigla siyang nagyaya.

Kasama namin ang parents ni Loui at iilang family friends nila ngayong araw. Hapon ang napagpasyahang oras at overnight para hindi kami masunog sa arawan.

"Ayan na, oh!" turo pa ni Loui sa banda ni Ji.

"Nice one!" sigaw ko para hindi na siya mahiya, "sexy naman!"

"E 'di wow, Mika!" Ji shouted back.

Lumangoy kami papalit sa kanyang banda lalo na nang dumating bigla ang mama ni Loui sa likod ni Ji.

"Ahon muna kayo, mga anak! Picture-an ko kayong lahat!" she announced.

Syempre ako ang pinaka-excited sa picture taking. Sumunod na umahon ang tatlong bugok at nang lumapit si Ji sa amin ay pinuri pa namin siya muli.

"Wait, tita, hindi pa basa si Ji!" I laughed.

Mabuti na lang at hindi pa tuluyang nakaahon si Jam kaya siya ang nag-splash ng tubig kay Ji. Tawa kami nang tawa kasama si tita lalo noong sinubukan pa ni Ji itulak si Jam pabalik sa pool.

"Isa pa!" sabi ni tita after ng ilang minuto naming pagp-picture.

"Limang minuto na tayong nagp-picture, ma!" reklamo ni Loui.

"Sa phone naman ni Mika, alam ko namang mahilig si Mikasha sa ganito," she said.

"Ang supportive talaga ni tita," na-touch kong sabi.

After ng iilan pang kuha ay nilubayan na kami ni tita. Muling tumalon ang tatlo at nagkatinginan kami ni Ji.

"Mags-swimming ka na?" I asked.

She lent her right hand and said, "Oo na akin na. Picture-an muna kita."

Napahalakhak ako dahil kilalang kilala na talaga ako ni Ji. Una kaming nag-photoshoot doon sa bridge sa gitna ng malaking pool tapos sumunod niya akong kinunan sa gitna ng dalawang palm trees malapit sa wave pool.

"Ang gaganda!" puri ko nang tingnan ang mga kuha niya sa akin.

"Maganda ka, e," she teased.

"Ano ba?" tawa ko, "small thing."

"Small thing?" she chuckled.

I translated, "Maliit na bagay!"

"Daming alam, Mika."

Halos isang oras din pala ang ginastos namin para lang sa mga pictures ko. Naabutan ko si Loui na lumalangoy sa ilalim ng bridge.

Nakabukas na ang mga underwater LED lights at manghang mangha ako roon sa ilaw sa ilalim ng bridge.

Dahan-dahan akong bumaba sa pool habang nakataas ang kaliwang kamay kong hawak ang aking phone.

"Tangina, Mika, talagang buwis buhay ang picture taking mo!" natatawang puna ni Loui nang nakalapit na ako sa kanya.

Pareho na kaming na sa ilalim ng bridge at magkaharap.

"Ang ganda rito, e. Patuyuin mo nga 'yang kamay mo para ikaw ang mag-picture sa 'kin," pabiro kong utos.

Ang bobo naman, wala sa sarili niyang pinahid ang dalawang kamay sa shorts niyang nakalubog sa tubig. Nang na-realize niya ang ginawa, napahalakhak na lang siya.

"Halika na nga lang dito, picture tayo!" yaya ko na lang.

We took several photos together. Favorite kong picture namin iyong magkadikit ang pisngi naming dalawa at nakapalibot ang kanang braso niya sa balikat ko.

Naka-peace sign ang kanang kamay niya sa ibabaw ng balikat ko habang malalaki ang aming mga ngiti. Kulay blue pa ang sumaktong ilaw sa larawan naming dalawa.

"Balik muna ako sa cottage baka luto na ang barbeque," paalam niya sa akin.

"Sama na ako, sabay na tayo."

We went back to the cottage together without damaging my phone thankfully. Tama nga si Loui dahil pagdating namin, hinahain na ang barbeque.

"Kakain ka na rin ba, Mika?" Loui asked me.

"Oo pero kayo na maunang kumuha," I answered and tapped Facebook.

"Kunan na rin kita," he informed me, "halimaw pa naman silang kumain."

I laughed, "Go lang!"

I added on my story our photo together with a caption, "Happy birthday Loui mah boy". I took a photo of my dinner din upang isend kay mama na kumain na ako.

Loui and I were quietly eating our foods when the three came and asked annoyingly why we didn't call them earlier.

Nagbabardugalan silang lahat nang biglang may napansin akong notification from Messenger.

I took a glance if it was only my mother but when I fucking saw Trojan's name, I panicked!

Putangina.

Simpleng message lang mula sa kanya, nae-excite na ako. Ilang lalaki na nga ang naka-usap ko noon pero hindi naman ganito!

Trojan Zorron
Active Now

Trojan replied to your story
I thought no boys?


Lord!

"Problema mo? Bakit ka nangingiti bigla?" puna ni Jam, "may kalandian ka na naman, 'no!"

Humalakhak lamang ako, bahagya pang nanginig ang aking mga daliri habang nagtitipa.

Hindi tuloy ako maka-focus sa pag-type dahil lahat sila'y tinutukso na ako at gustong malaman kung sino.

"Huwag nga kayong magulo! Hindi ko 'to kalandian, okay? Si LOML ang kausap ko."

"LOML?" takang taka nilang tanong.

"Love of my life!"

Nagsitawanan kami dahil doon.

"Tangina, Mika, in love ka ba?" Nicholas worriedly asked.

"Anong klaseng himala 'to?" gatong pa ni Loui.

"Hoy, Mika, sino 'yan? Wala kang sinasabi sa aking ganyan!" reklamo ni Ji.

I stick out my tongue, "Bahala kayo, hindi ko sasabihin."

"Siguro taga-Syru kaya gustong lumipat," hula ni Jam.

Tinawanan ko na lamang sila at nag-reply na kay LOML.

Mikasha Duran:
Di naman yan taga-Syru????

Trojan Zorron:
I clearly said before that "Don't entertain boys" so meaning boys in general???


Bwisit na question marks 'yan, nakaka-fall.

Mikasha Duran:
Pero sabi mo rin this school year pa

Di pa naman po pasukan ssob

Trojan Zorron:
Okay

Mikasha Duran:
Okay???

Saka kaibigan ko 'yan

Alam mo namang mahilig akong mag-pic kasama friends

May pic din naman tayo together sa phone mo, ha? E 'di i-my story mo rin kung miss mo na ako hehe


"Ano 'yon bakit ako may nabasang miss mo na ako?" maisyung tanong ni Loui na sumilip pala sa phone ko!

"Hoy!" natatawa kong sita.

"Nakita mo pangalan?" tanong pa ni Ji.

"Hindi, e," nanghihinayang pang sagot ni Loui.

"Ano ba? There's nothing going on. Tinutukso ko lang 'yon, parang 'di niyo naman ako kilala," I told them so that they won't think of it too much.

Mabuti na lang at pagkatapos ng iilan pang mga tukso ay kinalimutan na nila ang topic. After we ate dinner, we tried singing at the rented karaoke alternatively.

Bago pa man masira ang speaker dahil sa mga boses namin, napagpasyahan naming pumunta sa wave pool. Every after one hour lang daw kasi iyon pinapagana.

Excited kaming lahat para sa mga alon at lahat naman kami'y marunong magsilangoy. Kami lang tuloy ang na sa pinakaharap ng wave pool noong nagsimula.

Nakatatawa nga kasi namali si Nicholas ng talon kaya imbis na lumutang siya ay lumubog tapos pag-ahon, biglang naubo. May paparating pa namang muling alon no'n kaya grabe, nabugbog talaga si Nicholas na mas lalong nagpasaya sa gabi namin.

Bandang one na ng umaga nang napagpasyahan naming mauna na sa pag-uwi. Loui's mother promised our parents to drive us home after kaya kasalukuyang na sa daan kami ngayon pauwi. Our houses weren't that far from one another naman.

Lahat kami ay pagod ngunit walang gustong matulog.

"Tulog ka muna, Jam, namumungay na mga mata mo," pangdidimonyo ni Nicholas.

"Manahimik ka riyan, minion," tukso pabalik ni Jam.

Paano kasi, biglang nagkasipon si Nicholas after noong nangyari sa wave pool kaya ayan, tawag sa kanya ni Jam ngayon ay minion.

Ayaw kasi naming makunan ng stolen photos na tulog. Mahirap na, aba, baka gamitin pang blackmail! Mabuti na lang at nagbardugalan muli silang dalawa upang hindi gaanong tahimik sa sasakyan.

I busied myself posting photos of us and after that, I scanned my friends' stories to keep myself awake.

Hindi ako madalas mag-pause in one particular story so when I realized I missed Trojan's story, agad akong pumindot sa left screen ng aking phone upang balikan.

Iisa lang naman ang laman ng kanyang Facebook story and I knew he wasn't used to sharing his day on social media. When I realized what his story was, hindi ko napigilang ngumisi at kiligin na parang uod na binuhusan ng asin.

"Kachat na naman niya 'yong LOML niya," parinig ni Loui.

"Inggit ka? Wala ka lang baby, e," I said back.

Mirror shot namin ni Trojan iyon. Noong na sa restaurant kasi kami the last time we met, may malaking magandang mirror sa wash area. He was taking his mirror shots when I barged into the picture. Late niyang nakitang nakasama pala ako sa gilid niya.

But in this photo, I was the one holding his phone. I remembered he went at my back to hide himself behind my head. Pareho tuloy kaming half lang ang mukha at medyo dark dulot ng flash.

Kanina pa pala niya 'to ni-story kaya for sure marami na rin ang nakakita. Ganda ko lang talaga sa part na 'yan.

Gusto ko mang mag-reply at landiin siya ay pinigilan ko ang aking sarili. Baka mamaya ini-expect niya talagang papatulan ko 'to, ako pa ang tuksuhin no'n buong gabi. Nakaiirita pa naman kapag siya ang nang-iinis.

It seems like only yesterday when everything happened.

I was now standing in the middle of Syru's campus because I clearly had no idea which building I should go to. Dahan-dahan ko pang inisa-isa ang names ng buildings dahil hindi ko naman natandaan ang mga ito. Syru's hella big.

When I finally saw the same name of the building written in my admission slip, sunod ko namang problema kung na saan ang classroom ko.

I was busy looking for my room when I noticed people gossiping about me. At first, I didn't want to assume that I was their topic, I literally just got here! But then I overheard someone saying my name and asking the girl next to her if it was really me.

Bigla akong na-anxious. Grabe. Hindi naman 'to nangyari sa akin kahit noong na sa public ako, siguro dahil doon ako sanay. Dito kasi, hindi pa ako pamilyar sa mga tao.

I averted my gaze when they saw me staring at their direction and continued walking as if I didn't hear them talking about me.

Ganito pala 'yong pakiramdam na ikaw ang harap-harapang pinagc-chismisan ng mga taong hindi mo naman kilala. Kabago-bago ko rito, ganito na agad ang bungad! Gusto ko pa naman sanang isabuhay 'yong quote na, "New life, new me" this school year.

"Is she really the girl though?"

"Yes, I'm telling you! She's the girl Trojan was with on his story."

Oh my god? Iyon lang ba?

Hindi ko napigilang matawa nang sinadya kong lumakad sa harap nila. Hindi pa naman ako nagpapatalo sa mga ganito. If only I wasn't rushing finding my classroom, sinagot ko na ang mga iyon.

"Excuse me, are you searching for your room?" a familiar tall girl went to me.

Oh my god.

"Uh, yes, Carthage."

She smiled sweetly at me, "What's your section, dear?"

I tried not to stutter so bad! "10-PM-B."

"Nice! Malapit ka na," she softly held my shoulders to direct me where the right path was, "just walk this corridor and the second to the last room is the one."

"Oh, thank you!" I said after.

"No problem. I heard you're Trojan's friend so," she shrugged, "I hope you can keep up."

Kabado akong ngumiti, para akong sasabak sa gera sa sinabi niya, ha?

"Should I prepare myself for something?" I chuckled nervously.

She chuckled, I swear her chuckle could move mountains! "Ang alam ko kasi, most of Trojan's girls are competitive and sometimes aggressive. I don't know why they're crazy over Trojan, he's like the worst."

"I know, right?" I affirmed, "anyway, I'll go now. Thank you muli, Carthage!"

She waved her right hand once and I finally walked toward the said room. Sa aking pagpasok ay wala namang special na nangyari. Some just took a quick glance of who opened the door and continued their businesses afterward.

Napansin kong grupo-grupo na ang mga kaklse ko, halatang mga magkakakilala na noon pa. They were talking about how they spent their summers and luxury things. Kahit na maraming nag-uusap sa loob ng room ay hindi sabog o masakit sa tainga ang mga boses.

Lahat sila'y kalmado lang, tulad ng kung paano ako kausapin ni Trojan. Saka ko lang talaga napansin kung gaano naiiba ang Syru sa pinanggalingan ko.

Kung na sa public pa rin ako, for sure may nagl-lay up sa board o hindi kaya'y nagsisigawan kahit wala pang isang metro ang layo sa isa't isa. For a second, I missed it.

"Uh, can I sit beside you?" I asked a girl who had a vacant space.

She was about to wear her airpods na kasi when I asked. She stared at me for a couple of seconds before saying yes.

"Thanks."

May sasabihin pa sana ako nang napansin kong nakasuot na ang airpods niya. I shrugged. Baka hindi niya lang talaga trip makipag-usap. Dahan-dahan akong umupo sa kanyang tabi dahil baka mamaya'y ayaw niya rin ng malikot.

Her height was probably below mine but there was something about her aura that was intimidating. Naka-apple cut ang itim niyang buhok at may konting hibla lang ng bangs. Her lips were naturally plump and red. Unlike me, she didn't have make up on which was just fine. Para ngang bond paper kutis nito sa sobrang puti at kinis, akala mo sa freezer natutulog!

"Hindi ako watawat para titigan," she coldly told me.

Natawa ako roon at agad humingi ng paumanhin. Hindi lang talaga ako sanay na walang kadaldalan! Sociable naman ako noon pero bakit parang ang hirap makipag-usap sa mga tao rito?

Napalingon ako muli sa aking katabi nang naramdaman ko siyang gumalaw. Anak ng puta, ang lapit ng mukha niya sa akin noong lumingon ako!

"You're the new kid everyone's talking about," she said surely.

Umirap ako at naalala na naman ang chismis, "Hindi ako 'yon, imagination niyo lang 'yan."

"I really don't want to get involved with you," she said.

Huh? Ano, wala akong magiging friends dito?

"Promise, wala lang 'yon. People always think they know everything where in fact they only see the surface. Please don't make what you heard about me the reason not to befriend me, I swear, baka masapak kita."

"I don't also intend to befriend you even without the gossip."

I rolled my eyes and hissed, "Can you please be less harsh even just for this day? I just got here and everyone in the corridor kept talking about me. I can't handle a grumpy apple at the moment," I hissed annoyingly.

"Excuse me? Did you just call me a grumpy apple?" tanong niya na parang na-offend.

"Oo kaya umayos ka."

"I have a name," she stated, "Reon."

Tumango ako, "Hindi na ako magpapakilala, alam mo naman na."

I heard her chuckle, "What's with you and Trojan anyway?"

"Chismosa ka rin, 'no?"

"No, not really. I just don't find any logic in it. Guys can have girl friends, you know... but those bitches can't understand that," she drawled lazily.

"Oo nga, e. Ewan ko ba. Ang ganda ko lang talaga," I laughed.

Napahinto kami sa pag-uusap nang bumukas muli ang pinto at may pumasok na babae. Kitang kita ko kung sino iyong lalaking nakaabang sa kanya sa labas ng pinto sapagkat hindi naman iyon sinara.

"Girlfriend ba niya or friend lang?" tanong ko kay Reon.

"You like him."

Saka ko siya nilingon, "Imagination mo lang 'yan."

"Your eyes automatically became dreamy the moment you saw him," she snorted, "and to answer your question, I don't really meddle with other people's life. So sorry, I don't know if she's his current pet or something."

Natauhan ako roon sa pet, grabe. Hindi ko matanggap na isa rin ako sa mga napapasunod ng gagong 'yon. Ang hirap pala talaga kapag masyado mong gusto ang isang tao dahil minsan nagbabago ka na lang ng hindi mo namamalayan.

I stayed my sight only at Reon, not minding Trojan's presence for the first time.

Ngayong nakita at naranansan ko na ang mundong kinagagalawan niya, masasabi ko ngang tunay na may hangganan... at mga bagay na hindi lang talaga kailanman magtutugma.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top