Beginning

Walang tigil kong inaayos ang suot kong red backless dress na isang araw sa isang linggo ko pang plinansya. Kahit kanina sa sasakyan ay panay ang hawi ko nito para lamang hindi malukot.

I looked at my reflection on my watch and checked my face for imperfections. I smiled as I didn't see anything that could make me ugly.

"Mikasha, bababa na tayo," imporma sa akin ng aking ina.

"Okay po," tuwa kong sagot.

Sabay kaming lumabas ng sasakyan nang tumigil ito sa harap ng entrance. I bended to avoid my head getting hurt. Grade eight pa lamang ako ngunit 5'8 na ang height. Some bullied me because of my height but I was never affected of it. I knew that this kind of height was ideal.

I prevented myself from being petite dahil magmumukha akong kalansay no'n. Some said I had a good figure at this age that made me continue taking care of myself.

I quickly glanced at my right side and I saw the line of guests for tonight. My mouth hanged a bit open, ganito karami ang makasasalumuha ko.

My mother gently pulled my left wrist that made me look in front. The entrance wasn't typically designed.

It was wider and the gold linings made it glitter. Everything seemed expensive from here. I got excited, looking forward to what was inside.

Ito na ang araw na aking hinintay, ang makita at makilala ang buong angkan ng mga Zorron... kaya naman ganito na lamang ako kung umasta. Once in a blue moon lamang itong chance na ito kaya naman ay balak kong sulitin na.

Kung bakit ako, kasama ng aking ina, makikipagkita sa mga Zorron ay dahil launching ngayon ng bago nilang branch ng casino. Marami na itong branches sa Europe, America, Russia at kung saan-saan pa bukod rito sa Pilipinas.

They only had high-end hotels here in the Philippines. Ngayon lamang talaga nila napagplanuhang magtayo ng casino rito... and guess what? Sobrang patok agad!

Nandito kami ngayon ng aking ina, ang sekretarya ng vice president na si Mrs. Olivia Zorron, sa entrance ng casino.

Sa pagka-aalam ko ay tatlo na ang kanilang anak; ang panganay na si Lucre Marcus, ang ikalawa na si Mikael Trojan at ang bunso na si Lierre Zorron.

I came prepared, of course.

Hindi namin sinundan ang mga taong bisita dahil sa ibang daanan kami tumungo. I observed every shiny things along our way. The casino was full of royal red and gold, my young soul loved how the two majestic colors mixed to create such paradise.

Maya-maya lamang, na sa harap ko na ang mga Zorron. I tried so hard to stay calm! They were all proper and fancy looking, halata talagang mayaman sa unang tingin... kahit ang mga mas matatanda sa aking pinsan nila ay sobrang g'wapo't magaganda.

"Sabrina! Buti at naka-survive kayo roon sa ibaba," si Mrs. Olivia iyon, ang bise presidente.

"Opo nga po, ma'am. Sobrang successful po nitong branch ninyo," puri ni mama.

"Siya ba si Mikasha?" excited na tanong ni Mrs. Olivia.

Goodness, kinukuwento pala ako ni mama sa boss niya? Hindi ko alam kung ikatutuwa o ikakakaba ko ba iyon.

"Ay, opo. Mikasha, siya ang boss ko, si Ma'am Olivia," sinabayan ko pa si mama sa huling sinabi.

"Hi, ma'am! Ang ganda po ninyo," puri ko at naglahad ng kamay.

Magiliw niya itong tinanggap at tinawag ang kanyang mga anak.

The excitement I felt earlier was gone and replaced by nervousness. Ipakikilala niya sa akin ang tatlo niyang mga anak na matagal ko ng ini-stalk! God! Para akong nakakita ng artista sa tuwa.

"Ito nga pala ang panganay ko, Mikasha, si Marcus," ma'am Olivia introduced.

Nginitian ako ni kuya Marcus and goodness! I could now melt! His whole physical self fascinated my sight.

"Ito si Minah, ang bunso," hawak ni ma'am ang balikat ng batang Zorron.

Kahit bata pa lamang ay sobrang ganda na. Her innocent eyes met mine. I noticed how long her eyelashes were na mas bumagay sa kanyang mga mata. Sinalo yata nito ang kagandahan sa mundo at mga tira-tira na lamang ang aking nakuha. I smiled on the thought.

"Ito naman si Trojan, ang pangalawa, Mikasha," pakilala ni ma'am sa kadadating lamang na lalaki.

Trojan looked at me as ma'am Olivia pointed at me.

Laglag panga.

Given na sa kanilang lahi ang magaganda't gwapo at napansin ko na iyon pero itong si Trojan... God! Girls could build his own shrine to worship.

Parang sa kanya nahulog ang lahat ng physical appearances ng mama't papa niya. Alam mo 'yon, hindi mo ma-explain kasi beyond words ang kanyang hitsura. Pak! Beyond words, minsan lang ako mag-English pero mala-Miss Universe.

Nasabi ko kanina na ini-stalk ko ang mga Zorron pero itong si Trojan ang pinakahindi madalas kong i-stalk. Paano ba naman kasi, nakalipas na ang limang buwan, wala pa rin siyang bagong posts and tweets sa kanyang social media accounts kaya hindi ko na muli binisita ang accounts niya.

Pero ngayon! Goodness! Baka araw-arawin ko na ang pags-stalk kahit wala siyang recent posts.

I sounded over reacting as I recalled my first impressions of him but I couldn't blame myself too, I only appreciated him. Siya ang laman ng aking isipan hanggang sa dinner. Lutang ako nang kumuha ng makakain sa buffet.

Pagbalik ko sa aming lamesa, nandoon si Mrs. Zorron. I immediately composed myself as I walked near them.

Tahimik akong na-upo sa kabilang gilid ni mama. May pinag-uusapan sila ni Mrs. Zorron tungkol sa trabaho kaya hindi na ako nakinig. Inatupag ko na lamang ang pagkain.

"Hija, magkasing-edad pala kayo ni Trojan! Why don't you try making friends with him?" Mrs. Zorron suggested it to me.

Ma'am, kung gusto ninyo beyond friends pa?

"Pwede po ba?" sinubukan kong itago ang kasiyahan sa aking mukha.

"Oo naman! May pagka-anti social kasi iyang si Trojan. Wala nga 'yang tinitignan na babae," dagdag ni Mrs. Zorron.

"Talaga po?" para akong batang naaliw sa isang magic show.

"Yes, hija! May pagka-masungit nga lang iyan sa una," payo ni tita.

Yes naman, Mikasha, tita na ang tawag!

Nilibot ko saglit ang aking paningin sa paligid. Sa malayong banda, nakita ko si Trojan na paharap na nakasandal sa balcony at nakatingin ang mga mata sa ibaba.

"Namana ni Trojan lahat sa papa niya. Buhok, kilay, mata, ilong, labi... siguro ang namana niya lang sa akin ay ang ugali, masungit," halakhak ni tita.

"Pansin ko nga pong may hawig sila ni sir," aking puna.

"Kaso hindi siya malapit sa papa niya. Ayaw niya namang sabihin kung bakit," tita said.

Nakatingin pa rin ako kay Trojan habang sinasabi iyon ni tita Olivia. Hindi siya close sa papa niya? Parang ang imposible naman?

"Lalapitan ko po siya," I informed tita Olivia.

"Sure! Mabuti pa. At iyon," tinuro niya ang medyo matabang babae na kumain hindi kalayuan sa amin.

"Siya si Thera Mia Zorron, kasing-edad mo rin. Siya ang ka-close ni Trojan sa magpipinsan," dagdag ni Ma'am.

Tumango ako at tumayo na upang puntahan si Trojan. Padilim nang padilim nang lumapit ako sa gawi ni Trojan.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang aking sasabihin. Stupid, Mikasha! For a minute, I thought I could communicate with him casually. Ngayong nalalapit na ako ay hindi na malaman ang sasabihin.

Ano nga ba?

Hi-ew, tapos wala naman akong maidadagdag.

Hello!-no, feeling close ako nito.

What's up? It's your girl Mikasha back at it again-jusko! Naging vlogger na ako!

Paano kaya kung 'yong tinurong kanta sa amin noong Nursery na: Hello, hello, hello. Hello, how you do? I'm glad to be with you and you and you. Trala-

Natigil ako nang na sa likod na ako ni Trojan. How did I let myself come near him without noticing? Oh, ano na? Kalalabitin ko ba sabay sabing congratulations?

I erased my nonsense thoughts. Sa huli, tumabi na lamang ako sa kanyang gilid at tumingin na rin sa ibaba kahit pasimple ko siyang sinulyapan sa gilid ng aking mga mata. He smelled good to the point I wanted to take home his suite.

5'8 ang aking height ngunit mas matangkad pa rin siya sa akin. Akala ko pa nga kanina ay mas matanda siya sa akin.

"Uh, hi," I tried to strike a conversation, I even waved my hand!

Agad kong nakita ang mga mata niyang tumingin sa akin. He didn't smile at me and ignored my wave. Sa ibang lalaki ay madali lamang makipag-usap ngunit bakit pagdating sa kanya ay tila kay hirap?

"Name?" he asked.

P'wede pala sa ganitong edad ang magkaroon ng ganitong kababang boses? And this human... pakikilala lamang sa akin kanina ay hindi na ako natandaan!

Kikiligin na sana ako to the highest level ngunit hindi niya na ako agad makilala. How rude yet adoring at the same time, what the hell?

"Ah! I'm Mikasha. Anak ako ng secretary ng mommy mo," I reminded him by saying my name slowly.

Tinanguan niya lamang ako at bumalik sa kaninang tingin sa ibaba. I wasn't sure if he really did got my name but I hoped so.

I wanted so bad to talk to him more yet I couldn't say the right words to make him speak. I took the chance to scan his features.

He had a clean cut, the edges of his hair looked damped maybe because of the gel. His eyes were expressive and deep too like his sister's. His eyebrows were thick yet fine and his nose was pointed. I gulped hard when my eyes darted at his red lips. Maybe I should stop from there.

Maya-maya pa ay tumayo na siya ng maayos at hinarap ako.

"Aalis na ako," paalam niya sa akin.

Tumango na lamang ako dulot ng pagkamangha... at panghihinayang. At least he informed me, right?

Pinanood ko siyang pumasok sa loob ng dining area. Nakita ko siyang tumabi roon sa pinsan niyang kasing-edad namin.

I saw how he smiled at her. I continued observing him toward his cousin. Nagsimulang mag-asaran ang dalawa and for heaven's sake, the jolly Trojan was more attractive. I unsconsciously smiled while watching them kahit pa hindi kasali.

Buti at hindi pa natutunaw ang kanyang pinsan... kasi akong nanood lamang sa malayo, tunaw na tunaw na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top