8th

***

Daphnie's POV

•••

Naglalakad kaming tatlo ngayon habang kumakain ng Kettle Corn na paborito namin nang may mahagilap ang mga mata ko kaya napalingon ako o.

"May mini bar!" sigaw ko dala na rin ng excitement.

"Hoy, maglalasing ka dito. Baka nakakalimutan mong wala dito yung butler mo para iuwi ka sa mini hotel." paalala sa akin ni Thea.

"Tss. Ang ke-KJ niyo naman! Hmp."

"Saka ka na lang maglasing ng todo kung nasa bahay na tayo. Buti doon, mas safe kaysa dito." singit ni Nixie.

"Oo na nga. Hindi na ako magpipilit." tugon ko saka nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang biglang magsalita si Nixie kaya napalingon kami sa kanya sa sapo ang puson.

"Teka, naiihi yata ako. D'yan  muna kayo ah. Pupunta lang ako sa CR dito na malapit."

Tumango kami ni Thea bilang pagsang-ayon.

Naghanap kami ng mauupuang bench. Nakita namin yung isang bench na bakante medyo malayo sa kinatatayuan namin kanina kaya doon na lang kami umupo.

Ilang saglit pa ay dumating na si Nixie. Mukhang wala siya sa sarili niya kaya ginulat namin siya para maalala man lang niya na nandito pa kami.

"Hoy!" sabay naming sigaw upang makuha ang atensyon ni Nixie.

"Ay butiki!" gulat na sabi nito.

"Bakit parang tulala ka d'yan? Anyare sayo sa loob ng CR?" tanong ko.

"Si Lawrence kasi nandito siya, guys." paliwanag niya.

"What?" - Thea

"Ano? Si Lawrence?" tanong ko ulit.

~~~

Nixie's POV

•••

Nakakagulat yung eksena sa CR! Grabe!

Flashback....

Papasok na ako ng CR for girls nang biglang may humarang sa akin.

Nang maaninag ko ang pagmumukha nung lalake, nagulat ako siyempre. Hindi ko kasi inakalang nandito rin siya.

Si Lawrence Cristobal lang naman ang nakita ko.

Ang ex-boyfriend ko when I was in second year high school. Halos two years ko siyang nakasama. At halos mabaliw ako noong iniwan niya ako sa ere mag-isa.

Iniyakan ko siya dahil ibinigay ko lahat ng makakaya ko para hindi niya masabing hindi siya naging masaya sa piling ko.

One year after na mangyari ang break-up, nakarecover kaagad ako. And ngayon, nagmamakaawa na balikan ko siya? Ang kapal ah.

"Rence? Is that you?" tanong ko sa kanya.

"Yes, I am. How are you?" tugon niya at nagpamulsa.

"I'm still fine." confident kong sagot.

"Good. I want you to know that... I want to say sorry from what I've did to you before. If I have still a chance to bring that time back? I will, para lang mapatawad mo ako." ito ang mga salitang nagpabalik sa sakit na naramdaman ko noon.

Hinawakan niya ang mga kamay ko na kaagad ko naman binawi pero hindi ko mabawi-bawi dahil sa tindi ng pagkakahawak niya.

"I'm really, really sorry. I hope you'll forgive me. I'm back for you. To make a new memories with you. To love you again and to live with you forever..." nakatitig lang ako sa mga mata niya habang lumuluha ako.

"Bitiwan mo 'ko." utos ko sa kanya.

"No. I won't do that. I miss you, Monica. I miss you. I want to be with you. Please, be mine again." pilit niya akong nilalapit sa kanya para yakapin pero nagpupumiglas pa rin ako.

"Sabi ng bitiwan mo 'ko eh!" sa lakas ng pagkakatulak ko sa kanya, napaupo siya.

"Tss. Nag-iba na ka talaga. Pumapalag ka na ngayon ah."

Hinawakan niya ako sa pulsuhan nang may biglang tumulak sa kanya palayo. Nang makita ko kung sino iyon, nagulat talaga ako.

Si Vince po ang tumulak kay Lawrence. Oo siya nga ang gumawa no'n.

"Vince..." tawag ko sa kanya sabay hila. Siya naman humarang sa harapan ko. Hindi ko alam kung anong dahilan niya.

Nang biglang may nakita akong inilabas na patalim si Lawrence sa bulsa niya. Saktong sasaksakin na sana niya si Vince nang hilahin ko siya sa tabi ko at sabay takbo palabas ng CR kaya nakatakas kami.

"Salamat." sabi ko nang makalayo na kami sa CR.

Si Lawrence? Ayun, hinuli ng mga security guards. Now, we're safe.

"Wala 'yon. Kalimutan na lang natin yung nangyari kanina. Sige, mauna na ako ah. Ihi ka na lang sa banyo niyo sa room mo. Huwag na dito." sabi niya bago tumalikod at umalis habang naka pamulsa.

End of Flashback...

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang iniisip yung mga nangyari kanina. Hindi ako makapaniwalang hanggang dito, sinusundan niya pa rin ako.

Nakakatakot na. Kailangan ko na talagang mag-ingat.

Kasi naman e! Bakit ba bumalik pa ang mokong na 'yan?! Masaya na ako sa buhay ko ngayon oh! Haysst.. nakaka-stress naman!

Napaigtad ako nang bigla akong gulatin kaya napasigaw ako. Nandito pa pala yung dalawang kasama ko.

Sinabi kong nandito si Lawrence at pati sila, hindi mai-drawing yung mga mukha. Naghalong pagkainis at gulat yung nahahalata kong reaksyon nila.

Sinabi ko rin sa kanila na gustong makipagbalikan ni Lawrence sa akin. Pero hindi ko sinabing nagdala ito ng patalim at yung pagdating ni Vince doon.

"WTF! He's here dahil gusto niyang makipagbalikan sayo? For what? To ruin your life AGAIN?!?" halatang may galit pa ang mga kaibigan ko kay Lawrence.

"This is our new problem, guys. Don't worry, Niks. Hindi kami papayag na makuha ka niya ulit. You're already okay. Tapos dadating ulit siya para lang makipagbalikan sayo? Huh! I'm sure, may mga planong nakahanda 'yon para maagaw ka niya sa amin. Mga planong hindi mo talaga gugustuhing mangyari." ani Daphnie.

Natahimik kami. Pero binasag naman kaagad ni Thea ang katahimikang bumalot sa aming tatlo.

"We need a plan para tigilan ka na niya. Actually, I have an idea. Pero baka hindi gumana." ani Thea kaya napatingin kami sa kanya.

"What's that? Can you tell us?" tanong ni Daphnie.

"Siguradong hindi naman kasi papayag si Niks sa naisip kong paraan eh." saad niya saka tumingin sa akin.

"Sige na, tell us what's your plan." tugon ko na lang at humalukipkip.

"You and Vince will pretend as a couple. Tutal uto-uto naman ni Lawrence." paliwanag niya.

Kumunot ang noo ko. "What did you say?" tanong ko ulit. Baka nagkamali lang ako ng pagkakadinig.

"I said you and my cousin will pretend as a couple." paliwanag niya ulit.

"WHAT?!?"

Ano daw? Ako? Tsaka si Vince magpapanggap na mag-jowa?

"Nope. Imposibleng mangyari 'yang gusto mo." ayaw ko ngang makasama 'yang si Vince tapos magpapanggap pa kami na couple? No way!

Niks, baka nakakalimutan mo na tinulungan ka ni Vince para makatakas sa masamang mga kamay ni Lawrence. May utang na loob ka sa kanya.

Ito na naman si konsensya. Umiiral na naman yung pagiging mabuting nilalang ko. Jusko! Tumahimik ka na ngang konsensya ka. Ginugulo mo lang isipan ko eh. Bwisit!

"Okay. Kung ayaw mo, baka hindi na imposibleng makuha ka na ulit ni Lawrence." alam kong nananakot ka lang, Thea kasi gusto mong paglapitin kami ng pinsan mo. Argh!

I sighed. "Fine! Kung iyon ang makakabuti sa sitwasyon ko ngayon, I will accept Vince to be my FAKE BOYFRIEND! Argh!"

Kung may ibang choice pa, hindi sana ako papayag eh. Kaya lang, wala na akong maisip na ibang plan at idea. Kaya heto ako, pumayag na lang. Bwisit!

Kung hindi lang dumating si Lawrence, hindi ko naman gagawin 'to eh. Bwisit kasi at dumating pa siya dito. Nyaaaahhhhh!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top