4th
***
Daphnie's POV
•••
Papunta na kami ngayon sa beach. I'm so, so excited! Ini-imagine ko pa nga lang yung beach, nangingiti na ako.
"Ano? Dala niyo na ba lahat ng mga kailangang dalhin?" tanong ko sa kanila.
"Oo naman 'noh." sagot ni Thea
Si Nixie? Ayun, tahimik lang. Ewan ko ba d'yan sa kaibigan kong 'yan. Naka-trip yata magpipipipihan. Pero joke lang. Talagang hindi ko lang alam ang nangyayari sa kanya ngayon.
Nang makasakay na kami sa van nila Nixie dala ang mga kailangan naming dalhin, nagmaneho na ang driver namin.
Nandito ako sa pangalawang row sa may likod ng driver's seat. Si Thea, sa passenger seat tapos si Nixie naman ay ang nasa likod.
Well ngayon, humihikab-hikab siya. Yes, si Nixie nga. Mukhang napuyat kahit na hindi naman puyat. Ang aga-aga kaya matulog n'yan 'noh. Mas maaga pa yan matulog sa amin ni Thea. Duh! Talagang sadyang antukin lang siya.
Nagdala ako ng snacks ko para kapag nagutom ako sa biyahe, may kakainin ako. Para sa akin kasi, mas importante ang pagkain ko kaysa sa ibang mga bagay. Joke lang! Siyempre, hindi ko naman gustong kalimutan yung phone ko 'noh.
Sige, tulog muna ako ah. Naantok kasi ako eh. Bye, bye muna ngayon. Mamaya na tayo mag chikahan.
⭐⭐⭐
Nixie's POV
•••
Tahimik lang ako sa buong biyahe. Alangan namang mag-ingay ako. May natutulog kaya.
Binuksan ko yung phone ko at i-nopen ang Wattpad App. Hinanap ko yung mga story ni SleepingSinger. Ang title no'n eh I'm In Love with a Playboy at tsaka Mr. Popular meets Ms. Mataray.
Maganda kasi para sa akin. Kahit na sabihin ninyong boring yung mga stories niya, para sa akin, ang ganda pa rin. Kasi, hindi naman natin alam yung pagod at sakripisyo niya sa mga oras niya magawa lang yung gusto niyang stories. Well, hindi naman ako judgemental tulad ng iba na kilala ko d'yan sa tabi-tabi.
Patuloy lang ako sa pagbabasa hanggang sa hindi ko namalayang pa-lowbat na rin yung phone ko. Kaya tinanong ko yung driver namin kung nasaan na kaming lugar.
Buti na lang noong tinanong ko siya, i-pinapark na niya yung sasakyan dahil nandito na raw kami sa destinasyon namin. Ayus ah! Hindi rin naman pala kalayuan.
Ginising ko na si Daphnie. Si Thea, bumaba na rin ng sasakyan. Tinulungan namin yung driver namin na dalhin lahat ng mga gamit namin. Kawawa naman, kung siya lang mag-isa ang magdadala di ba?
Mag-inat-inat ako. Grabe! Nangawit ako sa inuupuan ko kanina ah. Buti na lang at nandito na kami kaagad.
"Tara, magpa-reserve na tayo ng rooms. Yung good for four. Siyempre, isama na natin si Manong driver." nakangiting sabi ni Daphnie.
"Ma'am, ayos na po ako--"
"Hindi, sumama ka na sa amin."
"Pero, ma'am--" ang kulit mo talaga Manong.
"Wala ng pero pero kung ayaw mong mawalan ng trabaho." dire-diretso kong sabi kaya natigilan siya.
Eh ang kulit kasi. Ang hirap umintindi. Hindi pa alam ang isang salita.
"Ayan kasi. Iniinis mo pa yung amo niyo. Sana sa susunod, susundin mo na yung mga pinag-uutos niya. Para hindi ka mawalan ng trabaho. Okay?" ginisa pa naman nitong isa pang hunghang.
"Opo, ma'am." sagot ni Manong.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa narating namin ang unang hotel. Pumasok kami rito. Tinanong ko kung may vacant pa na rooms. Meron pa naman daw silang room. Oo, ROOM daw. So, it means na isa na lang ang vacant room nila.
Napagdesisyunan namin na doon na lang sa room na iyon si Manong driver. Pumayag naman siya. So ayon, lilipat ulit kami ng hotel.
Maliliit lang na mga hotel ang naririto. Good for 10 people lang. Kaya madaling mapuno. Hindi naman sa sobrang konti ang pumupunta rito, medyo marami-rami rin naman tulad ngayon.
Expensive kasi ang mga bayad ng hotel rooms at pati mga rent ng cottages ang mahal. Kaya mga mayayaman lang ang afford na pumunta rito.
"Ano ba yan?! Nakakapagod namang maglakad!" reklamo ni Daphnie.
"Ang reklamadora mo naman, Dap. Mamaya makakapag pahinga rin naman tayo. Konting tiis na lang." kontra nitong isa.
Ilang sandali pa'y narating na rin namin ang pangalawang hotel. Mas maganda siya kumpara sa unang hotel. May napansin akong signboard sa bandang kanan ng entrance. Mas mahal rin pala ang bayad per room.
So, kung anong ikinaganda ng hotel, siya naman ang ikinamahal. Swabeng diskarte ng mga may-ari para kumita ng mas malaki. Tsk! Pare-pareho rin namang hotel.
Pumasok na kami sa hotel na 'to. Same sa ginawa ko kanina sa kabilang hotel, tinanong ko kung may mga vacant pang rooms. Meron pa daw namang anim. Okay na rin na tig-iisa kami ng room kaysa yung nagsisiksikan sa iisang room lang.
Kinuha na namin yung keys namin at yung number ng rooms. Gusto ko na talagang humiga. Pati itong mga kasama ko gusto ng matulog. Dahil sa nakakapagod nga ang biyahe kahit na nakaupo ka lang sa loob ng van.
At sa wakas! Nakarating na din kami dito sa rooms namin. Pagpasok ko, namangha ako sa sobang linis at ganda. Wala akong ibang masabi. Ang ganda lahat ng gamit dito. Yung bed, lampshade, unan, kumot, yung closet, couch,yung towel, yung clock, yung banyo maayos din at yung mga sabitan ang cute.
Bakit? Nanaisin mo pa bang umuwi kapag lahat ng designes ng mga gamit dito pati ng room eh SpongeBob? Hahahahaha! Ang cute talaga!
Nang maayos ko na lahat ng gamit ko, humiga na ako sa kama. Ang bango ng bed sheet! Pati yung unan ang sarap amuyin.
Binuksan ko yung aircon. Nakapatay kasi kanina. Yung lampshade lang yung nakabukas. Inamoy ko yung hangin mula sa aircon. Amoy pabango! Ang bango-bango ng kwarto ko. Parang VIP room yata itong napasukan kong kwarto at hindi ordinary.
Pero...okay na rin. Atleast, nagmumukha akong espesyal na tao kapag naaamoy at nakikita ko na ganito yung room ko gabi-gabi.
Ilang saglit pa at dinapuan ako ng antok. Inaayos ko ang sarili ko at nahiga na ulit sa kama saka natulog. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod ko kanina. Hayy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top