3rd

***

Nixie's POV

•••

"May alam akong beach dito. Medyo may kalayuan nga lang ng kaunti. Pero pwede na rin." natatango-tangong suggest ni Thea.

Hanggang ngayon kasi, hindi pa namin alam kung saan kami magpupunta na lugar para makapag-bonding ng kami lang tatlo.

Nandito nga pala kami sa bahay naming tatlo. Oo, bahay namin ito. May dalawang katulong at dalawang bodyguard na nagbabantay sa main gate. Sila ang mga kasama namin dito sa bahay.

Semestral break namin ngayon. Two weeks na wala kaming pasok. Kaya kailangan naming makahanap ng lugar na maganda at nakakarelax ang aura.

"Doon na lang siguro tayo. Ano pa ba'ng meron doon maliban sa swimming activity?" sabi ko.

"Ayon sa mga nakausap kong kaklase natin tungkol dito, may beach volleyball activity sila. May mga private hotels, may special foods, may coffee shop din sila doon, tuwing gabi may pa-night party sila, at may mga shows din. May mini bar din, may mini sinehan rin sila at may mga special places sila sa pinakaloob-looban ng isla na pwedeng puntahan kung isa ka sa mga taong mabibigyan ng VIP ID." paliwanag ni Thea.

"Wow..." kitang-kita sa mga mata ni Dap na namangha siya dahil sa mga sinabi ni Thea.

Well, maganda naman yung mga activities sa beach. Malay ko ba kung doon ko na makikita yung the one ko. Hindi natin alam. Sana nga doon na lang para hindi na ako pakalat-kalat dito sa mundong ibabaw ng walang kasintahan.

Hindi naman sa naiinggit ako pero, gusto ko lang namang subukan eh. Kung kaya ko ba'ng masaktan kapag hindi kami nag work. Kung paano nga ba magmahal ng isang taong mahal ka ng buo. Sabi kasi ni Mommy, iba daw talaga ang pagmamahal ng kaibigan sa pagmamahal ng isang lalakeng nagmamahal sayo at mahal na mahal mo.

"Sige, doon na lang tayo. Ano ba yung pangalan ng beach na 'yon?" tanong ko.

"Aglanguyen Beach and Resort." sagot niya.

"Mukhang maganda doon ah. Mukhang ma-eenjoy natin ang mga araw na nandoon tayo." masayang saad ni Daphnie.

"Oo nga eh. So, kailan tayo magbabalak na magpunta doon? Sa Wednesday ba? Ok lang sa inyo? Uuwi kasi sila Mommy next, next week. Eksaktong araw ng Lunes 'yon. Biglaan eh." tugon ni Thea.

"Well, okay lang sa akin kung sa Wednesday tayo pupunta. Then, sa Friday tayo uuwi." saad ko.

Pagkatapos naming pag-usapan ang lokasyon, pinag-usapan naman namin ang tungkol sa mga dadalhin namin at sa mga gagawin at pupuntahan naming parte sa beach na iyon.

Nang matapos na naming pag-usapan ang mga bagay-bagay, naisipan naming mag-mall muna. Tutal, wala naman kaming ibang gagawin eh. Wala naman ng pasok.

Dumiretso na kami sa garahe at kinuha ang mga sasakyang gagamitin namin. Ako, ang gagamitin ko ay yung kulay pink na kotse ko. Tinanong ko yung dalawa. Ang gagamitin daw ni Thea ay yung kulay yellow niyang motor samantalang itong isa, ang gagamitin niya ay ang kulay red niyang motor.

Sabay kaming sumakay sa mga sasakyan namin. Medyo nauna nga lang akong nakalabas ng gate. Pinauna kasi ako eh. Hinintay ko na lang sila at tsaka sabay na pumunta ng mall.

Nang makarating na kami, bumaba na kami ng mga sasakyan namin. Pumasok na kami sa mall at ang una naming pinuntahan ang bahagi ng mall kung saan makakapag-grocery kami ng mga pangangailangan namin. Ubos na kasi yung mga stocks namin for two weeks. Ang lakas kasing kumain ng mga kasama ko.

Ang unang nauubos ay ang stocks namin na easy-open can na beef loafs, meet loafs at iba't ibang uri ng gulay. Pangalawa ang mga breads namin. Pangatlo ang mga three-in-one coffees namin na ready-to-drink na. Pang-apat ay ang mga stocks naming junk foods. At panlima ay ang mga stocks naming chocolates.

Memorized ko lahat ng mga pangangailangan namin kasi iyon ang mga madalas na mawala sa refrigerator namin. Maliban sa ako ang taga-check ng ref, ako rin ang taga bili kung minsan. Yung mga binibili lang naman nung dalawa eh yung mga luho nila sa mga buhay-buhay nila. Like make-ups and other cosmetic products. Stuffed toys like big Teddy Bears.

Halos hindi ko na nga mabilang kung ilang teddy bears na ba ang naipon ng dalawa sa maluwang na kwarto nila. Samantalang ako, punong-puno naman ng libro at mga damit lahat ng cabinets ko doon sa kwarto ko.

Eh sa hindi naman ako mahilig sa mga stuffed toys.

"Sige, Niks. Doon muna kami sa Clothes Shop. Hintayin mo na lang kami sa tapat ng Sweety Corn, okay? Babalik rin kami. May bibilhin lang kami sandali." paalam sa akin ni Thea saka ako nginitian.

"Oh sige, basta bilisan ninyo. Alam niyo naman madali lang akong mainip. Bibili lang siguro muna ako ng mga makakain ko habang hinihintay kayo. Doon muna ako sa Spaghetti Especial pupunta mamaya kapag natapos ako dito." sabi ko.

"Sige, basta hintayin mo kami ah. Madali lang kami, promise." ani Daphnie.

Tumango na lamang ako bilang sang-ayon.

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa kong pamimili ng mga grocery items na kailangan namin sa bahay namin.

Nang matapos na akong mamili, tinawagan ko ang isang katulong namin at isang driver para kunin sa guard's area yung mga pinasuyo ko kanina sa bagger na mga groceries na pinamili ko.

Pumunta na ako sa Spaghetti Especial para bumili ng paborito kong spaghetti with special burger, ice cream, fries and drinks nang matawagan ko na ang katulong namin.

Pagpasok ko sa loob, hindi naman gaano marami ang mga tao. Dati kasi, sa tuwing nagpupunta ako noon dito, halos wala ng maupuan at kung minsan talagang wala ng bakante. Kaya take-out na lang ang ginagawa ko sa mga pagkaing i-noorder ko dito. Iniuuwi ko na lang.

Pero ngayon, dito ko na kakainin yung mga i-oorder ko na mga pagkain ko. Buti na lang at hindi marami ang tao, sakto lang. Hindi ko na kailangang makipagsiksikan para maka-order ng pagkain.

Dali-dali akong pumunta sa counter area para maka-order na. Na-miss ko talaga ang kumain ulit dito. Last week kasi, nagmamadali kaming umuwi after naming bumili ng groceries. Busy kami that time eh. Tsaka puno lahat ng seats, walang bakante kaya no choice kami kundi umuwi na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top