2nd
***
Someone's POV
•••
Nandito kami ngayon sa coffee shop nitong kaibigan ko. Walang pasok ngayon eh. Wala naman akong magawa sa bahay. Nasa Taiwan pa sila Mommy at Daddy. Mga maids lang ang nasa bahay at saka yung isang Yaya ko.
Si Yaya Osang.
"So, wala ka pa'ng naging girlfriend magmula nang pumunta kayo ng Amerika?" tanong nitong isang kaibigan ko sa akin.
Siya si Vale Morales. Mayaman, matalino, may pagka-tarantado pero mabait naman siya.
"Wala pa. Eh wala naman akong natitipuhang babae. Tsaka wala naman sa bokabyularyo ko ang magkaroon ng girlfriend." sagot ko.
Siya nga pala, I'm Vince Marcus Valdedara. I'm already nineteen years old. Ang masasabi ko lang ay... Napakagwapo ko!
Hindi naman sa nagyayabang pero, ipagmamayabang ko na rin na habulin ako ng mga babae at mga bakla. Dahil siguro sa napakakisig ko at napakagwapo ko. Well, hindi ko naman maitatanggi na maiinggit ang iba sa taglay kong kagwapuhan.
"Hi, Vince!" bati ng babae na hindi ko naman kilala.
Tignan mo ang isang 'to. Nagpapapansin sa akin kahit na hindi ko naman kilala. Dahil nga kasi sa gwapo ako at makinis ang balat. Tsk!
Hindi ko pinansin ang babae. Pero hindi pa ito nakuntento sa pagbati kuno niya, at lumapit pa sa akin saka ako hinalikan sa pisngi! Ang bastos naman nito! Kung pwede lang sanang manapok ng babae kanina ko pa ginawa eh. Walang pasintabi kung gusto ko bang mag pahalik o hindi! Bwisit!
Ngumiti siya bago niya ako iniwan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa labas. Paglabas niya ng coffee shop, para siyang kinukuryente dahil sa kilig. Sanay na ako d'yan.
Paglingon ko naman dito sa mga kaibigan ko, nakaawang ang mga labi nila at titig na titig sa akin.
"Iba ka talaga, Vince! Marami ng humahalik sayo kaya lang, bakit hindi mo pinapahalik yung mga labi mo sa mga babaeng nagkakandarapa sayo. Pansin ko lang kasi na panay sa pisngi ka nagpapahalik." saad nitong isa ko pang kaibigan.
Siya naman si Vian Garcia. Mayaman siya, may sariling kotse at may sariling bahay na. Gwapo at maayos naman siya manamit.
Pero ang pinagkaibahan namin ay.. mas gwapo akong hamak kaysa sa kanya.
"Baliw! Syempre hindi ko naman sila kilala. Tsaka, hindi ko naman sila naging girlfriend para mag pahalik ako sa labi. Ano ako? T*nga? Mag-isip ka nga ng mabuti, Vian." sagot ko.
"Tama naman kasi siya, Vi. May point si Vince. Gamit-gamit rin kasi minsan ng brain, baka mangalawang 'yan." sige, asarin mo pa siya. Hindi na ako magugulat kung magsusuntukan kayo dito sa harapan ko.
"Psh! Kinakampihan kasi inililibre halos araw-araw. Makahuthot wagas!" nakikita ko ngayon sa mukha ni Vian na naiinis na siya.
"Tama na nga 'yang bangayan ninyo--"
"Hindi kami nagbabangayan." sabay nilang putol sa sinasabi ko.
"Fine, sorry. Pero sana naman na tumigil na kayo. Don't act like a young child. Act like a MAN. Tsk!" talagang pinagdiinan ko ang salitang man para malaman nila na hindi na sila mga bata. Matatanda na sila. Dapat alam na nila kung ano ang tama at mali.
"Ikaw ang topic dito. Ba't napunta sa amin?" takang tanong ni Vale.
"Oo nga naman. Ba't sa amin napunta? Eh sa pagkakaalam ko, nasa sayo ang spotlight." dugtong naman nitong si Vian.
Yumuko ako then I sighed saka ibinaling ulit ang tingin sa kanila bago nagsalita.
"You want to hear my answer, right? Then my answer is.. I don't want to have a girlfriend. Tapos ang usapan. Period." dire-diretso kong sagot sa kanila.
"Hay nako... pinaninindigan niya yata ang pagiging single habang buhay." narinig kong sabi ni Vian.
"Baka kapag naramdaman mo na yung sinasabi naming LOVE, baka kainin mo lahat ng mga sinabi mo. HAHAHAHA!" pang-aasar ni Vale.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko kanina sa upuan. "Mag-isip na lang kayo ng mga lugar na pwede nating puntahan. Kasi, panay na lang ang aral natin. Wala na tayong panahon sa isa't isa para makapag bonding as bestfriends." pag-iiba ko ng usapan.
"At saan naman tayo pupunta? Ang alam ko lang kasi na maganda puntahan ay sa.. Bicol. Oo, tama sa Bicol nga." suggest ni Vian.
"Hindi tayo doon pupunta. May resort ang Tita ko sa Pampanga. Doon muna tayo for two weeks. Siguro naman, hindi kayo mamumulubi doon dahil alam ko na alam ninyong mayayaman kayong mga hinayupak kayo." saad ko.
"Oo naman. Kahit pa ikaw eh kaya naming bilhin. HAHAHAHA!" sabi ng ungas na si Vale.
Sana mautot sila sa kakatawa.
Mga baliw ang mga g*go.
"Tsk! Kailan niyo ba gusto pumunta doon? Ngayon na?" kuha ko sa atensyon nilang dalawa.
"Pwede rin naman ako. Ikaw ba, Vale?" sagot ni Vian sabay lipat ng tingin kay Vale.
"Hindi pwede eh. May mga chicks ako doon sa bar niyo. Tsaka may date ako mamaya." sagot ni Vale sa tanong ni Vian.
Ay! Oo nga pala. Hindi ko nabanggit na may pagka-babaero nga pala itong si Vale.
"G*go! Utot mo! Sino pipiliin mo? Kami o 'yang babaeng hipon mo? Hindi naman sila kagandahan. Ipinag-mamayabang mo pa. Mukha kang tanga. Hindi ka naman nila mahal." inis na reaksyon ni Vian.
"HAHAHAHA! Nasasabi mo lang kasi yan kasi nga wala kang chicks. Bakit hindi mo subukan, Vi? Masaya 'yon!" hayup na Vale. Nanghihimok na naman ng makakasama tuwing gabi na tatambay sa bar.
"G*go ka talaga! Pati ako idadamay mo pa sa kalokohan mo. Hindi! Ayoko, okay? Baka mapahamak pa ako kapag sinubukan ko. Tsaka someday, wala namang magandang maidudulot no'n sa akin." sagot naman nitong si Vian.
"So, kayo lang pala ang tao rito. Okay, I'll go ahead. May mga kailangan pa akong tapusing projects sa school. Call me if you're done talking to each other." makaalis na nga dito sa lugar na 'to.
Tatayo na sana ako nang bigla akong hawakan sa braso ni Vale kaya napaharap ako sa kanila.
"What?" takang tanong ko.
"Wait lang... 'di ba ikaw yung nagyaya na dito pumunta? Bakit ngayon eh aalis ka na?" sunod-sunod na tanong ni Vale.
"Oo nga." pang-eepal naman nitong isa sa usapan.
"Eh ang akala ko ba kayong dalawa na lang ang tao rito at invisible na lang ako? Tsk! I'll go ahead. Sumunod na lang kayo sa apartment natin. Doon muna ako. Tsaka magse-search pa ako ng mga lugar na pwedeng puntahan para makapag relax naman tayo." sagot ko.
Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad papalayo nang may makalimutan ulit akong sabihin.
"Tsaka nga pala! Ise-set ko na rin yung date next week. Abang-abang na lang kayo. Baka, magbago siguro ang isip ko. At baka mapaaga ang magiging sched ng mga lugar na pupuntahan natin. Bye." dagdag ko saka tuluyan ng umalis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top