29th
Nixie's Birthday!
♥️♥️♥️
Daphnie's POV
•••
Maaga akong nagising dahil may naalala akong kailangang paghandaan ngayong araw na 'to. Today is Nixie's day! Birthday ng bestfriend ko ngayon. She's now 19 years old. Nagpapasalamat ako at may bagong taon na naman siyang narating.
"Good morning, Mom." bati ko sa Mommy ko na sobrang sigla ngayong umaga. Kakagaling niya lang daw kasi sa yoga session kanina.
Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Daddy na nagtitimpla ng sarili niyang kape. Ayaw niyang magpatimpla sa mga maids namin kasi baka daw 'di niya magustuhan yung lasa. Ang arte niya noh?
Ang malas ko sa totoo lang. Bakit? Sa dinarami-rami pa kasi ng mga katangian ng Daddy ko, iyon pa'ng pagiging maarte ang namana ko sa kanya. Oh 'di ba? Mag-ama nga talaga kami. Like father, like daughter.
"Good morning, Dad. Ang aga niyo yatang nagising ni Mommy." biro ko sa kanya habang naghahanda ako ng iinumin kong gatas para sa umagang ito.
"Talaga namang maaga kaming nagigising. Ikaw lang ang tanghali na magising." tugon ni Daddy kaya sinimangutan ko siya.
"Eh 'di kayo na ang maagang nagigising. Hindi niyo kasi ako ginigising ng maaga." reklamo ko.
Tiningnan ko ang wallclock namin at six o'clock na umaga. Ang aga pa naman pala ah. Pero para kila Mommy tanghali na ang oras na 'to. Palibhasa, nasanay na gumigising sila ng five o'clock.
"Eh paano ka naman namin gigisingin ng maaga kung kami pa ang papagalitan mo sa tuwing ginigising ka namin ng Daddy mo." singit ni Mommy na nasa kusina na rin ngayon.
Nang matapos ko nang mailagay sa baso ang gatas ay ininom ko na agad ito. Nang maubos ko ang laman, hinugasan ko na kaagad ang baso na ginamit ko at nagbalak na umupo na sa dinning chair para makakain na ng umagahan.
Eksaktong walang pasok ngayon. Saturday kasi. Pero katulad pa rin ng dati. Maraming kailangang i-review na lessons kahit na patapos na ang klase. Hay nako, mga teachers nga naman. Pero okay lang, nakapag-review naman na ako bago ako gumala ngayon.
Siyempre, uunahin ko ang pag-aaral ko bago ang lakwatsa. Gano'n kasi sila Mommy noong kabataan pa nila. Sila na ni Daddy pero pag-aaral pa din ang inaatupag. Sana makahanap ako ng lalakeng matalino rin tulad ni Daddy. Tulad ko.
I'm so proud to my parents kasi palagi nilang pinapaalala na mahala ang edukasyon sa pangahon ngayon. Kaya kailangan kong magsumikap para maging proud sa akin sila Mommy at Daddy.
***
Dumiretso na ako ng kwarto ko nang makakain ako ng agahan. Naligo, nagbihis at nag-ayos ako ng sarili ko. Isinuot ko ang favorite floral dress ko. Ininuot ko ang favorite kong rubber shoes. Dinala ko ang favorite sling bag ko na kulay white.
Nang matapos ko ng ayusan ang sarili ko, lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa bago kong kotse. Sky blue ang kulay nito. Alam kong takaw-dumi pero ito ang gusto ko kaya hindi ako nag-aalala kung madali lang siyang madumuhan o madali lang makita ang dumi sa kulay na napili ko.
Pinaharurot ko kaagad ang sasakyan ko papunta sa bahay nila Nixie. Hindi naman malayo ang bahay nila sa bahay namin. Isang kanto lang ang lilikuan tapos ilang metro na lang ang layo.
Hindi rin naman nagtagal ay nakarating rin ako kaagad. Nasa mood ako na mag-drive ng kotse ngayon. Tsaka hindi traffic kaya malaya akong gumamit ng kotse. Hindi nakaka-haggard mag-drive. Tsaka sayang yung suot ko ngayon noh. Ayaw kong masira ang kagandahan ko ngayong araw. Feeling ko kasi blooming ako today. Ba't ba? Ngayon na nga lang ako magiging maganda eh.
Tsaka paalala ko lang din pala. Wala akong pinapagandahang lalake, okay? Wala. As in wala, wala , wala.
Hindi rin naman nagtagal ay nakarating rin ako kaagad. Nasa mood ako na mag-drive ng kotse ngayon. Tsaka hindi traffic kaya malaya akong gumamit ng kotse. Hindi nakaka-haggard mag-drive. Tsaka sayang yung suot ko ngayon noh. Ayaw kong masira ang kagandahan ko ngayong araw. Feeling ko kasi blooming ako today. Ba't ba? Ngayon na nga lang ako magiging maganda eh.
Tsaka paalala ko lang din pala. Wala akong pinapagandahang lalake, okay? Wala. As in wala, wala , wala.
Bumungad sa pintuan si Thea na kanina pa pala nandito sa bahay nila Nixie kasama yung manliligaw niyang si Vale.
"Hey, Vian! Daphnie's already here. Pakisamahan na lang siya papasok sa loob." sigaw niya nang makagbaba ako ng kotse.
Kaagad namang lumitaw sa paningin ko si Vian at sinamahan akong pumasok sa loob. Si Vale at Thea naman ay nagtakbuhan na papasok sa loob ng bahay. Iniwan ba naman kami ni Vian. Mga hinayupak talaga.
"Sige na, Vian. Mauna ka na sa loob. Kaya ko ang sarili ko." sabi ko kay Vian pero parang wala siyang narinig kaya hinayaan ko na lang.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng nakatikom ang bibig. As in hindi talaga ako nagsasalita. Nang biglang magsalita ang kasama ko na siyang ikinagulat ko.
"Ang ganda mo ngayon, Dap. Mas gumanda ka ngayon." sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko kasi siya kayang tingnan ng matagal. Sh*t! I hate this feeling!
Binilisan ko na lang ang lakad ko habang hindi siya nililingon. Nakakaloka! Ano ba'ng klaseng nararamdaman 'to?
"Huwag mo naman akong iwan oh. Kawawa naman ako, mag-isa ko lang na naglalakad." reklamo niya prro hindi ko na lang siya pinansin.
Bigla kasi akong dinapuan ng hiya na hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Ang weird nga eh. Si Vian 'yon, hindi naman siya ibang tao pero may kakaiba akong naramdaman nang bigla niyang sabihing mas gumanda ako ngayon.
Nararamdaman ko rin ito noong kami pa ng ex ko. Wait... Hindi kaya... Hindi kaya...
Napahinto ako at nanlaki ang mga mata ko nang malaman ko kung bakit ako nagkakaganito. Napatakip na lamg ako ng bibig at sumigaw.
Nagulat ako nang biglang may magsalita sa likuran ko.
"Huy! Bakit ka sumisigaw?" tanong niya. Kilala ko kung kaninong boses ito at hindi ako pwedeng magkamali.
Si Vian! WAAAAAHHH!!!!
Kumaripas ako ng takbo na parang nakakita ng multo. Basta! Ayaw ko munang makasama ang lalakeng 'yon. Mas mabuti ng umiwas kaysa madagdagan pa ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya.
Nang dahil sa pagmamadali ko, nakabungguan ko si Vale. Kaya nagtaka siya nang makita niya akong hingal na hingal.
"Anyare sayo?" takang tanong niya.
Umiling na lang ako bilang tugon saka nagmadaling naglakad papuntang comfort room. Doon ko na lang ulit aayusin yung sarili ko. Badtrip!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top