28th

♥️♥️♥️

Nixie's POV

•••

Maaga akong nakapasok sa school kasama si Vince. Dumiretso kami sa cafeteria ng school at kumain muna doon. May baon akong ube flavor ng cookies. Binigyan ko itong boyfriend ko, gusto naman niya yung lasa. Masarap naman daw sabi niya.

Nagsusubuan kami nang biglang may lumapit sa aming tatlong babae. Nakangiti sila tapos kilig na kilig. Kinikilig ba sa amin itong mga ito o kinikilig sa boyfriend ko?

"Why?" cold na tanong ng boyfriend ko sa kanila.

"Pwede pong magpa-picture? Fan po kasi ako ng loveteam niyo.KYAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!" sagot ng babaeng simple lang ang ayos ng buhok at hindi mukhang pokpok na makapal ang make-up pati ang liptint sa bibig niya.

"Sure! Halina kayo." tugon nitong katabi ko.

Tumabi sa amin ang tatlong babae at kli-nick ang camera ang white button sa phone nung isang kasama nila. Then lumayo rin sila kaagad sa amin at nagpasalamat.

"Hindi ko inakalang magkakaroon pala tayo ng fans dito." sabi ko dito sa katabi ko.

Nginitian niya ako at niyakap ng bahagya. "Masasanay ka na. Siyempre sikat ako, dapat ikaw din ay kilalanin nila bilang reyna ko." tugon niya.

Alam kong namumula yung pisngi ko ngayon. Bakit ba kasi ang hilig magpakilig ng isang 'to? Hindi tuloy ako makatulog kung minsan kasi palaging pumapasok yung mga sweet words na binabanggit niya sa araw-araw na magkasama kami.

Sa sobrang pagmamahal niya sa akin, parang gusto ko ng magpa-party araw-araw sa sobrang saya ko sa tuwing kasama ko siya. Gusto kong magkaroon ng maraming, maraming memories kasama siya.

"Tara na?" tanong niya sa akin.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Patapos na rin naman na ang free time namin. Magpa-flag ceremony na mamaya. Kailangang mauna kami doon para hindi kami mapunta sa pinakadulong bahagi ng pila. Minsan kasi umaabot sa bilad yung pila sa dami ng estudyanteng nag-aaral dito.

Medyo binilisan namin yung paglalakad kasi medyo malayo pa ang Ceremony's Stage dito. Dadaan ka pa ng 20 classrooms bago mo marating ang CS.

Mabilis naman kaming nakarating sa pila. Wala pa namang gaanong estudyanteng pumupunta. Pero maya-maya lang 'yan, dadagsa na ang pagdating ng mga estudyante galing sa iba't ibang grade level at iba't ibang section.

At hindi nga ako nagkamali. Makaraan lang ang sampung minuto, nagdagsaan na ang mga estudyanteng pumipila. Siyempre sa unahan kami ng boyfriend ko. Kahit na sinasabi ng mga teachers na 'fall in line by finding your hight' hindi kami nakikinig. Basta kami ang magkatapat.

Hindi naman makapagrason ang iba dahil takot sila sa boyfriend ko. Kaya hinahayaan na lang kaming dalawa. Kahit na ang pinakamatangkad sa boys ay ang boyfriend ko, hindi magawa ng iba na magreklamo.

Maya-maya pa'y may nagsalita sa stage. Nang maaninag ko kung sino iyon ay kaagad na uminit ang dugo ko.

Si Kishie lang naman na umagaw ng pwesto ko bilang isang SSG President. Ito siya, nagmamagaling na naman ang hayop. Ang sarap sakalin ng shuta!

"Special attention for Mr. Valdedara and Ms. Delos Reyes. Mukhang hindi po sila sumusunod sa rules natin na 'fall in line by finding your hight' eh." sabi niya sa harapan naming mga estudyanteng tulad niya.

Aba! Pakialamera ang shutang*na! Ihulog kita d'yan sa stage eh. Para makita mo kung sinong kinakalaban mo. Nanggigigil na talaga ako sayo!

"Tsk! Subukan niyong sundin 'yang pekeng Presidenteng 'yan at mawawalan kayong lahat ng trabaho dito." pananakot ng boyfriend ko sa mga teachers.

"What?!?" halatang nagulat ang bruhang Presidente namin sa SSG.

Mahigpit na hinawakan ni Vince ang kamay ko. Tsaka nagpatuloy sa pagpapahiya kay Kishie.

"Alam ko namang binayaran lang kayo o kaya naman tinakot niya kayo para mapapayag kayo na siya ang maging PRESIDENT ng SSG Officers. Am I right?" nakangising pagpapatuloy ni Vince sa pagpapahiya sa nagmamagaling na bagong salbang estudyante rito.

"Ngayon, kung ito ang paraan mo para piliting paghiwalayin kami ni Nixie? Sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay. Ngayon nga tingnan mo 'yang sarili mo. Pahiyang-pahiya ka na! Huwag mong ipinagmamalaki sa amin na anak ka ng teacher dito. Kasi hindi kami natatakot sa inyo. Mayaman kami at mas mayaman pa sa inaakala mo. Kaya naming bayaran lahat ng nagtatrabaho dito. Kaya sana naman, tigilan mo na kami. Kasi kami? Sawang-sawa na sa nakakasuka mong ugali!" sigaw ng boyfriend ko sa kanya.

Mukhang hiyang-hiya na siya kaya nagbalak na lang siyang mag walk-out sa harapan naming lahat habang takip-takip ang bibig. Sinundan siya ng tatay niyang teacher.

Alam kong masyadong harsh si Vince magsalita pero sawang-sawa na rin akong makipag-away sa babaeng 'yon.

Sa tuwing mag-isa lang ako, ako ang palagi niyang pinagdidiskitahan na para ba'ng marami akong ginawa sa kanyang mali. Kahit na ang totoo, wala naman talaga. Ni hindi ko nga siya kinakausap eh. Saka niya lang ako makakasagutan sa tuwing binu-bully niya ako.

Pero pana'y salita lang ang sinasabi ko. Kahit na mga salita lang ang ibinabato ko, naiinis na agad siya masyadong sensitive 'di ba?

Natapos ng maaga ang flag ceremony nang dahil sa nangyari. Habang naglalakad kami papunta sa classroom, marami kaming nakikitang nagbubulungan sa tuwing madadaan kami sa tapat nila. Marami ring nagtitilian sa tuwing natatapar kami sa ibang grupo ng mga estudyanteng nakakasalubong namin.

"Hi!" bati ng boyfriend ko sa mga babaeng napapatalon pa nang dahil sa kilig.

Mas lalong nangibabaw ang tili ng mga babae kaysa sa mga bulung-bulungan ng iba. Natutuwa ako kasi marami ang humahanga sa lovestory namin.

Sa t'wing may magtatanong kung paano kami naging close sa isa't isa, hindi namin mapigilang kiliging pareho habang ikinukuwento ng buo ang lahat ng pinagsamahan namin bago kami naging mag-jowa. Para akong isang babaeng ngayon lang nagkaroon ng boyfriend.

"Honey?" tawag niya sa akin.

"Hmm?" tigon ko.

"Ang sarap pala sa pakiramdam na maging komportableng mag-aral kasama ka. Sumipag tuloy ako mag-aral ng dahil sayo." nakangiting sabi niya saka ako niyakapbperoakaagad ding humiwalay.

"I love you, honey." mahinang dugtong niya.

"I love you more." tugon ko at hinalikan ang noo niya.

Nagpapasalamat ako kasi natuto ko na siyang mahalin ngayon. Sabi ko nga dati, hindi siya mahirap na mahalin. Madali kang mapo-fall sa mga galawan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top