26th
***
Daphnie's POV
•••
"Nakita mo ba si Thea?" tanong ko dito sa katabi ko ngayon sa kusina ng bahay nila Nixie.
"Hindi man. Bakit?" nagtatakang tanong sa akin ni Nixie.
"Kanina ko pa kasi hinahanap ang babaeng 'yon pero 'di ko siya makita." nag-aalala kong sagot.
"Ah! Alam ko na kung nasaan siya. Tingnan mo sa balcony baka nandoon 'yon at nagpapalamig ng ulo. Narinig ko kasing nagtatalo na naman sila ni Vale kanina. May misunderstanding yata sila." sabi ni Nixie saka tinapos na ang pagpe-prepare sa lamesa ng mga niluto niya.
Sinunod ko yung sinabi ni Nixie at tama nga siya. Nandito nga ang kaibigan naming ang galing umalis ng hindi nagpapaalam kaya madalas kaming naghahanap sa kanya.
"Hoy!" kuha ko ng atensyon niya.
Nang dahil siguro sa malakas kong boses, napalingon siya.
"Hmm? Anong kailangan mo?" kalmado niyang tanong.
Lumapit ako. "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala." reklamo ko.
"Bakit? Required ba na kailangan pa'ng magpaalam sayo?"
Oo nga naman. May point si bruha. Hindi naman required na magpaalam sa akin. Pero, naniniguro lang naman ako. Masama ba?
"Ah basta! Naniniguro lang ako. Siyempre normal sa akin na kaibigan mo ang hanapin ka kapag nawawala ka. Kasi nga, you're my bestfriend at mahal kita." pagdadahilan ko.
"Tsk. Ang drama mo talaga." saad niya.
"Mas maganda na yung may ma-drama kang kaibigan kaysa yung may kaibigan kang walang pakialam sayo." sabi ko.
"Hoy, mga bruha!" sigaw ng nasa likuran.
Sinundan pala ako ni Nixie dito. May hawak siya ngayon na miryenda na good for three. Para sa aming tatlo siguro itong dala niya.
"Uy! Para sa'min 'yan?" tanong ko sabay turo sa dala ni Nixie.
"Yes. Para sa ATIN. Hindi lang kayo ang kakain noh. Baka nakakalimutan niyong ako ang naghanda ng miryenda natin." sani niya habang nakataas ang isang kilay.
Inilapag na ni Nixie ang hawak niyang tray na may tatlong platito na may mocha cake at tatlong tabong orange juice.
Sabay naming kinain ang cake at ininom ang juice habang nagkukwentuhan. Nagtatawanan kami nang may biglang maitanong sina Thea na siyang ikinagulat ko.
"Daphnie, may gusto ba sayo si Vian?" tanong ni Nixie.
"Huh? Wala noh. Tsaka paano naman magkakagusto sa akin 'yon eh, ang mga type no'n magagandang babae." sagot ko.
"Pero gusto mo siya?" singit ni Thea.
"Hindi." sagot ko.
"Okay/Tsk." sabay nilang sabi.
"Teka nga lang. Bakit napasok si Vian sa usapan? Eh ang topic natin eh tungkol sa inyo ni Vince at Vale, Nixie at Thea. Ba't napunta sa amin ni Vian?" takang sabi ko sa kanila.
"Bagay kasi kayo. Pansin ko nga kanina, panay ang titig ni Vian sayo." namumulang sabi ni Thea.
"Hello~... ayaw ko pa magka-jowa. You know, study first. Remember?" tugon ko.
"Tss. Mas bagay nga si Thea at tsaka Vale eh." panunukso ko kay Thea.
"Hoy! Hindi noh! Never!" tanggi niya pero halata namang namumula ang bruha.
Hindi siya namumula dahil nagagalit o naiirita siya. Namumula yung pisngi niya kasi kinikilig siya. Kahit na ilang beses niya pang itanggi, hindi niya kami malolokong mga bestfriends niya.
"Masyado kang obvious, Thea. Bakit hindi mo pa kasi aminin na gusto mo na si Vale? Pakipot ka pa." sabi ni Nixie.
"Wow ha. Hiyang hiya naman ako sayo na ang tagal nagpakipot bago bumigay." tugon niya sa sinabi ni Nixie.
"Pero gusto mo si Vale?" tanong ko.
Ang hindi niya alam, tini-text ko si Vale na umakyat dito papuntang balcony bago ko siya tanungin.
From: TheLe (Thea/Vale)
-Nandito na ako malapit sa inyo.
Yes! Maririnig niya yung isasagot ni Thea! WAAAAAHH! Kinikilig ako!
"Sa tingin ko,... siguro. Siguro gusto ko na rin siya. Hindi naman kasi siya mahirap magustuhan. Gentleman naman siya. Mabait rin. Matalino rin yung tao. Ubod nga lang ng kulit pero, ayos lang naman sa akin 'yon." sagot ni Thea sa tanong ko.
Sumenyas ako na lumapit na si Vale sa pwesto namin na siyang ikinagulat ni Thea.
"Vale..." banggit niya sa pangalan ng taong nasa gmharapan naming tatlo ngayon.
"Thea, totoo ba lahat ng sinabi mo?" mangiyak-ngiyak niyang tanong kay Thea.
"Vale... kasi.."
"Totoo ba?" may ilang luha akong nakitang tumulo sa mga mata ni Vale.
Wow! Ngayon lang ako nakakita ng lalakeng umiiyak ah. Sa palagay ko, talagang mahal na mahal ni Vale ang bestfriend namin.
Thea sighed. "Yes, lahat ng narinig mo ay totoo. Pero hindi pa--" naputol ang sinasabi ni Thea nang biglang halikan siya ni Vale sa labi.
Bumitaw sila sa halikan at niyakap ang isa't isa.
"Hindi importante sa akin kung hindi ka pa sigurado. Basta ang mahalaga, gusto mo rin ako at kaya mo na rin akong mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo, Thea." sabi ni Vale habang naluluha pa rin.
Hindi ko namalayan na napaluha na rin pala ako kaya pinunasan ko ito at pinanood ulit silang dalawa na nasa harapan namin ngayon ni Nixie.
Nagulat kaming apat nang biglang may pumalakpak mula sa likuran. Nang makalingon ako, nakita ko ang dalawang bestfriend ni Vale na nakangiti ng malapad habang pumapalakpak pa.
"Sana all, Vian noh? Paano ba 'yan? May Thea na si Vale. Ikaw na lang ang wala pa ring jowa hanggang ngayon." pang-iinis ni Vince kay Vian.
"So? Makakapaghintay naman ako hanggang sa umamin din siya na may gusto siya sa akin." depensa ni Vian sa sarili.
"HAHAHAHAHA! So, hindi ikaw ang kailangang mag-first move? Ang pangit mo namang maging jowa. HAHAHAHAHA!" natatawang saad ni Vince.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top