24th

***

Nixie's POV

•••

Patuloy lang kaming nag-uusap hanggang sa dumating na yung point na may sasabihin daw itong kasama ko na isang importanteng tanong na iniiwasan ko munang sagutin ngayon.

"Ahmm... Nixie?.." mukha siyang kabado kasi nilalaro-laro na niya ang mga daliri niya.

"Bakit, Vince?" kalmado kong tanong.

"Ahmm... alam kong wala akong karapatang tanungin ito kasi sabi mo pa lang noong una na wala akong pag-asa sayo. Pero, ngayon ba may posibilidad na magkaroon na ako ng chance? Kahit konti lang. Kahit...two per--" hindi ko na siya pinatapos pa at nagsalita na ako kaagad.

"Meron na at malaki na ang chance mo." putol ko sa sasabihin niya.

Nanlaki ang mga mata niya at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin habang nagpapasalamat sa akin.

Humiwalay siya ng pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Nixie, maraming salamat ah. Maraming, maraming, maraming salamat talaga. Sa ngayon, may dahilan na ako para ipagpatuloy kung ano ang nasimulan ko. May inspirasyon na ako. Ngayon, ituturing na kitang asawa ko. Opisyal na asawa ko, Nixie. Hindi lang kita gagawing prinsesa kundi, gagawin kitang reyna ng buhay ko. Pangoko 'yan." sabi niya at muli na namanniya akong niyakap ng mahigpit.

Bumitaw rin naman siya kaagad at nginitian niya ako ng napakalapad. Ngayon ko lang rin na-feel kung gaano kasarap sa pakiramdam na makita ang taong palaging nagpapasaya sayo na ngayon ay ikaw mismo ang nagpasaya sa kanya.

Napangiti na rin ako. Hindi ko namalayan na naluha na pala ako nang dahil sa tuwa. Imbis yung taong napangiti ko, ako yung umiyak.

"Oh, bakit ka umiiyak? Napilitan ka lang ba'ng sabihing may malaki na akong chance sayo?"

Nataranta ako bigla nang dahil sa itinanong niya. "Hindi ah. Masaya lang siguro ako kasi napangiti kita." sagot ko saka pinunasan ang mga luha ko na tumulo. Sobrang emosyonal ko kasing tao.

"Tahan na..." saad niya at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. Tinitigan niya akong mabuti.

"Pumangit ka tuloy dahil umiyak ka. Naku, 'di bale nang pumangit ka ng pumangit, mamahalin pa rin kita." bakit ba ang sweet mo masyado? Bakit hindi ka man lang nagalit sa akin kung bakit painagtabuyan kita noon?

"Ito ulit ang tanong ko sayo..." muli niyang sabi saka ako inakbayan.

"Ano na naman ba 'yon? Ang dami mo namang tanong." reklamo ko.

"Isang tanong na lang 'to pero dapat honest ka sa isasagot mong sagot ah." may pa-honest honest pang nalalaman kasi.

"Ano nga 'yon? Daming alam." reklamo ko ulit.

"Kapag ba... inalok kita na maging girlfriend ko, papayag ka?"

"Oo." teka, hindi naman niya narinig 'yon noh? Sana hindi! Naku po! Lagot ako ne'to!

"A-ano?"

"W-wala! Ang sabi--"

"Narinig ko 'yon, Niks. Gusto kong linawin mo."

Naku po! Help me! I can't breathe!

"A-ang sabi ko...."

"Ano?"

Sige na nga, sasabihin ko na. Alam ko naman kasing hinding-hindi siya titigil hangga't hindi ko aaminin sa kanya na KUNG aalukin niya ba akong maging girlfriend niya eh, papayag ako.

"Ano na? Naghihintay ako oh. Pinaghihintay mo ang future husband mo." pangungulit niya sa akin.

Hindi pa din ako nagsalita. Nanatiling tikom ang bibig ko.

"Uyy! Ano na? Sasabihin mo ba o--"

"Ang sabi ko oo nga at papayag akong maging girlfriend mo! Happy?" putol ko sa sasabihin niya. Nakakairita na yung pangungulit niya. Hindi na nakakatuwa.

"Galit ka ba?" mahinahon niyang tanong.

"Medyo. Napakakulit mo kasi!" reklamo ko.

"Sorry na, sorry kung pinilit kita. Eh gusto ko lang naman na malaman ko kung may pag-asa ba talaga ako sayo tsaka kung papayag kang maging girlfriend ko." iyan na naman siya. Kinikonsensya na naman ako.

"So, ngayong alam mo na? Ano nang balak mo?" diretsa kong tanong sa kanya.

"Tatanungin ka kung pwedeng ngayon na kita maging girlfriend, papayag ka ba?"

Biglang tumibok ang puso ko na para bang hinahabol. Malalakas na kabog ng damdamin ang naramdaman ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Isang tanong lang 'yon pero parang nawalan ako ng boses na ilalabas para makasagot. Nilunok ko lahat ng laway ko. Hindi ako makapagsalita!

"Hmm? Nixie, okay ka lang?" tanong niyang muli.

"O-oo, o-okay lang ako." nauutal kong sagot.

"So, anong sagot mo sa tanong ko? Payag ka ba?" tanong niyang muli.

Napaisip ako.

Marami na siyang ginawang pagunay na mahal na niya talaga ako. Siguro, ito na ang pagkakataon para makabawi ako. Ito lang ang kaoigayahan niya kaya ibibigay ko na ang gusto niya.

Ang sagutin ko siya ng "Oo".

Matagal na niya ring hinangad 'to na mangyari. Kaya ngayon, pagkakataon ko ng ibigay ang nararapat na dati niya pa nakuha kung hindi lang ako naging pakipot.

"Sa palagay ko, ito na ang pagkakataon para makabawi naman ako sayo. Ang dami mo namang ng ginawa para sa akin. Tsaka ito lang ang maiibibigay ko para makabawi, sasayangin ko pa ba ang pagkakataon na magmahal ulit ng usang taong mahal na mahal ako? Kaya sobrang swerte ko kasi sayo ko ibibigay ang matagal mo ng inaasam, ang sagot ko sa tanong mo. Maraming salamat talaga sa lahat." para akong nag-speech nang dahil sa mga sinabi ko.

"Ang sagot ko ay..." tinititigan ko ang bawat kilos niya. Sa itsura niya ngayon, kitang-kita sa mukha niya ang kaba at kagustuhan na malaman ang isasagot ko.

"Oo, Vince. Payag na akong maging iyo ng buong-buo." dugtong ko sa sinasabi ko.

"Yes! Kami na ni Nixie! Yes! Yahoo! Yes!" halata ang kaligayahan sa kanyang mukha. Masayang masaya ako kasi natupad na ang hiling niya.

Sana dumating yung araw na kaya ko ng ibalik ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin araw-araw. Sana dumating yung pagkakataon na mamahalin ko rin siya ng buong puso. Sana daraying yung oras na ikakasal kami na alam na namin sa sarili naming kami na ang para sa isa't isa.

Sa ginawa ko, hindi naman ako nagsisisi eh. Hindi ako nagsisisi na sinagot ko siya. Dahil alam ko na totoo niya akong mahal. Kahit na ipinagtatabuyan ko siya noon at pinapatigil ng manligaw, hindi pa rin siya tumigil na pasayahin ako. Napapasaya niya ako palagi lalo na sa tuwing stress ako, siya yung nagiging stress reliever ko. Kaya masasabi ko na hinding-hindi ako magsisisi kung darating ang araw na papakasalan ko siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top