20th
Play Bubbly by Colbie Caillat while reading this chapter. Enjoy reading!
***
Nixie's POV
•••
"Nixie? Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin. Napaigtad ako nang dahil sa gulat.
Napapaisip kasi ako nang dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari sa akin. Feeling ko today, sobrang espesyal ko sa isang lalake. Iba sa pakiramdam.
"O-oo, okay lang ako." sagot ko sa kanya.
Para hindi na siya mag-alala pa, iniba ko na lang ang usapan namin.
"Ang sarap mo pa lang magluto. Ikaw ba talaga ang nagluto nito lahat?" sabi ko sa kanya.
"Oo naman. Alam mo namang basta ikaw, kakayanin ko lahat mapasaya ka lang." ayus mga banat nito ah.
"Asus~... mga galawan mo ah. Lumalala na masyado."
"Pabayaan mo lang akong gawin ang mga gusto ko. Malay mo, mahulog ka na din sa akin." sabi niya saka ako kinindatan.
Natawa ako. "Asa ka naman."
"Ouch.. ouch! Ang sakit naman no'n." sabi niya habang hawak-hawak ang kanyang dibdib.
"Baliw." natatawa kong reaksyon sa ikinikilos niya.
"Baliw... na baliw sayo." pagdudugtong niya sa sinabi ko.
Nagtawanan kami nang dahil sa ka-corny-han niya. Kahit kailan talaga, ang saya niyang kasama. Kaya hindi na ako magtatakang baka mahulog na rin ako sa kanya ng tuluyan.
"Ayos! Napatawa na rin kita. Sigurado akong mamaya lang, magaling ka na."
"Paano ka naman nakakasigurong mamaya lang ay magaling na ako? Hindi ka naman doctor."
"LoveNat lang 'yan. Kulang ka lang ng love kaya ka nagkasakit."
"Baliw ka talaga."
"Baliw na kung baliw. Sayo lang naman ako naging baliw na baliw." bakit ba ang galing bumanat nito? Eh kung banatan ko kaya 'to.
"Pasalamat ka at may sakit ako. Kung wala lang kanina pa kita naupakan." sabi ko sa kanya.
Pero hindi pa rin siya natinag. "Okay lang na upakan mo ako ng upakan. Basta ang kapalit no'n ay papakasalan mo ako."
Luh. Hayop pala 'tong mokong na'to.
"Asa ka." sabi ko saka siya binelatan.
"Tss. Mahuhulog ka din sa akin."
"Asa ka uyy!"
"Ouch. Ouch! Mapanakit ka na ah." sabi niya habang hinahawakan ang kanyang dibdib. Umaarteng nasasaktan.
"Sorry na. Masakit ba masyado?"
"Oo kaya. Sobrang sakit sa puso. Pero ito lang ang tatandaan mo..." sabi niya saka hinawakan ang kanang kamay ko.
"...na mahal na mahal na mahal kita. Kahit ano pa man ang magiging desisyon mo, susuportahan kita hanggang dulo. Hanggang sa umabot na yung puntong matututo ka na rin na mahalin ang isang tulad ko na hindi man perpekto, pero alam ko na alam mong mamahalin ka ng buong-buo." dugtong niya.
Gusto kong umiyak. Gustong gusto kong umiyak ngayon. Gusto kong itanong sa sarili na bakit hinahayaan kong makasakit ako ng iba. Samantalang siya, handa siyang masaktan ng masaktan para lang mapasagot niya ako.
Ang sama ko di ba? Ang sama-sama ko. Ewan ko ba! Nakokonsensya na ako sa ginagawa ko sa kanya.
"Kung pagod ka na, pwede mo naman na akong pakawalan eh." nakayuko kong saad.
"A-ano? Ikaw? Papakawalan ko?" nagtataka niyang tanong sa akin.
Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. "Oo, kung nagsasawa ka na sa ugali ko, pwede ka ng umalis dito at hayaang bumalik tayo sa dati. Yung tamang chill lang habang tawa ng tawa. Gano'n."
"Tss. Ako? Mapapagod? Paano naman ako mapapagod kung alam kong may pag-asa naman ako sayo di ba?"
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. "Eh paano kung sabihin kong wala kang chance na makapasok sa puso ko?" hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayon. Bahala na nga!
"Eh 'di hihintayin kong bumukas ulit 'yang puso mo para makapasok ako. Nixie, sabi ko nga sayo. Hindi ako titigil hangga't hindi kita nakukuha." talagang pursigido siya. Kahit na ilang ulit kong saktan, wala pa din. Okay pa rin siya.
"Bahala ka na nga. Napakakulit mong nilalang." iyan na lang ang sinabi ko sa kanya. Nahiga na lamang ako at tinalikuran siya.
"I don't want to lose hope na balang araw,magiging akin ka din." sabi niya bago niya ako iwan sa kwarto.
Itinuon ka na lang sa pagkain ang atensiyon ko at kinain na ang pagkaing dala niya kanina. Nang matapos ko nang ubusin ang pagkain, inilagay ko na lang sa mini table ang pinagkainan ko. Ininom ko rin ang gamot. Humiga na ako pagkatapos.
Hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang usapan namin ni Vince kanina. Alam kong nakasakit na naman ako. Masisisi ko ba ang sarili kung hindi pa talaga ako handang magmahal ulit?
Sa tuwing naririnig ko ang mga sinasabi niyang hindi siya nawawalan ng pag-asang makukuha rin ako, naawa na lang ako bigla sa kanya.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kasi pilit ko siyang pinagtatabuyan. Kanina, medyo masakit na lang yung ulo ko. Pero ngayon? Mas lumala yata. Ang sakit sa sintido pati sa puso.
Siguro, takot lang ulit ako masaktan? Takot akong umasa ulit na may isang tao na namang papasok sa mundo ko para lang mahalin at ipagtanggol ako.
Minsan na akong nasaktan ng mga lalake. Kaya ko nga binago ang sarili ko di ba? Para rin iyon sa ikakabuti ng kalagayan ko sa mga panahong durog na durog ako. Letche kasing Lawrence 'yan eh!
Argh! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon. Hindi naman kasi ako sanay na may isang taong ubod ng kulit. Alam kong hindi manhid si Vince at alam kong sa tuwing may nasasabi akong masasakit, nasasaktan siya ng sobra-sobra.
Bakit pa kasi ako yung nagustuhan niya? Pwede namang ibang babae na lang 'di ba? Yung mas maganda sa akin. Yung mas sikat kaysa sa akin. Mas bagay sa kanya si Kishie kaysa sa akin na simpleng babae lang na may matigas na puso.
Gustong-gusto ko siyang maging masaya sa iba. Pero bakit sa tuwing iniisip ko na magiging masaya siya na hindi ako yung dahilan ng pag ngiti niya, may parang tumutusok sa puso ko. Parang dinudurog ito. Minsan naman, bigla-bigla na lang akong luluha kapag iniisip ko na balang araw, hindi na ako yung magiging priority niya.
Hay ewan! Napakagulo pa ng isipan ko sa ngayon. Iniisip ko kung anong mga plano ang inihanda ni Lawrence para makuha ako. Natatakot ako. Pero at the same time, nalulungkot din nang dahil sa nangyayari sa amin ngayon ni Vince.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top