16th
***
Thea's POV
•••
"Wala pa ba si Nixie?" tanong nitong katabi ko sa sofa na si Dap-Dap.
"Nakikita mo na ba siyang nandito? Common sense girl." sagot ko.
Natahimik siya. Natahimik din ako.
Ilang sandali pa ang nakakalipas nang biglang bukas ang pinto at iniluwal niyon si Nixie na kanina pa namin hinihintay dito na dalawa sa bahay nila.
"Buti dumating ka pa." sarkastiko kong bungad sa kanya.
"Huwag mo na ngang sermonan si Niks, Thea." aba! Kinampihan pa nitong isa.
"Tss. Kamusta lakad niyo?" pang-iiba ko ng usapan.
"Huh? Pinagsasasabi mo?"
"Huwag mo na ngang itago na magkasama kayo kanina ni Vince, Nixie. Sinabi ng pinsan ko sa akin."
"Kaya pala."
"So, anong naganap sa inyo habang magkasama kayo kanina?" singit ni Dap-dap sa usapan.
"Wala. We're just talking about some things in our life." simpleng sagot nitong babaeng kinokompronta namin.
"Tss. Boring."
Nixie sighed. "I'm tired. Gusto ko ng magpahinga."
"Wait a minute. Hindi ka ba nagugutom? I can cook a food for you. Wala naman akong gagawin eh." pigil sa kanya ni Daphnie.
"Hindi na. Kumain na ako kanina. Sige, pasok na ako sa kwarto ko. Pakisabi na lang sa Yaya ko na pakiayos bukas ng maaga lahat ng gamit ko." sabi ni Nixie at iniwan na kami dito sa living room.
"Bakit?" tanong ko resulta ng pagkahinto niya sa pag-akyat ng hagdan papuntang kwarto niya.
"Wala. Gusto ko lang pumasok bukas ng maaga. Masama ba 'yon?" tugon nito.
"Hindi." tugon ko naman.
"Ang sabihin mo, gusto mo lang makitang maaga si Vince para makipag-date sa kanya." singit ni Dap-dap.
Nagpameywang si Nixie at hinarap siya. "Hoooy! Kung naiingit ka, eh di maghanap ka ng fake boyfriend mo." inis na sabi nito saka kami iniwang nagtatawanan ni Daphnie.
Sana all na lang.
Mukhang malapit ng maging totoong sila ah. Iba talaga mga galawan ng pinsan ko. Pangmalakasan!
HAHAHAHAHA!
⭐⭐⭐
Nixie's POV
•••
Grabe! Nakakapagod ang araw na 'to. Makahiga na nga lang. Hay...
Nasa kalagitnaan ako sa pagmumuni-muni nang biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ito.
Sino naman kaya 'to?
Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan na lumitaw sa screen ko. Nagtataka ako kung ano naman dahilan kung bakit tumawag ang isang 'to.
"Oh, hello. Bakit ka napatawag? Kanina lang magkasama tayo ah. Hindi mo pa sinabi kung anong gusto mong sabihin."
Si Vince po ito.
["Wala akong gustong sabihin. Itanong, meron. May gusto akong itanong sayo. Actually, kanina ko pa gustong sabihin ito sayo e."]
"Ano nga 'yon?"
["Ahm... Ano.. ahm..hmm..ano.."]
"Ano nga 'yon? Diretsuhin mo na ka--"
["G-gusto ko sanang manligaw at maging legal na maging tayo sa harap ng maraming tao."] mabilis niyang sagot saka hingal na hingal na nilinaw ang gusto niyang sabihin.
Tumigil ang mundo ko. Feeling ko this time, tumigil ang oras at pag-ikot ng mundo. Pati ang paggalaw ng lahat sa paligid ko. Feeling ko, ang tanging naririnig ko lang ngayon ay ang malakas na kabog ng dibdib ko.
["Mahal na kita, Nixie. At totoo 'yon. Alam nating dalawa na simula pa lang, gusto na kita di ba? Kaya sana...sana payagan mo akong manligaw sayo.."]
["Huwag kang mag-alala, hindi naman ako nagmamadali eh. Kung kailan mo gustong sagutin ako, okay lang. Basta sa ikakasaya mo at ikakabuti ng pakiramdam mo, doon ako."]
That's my IDEAL boyfriend.
Oh. My. God.
["Hello, Nixie? Are you still there? Did you here what I've said?"] tanong niya sa kabilang linya. Dahilan para mapaigtad ako at magising sa katotohanang nanliligaw talaga siya.
"O-oo, nandito pa ako. N-narinig ko rin lahat ng sinabi mo." kinakabahan kong tugon.
["Ano? Payag ka bang maging manliligaw mo ako? I'll promise, I'll do my best para maging mas deserve ko ang pagmamahal mo kaysa sa bwisit na ex mo na walang ginawa kundi paiyakin ka lang ng paiyakin dati."] mukhang desidido talaga siyang maging boyfriend ko ah.
Well, wala namang masama kung hindi ko susubukang magmahal ulit. Wala namang mawawala sa akin eh. Baka matutunan ko rin siyang mahalin at baka masuklian ko rin ang pagmamahal niyang binibigay sa akin. Pansin ko nga na mukhang mas mahal na niya ako kaysa sa sarili niya.
"Pag-iisipan ko. Alam kong nasaktan na kita kanina kaya kung maaari lang sana, ayaw na kitang saktan pa. Kaya lang, masyado kang mapilit. Pero...ayaw kong umasa ah. Pag-iisipan ko pa lang yung sagot ko sa tanong mo." kalmado kong sagot sa kanya.
["Sige. Sabi ko nga sayo, kahit na ilang beses mo pa akong saktan, ayos lang. Ikaw 'yan eh. Sabi mo nga rin sa akin kanina, mahirap kang mahalin pero anong isinagot ko, ayos lang. Mahal kita eh."]
Nakaramdam ako ng pag-iinit ng mukha nang dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung naaawa lang ba ako o may iba pang gustong ipahiwatig ang mga bagay na naramdaman ko ngayon.
Bukod kasi sa nag-init ang mukha ko at alam kong nag-blush ako, nakaramdam rin ako ng kilig na ngayon ko lang ulit naramdaman makalipas ang ilang taon.
Hay...
["Uyy.. nand'yan ka pa ba?"]
Napaigtad na naman ako.
"O-oo. Nakikinig pa ako. So, ano pang sasabihin mo?" wala akong masabi e. Kaya...tinanong ko na lang.
["Free ka ba bukas after lunch? May gusto sana akong ipakilala sayo."]
"Free naman ako bukas kaya...pwede naman akong sumama sayo." sagot ko mula sa kabilang linya.
["Sige, sunduin na lang kita d'yan ah. Ayaw kong napapagod ka kaka-drive kaya mas mabuti nang ako na ang magdadala ng sasakyan."]
"Tss. Tsaka hindi ko naman alam yung lugar kung saan tayo pupunta kaya papayag ako na ikaw na ang magdala ng sasakyan."
["Ay! Oo nga pala. Ba't ba napakahina ng utak ko? HAHAHAHAHA!.."]
"Ewan ko sayo, baka kulang ka sa aruga noong maliit ka pa lang."
["Grabe ka naman sa akin. Ang sama mo. The queen of evils."]
"Tsk! Ikaw kaya d'yan. Bagyo ka nga eh. Ang hangin mong tao, hindi ka naman gwapo..."
"Slight lang." siyempre hininaan kong bigkasin ang mga salitang 'yan.
Baka kasi kapag narinig niya, maging mas mahangin na naman 'yan. Mas malakas pa siguro sa bagyo kapag nagkataon na marinig niya.
["A-anong sinabi mo? Gwapo ako?"]
Hala! Narinig niya 'yon?!?
Paktay!
"Hindi! Ang sabi ko, gago ka! Psh!" tugon ko saka siya pinatayan ng tawag.
Bahala siya sa buhay niya... Hmm...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top