15th
***
Daphnie's POV
•••
Nasaan na ba kasi si Nixie? Bakit hindi ko ma-contact? Kanina pa kami nag-aantay dito sa parking lot. Kinain na ba siya ng upuan niya kaya wala na siya at hindi na namin mahagilap?
Joke lang.
"Nasaan na ba kasi 'yang si Nixie?" nag-aalalang bulong ni Thea sa hangin.
"Tawagan mo nga si Vince baka magkasama sila." suggest ko na sinunod naman niya.
Ilang minuto pa ang nakalilipas biglang nagsalita si Thea.
"Confirmed. Magkasama yung dalawa. Sa tingin ko kailangan na nating umuwi sa mga bahay natin bago pa tayo mapagalitan ng mga Mommy natin." sabi niya saka sumakay na sa kotse niya.
Sumakay na rin ako sa kotse ko at sumunod na nagpaharurot ng sasakyan pauwi.
Siguradong gagabihin na naman si Nixie ng uwi dahil nakipag-date pa kay Vince. Ililibot na naman no'n si Nixie at sigurado ako d'yan.
⭐⭐⭐
Nixie's POV
•••
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko dito sa kasama ko.
Ilang sandali pa ang nakalilipas, huminto kami sa isang hardin na sobrang ganda at may preskong hangin na dumadampi sa aming mga balat.
"Dito kita gustong dalhin. Maganda ba?" saad niya.
"Oo. Ang ganda nga ng view dito e. Saan ba tayo dumaan kanina? Para masundan ko at gusto kong dito na lang tayo tumambay kapag walang klase." sabi ko.
"T-tayo? D-dito na lang tayo tatambay?" nauutal na sabi niya habang titig na titig sa akin.
"Oo nga. Ba't ba ang kulit mo?"
"O-okay. Sorry." sabi niya saka yumuko.
May nakita akong bench sa ilalim ng isang puno na may malagong dahon kaya malilim. Umupo ako doon at sumunod siya sa akin.
"Nixie?" kuha niya ng atensyon ko.
Nilingon ko siya mula sa pagmumuni-muni ko. "Hmm?"
"M-may gusto lang akong sabihin sayo." mukha siyang kinakabahan sa pagkakasabi niya ng mga salita.
"Ano 'yon?"
"H-hindi ka ba nagseselos kanina?"
"Huh? Para saan naman?" natatawa kong tugon.
"K-kay Kishie?"
"Bakit? Anong meron kay Kishie?" muling tanong ko.
"Hindi ka ba nagseselos sa amin ni Kishie kasi nandito siya? Ex ko siya kaya posibleng akitin niya ulit ako para mapapayag na magpakasal sa kanya." paliwanag niya.
Bigla akong natawa nang dahil sa sinabi niya. "HAHAHAHAHAHA!... HAHAHAHAHAHAHA!... Ako? Magseselos? Hindi noh. At tsaka sino naman ako para ipagdamot kita? Eh fake girlfriend mo lang naman ako. Ikaw ah, ang galing mo pa lang magpatawa. HAHAHA!"
"Nixie naman eh." sabi niyo saka nag-pout kaya mas lalo akong natawa.
Pinakalma ko muna yung sarili ko bago muling humarap sa kanya.
"Kung may balak siyang gawing husband ka, why not? Maganda at sexy naman siya, mayaman pa. Matangkad rin siya."
"E bakit ba pinagtatabuyan mo ako? Bakit hindi mo ako ipinaglalaban? O ipagdamot man lang."
"E bakit naman kita ipagdadamot? Hindi ka naman akin."
Natahimik siya.
Napayuko na kitang-kita sa mga mata niyang gusto niyang umiyak.
Ngumiti siya pero alam kong pilit lang at hinarap ako.
"Oo nga pala. Fake boyfriend mo lang pala ako. Ang akala ko kasi, may mas hihigit pa doon e. Sorry ah, kasi... umasa ako..."
"Ang drama mo namang tao, Vince." reklamo ko.
"Totoo lahat ng sinabi ko na...gusto kita. Gustong-gusto kita."
"Naku! Huwag mo nga akong paikutin sa mga sinasabi mo, Vince. Hindi naman kasi ako naniniwala sa love eh."
Ngumisi siya. "Pwes, ako ang magpaparanas at magpaparamdam sayo na love is existing in this whole world." at sinabayan ng malapad na ngiti sa mga labi.
"Love doesn't exist, Vince. Masasaktan ka lang sa dulo." komento ko.
"Di bale ng masaktan atleast, nagmahal ako ng totoo at alam ko sa sarili ko na wala akong pagsisisihan sa dulo na nagmahal ako ng sobra. At alam ko rin sa sarili ko na hindi ako nagkulang. Talagang hindi lang siguro kami para sa isa't isa." depensa niya.
"Pero kapag ikaw yung mananakit sa akin?...." ibinaling niya sa malayo ang tingin. "Okay lang na masaktan ako ng paulit-ulit basta hindi ako mawawalan ng pag-asang magiging tayo rin balang araw." sabi niya at ibinaling ulit ang tingin sa akin.
Gaano ka ba kaganda, Niks? Mukhang tinamaan sayo ng husto si Vince. Haysst! Nakakasakit ka ng sintido, Vince! Jusmiyo!
"Okay, okay. Tatapatin na kita ah. Sa ngayon kasi, hindi pa ako handang magmahal ulit. Gusto ko lang ipaalam sayo na... wala kang mapapala sa tulad ko na mahirap mahalin." paliwanag ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko sabay sabing... "Nixie, kahit na ano pang ugali at kung sino ka pa, tatanggapin kita. Tatanggapin kita ng buo. Hello? Na-love at first fight yata ako sayo."
Kinuha ko ang kamay ko. "Sorry, Vince. Pero, nagsasayang ka lang ng time sa akin."
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at... hinalikan niya ako... SA LABI!!!
Hindi ko napigilan ang kamay ko at...
*PACK*
Nasampal ko siya.
"Pangalawa na 'to, Vince. Kapag hinalikan mo pa ako, sinisiguro kong hindi ka na makakalapit pa sa akin." pagbabanta ko sa kanya.
Eh sino bang hindi maiinis sa ganoon 'di ba? Yung hahalikan ka na lang bigla ng walang pasintabi.
Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Sorry sa nagawa ko sayo." bigla niyang sabi saka lumayo sa akin.
"Sige, iti-next ko na sina Daphnie. Ang sabi ko, sunduin ka dito. Alam ni Thea ang lugar na 'to. Kaya madali ka na lang makakabalik." sabi niya sa akin saka ako iniwanan.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalayo siya sa kinatatayuan ko. Mukhang dinamdam niya ng husto yung mga sinabi ko.
'Yan tuloy, nagtampo.
"Vince!" tawag ko ng atensyon niya pero hindi man lang siya lumingon.
"Vince!" sigaw ko ulit and this time, nilingon na niya ako.
"Huwag mo akong iwanan dito oh." pakiusap ko.
He sighed at naglakad papunta sa kinalalagyan ko ngayon, sa may bench. Tumakbo ako at niyakap ko siya.
"Please... huwag ka naman magalit sa akin oh. Sadyang hindi ko lang napigilan yung sarili ko na masampal ka." wala na ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako nataranta noong papaalis na siya.
Tss. Ewan ko ba kung bakit naging ganoon yung reaksyon ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top