12th

***

Nixie's POV

•••

"Ahm...thanks ah." paghingi ko ng pasasalamat kay Vince.

"Wala 'yon. Girlfriend naman na kita eh." sabi niya saka ako kinindatan.

"Baliw." sabi ko saka kami nagtawanan.

"Aware naman ako na pagpapanggap lang 'to. Pero pwede naman nating seryosohin kung gusto mo." sabi niya saka ako nginitian ng loko.

"Baliw ka talaga. Umuwi ka na nga." utos ko sa kanya.

"Baka kapag umalis ako kaagad mo akong ma-miss."

"Heh! Tumahimik ka na nga. Umuwi ka na. Pahinga lang kailangan mo. Pagod lang 'yan." pagtataboy ko sa kanya.

"Mamaya na nga sabi e. Baka ma-miss mo ako."

"Isa.." bilang ko.

"Dalawa." sunod niya ng sabi sa sinabi ko.

"Tatlo... Kapag hindi ka pa umuwi, tatawag na ako ng pulis." pananakot ko.

"Wow naman. Natakot ako, oo natakot ako. Grabe nga yung takot ko e. Sa sobrang takot ko gusto ko na tuloy tumira sa inyo."

"Tss. Asa ka naman patutuluyin kita sa bahay baka pagkamalan ka pang boyfriend ko." tugon ko

"Ang sama mo naman." sabi niya saka sumimangot at iyon ang ikinatawa ko na sinabayan na niya rin.

Nang maka-recover na kami sa pagtawa, nagpaalam na siya.

"Sige mauna na ako ah."

"Sige." sagot ko.

Maglalakad na sana siyang nang bigla siyang napahinto at lumingon ulit sa akin nang may ngiti sa labi.

"Wait. May nakalimutan ako." sabi niya.

"Ano 'yon?" tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin.

Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong halikan... sa pisngi!

"Bye!" sabi niya sabay kaway at tumakbo na papasok sa kotse niya.

"Love you!" dugtong pa niya saka ulit ako kinindatan at pinaandar na ang kotse niya ng mabilis.

WTH?!?

Tsk! Humanda siya sa akin bukas!

⭐⭐⭐

Daphnie's POV

•••

"Ano?! Hinalikan ka sa pisngi ni Vince?" gulat na tanong ni Thea.

Nandito kasi kami sa kusina at nag-uusap-usap ng mga katangahan namin, hanggang sa nadulas si Nixie na.. hinalikan daw siya ni Vince mismo?!?

"Tss. Mas OA ka pa sa naging reaksyon ko kanina ah." nakangising sabi ni Niks kay Thea.

"So, totoo nga na hinalikan ka ni Vince?" kalmadong tanong ko.

"Oo, pero..."

"KYAAAAAAAAAAAHHHHHHHH! Mukhang tinototoo na niya na maging girlfriend ka! WAHHHHHHH! Kinikilig akooooo!" halatang-halata naman na kinikilig ang bruha.

"Tss. Asa ka naman na maging totoong kami noh. Tsaka ang akala ko ba, galit ka mag-jowa kasi nga nagmamahalan sila? Eh ang akala ko rin ba ayaw mong maramdaman ang salitang L.O.V.E  kasi nga ang palanging sinasabi mo, kalokohan lang ang salitang 'yon?" sabi ni Niks.

"Galit lang ako sa nga lalake hindi sa salitang love. Eh halos lahat naman ng lalake ngayon manloloko na eh." depensa ni Thea sa sarili.

"Tsk. Ewan ko sayo."

"Basta, bagay kayo ni Vince. As in 100% bagay na bagay."

"Baliw."

"Sandali nga, teka lang..." singit ko sa eksena. Nagmumukha na kasi akong display dito sa harapan nila.

"Bakit ba gustong-gusto mong maging si Niks at Vince? Wala namang rason para maging totoong sila sa future ah. Tsaka sa tingin ko, goodbye kiss lang yung ginawa ni Vince at wala iyong ibang kahulugan at hindi tulad ng iniisip mo." pagpapatuloy ko ng opinyon sa kanila.

"Tama." pagsang-ayon ni Nixie.

"Oh eh di hindi kasi. Gusto ko lang namang magkaroon na ng girlfriend yung pinsan ko kaya gusto kong maging sila ni Nixie. Tsaka mabait naman yung tao." depensa ulit ni Thea sa sarili niya.

"Eh paano kung sabihin ko sayo na hindi ko siya type?" inis na reklamo ni Nixie.

"Eh di hindi. Sinasabi ko lang naman na bagay kayo tsaka hindi ko naman sinabing gustuhin mo siya." katwiran ni Thea.

"Okay." iyon na lang ang isinang-ayon ni Nixie. Siguro naisip niya baka kung saan pa mapunta ang usapang ito kaya itinigil na niya ang pakikipagtunggali kay Thea.

Nagkaroon ng saglitang katahimikan sa pagitan naming tatlong magkakaibigan na binasag ko rin naman agad.

"Doon na lang tayo sa topic na.. paano kayo naging close agad ni Vince?" tanong ko.

"Ang akala ko kasi, naiinis ka sa tulad niyang napakayabang at napakahangin." dugtong ko.

Napatingin sa akin ang dalawa. "Ahmm.. hindi ko alam. Basta naging close na lang kami ng hindi ko namamalayan." sagot ni Nixie.

"May gano'n ba?" singit ni Thea.

Nixie sighed. "Siguro. Siguro meron ngang gano'n. Kasi, hindi ko naman talaga aakalain na magiging ganoon kami ka-close agad." paliwanag niya.

"Baka naman, destiny na ang gumagawa ng paraan para paglapitin kayo sa isa't isa?" singit ko.

"Tss. Kalokohan." nakangising saad niya.

"Walang destiny, destiny. Hindi naman totoo 'yan e." dugtong ni Nixie.

"Well, may point ka nga naman. Ang word na DESTINY  ay para lang sa mga taong umaasa at marupok." pagsasang-ayon ko.

"Yeah, like what happened to me and Lawrence. See what's the meaning of love? Love is just a lie. Love will make you crazy. And love will make you fool as f*ck!" sabi ni Nixie.

"Like what happened to me and Mikael. Niloko niya lang ako." naiiyak na sabi ni Thea.

Si Mikael ay ang ex niyang ipinagpalit siya sa mas malapit. Kawawa naman, pinagpalit sa malapit. Ulitin ko pa? PINAGPALIT KA LANG SA MALAPIT! KAYO!

Masyado ba akong harsh? HAHAHAHA! Hindi ko na kasalanan 'yon.

Well, safe ako kasi hindi gano'n ang nagyari sa lovelife ko. Huhuhuhuhu...

"Si Daphnie isama na rin natin. Yung nangyari sa kanya, ipinagpalit siya sa mas pangit pa sa kanya.." sabi ni Nixie saka napatingin sa akin na kanina lang ay kay Thea nakatingin.

"What did you say?" tanong ko. Sabihan ba naman ako na pangit ako. Narinig ko kayo ng malinaw yung sinabi niya.

"Wala. Ang sabi ko, pinagpalit ka sa mas pangit sayo." sagot ni Nixie.

"Ahh~... so pangit na pala ako sa paningin niyo ngayon. Nakaka-touch naman." sarkastiko kong sabi at inirapan silang dalawa.

"HAHAHAHAHA! Sorry na, nagjo-joke lang naman ako eh." sabi ni Nixie.

I sighed, trying to calm myself from anger. "Tss! Hindi nakakatawa, Nixie." naiinis na talaga ako ah.

Author: "Paano nga ulit yung inis, Daphnie? Anong klaseng inis 'yan? Kalmadong naiinis? Ano 'yon? HAHAHAHAHA!"

Author naman eh! Mas lalo mo akong iniinis sa ginagawa mo ngayon! Peste naman oh!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top