CHAPTER 8

FRANCINE'S POV

5 o'clock nang i-dismiss kami ng professor namin sa last subject. At 5:30pm pa ang shift ko this time sa mall. Pero kahit na may natitira pa akong 30minutes para mag-relax ay maaga pa rin akong umalis ng university para pumasok sa part time job ko. Kailangan kong bumawi dahil kung late pa ako ngayong papasok ay baka matanggal na ako sa trabaho ko.

Oo nga't mabait ang employer ko. Pero ayoko naman itong abusuhin. Saka lahat naman ng tao ay may limitations and we should know ours. And besides, professional si Mrs. Clein pagdating sa trabaho kaya kapag hindi maayos ang performance na ipapakita mo sa trabaho ay walang awa-awa. It's her way of taking disciplinary action para hindi na pamarisan pa. She don't tolerate unprofessionalism within the workplace.

Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Max dahil sa pagkakaalam ko ay nasa practice siya. Makakaistorbo lang ako kung pupuntahan ko pa siya. Maybe I'll just text her later to inform her that I left early.

Hindi naman na ako nahirapang makasakay ng jeep. Kaya lang ay siksikan at may nakasabay pa akong lalaki na ang samang makatingin. Parang hindi gagawa nang mabuti. Kaya naman ay hindi na ako nagbalak pang ilabas ang cellphone ko para i-text si Maxine dahil baka mamaya holdaper pala 'yong nakasabay ko. Mahirap na. Wala pa naman akong pamalit kapag nagkataon.

I was holding my breath the whole ride dahil feeling ko talaga ay maglalabas ng kutsilyo o baril 'yong lalaki ano mang oras tapos sisigaw ng 'hold up 'to'. Nakahinga lang ako nang maluwag nang tumigil ang jeep na sinasakyan ko sa tapat ng mall.

"Ate, paaabot po ng bayad. Salamat," pakiusap ko sa babaeng katabi ko at agad na akong bumaba ng jeep pagkaabot ko ng bayad na agad namang tinanggap ng babae.

Nang makababa ako ay dire-diretso akong naglakad papasok ng mall. Saktong pagkapasok ko sa entrance ng mall ay ang siya namang pagtunog ng ringtone ko.

When I checked the caller ID ay doon ko lang na-realize na hindi ko pa nga pala na-te-text si Max.

'Naku! Lagot!' nasambit ko na lang sa aking sarili bago ko pindutin ang answer button.

[Bruha ka! Nasaan ka? Kanina pa ako hanap nang hanap sa 'yo! Saang lupalop ka ba nagpunta?]

"Nauna na akong umalis. Sorry hindi na ako nakapagpaalam sa 'yo. Ayaw kasi kitang maistorbo," paghingi ko ng tawad.

[Nag-text ka man lang sana. Pinag-aalala mo akong bruha ka!] sermon na naman niya.

"Sorry na nga kasi. Sige, ganito na lang. Babawi ako sa 'yo next time," sabi ko na lang dahil alam ko namang may kasalanan din ako at alam ko ring nagtatampo 'yong bruha dahil sa pag-alis ko nang walang paalam.

[In what way?]

"Hmm... Pag-iisipan ko pa," sagot ko na lang nang wala akong maisip na pwedeng pambawi sa kaniya.

[Bruha ka talaga! Oh, siya. Ingat ka na lang diyan.]

"Yeah. I will... Aww!" daing ko nang may makabanggaan ako.

Dahil sa lakas ng impact ay kamuntik-muntikan pang mahulog ang phone ko. Mabuti na lang at nasalo ko ito kung hindi ay baka maghalo ang balat sa tinalupan.

'Iyan! Tatanga-tanga ka kasi! Hindi kasi tumitingin sa daan!' I scolded myself. 'Alam mo na ngang kinapitan ka ng malas this week. Hindi ka pa rin nagtatanda at nag-iingat,' I added para ipaalala sa sarili ko ang mga kamalasang nangyari sa 'kin magmula nang makilala ko 'yong lalaking sumira ng bisikleta ko.

"Hey. It's you again. Teka. Sinusundan mo ba ako?" Rinig kong tanong ng isang pamilyar na boses na nagpainit ng dugo ko.

Yes. It's him again! Pero teka. Ano nga ulit ang sinabi niya? Sinusundan ko siya? Tsk! Ang kapal talaga! Singkapal ng encyclopedia!

"What? A...Ako? Sinusundan ka? Tsk! Ang kapal din naman talaga ng mukha mo, 'no? At sa tingin mo talaga pag-aaksayahan kita ng oras? Sino ka ba sa akala mo, huh?" Tinuro-turo ko pa ang sarili ko dahil hindi talaga mag-sink in sa utak ko hanggang ngayon ang mga kabaliwang pinagsasabi niya.

Ba't ko naman siya susundan, aber? Ano ako? Stalker niya? Shocks! Manigas siya! Hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang mga katulad niya! He's not worth it.

"Wow. Now you're asking for my name. Is that your way of pleasing a guy?" nakangising tanong niya na ikinataas ng kilay ko.

What?! At talagang naisingit niya pa 'yan? Gago ba 'tong kaharap ko? Hindi ko maalalang tinanong ko ang pangalan niya. Ang sabi ko lang, sino siya sa akala niya! Haist! Naalog yata utak nito e! Napalakas yata pagkakabangga ko sa kaniya.

"Wh-What? Seriously? Ganiyan na ba kataas ang tingin mo sa sarili mo? Tss! You're unbelievable!" hindi makapaniwalang sambit ko dahil sa nag-uumapaw niyang self-confidence na hindi maubos-ubos.

"Don't tell me, you work in here?" tanong niya at pinagtaasan pa ako ng kilay.

If I know, iniisip nitong brat na 'to na magpapalusot lang ako kung sasabihin kong dito ako nagtatrabaho. But the hell I care!

"It's none of your business!" I hissed at him.

Nasa akto na sana ako nang pag-alis ko sa harapan ng lalaking 'to nang bigla na lang dumating sa eksena si Savannah. Isa sa mga katrabaho ko rito sa mall na naging kaibigan ko na rin.

"Oh? Francine? Ano pang ginagawa mo rito? Hindi ka pa ba aakyat?" takang tanong niya since nasa second floor ang station namin.

"Paakyat na rin ako. May asungot lang na humarang sa 'kin kaya hindi agad ako nakaakyat." Sinadya ko pang diinan ang huling sinabi ko para asarin ang malas sa buhay ko na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa kinatatayuan niya at malamig na nakatingin sa 'kin habang pinaniningkitan ako ng mata.

"Ganoon ba? Buti pa sabay na tayo. Ano? Tara na?" pag-anyaya ni Savannah at hinawakan ako sa kanang braso ko para sabay na kaming umakyat.

"Tara," anyaya ko rin sa kaniya.

Akmang aalis na kami ni Savannah nang may humigit sa kaliwang braso ko. Inis kong binalingan ng tingin ang lalaking salarin at siyang may hawak ng braso ko.

"And where do you think you're going?" mariing tanong niya na ikinataas ng kilay ko.

"None of your business. Kaya pwede ba! Bitiwan mo nga ako!" inis kong sigaw sa kaniya.

Sinubukan kong alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero habang nagpupumiglas ako ay mas humihigpit pa lalo ang hawak niya rito na halos bumaon na ang mga kuko niya sa kamay ko.

"And you really think that I'll let you escape this time? Hell no! Kung kanina pinalampas ko ang ginawa mo. Ngayon hindi na," nagpipigil sa galit niyang sabi na ikinasalubong ng kilay ko.

Ano bang pinagsasabi nito? As far as I can remember ay wala akong ginawang kahit ano sa kaniya kanina sa Cafe. Siya nga itong may ginawa e. Sisihin daw ba ako sa kasalanang siya naman ang responsable. Oh, hindi ba? Nasaan ang hustisya?

"Teka. Magkakilala ba kayo?" naguguluhang tanong ni Savannah na nagpalipat-lipat na ang tingin sa 'min. Salubong na rin ang mga kilay niya.

"Of course not!" mabilisang sagot ko na talagang pinagdiinan ko pa para iparating sa asungot na may hawak sa 'kin na hindi kami close kaya he should keep his distance.

"E sino ba 'yang lalaking 'yan?" naguguluhan pa ring tanong ni Savannah at itinuro pa gamit ang hintuturo niya ang lalaking tinutukoy niya.

"Siya 'yong sinasabi ko sa 'yo," walang ganang sagot ko.

Hindi ko na kailangang i-elaborate sa kaniya kung sino 'tong asungot na 'to dahil nakuwento ko na naman sa kaniya ang nangyari the day the incident happened.

"Ang alin? Iyong sumira ng bike mo? 'Yong reason kung ba't ka late kahapon?" sunod-sunod na tanong ni Savannah na mukhang nakuha naman agad ang tinutukoy ko.

"Mismo! Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" inis kong sigaw kay Mr. Asungot nang mas humigpit pa ang hawak niya lalo sa braso ko.

Bahagya na akong napapangiwi dahil sa higpit ng hawak niya sa kamay ko.

Argh! May balak ba 'tong durugin ang buto ko sa braso? E kung siya kaya balian ko ng buto? Haist! Kapag ako hindi nakapagpigil, baka ipakulong ko 'tong lalaking 'to at kasuhan ko ng harassment.

"And why would I? Ngayon pa ba kita pakakawalan kung kailan hawak na kita at pwede ko na sa 'yong gawin ang kahit anong gusto ko?"

Agad naman akong naalarma nang ngumisi siya.

Shit! He's up to something!

"Ano ba?! Sabi ng bitiwan mo 'ko!" This time ay mas tinodo ko pa ang pagpupumiglas ko para lang makawala sa pagkakahawak niya pero no avail. Masyado siyang malakas kumpara sa 'kin.

"Hey! Bitiwan mo nga 'yang kaibigan ko!" sigaw sa kaniya ni Savannah na ngayon ay nakisali na rin sa paghila ng kamay ko mula kay Mr. Asungot.

"Miss, don't meddle in our business kung ayaw mong madamay." May tono ng pagbabanta sa boses niya pero hindi pa rin nagpatinag si Savannah at mas nilakasan pa niya ang paghila sa kamay ko mula sa asungot na nakahawak sa 'kin habang ang sama na ng tingin niya rito.

"E sa nasasaktan na 'yong kaibigan ko!" sigaw ni Savannah na matalim na ang tingin kay Mr. Asungot.

"Much better," nakangising sagot ng walanghiya na mas ikinainit ng dugo ko.

Sasagot pa sana ako nang maunahan ako ni Savannah.

"E gago naman pala talaga 'to Frans e. Gusto mo upakan ko na?" inis nang sabi ni Savannah na mukhang sasabog na anytime.

Oh, oh! War freak alert! Mukhang nangangamoy gulo a. Galitin daw ba si Savannah. E may pagka-war freak 'yang babaeng 'yan. Kung ako ay nakakaya ko pang magtimpi at pigilan ang sarili ko nang napakatagal. Pwes ibahin niya si Savannah. Dahil kaunting push lang, bibigay na 'yan at sasabog na ang bulkan. At sa lagay ngayon ay mukhang mas mauuna pa siyang sasabog kaysa sa 'kin.

"Try me. Subukan mong idikit sa balat ko ni dulo ng daliri mo at sisiguraduhin kong mapuputulan ka ng kamay," pagbabanta sa kaniya ng walanghiya.

Sorry for the name. E sa walanghiya naman talaga 'yang lalaking 'yan e! Pati babae pinapatulan. Kalalaking tao, ang hilig makipagbangayan.

"Aba! Talagang hinahamon mo 'ko ah!" nanggagalaiting sambit ni Savannah na susugod na sana nang bigla lumapit sa amin ang dalawang security guard na nakabantay sa entrance nitong mall sa mismong loob habang may naiwan pa namang dalawang security guard sa labas para magbantay sa mismong entrance.

"Ma'am, ginugulo po ba kayo ng lalaking 'to?" tanong ng isa sa kanila nang tuluyan na silang makalapit sa 'min.

"Of course not!" pasigaw na sagot ng walanghiya na halata mong na-offend sa paraan ng pag-address sa kaniya ng guard.

"Naku, kuya. Huwag kayong magpapaniwala diyan. Hina-harass niya po talaga 'tong si Francine," pagsingit ni Savannah na sa kanang braso ko na ulit nakahawak.

"Totoo po ba 'yon, sir?" pagbaling sa kaniya ng security guard.

"I said I'm not!" sigaw nito na nakakuha ng atensiyon ng mga nasa ground floor malapit sa kinaroroonan namin.

"Anong hindi? E halos bumaon na nga 'yang mga kuko mo sa higpit ng hawak mo sa 'kin!" hindi ko na napigilan pang isigaw. Dahil sa sinabi ko ay mukhang natauhan naman siya at doon niya lang na-realize na halos madurog na ang mga buto ko sa braso sa higpit ng hawak niya rito.

Agad siyang napabitaw nang balingan ng tingin ng mga gwardiya ang kamay niyang nakahawak sa 'kin. Halos lumuwa naman ang mata ko nang mapansing bumakat ang kamay niya sa braso ko at pulang-pula na ito. Ugh! Kaya naman pala kanina pa ako naiiyak sa sakit.

Argh! Mapapatay ko talaga 'tong lalaking 'to!

"Sir, mabuti pa po ay sumama kayo sa 'min para walang gulo," pag-anyaya sa kaniya ng isa sa mga gwardiya.

Tatangkain na sana ng dalawang security guard na hawakan siya sa magkabilang braso nang pigilan niya ang mga ito.

"Don't you dare lay your filthy hands on me," mariing sabi niya na ikinataas ng kilay namin ni Savannah habang bahagya namang napaatras ang dalawang guards.

"Arte! Lalaki ka ba talaga? E daig mo pa ang babae sa kaartehan. Bakla ka yata e," napapangiwing sabi ko dahil sa sobrang kaartehan niya. Para hahawakan lang siya. Akala mo naman may nakakahawang sakit 'yong mga gwardiya.

Nagulat na lang ako nang bigla niya ulit akong higitin kaya hindi ko na talaga napigilang mapadaing sa sakit dahil mas mahigpit pa ang hawak niya sa 'kin ngayon compare kanina. At ang masaklap pa nito ay sentro sa namumula kong braso ang hawak niya.

"What the fuck! Say that again and I'll make you suffer!" aniya sa nakakatakot na boses habang diretso ang tingin sa mga mata ko na talaga namang nagpanginig ng tuhod at kalamnan ko.

Wtf! Mukhang gigil na gigil na siya. Did I just fucking reach his limit? Oh no! I'm dead meat!

"Oh, huh? Manong guards, kitang-kita niyo naman, hindi ba? Nang-ha-harass siya. Kaya buti pa ay kunin na ninyo 'yan at ilayo niyo rito." Rinig kong utos ni Savannah habang hindi pa rin maalis-alis ang tingin ko sa lalaking may hawak ng braso ko.

The way he looks at me, para bang pinapasunod niya ako at inuutusang titigan siya na siya namang ginagawa ko sa hindi ko malamang dahilan. Anger was written all over her face lalong-lalo na sa mga mata niya. Pero ang hindi ko maintindihan ay hindi ko magawang mag-iwas ng tingin sa kaniya sa kabila ng kabang nararamdaman ko. Pabilis na rin nang pabilis ang tibok ng puso ko na para bang may mga kabayo sa loob nito na nag-uunahan. Hindi ko rin maipaliwanag kung anong maroon sa titig niya at pati paghinga ay pinipigilan kong gawin.

"Itong tatandaan mo. Hindi pa tayo tapos," he said to Savannah bago niya ako muling balingan ng tingin. "Lalong-lalo ka na," mariing sabi niya habang masama nang nakatingin sa 'kin.

Para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan at sa wakas ay nakahinga ako nang maluwag nang bitiwan na niya ang braso ko na ngayon ay may kaunting pasa na.

Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ako nagkakaganito? Saka bakit ako nakaramdam ng kakaibang kaba dahil lang mga salitang binitawan niya? Kahit kailan ay hindi ako naapektuhan nang ganito sa kahit anong pagbabanta o pananakot. This is the first time! Kaya ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa kaniya ko ito naramdaman. E alam ko naman sa sarili kong wala akong dapat na ikatakot dahil wala naman akong ginagawang masama.

Hindi ko namalayang tinangay na pala ng mga guwardiya ang lalaking nakaalitan ko na siyang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

"I'll leave this fucking mall on my own! So you don't have to drag me! Get your fucking hands off me!" Rinig ko pang reklamo nito habang inilalabas siya ng mga guards.

"Teka, anong oras na ba?" biglang tanong ni Savannah.

Dahil sa tanong ni Savannah ay doon lang ako natauhan at bigla kong naalala na nasa kabilang linya pa pala si Max at hindi ko pa napapatay ang tawag.

Darn!

Dali-dali kong in-open ang phone ko at hindi nga ako nagkakamali. Ongoing pa 'yong call at rinig na rinig ko agad ang pagtatatalak ni Max sa kabilang linya nang idikit ko sa tainga ko ang phone.

[Frans! Hoy! Answer me! Anong nangyayari diyan? Ayos ka lang ba? May nangyari ba? Nasaan ka? Tell me the address. Pupuntahan kita. Frans, ano ba! Sumagot...]

"Max, ayos lang ako. Nagkaproblema lang. Pero naayos naman na. Tawagan na lang kita mamaya pagkatapos ng shift ko," agarang sagot ko dahil baka totohanin niya pa ang sinabi niya at sumugod siya rito.

I heard her sigh in relief.

[Buti naman. Akala ko kung ano nang nangyari sa 'yo. Oh siya, sige. Usap na lang tayo mamaya. Basta tawagan mo ako kapag nagkaproblema.]

"Oo na. Sige. Ibababa ko na 'to," pagtatapos ko sa usapan namin.

[Geh. Bye.]

Agad ko nang pinatay ang tawag dahil wala na akong oras makipagchikahan pa.

"Ayy... Ang sweet naman ng bff mo. Teka, ano na nga bang oras?" muling tanong ni Savannah.

Mabilis ko namang iniangat ulit ang kamay kong may hawak sa phone ko para tingnan ang oras.

"4:55," maikling sagot ko.

"Lagot! 5minutes na lang pala at magsisimula na ang shift natin. Halika na bago pa tayo ma-award ni Mrs. Clein," yaya niya at basta na lang akong hinigit.

Hindi na ako nagprotesta pa at nagpatangay na lang din ako sa kaniya hanggang sa makarating kami ng station namin.

A/N: Paalala lang po na Grade 12 student pa lang po ako at college ang student ang pinoportray ko kaya sana po maintindihan ninyo kung walang masyadong eksena na school related. Nanghuhula lang po kasi ako. Hope you understand. Basta just focus on the story na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top