CHAPTER 6

FRANCINE'S POV

Wala kaming klase ng 4:00-5:00PM ngayon. Kaya naman itong si Max ay hindi ako tinatantanan at kinukulit akong magkuwento kaya wala akong choice kung hindi ikuwento sa kaniya ang nangyari para tigilan na niya ako.

Habang ikinukwento ko ang nangyari kay Max ay hindi ko maiwasang magngitngit sa galit. Maalala ko lang 'yong pagmumukha ng lalaking 'yon ay kumukulo na ang dugo ko.

"E baliw naman pala 'yong lalaking 'yon eh! Tama lang 'yong ginawa mo. E kung ako ang nasa kalagayan mo, baka mas malala pa ang ginawa ko do'n. Hindi niya ba alam kung gaano kahirap kumita ng pera ngayon at kung gaano ka nagsikap mabili lang ang bike na 'yon? Tapos sisirain niya lang? Mukha niya kaya sirain ko para magtanda siya! Kapal ng mukha e!"

Oh, di ba? Si Maxine nga ang init ng dugo sa lalaking 'yon kahit hindi pa niya na-me-meet. Ako pa kaya? E ako 'yong naagrabyado!

"Sinabi mo pa! Kung hindi lang talaga ako nakapagpigil, baka ginawa ko rin sa kotse niya ang ginawa niya sa bisikleta ko," nagpipigil na sambit ko.

Pasalamat na lang talaga siya at napigilan ko pa ang sarili ko kanina. At pasalamat talaga siya dahil may klase ako that time. Dahil kung ako lang ay hindi ko talaga siya tatantanan at titigilan hangga't hindi ko siya nagagantihan.

"Wow! Tapang mo ah! Ang tanong, may pambayad ka ba? Napakamahal na kaya ngayon ng kotse. Kahit nga kami hindi namin ma-afford afford e," pambabara sa akin ni Max.

"Wala na akong pake. Basta magantihan ko lang 'yong walanghiyang lalaking 'yon," nagngingitngit pa ring sagot ko.

Nakatanggap naman ako ng malakas na batok mula kay Max dahil sa sinabi ko.

"Gaga ka! Nagkakaganiyan ka na nga dahil nasira 'yong bisikleta mo na halos pag-ipunan mo ng isang taon. Tapos gusto mo pang madagdagan ang iniisip mong problema. Gusto mo bang mabaon sa utang? Or worst ay baka sa kulungan pa ang bagsak mo!" sermon niya sa 'kin.

I know she has a point. Pero ang akin lang ay magbayad ang lalaking 'yon sa ginawa niya sa 'kin. Ano? Papalampasin ko na lang 'yong ginawa niya nang gano'n gano'n na lang? No way! He should pay for what he did!

"Haist! E sa naiinis na talaga ako e! Masisisi mo ba ako? Kapag nakita ko talaga ulit 'yong lalaking 'yon, makikita niya!" naiinis kong sagot sa kaniya.

Nakakuyom na ang mga kamao ko habang pinanggigigilan ko na sa utak ko ang walanghiyang lalaking 'yon!

"Naku! Mukhang masama ang kutob ko sa gagawin mo ah. Buti pa ay samahan na kita sa Cafe sa morning shift mo. Baka kung ano pang gawin mong kagagahan kapag nakita mo 'yong guy na 'yon," napapailing na sabi ni Max na bigla na lang sumeryoso.

"Huwag na. Hindi na kailangan. Saka ayaw mong gumising ng napakaaga, remember? Baka antukin ka lang sa Cafe," pagtanggi ko sa alok niyang samahan ako sa morning shift ko.

Si Maxine kasi 'yong tipo ng tao na hangga't pwedeng matulog, matutulog 'yan. At ayaw na ayaw niyan na ginigising o gumigising nang maaga. Bibihira nga lang lumabas ng bahay 'yan kapag walang pasok. Tamad kasing bumangon.

"Basta! 'Wag mo nang problemahin 'yon. Ako na ang bahala sa sarili ko. Basta sasamahan kita," pagmamatigas niya.

Mukhang seryoso nga siya.

I just heaved a sigh dahil mukhang tanging ito na lang talaga ang magagawa ko dahil desidido talaga siyang mag-morning shift na rin sa Cafe nila tulad ko.

"May magagawa pa ba ako? Choice mo 'yan," kibit-balikat kong sagot.

"Buti alam mo." Pabiro niya akong inirapan bago niya balingan ng tingin ang wristwatch niya. "Naku! Lagot! Magpa-five na pala. Hindi ka pa ba aalis?" agaran niyang tanong sa 'kin pagkakita niya sa oras.

Natataranta naman akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at isinukbit sa balikat ko ang bag ko. 5:30PM ang shift ko sa Mall. Hindi ako pwedeng ma-late kung hindi ay lagot ako.

"Kailangan ko na pa lang umalis, Max. Dadaan pa ako ng talyer," nagmamadaling paalam ko sa kaniya

"Gano'n ba? Gusto mo samahan na kita?" She offered.

"Huwag na. Didiretso na rin naman ako ng Mall after," Pagtanggi ko sa alok niya dahil ayaw ko na siyang maabala pa dahil may kalayuan ang talyer at kasalungat na direksyon ito nang tatahakin niya pauwi sa kanila.

"Sigurado ka? E paano 'yan? Wala kang masasakyan. Malayo-layo pa naman dito 'yong talyer." Bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"Mag-je-jeep na lang siguro ako. Haist! Bahala na. Sige na. Mauna na ako," nagmamadaling paalam ko.

Argh! Namomroblema pa tuloy ako ngayon! Haist! Kainis!

"Ingat ka," pahabol niya pa bago ako tuluyang umalis

"Ikaw rin."

Nang makapagpaalaman na kami ay agad na akong dumiretso ng talyer para kunin ang bisikleta ko.

"Kuya, okay na po ba 'yong bisikleta ko?" magalang na tanong ko sa lalaking pinag-iwanan ko ng bisikleta ko na mukhang siyang nag-ma-manage nitong talyer.

"Ikaw ba 'yong nagpunta rito kaninang umaga?" tanong din naman niya pabalik.

"Opo," tugon ko.

"Ah. Pasensya na, miss pero hindi pa namin naaayos ang bisikleta mo."

Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Paanong hindi pa nila naaayos 'yong bisikleta ko? E ang linaw ng usapan namin kanina na pagbalik ko rito after uwian ay makukuha ko na ito kaagad at maaari nang gamitin pauwi.

"Ano pong ibig ninyong sabihin? Akala ko po ba ay makukuha ko na siya ngayon?" naguguluhang tanong ko.

Wala naman kasi akong alam sa mga ganitong bagay. Basta ang malinaw lang sa 'kin ay 'yong sinabi niya na hindi na ito aabutin pa nang kinabukasan.

"Masyado kasing malaki ang naging sira ng bisikleta mo. May mga ilang parte nito na nadurog at lubhang na-damage na hindi na kayang ayusin pa at kinakailangan ng palitan ng bago. Ang problema ay wala na kaming stocks ng mga kakailanganing parte. Sa susunod na linggo pa ang delivery sa amin nito kaya sa susunod na linggo mo pa maaaring makuha ang bisikleta mo. At mas malaki ang babayaran mo dahil marami-rami tayong kailangang ayusin at palitan," mahabang paliwanag ng lalaki na agad ko namang naintindihan kahit wala akong alam masyado sa mga parte ng bisikleta at sa mga sira nito.

"Ganoon po ba? Sige po. Babalik na lang po ako ulit dito sa susunod na linggo," nanlulumong sagot ko.

Pero saan naman ako kukuha ng pera? E paubos na ang pera ko rito at kailangan ko 'to for travel expenses para this week dahil nga sa sira pa 'yong bisikleta ko. Kung pwede nga lang sana akong bumili na lang ng bago para less hassle total malaki rin naman ang babayaran ko sa pagpapaayos nito ay ginawa ko na. E ang kaso wala nga akong pera.

Ahh! Kasalanan talaga 'to ng lalaking 'yon!

So ngayon kailangan ko pang mag-commute papuntang Mall. Dagdag gastos na naman. Tss!

"You're 5minutes late, Frans," bungad sa akin ng employer ko na ikinatungo ko.

Another first time! Lahat na yata ng first late ko ay nangyari na sa raw na 'to. Kasi naman!

"Sorry po, Mrs. Clein. Nagkaproblema lang po kasi," nahihiyang paghingi ko ng paumanhin bago ako muling mag-angat ng tingin para salubungin ang tingin ng employer ko na napapabuntong-hininga na.

"It's okay. But better make sure na hindi na 'to mauulit. You know I don't want any of my employees to be late."

"Naiintindihan ko po."

May tono ng pagbabanta sa boses niya kaya mabilisan akong sumagot dahil ayoko namang mawalan ng trabaho. Namomroblema na nga ako sa pera, mawawalan pa ako ng trabaho. Saan na lang ako pupulutin kapag nagkataon. Sa basurahan?

"Oh. Is that yours? I'm sorry, miss. I thought it was a trash left behind."

"I thought it was a trash."

"I thought it was a trash."

Argh! Please lang tantanan mo na akong lalaki ka! Hindi ka na nakakatuwa! Nakakainis ka na! Stop bugging me!

"Sige na. Pumunta ka na sa pwesto mo." Rinig kong sabi ng employer ko na siyang nakapagpabalik sa akin sa huwisyo.

"Thank you po, ma'am."

Para naman akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ni Mrs. Clein kaya agad na akong nagpaalam para pumunta sa pwesto ko.

5:00-7:00pm lang shift ko ngayon. Pero bandang 7:30 na nang umalis ako ng Mall dahil sa kagustuhan kong punuan ang pagpasok ko ng late para na rin makabawi.

Agad akong dumiretso sa waiting area kung saan dumadaan ang mga sasakyan. Pero magkakalahating oras pa ang pinaghintay ko bago ako makasakay dahil halos lahat ng dumadaan na jeep ay puno na. Kaya no choice ako kung hindi ang mag-taxi na lang kahit mahal ang pamasahe para lang makauwi na ako. Mag-e-eight na kaya paniguradong nag-aalala na sa 'kin si mama.

Pagkauwi ko ng bahay ay naabutan ko si mama na nagtutupi ng mga damit sa sala. Mukhang nililibang niya lang ang sarili niya habang hinihintay ako. Hindi kasi siya mapakali hangga't may kulang sa 'min.

"Oh. Anak? Ba't ngayon ka lang? Kumain ka na ba? Gusto mo ipaghain kita?" sunod-sunod na tanong ni mama na agad akong sinalubong ng yakap nang maramdaman niya ang presensya ko.

"Busog pa po ako," I lied kahit ang totoo ay wala lang talaga akong ganang kumain dahil sa mga nangyari ngayong araw na 'to na nakakawalang gana naman talaga.

Una, 'yong engkwentro ko sa spoiled brat na 'yon. Pangalawa, ang pagkasira ng bisikleta ko. Pangatlo, ang paggastos ko ng more or less 100 pesos para sa pamasahe. Pang-apat at panglima, na-late ako sa klase at sa part time job ko. And lastly, ginabi ako ng uwi dahil sa bwisit na lalaking 'yon dahil nahirapan pa akong humanap ng masasakyan pauwi. Kinailangan ko pa tuloy magtaxi dahil do'n.

"Ganoon ba?" Alam kong alam ni mama na hindi ako okay at hindi ako nagsasabi ng totoo. Pero mas pinili pa rin niyang manahimik na lang at huwag na akong tanungin tungkol sa bagay na ito na siya namang ipinagpapasalamat ko dahil hangga't maaari ay ayoko nang pag-usapan ang nangyari. At mas lalong ayokong malaman ni mama ang tungkol dito. Masyado na siyang maraming iniisip at pinoproblema at ayoko ng dagdagan pa 'yon. She shouldn't be involved. Problema ko 'to at ako ang aayos nito. I can fix this by myself. No need to let anyone be tangled with my personal problem.

Tipid na lang akong tumango dahil wala ako sa mood.

"Mabuti pa ay magpahinga ka na. Tabihan mo na ang mga kapatid mo. Nakatulog na sila kakahintay sa 'yo. Matulog ka na rin. Mukhang masyado kang napagod sa araw na ito."

"Good night, ma." Hinalikan ko siya sa pisngi niya as a goodnight kiss na palagi kong ginagawa bago kami matulog.

Nagtuloy-tuloy na ako sa kwarto. Matagal bago ako dinalaw ng antok dahil sa dami ng iniisip ko. Idagdag mo pang pati sa pagtulog ko ay ginugulo ako ng lalaking nakaengkwentro ko kanina.

Haist!

This is the worst day of my entire life! Isinusumpa ko ang araw na 'to!

A/N: Kawawa naman ang ating bidang si Francine. Masyadong naagrabyado. Hindi rin ba kayo nakaget over sa nangyaring tagpo nina Francine at Zyne? Nag-init din ba ang dugo ninyo? For your feedbacks, just leave it in the comment section. Ciao!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top