CHAPTER 3

It’s weekend. But Francine’s weekend is different. It can’t be compared to a regular student’s weekend. Sa halip kasi na magpahinga at matulog hanggang kailan niya gusto ay maaga pa lamang ay lumakad na siya para pumasok sa part-time job niya sa Cafe ng pamilya nina Maxine.

Bago pa man pumatak ang alas sais ay nasa Cafe na si Francine suot ang uniporme niya bilang staff ng Cafe. Hindi naman na naging problema sa kaniya ang pagpasok kahit sobrang aga pa dahil may duplicate key naman siya na bigay ng mama ni Maxine sa kaniya. Parte ng trabaho niya ang paglilinis ng Cafe dahil hindi lamang iisa ang pinasukan niyang trabaho rito kaya ganoon na lamang siyang kaaga pumasok para malinis na niya ang buong Cafe bago pa man magsidatingan ang mga customer.

Matapos maglinis at magpunas ng mga mesa at salamin na dingding ay agad na nagtungong locker room si Francine para kunin ang apron niya na may kasama nang name tag na ikinabit niya sa suot niyang polo shirt sa mismong itaas ng logo ng Cafe sa bandang kaliwang dibdib niya. Matapos niyang itali sa kaniyang baywang ang itim na apron na may habang mula baywang niya pababa ng kaniyang tuhod ay muli siyang bumalik sa counter kung saan naabutan niya si Maxine na nag-aayos na ng ilang mga gamit sa counter upang maghanda sa pagdating ng mga customer.

“Oh, Max? Nandito ka na pala,” bungad niya kay Maxine saka siya lumapit dito para tulungan itong mag-ayos ng mga gamit sa counter.

Napalingon naman sa direksyon ni Francine si Maxine pero agad din nitong ibinalik ang atensiyon at tingin sa bagay na pinagkakaabalahan nila.

“Kararating ko nga lang e. Kanina ka pa ba?” tanong din naman ni Maxine pabalik.

“Yup,” tipid na sagot ni Francine habang nasa ginagawa pa rin nilang pag-aayos ang kaniyang tingin at atensiyon.

Agad namang nabaling ang tingin ni Maxine kay Francine dahil sa naging sagot nito.

“Talaga naman! Bet na bet mo talagang magpaka-early bird, ano?” biro ni Maxine na bahagya pang natawa sa sariling biro dahil ang kaibigan lang niya ang kilala niyang taong napaka-time conscious na halos hindi na ito natutulog at nagpapahinga sa sobrang aga nitong gumising pero sobrang late naman kung matulog.

“Tsk. Ako na naman ang nakita mo,” napapairap na sambit ni Francine na siya namang ikinatawa ng loka-lokang si Maxine.

“E sino pa bang gusto mong makita ko? Like, haller? Tayo lang po kaya ang nandito.” Bigla na lamang nanlaki ang mga mata ni Maxine at napatakip siya ng bibig niya nang may bigla siyang maisip. “Wait. Don’t tell me may nakikita kang hindi ko nakikita? Omo! Ang creepy,” may bahid ng takot na dagdag ni Maxine na may kasama pang panginginig.

Hindi naman maiwasan ni Maxine ang mapayakap sa kaniyang sarili dahil bigla na lamang siyang nangilabot at nagsitaasan ang mga balahibo niya sa katawan dahil sa kaniyang naisip.

“Baliw! Kung ano-anong ini-imagine mo tapos ikaw lang din naman pala ang matatakot,” natatawang sabi ni Francine na napapailing na rin sa naging reaksyon ni Maxine matapos nitong banggitin ang nakakatakot na senaryong naglalaro sa kaniyang isipan.

“E sa nakakatakot. Bakit ba?” parang batang sagot ni Maxine na bahagya pang ngumuso at nagkunwaring nagmamaktol.

Mas lalo namang natawa si Francine sa pagngusong ginawa ni Maxine, dahilan para mas ngumuso pa lalo si Maxine.

Kahit na gustong-gusto pa ni Francine na makipagkulitan kay Maxine na siyang bumubuo ng araw niya at dahilan ng bawat pagtawa niya ay mas pinili niyang itigil na ang kulitan nila dahil ano mang oras ay magsisidatingan na ang mga customer.

“Pumunta ka na nga sa locker room. Kumuha ka na ng apron tapos iwanan mo na rin ang gamit mo sa locker. Ikaw itong amo pero ikaw pa itong puro kabaliwan ang alam kahit nasa trabaho,” pagtataboy ni Francine kay Maxine at siya na ang tumapos ng bagay na pinagkakaabalahan nila magmula pa kanina para makapaghanda na rin si Maxine sa pagdating ng kanilang mga customer.

“Oo na po, ma’am,” sagot ni Maxine na sinadya pang diinan ang huling salitang sinabi niya upang biruin si Francine na umiral na naman ang pagiging istrikto at propesyonal pagdating sa trabaho.

“Bilisan mo! Mayamaya lang ay magbubukas na tayo!” pagsakay ni Francine sa kabaliwan ni Maxine para panindigan ang pagtawag nito sa kaniyang ma’am.

“Tsk. Oo na po. Kikilos na po,” pigil ang tawang tugon ni Maxine.

Hindi na nagdalawang-sabi pa si Francine. Mabilis na tumalima sa kaniyang utos si Maxine at agad din naman itong bumalik sa kanilang pwesto. Pagkabalik ni Maxine ng counter ay ang siya namang pagsipasukan ng kanilang mga customer kaya agad na silang umayos ng tayo para salubungin ang pagdating ng mga ito habang may mga nakahanda nang ngiti sa kanilang mga labi.

“Hi, ma’am. Good morning. Welcome to Thartz Cafe. May I take your order, ma’am?" masiglang bati ni Francine sa customer na nasa harapan niya habang ganoon din naman ang ginawa ni Maxine sa ibang customer.

“1 caramel macchiato.”  Maingat na iniabot ng babaeng customer ang bayad na nakangiti namang tinanggap ni Francine.

“1 caramel macchiato. Just a moment, ma’am,” nakangiti pa ring sabi ni Francine sa babaeng customer saka niya ito tinalikuran para ilagay sa lalagyan ng pera ang perang natanggap niya at para ihanda na ang inorder nito.

Ilang minuto lamang ang lumipas at natapos na si Francine sa paghahanda ng caramel macchiato kaya naman ay maingat niya nang iniabot sa babae ang order nito.

“Here’s your caramel macchiato, ma’am. Enjoy your coffee.” Nakangiting iniabot ni Francine sa babae ang hawak niyang caramel macchiato na agad din namang tinanggap ng huli at kaswal din siya nitong nginitian.

“Thanks,” nakangiting pasasalamat ng babae bago ito umalis ng counter para maghanap ng mesang kaniyang maookupa.

Ilang minuto pa ang lumipas at sunod-sunod na ang pagdatingan ng mga customer kaya masyado silang naging abala na umabot pa sa puntong halos hindi na nag-uusap sina Francine at Maxine kahit magkatabi lang sila sa counter dahil sa pagiging abala nila sa pag-entertain ng bawat customer na darating lalo pa’t silang dalawa lang ang tanging staff sa Cafe dahil naka-leave ang isa pa nilang kasama na si Hanna.

Habang abala at nagkakandaugaga si Francine sa dami ng customers ng Cafe ay halos mabaliw naman sina Oliver at Cedric sa paggising sa tulog na tulog pa ring si Zyne kahit tanghaling tapat na. Ito ang usual scenario nilang magbabarkada tuwing binibisita nila si Zyne every weekend para bulabugin.

Kahit na anong gawin nilang sigaw at kahit anong lakas ng alog nila kay Zyne ay ayaw nitong magising. Kaya naman ay nakahalukipkip na binalingan nina Oliver at Cedric ng tingin ang isa’t isa. Nagtitigan lamang sila ng mga ilang minuto hanggang sa makaisip silang pareho ng kalokohan kaya gumuhit ang nakakalokong ngisi sa kanilang mga labi habang hindi pa rin nila inaalis ang tingin nila sa isa’t isa. At kahit na hindi sila mag-usap ay alam na nila ang tinatakbo ng isipan ng isa’t isa kaya naman ay tuwang-tuwang tumalon mula sa kama ang dalawa at nag-uunahan pang lumabas ng kwarto ni Zyne para magpuntang kusina kung saan naabutan nilang nagluluto ng tanghalian ang isa sa mga katiwala na nagbigay sa kanila ng bagay na kailangan nila.

Bumalik sina Oliver at Cedric sa kwarto ni Zyne na may dalang mga takip ng kaldero at kaserola habang hindi pa rin maalis-alis ang ngisi nila. Nang makapuwesto na sila sa magkabilang gilid ng tulog mantikang si Zyne ay agad na silang sumenyas sa isa’t isa na gawin na ang plano nila. Sabay nilang inilapit ang mga hawak nila sa mismong tainga ni Zyne. Matapos maibigay ang hudyat sa isa’t isa ay buong lakas nilang pinagbunggo ang tigdadalawang hawak nilang takip ng kaldero at kaserola na lumikha ng nakabibinging ingay na siyang tuluyang gumising sa natutulog na si Zyne.

“Rise and shine, sleepyhead!” buong lakas na sigaw ng dalawa nang sandaling magmulat ng mata si Zyne.

Dahil sa malakas na boses nina Oliver at Cedric ay tuluyan nang nagising ang diwa ni Zyne at marahas siyang bumangon mula sa kaniyang pagkakahiga. Tinapunan niya ng matalim na tingin ang dalawang bumulabog sa kaniya. Ang pinakaayaw niya kasi sa lahat ay iyong sinisira ang tulog niya lalong-lalo na kapag weekend dahil doon lamang siya bumabawi ng sapat na tulog at pahinga. Idagdag pang tamad siyang bumangon, kumilos o gumala kapag weekend dahil mabigat ang katawan niya kaya naman mas pinipili na lamang niyang matulog nang matulog at lalabas lamang siya kung kailan niya maisipan.

“What the heck! Ano na naman bang trip ninyo?” inis na tanong ni Zyne sa dalawa habang hindi pa rin inaalis ang masamang tingin niya sa mga ito.

“Come on, Zyne. Let’s have some fun. Get your ass off of that bed,” masiglang anyaya ni Oliver kay Zyne habang pilit niyang pinipigilan ang sarili na matawa sa itsura ni Zyne nang sa gayon ay hindi ito maasar at hindi nito isipin na talagang pinagtitripan nga nila ito.

“Fun? Tch! Seriously? Paano ako magsasaya kung sinira na ninyo ang araw ko?” sarkastikong tugon ni Zyne habang mas lalo pa niyang pinatalim ang tingin niya sa dalawa dahil sa pagiging insensitive ng mga ito. Talagang iniisip pa ng mga ito na may gana pa siyang magsaya matapos siyang buwisitin ng mga ito.

“Hep! Just to make things clear, hindi kami nandito to ruin your day. Instead, we’re here to make your day exciting,” pagsingit naman ni Cedric na binigyan pa si Zyne ng nakakalokong ngisi para kumbinsihin at mapaniwala itong may katotohanan ang sinabi niyang gagawin nilang exciting ang araw ni Zyne.

“And how is that possible after what you did?” inis pa ring tanong ni Zyne na sa halip na mabawasan ang inis dahil sa sagot ni Cedric ay mas lalo pa tuloy itong nainis.

“Let’s have some girl hunting. Let’s go to a bar,” excited na sagot ni Cedric na mas lalong nagpatalim ng tingin sa kanila ni Zyne.

“What?! You came here this early and ruined my sleep just for that fucking nonsense?” dismayadong tanong ni Zyne na bahagya nang tumaas ang tono ng boses sa sobrang inis niya dahil sa dahilan kung bakit naudlot ang mahimbing niyang pagtulog.

“Early? Seryoso ka, Zyne Angelo Ferrer? Have you ever checked the time? It’s midday for goodness sake!” hindi makapaniwalang bulalas ni Oliver na katulad ni Zyne ay bahagya na ring tumaas ang boses dahil kahit saang anggulo at orasan mo tingnan ay hindi mo mahahanap ang salitang early na sinasabi ni Zyne dahil tanghaling tapat na.

“So what? It’s still early para mag-bar. Kaya kung pwede lang, you two, leave my room immediately. I should get back to sleep,” pagtataboy ni Zyne sa dalawang sumira ng tulog niya.

Laglag-panga namang tiningnan nina Oliver at Cedric si Zyne dahil sa huling sinabi nito.

“What?! Hindi pa ba naniningkit ‘yang mata mo katutulog mo?” halos pasigaw nang tanong ni Cedric.

“The hell I care!”  Zyne hissed at them.

Pabagsak na bumalik sa pagkakahiga niya si Zyne at akmang magtatalukbong na sana ng kumot pero bago pa man niya maitalukbong ang kumot ay agad na itong nahawakan nina Oliver at Cedric at marahas na hinila mula sa kaniya.

“Come on, bro. Get up. You should come with us,” pamimilit ni Oliver kay Zyne na hawak na ang isang kamay nito at pilit itong itinatayo.

“Tch. No, thanks. I’m not in the mood. I would rather sleep than go with you,” mariing pagtanggi ni Zyne.

“Ouch! Nakaka-hurt ka naman ng feelings. Para niyayaya ka lang e,” parang batang sagot ni Oliver na nag-inarte pa at nagkunwaring nasasaktan na ikinangiwi pareho nina Zyne at Cedric.

“I already said no. So you may go,” may diing sagot ni Zyne sa dalawa para tumigil na ito sa pangungulit sa kaniya dahil kanina pa siyang naririndi sa boses ng dalawa.

“Haist! Zyne, naman e! Dali na kasi. Alam mo namang sa ating tatlo ay ikaw ang chick magnet kaya hindi magiging exciting itong girl hunting na ito kung hindi ka kasama,” maktol ni Oliver na napapanguso na dahil sa paulit-ulit na pagtanggi ni Zyne.

Agad namang napaupo si Zyne at binigyan ng malamig na tingin ang dalawa.

“And that’s exactly the reason why I won’t go with you. I’m sick of it! You know how I hate flirty girls that keeps on bugging me,” mariing paliwanag ni Zyne upang ipaintindi sa dalawa ang ipinaglalaban niya nang sa gayon ay hindi na siya kulitin pa ng mga ito at hayaan na lamang siyang matulog ulit.

“Ganiyan talaga, bro. It’s part of being born with this kind of looks that everyone dreamed of. It’s what you called Pogi Problems,” proud na sagot ni Cedric na may kasama pang pag-aayos ng buhok niya gamit ang mga daliri niya.

Zyne gave Cedric an odd look because of the latter’s oozing confidence.

“Pogi problems my ass! Tch! You know what? You should leave. I’ve already decided. And whatever you do and even how much persistent you become, my decision won’t change. I won’t be going out with the two of you. And that’s final!” Zyne said with finality in his voice.

Sabay namang napa-face palm sina Oliver at Cedric dahil sa frustration at nanlulumong umupo sa ibabaw ng kama si Cedric habang si Oliver naman ay basta na lang naupo sa sahig na kinatatayuan niya at sumandal sa isang maliit na drawer na nasa gilid ng kama.

“Fine. But let us stay here. I’m getting bored at home,” bagsak ang balikat na sabi ni Cedric saka niya tamad na ibinagsak ang sarili niya sa kama.

“My parents will be out on a date. And I’m certain that if I stay at home, they’ll let me babysit CJ which I don’t want to happen that is why I’m here,” pag-amin din naman ni Oliver sa totoong dahilan kung bakit siya nasa bahay nina Zyne at nanggugulo.

Oo nga’t may pagkaisip-bata si Oliver at mahal na mahal niya ang nakababata niyang kapatid pero wala siyang alam sa pag-babysit lalo pa’t may kakulitan ang kapatid niyang si CJ at idagdag mo pang apat na taong gulang pa lamang ito kaya hirap pang idisiplina.

“Fine. You can stay here and do what you want. Just don’t bother me and don’t you dare ruin my sleep again,” pagpayag ni Zyne na may kasama pang bilin. “Are we clear, refugees?” mapang-asar na dagdag ni Zyne sa dalawa na bahagya pang napangiwi dahil sa tinawag niya sa mga ito.

“Yeah. Whatever,” mahinang sagot ng dalawa habang iniiikot ang kanilang mga mata.

“Good. Now, I can go back to sleep,” sarkastikong sabi ni Zyne.

Muli na ngang bumalik sa pagkakahiga niya si Zyne para ipagpatuloy ang naudlot niyang tulog.

“Sweetdreams, sleepyhead. Huwag ka na sanang magising.” Pabulong na lamang ang huling sinabi ng dalawa dahil alam nila ang mangyayari kapag narinig ito ni Zyne. Baka paulanan pa sila ng mura at patayin sila nito gamit ang matatalim nitong tingin.

Natulog na nga ulit si Zyne habang sina Oliver at Cedric naman ay nakialam na sa mga gamit ni Zyne sa kwarto. Makalipas lamang ang ilang minutong pagkakalkal nila sa mga gamit ni Zyne ay naglaro na ang mga ito ng cards na nahagilap nila sa isa sa mga drawer na nasa loob ng kwarto ni Zyne.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top