CHAPTER 19
ZYNE'S POV
"Dito na lang ako." Rinig kong sabi ni Francine nang makarating kami ng hallway kung saan nasa magkabilaang direksyon nito ang building namin. Nasa kanan ang College of Business Administration habang nasa kaliwa naman ang College of Engineering.
"Hatid na kita sa room ninyo," I volunteered kahit pa nga nasa kabilang direksyon ang building namin at mapapalayo lang ako.
"Huwag na. Hindi na kailangan. Saka masyado na akong nakakaabala sa 'yo," mariing pagtanggi niya.
Haist! Ilang beses ko ba dapat sabihin sa kaniya na hindi siya abala sa 'kin para maniwala siya? Do I have to repeat myself over and over?
"I told you, hindi ka abala sa 'kin." pagpapaalala ko sa kaniya sa palagi kong sinasabi baka sakaling maniwala na siya.
"That's what you keep on telling me but that's not what I feel," kibit-balikat niyang sagot at pilit na ngumiti.
Marahas akong napabuga ng hangin dahil sa sinabi niya.
"Then, stop feeling that way. Hindi ka abala sa 'kin at kailan man hindi ka magiging abala." Bahagya ko nang diniinan ang mga katagang binibitiwan ko para makita at maramdaman niya ang sinseridad ko.
"This is not the right time to talk about it. Mahuhuli na ako sa klase ko at ganoon ka rin. You should keep going. Huwag mo na akong ihatid," pagtataboy niya sa 'kin na kaagad ko namang kinontra.
"No. Ihahatid kita," I insist.
This time ay siya naman ang napabuntong-hininga dahil sa kakulitan ko.
"Fine, fine. Halika na. Baka ma-late pa tayong pareho kapag hindi pa tayo umalis sa kinatatayuan natin," napipilitang pagpayag niya.
Hindi ko naman maiwasang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko dahil sa huli ay pumayag pa rin siyang ihatid ko siya. Ang weird lang at hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito. But whatever it is, I don't give a damn. Ang mahalaga ay masaya ako. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kasayahan. Iyong parang nanalo ka sa lotto and I must admit, I like how it feels. Para akong nabuhay mula sa mahabang pagkakahimlay. Weird.
While on our way to their building, I keep on talking to her, asking her a lot of things about her so I could get to know her better. Luckily, she's answering to every question I throw at her. But her gaze were fix on front. She was just giving me side glance when needed.
I was about to ask her another question to get her attention nang biglang may umakbay sa 'kin at ganoon din kay Francine. Nang balingan ko ng tingin ang taong napapagitnaan namin na siyang nakaakbay sa aming pareho ay mukha ng nakangiting si Maxine na kaibigan ni Francine ang bumungad sa 'kin.
"H-hey," naiilang kong bati sa kaniya.
Sa sobrang lapit ba naman kasi ng mukha niya sa mukha ko, sinong hindi maiilang. Saka ang mas nakakailang pa ay parang ako lang yata ang naiilang samantalang siya ay ang lapad-lapad ng ngiti sa mga labi niya.
"Hey," bati rin niya pabalik nang hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.
She seems so weird. 'Yong ngiti niya, para bang ang tagal na naming magkakilala at komportable na siya sa 'kin.
Is she that friendly?
"Bakit kayo magkasama, Frans ah? May hindi ka ba sinasabi sa 'kin?" baling niya kay Francine na nasa daan pa rin ang tingin at kanina pa tahimik magmula nang dumating si Maxine.
She has this grin on her lips as if she caught us doing something that we shouldn't. Tss. She's weird indeed.
"Pwede ba, Max? Iyang ngisi mo ayusin mo kung ayaw mong maubusan ng ngipin," Francine threatened her na mas lalo lamang ikinalapad ng ngisi niya. "Saka 'yang kamay mo. Alisin mo sa balikat ko kung ayaw mong mabalian ng buto," Francine added.
Maxine was chuckling as she let go of us.
"Bilisan na ninyong maglakad diyan. Mahuhuli na tayo sa klase." Bago pa man kami makasagot ni Maxine ay nauna nang maglakad si Francine and this time ay malalaki na ang hakbang niya.
Tatangkain ko pa sanang sabayan siya sa paglalakad nang may humawak sa 'kin sa braso na para bang pinipigilan ako sa gagawin ko.
Salubong ang kilay ko nang balingan ko ng tingin si Maxine.
"Pagpasensyahan mo na 'yang kaibigan kong 'yan kung may kasungitang taglay sa katawan. Masyado kasing stress sa buhay. Puro bahay, trabaho at school lang kasi 'yan. Hindi alam ang salitang enjoy kaya ayan at parang pasan ang mundo. Saka idagdag mo pang NBSB 'yan kaya ganiyan na lang 'yan magsungit sa mga lalaking lumalapit sa kaniya," mahabang sabi ni Maxine na mas ikinasalubong ng kilay ko.
"NBSB? Whats that stands for?" I asked, clueless like a newborn child.
Bahagyang umawang ang bibig niya at namilog ang mga mata niya matapos kong magsalita.
What's with her? May nasabi ba akong mali?
"Hindi mo alam ang meaning no'n?" hindi makapaniwalang tanong niya na may nanlalaki pa ring mga mata.
Napaikot na lamang ako ng mata ko bago siya sagutin. "Magtatanong ba ako kung alam ko?" pamimilosopo ko.
Hindi naman na ako nagulat nang bigla siyang tumawa nang mahina. Sakto lang para kaming dalawa lamang ang makarinig. Tss. Now she's making fun of me. Gano'n ba ka-big deal 'yon? Tsk! I just don't know what it means.
"NBSB means no boyfriend since birth," sagot niya kapagkuwan.
This time ay ako naman ang namilog ang mga mata dahil sa sagot niya.
"Seriously? Do you mean it?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Please tell me she's telling the truth. Argh! It's weird. Para akong nakaramdam ng tuwa sa hindi ko malamang dahilan.
"Ang alin ba? Iyong meaning ng NBSB o 'yong pagiging NBSB ni Frans?" natatawang tanong niya.
"The latter," tipid kong sagot.
"Ah. Iyon ba? Malamang totoo 'yon. Mukha ba akong nag-iimbento?" pabalang niyang sagot.
She telling the truth indeed. But why do I feel like I'm in cloud nine? For heaven's sake! What is wrong with me? I'm acting and feeling weird lately.
"Hoy!" I was brought back to my senses when she clapped her hands right in front of my face. "Natulala ka diyan? Anyare sa 'yo? Para kang nahipan ng masamang hangin."
"No...nothing. May naalala lang ako," I lied para itago ang tunay na dahilan nang pagkatulala ko.
"Okay. Sabi mo e," tila nanunuyang sabi niya at nagkibit-balikat. "Tandaan mo lang. Actions speak louder than voice," sabi niya pa at makahulugang ngumiti na ikinasalubong ng kilay ko.
"What do you mean?" salubong ang kilay kong tanong.
"It's for you to find out," nakangising aniya at tinalikuran ako. Pero mayamaya lang ay muli siyang humarap.
"I'm Max by the way," pagpapakilala niya pa kahit naman kilala ko na siya since nabasa ko nga ang name niya dati sa post na naka-tag kay Francine nang i-stalk ko ang account niya. Hindi ko na lang din sinabi na kilala ko na siya dahil baka magtaka siya kung papaano ko nalaman. Ayoko namang sabihin sa kaniya ang mga kabaliwang pinaggagagawa ko noon para lang malaman ang buong pangalan ni Francine.
"I'm Zyne..." pagpapakilala ko na hindi ko na nagawa pang ituloy nang bigla siyang magsalita.
"I know."
Hindi na ako nagtanong pa kung paano niyang nalaman ang pangalan ko since close naman sila ni Francine at nakita ko ring kasabay nilang kumain sina Olie at Ced na akala mo ay bakla sa sobrang kadaldalan.
"See you around," pahabol niya pa saka tuluyan na akong tinalikuran. "Frans, hintayin mo 'ko!" sigaw niya kay Francine at tinakbo ang distansiyang pagitan nila.
Nasa tapat na kami ng building nila pero sa halip na tumuloy pa ako sa loob ay mas pinili ko na lamang na pumihit patalikod sa building nila at maglakad patungo sa building namin.
"Hey, dude. What a miracle!" masayang bungad sa akin nina Olie at Ced the moment I entered the classroom and settled on my seat.
Yeah. What a miracle that I'm not late for our first subject. This was my first time to be at school before the first subject starts. That's why they are giving me this kind of greeting.
"Tch. Don't you dare ruin my day, assholes," I warned them as they went near me and settled on the seats at my both sides which is their respective chairs.
"Why? Isn't it ruined yet?" they asked, trying to teased me. But nah-uh! It won't work on me this time. I had a great sleep and woke up still feeling energized and happy for unknown reason.
"It isn't," I answered and smile subconsciously habang nakatingin sa kawalan at inaalala ang mga nangyari last night until this morning.
Dali-dali naman silang lumipat sa upuan sa harapan ko at nagtatanong ang mga matang tiningnan ako na siyang nakaagaw ng atensyon ko.
Tss! They looks like a paparazzi waiting for me to reveal something that might go trending online.
"Woah, woah, woah. What happened?" Excitement is drawn on their faces.
"What's with that smile on your face, pretty boy?" Ced asked while grinning from ear to ear.
Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin para itago ang kakaibang kislap sa mga mata ko. Pinilit ko ring burahin ang ngiti sa mga labi ko and luckily, I succeeded.
"What? What smile are you talking about? I'm not smiling. This is my normal look," pagsisinungaling ko habang naka-poker face na sa harapan nila para itago ang talagang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Oh, come on. We've known you for years. You can't lie to us," hindi pa rin kumbinsidong sagot ni Ced na sinang-ayunan naman ng nakangusong si Olie.
I was about to answer when I realized something.
"Hey, hey, hey. Why am I in a hotseat? I've done nothing wrong. What's with you guys today?" pag-iiba ko ng usapan dahil baka saan pa mapunta ang usapan namin at madulas pa ako.
I don't even know why I'm feeling this. That's why I can't tell them yet. Not now. I still have to make sure what's gotten into me why I am feeling and acting weird this past few days. I don't even know myself anymore. I have completely become a different person. It doesn't sounds like me anymore. I've been so honest with my feelings before and I always act according to my free will not according to what my emotions dictates me.
"No. What's with you?" may diing tanong nila na inilapit pa ang mga pagmumukha nila sa 'kin at tiningnan ako sa paraang parang sinusuri nila ang kabuuan ko.
Bahagya naman akong napaatras dahil sa lapit ng mukha nila sa 'kin.
"Nothing. I'm just..." Hindi ko magawang ituloy ang sana'y sasabihin ko. Something is holding me back and I can't find the right word to say it. To express how I feel.
"Just?" nakataas na ang kilay na tanong nila at mas inilapit pa ang mga pagmumukha nila. Pero sa halip na umatras ako like what I did a while ago ay napatungo na lamang ako para umiwas sa mga nagtatanong nilang tingin.
Sa kanila na nga mismo nanggaling. Kilala na nila ako kaya sa oras na salubungin ko ang mga tingin nila ay alam kong mababasa nila kung anong laman ng isipan ko. At 'yon ang iniiwasan kong mangyari.
"Just..." nag-aalangang sagot ko na hindi matuloy-tuloy ang sasabihin ko.
"Just what?! Tae ka, Zyne! Cut the suspense part. Spit it out!" inis nang sigaw nila.
Umayos sila sa pagkakaupo nila. Nag-angat ako ng tingin at nang makita ko kung paano nila akong paningkitan ng mga mata na para bang binabasa nila ang bawat kilos ko ay napabuga na lamang ako ng hangin. Looks like I don't have a choice. They were being stubborn.
"Fine," I heaved a sigh once again. "I'm happy," pag-amin ko at mabilis na nag-iwas ng tingin.
"And why is that?" Nakataas pa rin ang parehong kilay nila na para bang hindi man lang nasagot ng sagot ko ang tanong nila magmula pa kanina.
"It's for me to know." Hindi ko naman maiwasan ang mapangisi nang makita ko kung paanong bumagsak ang mga balikat nila dahil sa sagot ko.
Haha! Their face is priceless. They look epic! Haha! Akala ba talaga nila ay magigisa nila ako? No way in hell! Yes, they're my friends and they have every right to know. But I'm not yet ready. I can't even admit it to myself. I still have lots of things to do to name this weird stuff in me that's been reigning me.
"Ang daya!" nakasimangot na maktol nina Olie at Ced na pinahaba pa ang kanilang mga nguso.
"Mr. Torres! Mr. Andrada!" Rinig naming tawag ni Ms. Cortez sa apelyido nina Olie at Ced.
Mabilis namang umayos ng upo ang dalawa at humarap sa unahan kung saan ay nag-aayos na ng gamit si Ms. Cortez sa mesa niya na hindi man lamang namin namalayang nakarating na pala.
"So-sorry, ma'am," nakatungong paghingi ng tawad ng dalawa na hindi magawang makatingin sa direksyon ni Ms. Cortez. Pasimple pa silang nagsisikuhan na para bang nagtuturuan pa sila kung sino ang dapat sisihin sa kanila dahil sa pagsigaw nila.
"Get back to your seats, now!" muling sigaw sa kanila ni Ms. Cortez na nagpatuwid sa kanila ng upo.
"Yes ma'am," magkasabay nilang sagot at natatarantang bumalik sa upuan sa magkabilang gilid ko.
Nagsimula naman na ang klase kung kaya't hindi na nakapangulit pa ang dalawa. Pero napapansin ko pa rin silang pasulyap-sulyap sa 'kin na parang naghihintay na magkusa akong sabihin sa kanila ang bagay na gusto nilang malaman. Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpokus na lamang ako sa discussion.
A/N: Hmm? How was it? Tae talaga. Hindi ko mapigilan mag-english sa dialogue. Nagtuloy-tuloy na. Mali-mali naman grammar. Haha! Intindihin niyo na lang. Sisihin ninyo si Zyne. Napapalaban ako sa english kapag pov or line niya e. Haha!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top