CHAPTER 17
FRANCINE'S POV
Ngayon ma-di-discharge si mama sa ospital. Nabayaran ko na lahat ng kailangang bayaran. Naasikaso ko na rin ang mga dokumento na kailangang pirmahan. Hinihintay ko na lang na dumating si Max. Sasamahan niya raw kasi kami pauwi.
Nasa kanila pa rin sina Dave at Ella hanggang ngayon. Mamaya ko pa sila susunduin. Dadaanan na lang namin sila pauwi para hindi na dumoble pa ang pamasahe namin.
Naghahanda na ako para sa pag-uwi namin ni mama. Nailagay ko na sa bag lahat ng mga damit at gamit niya.
Nasa ganoon akong ayos nang tumawag si Max para sabihing hindi siya makakapunta dahil kinailangan daw ng mama niya ng makakasamang magbantay sa Cafe nila.
"Sige, okay lang. Pakisabi na lang kay Tita Mau na bukas na bukas din ay papasok na ako para may makasama siya diyan sa Cafe. Sige, ibababa ko na 'to."
Pinatay ko na ang tawag at muli akong bumalik sa ginagawa ko. Nang sa wakas ay matapos na ako sa pag-aayos ng mga gamit namin ay kaagad ko nang nilapitan si mama na tahimik na nakaupo sa ibabaw ng kama.
"Ma, aalis na po tayo," pagkuha ko sa atensyon niya.
"Nandiyan na ba si Max?" tanong niya habang iginagala ang tingin sa paligid.
"Hindi po siya makakapunta. Sa Cafe na po siya dumiretso."
"Ganoon ba? O siya, halika na at baka tanghaliin pa tayo," yaya ni mama.
"Sige po."
Kaagad kong binitbit ang dalawang naglalakihang bag na nakapatong sa ibabaw ng couch. Nagpresenta si mama na siya na ang magdadala ng isa pero hindi ako pumayag. Kailangan niya ng pahinga at hindi makabubuti sa kaniya ang magbuhat ng mabibigat na bagay.
Nang nasa labas na kami ay papara na sana ako ng taxi ngunit may pumaradang isang itim na kotse sa harapan namin. Hinintay namin itong umalis ngunit kabaliktaran ang nangyari. Bumukas ang pinto nito at iniluwa si Zyne na nakangiting bumaling ng tingin sa amin.
"Hi. Pauwi na ba kayo?" masayang bungad niya sa amin.
Sa halip na sagutin ang tanong niya ay tanong din ang naging tugon ko sa kaniya.
"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko.
Bakit nandito 'to? Wala naman akong maalalang nagsabi siyang pupunta siya. Hindi ko rin naman nabanggit sa kaniya na ngayon ma-di-discharge si mama.
"I'm here to fetch you up," masayang tugon niya.
Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" salubong ang kilay kong tanong.
"I'll drive you home," nakangiti pa ring sagot niya.
Bago pa man ako makasagot ay namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya at nakahawak sa dalawang bag na hawak ko sa magkabilang kamay ko.
"Akin na. Ako na magdadala nito," he offered.
Hindi na ako nagprotesta pa. Hinayaan ko siyang kunin mula sa 'kin ang dalawang bag na bitbit ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makabawi mula sa pagkagulat ko dahil sa biglaan niyang pagsulpot.
Maingat niyang ipinasok sa trunk ng kotse ang mga bag. Kaagad din siyang bumalik sa harapan namin kapagkuwan at inalalayan si mama na pumasok sa backseat ng kotse.
"Hop in."
I was brought back to my senses when I heard his voice. Nakabukas na ang pinto ng passenger seat at nakatayo siya sa tabi nito. He gestured me to get inside.
Hindi na ako nagtanong pa at pumasok na lamang din ako ng kotse. Kaagad din naman siyang sumunod at binuhay na ang makina nito.
"Wala na ba kayong dadaanan?" tanong niya habang nasa daan ang tingin niya.
Hindi kaagad ako nakasagot dahil biglaan ang tanong niya.
"Doon mo na lamang kami ihatid sa kanila Maxine, ijo. Dadaanan pa kasi namin ang mga bata," sagot ni mama sa tanong niya.
"Hintayin ko na po kayo. Mahihirapan po kayong makahanap ng sasakyan kapag ganitong oras," Zyne offered.
"Naku, hindi na. Baka makaabala pa kami sa 'yo," mariing pagtanggi ni mama sa alok ni Zyne.
"Wala naman po akong gagawin. At isa pa, hindi po kayo abala sa 'kin."
Habang nakikinig sa usapan nila ay hindi ko maiwasang mamangha. Naninibago pa rin ako kay Zyne. Ang layo niya sa Zyne na nakilala ko. Ang layo niya sa Zyne na walang modo, antipatiko, mayabang at pinaglihi sa sama ng loob. Parang bigla siyang naging ibang tao.
Napapaisip din ako kung alin ba talaga sa dalawang Zyne na nakilala ko ang totoo. Iyon bang nakasagutan ko sa labas ng Cafe o itong kasama ko ngayon. Pero kung iisipin mong mabuti ay parang sadyang pabago-bago lamang siguro talaga ang mood niya. Naalala ko kasi 'yong eksena noong friday sa canteen. Ang sama niyang makatingin. Para siyang 'yong Zyne na nakasagutan ko noon na handang pumatay gamit ang masamang tingin. Nevertheless, I guess it's for me to find out.
Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay nina Max. Nabalik lamang ako sa huwisyo nang marinig ko ang boses nina Dave at Ella mula sa labas ng kotse. Mukhang kanina pa sila nag-aabang sa pagdating namin.
Katulad kanina ay inalalayan din sila ni Zyne na makasakay sa back seat katabi ni mama. Hindi na niya kami hinayaan pang bumaba ni mama.
Dahil wala naman sa bahay nila sina Tita Mau at Max at tanging mga katulong lamang nila ang nandoon ay hindi na kami nag-abala pang bumaba ng kotse. Kaagad na kaming umalis nang makasakay na ng kotse sina Ella.
Tanghali na nang makarating kami ng bahay. Sa bahay na nananghalian si Zyne dahil sa kagustuhan ni mama na manatili siya kahit saglit lamang at nang makapagkwentuhan daw sila. Pero hindi simpleng kwentuhan lang ang nangyari. Nagkakulitan din sila nina Dave at Ella habang ako ay abala sa paglalaba ng mga damit ni mama na natambak na.
Madilim na nang matapos ako sa paglalaba. Isinampay ko na muna ang mga nilabhan ko bago ako bumalik sa sala.
Inaasahan kong wala na si Zyne sa pagpasok ko pero laking gulat ko nang makasalubong ko siya.
"Ba't nandito ka pa?" takang tanong ko sa kaniya. "I thought you already left."
"Nagkatuwaan pa kasi kami nina Ella at Dave. Hindi ko na namalayan ang oras," masayang tugon niya.
Kita ko sa kislap ng kaniyang mga mata na talagang nasiyahan siya sa pakikipaglaro sa mga kapatid ko.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti rin dahil nakikita kong magaan ang loob niya sa mga kapatid ko na lubha kong ikinatutuwa dahil hindi lamang siya mabait kay mama. Mabait din siya maging sa mga kapatid ko na ngayon pa lamang niya nakilala. Nakakatuwa lamang isipin na parang ang laki na ng pinagbago niya simula noong una naming pagkikita. I'm happy for him.
"Saan ang punta mo? Pauwi ka na ba?" mayamaya'y tanong ko.
"Pupuntahan sana kita sa labas. Kanina ka pa kasi tinatawag ng mama mo," tugon niya habang napapakamot sa kaniyang batok.
"Ganoon ba? Nasaan ba siya?"
"Nasa kusina, nagluluto."
"Sige, punta na muna ako doon," paalam ko ngunit hindi pa man ako nakakailang hakbang ay tumambad na sa harapan ko si mama na may hawak na spatula.
"Zyne, hijo," malambing niyang tawag kay Zyne. "Dito ka na maghapunan."
"Salamat na lang ho tita pero..." Hindi na nagawa pang ituloy ni Zyne ang kaniyang sasabihin nang putulin ni mama ang kaniyang sinasabi.
"Dito ka na kumain. Ipagluluto kita ng adobong manok. Hindi ba't sabi mo ay paborito mo 'yon?" pagkumbinsi sa kaniya ni mama.
Hmm... Mukhang marami na nga talaga silang napagkukuwentuhan. Maging paboritong pagkain ni Zyne ay alam na ni mama. Hindi na nakakapagtaka kung bakit ganiyan na lamang magpumilit si mama na manatili si Zyne upang saluhan kami sa hapunan. Mukhang nakuha na ni Zyne ang loob ni mama.
Bakit ganoon? Parang ang bilis ni Zyne makuha ang loob ng pamilya ko. I didn't thought he could be this awesome. Sa unang impresyon ko kasi sa kaniya ay parang siya 'yong tipo ng tao na mahirap makasundo at mahirap pakisamahan. But I guess, totoo nga talagang kabaliktaran ng totoong ugali ng isang tao ang unang impresyon natin sa kanila.
"Opo, pero..." Muli ay pinutol na naman ni mama ang sana'y sasabihin ni Zyne.
"Wala ng pero pero. O siya, Francine anak. Ikaw na munang bahalang mag-asikaso kay Zyne. Magluluto lang ako," paalam ni mama at maharan pang tinapik ang balikat namin ni Zyne.
"Sige po, ma," magalang kong tugon.
Bumalik na si mama sa kusina habang kami ay naiwan ni Zyne sa sala.
Nakataas ang isang kilay ko nang balingan ko ng tingin si Zyne.
"What?" Zyne asked innocently. "May ginawa na naman ba ako?"
"Thank you sa paghatid. Pero hindi mo naman na kailangang..." Hindi na niya ako hinayaan pang matapos sa pagsasalita. Pinutol na niya ang iba pang sasabihin ko.
"I did it because I want to," sansala niya sa iba pang sasabihin ko.
"Kahit na. Hindi mo pa rin dapat na ginawa 'yon. Nakaabala pa tuloy kami sa 'yo."
Ayoko lang namang maabala siya o ang kahit na sino. Kaya lamang ay wala na akong nagawa kanina kung hindi ang hayaan siyang ihatid kami dahil na rin sa hindi agad ako nakabawi mula sa pagkagulat. Saka nakakahiya naman sa kaniya kung tatanggihan namin ang alok niya gayong sinadya niya pa talaga kami sa ospital para lamang ihatid kami pauwi.
"Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa 'yo na hindi kayo abala sa 'kin?" medyo naiirita ng tanong niya dahil marahil sa paulit-ulit na salitang lumalabas sa aking bibig na iginigiit na abala kami sa kaniya.
"Bakit mo ba ito ginagawa?" hindi ko na napigilan pang itanong.
Noon ko pa ito gustong itanong sa kaniya. Nagtataka lang naman ako kung anong nagtutulak sa kaniyang gawin ito. Hindi naman kami magkaibigan para damayan at tulungan niya ako sa panahon ng kagipitan. In fact, hindi nga maayos ang relasyon namin sa isa't isa. Para kaming mga aso't pusa, apoy at tubig na hindi maaaring magkasundo at nagkakainitan tuwing magtatagpo ang aming mga landas.
"Because I want to," tanging sagot niya na ikinalaglag ng balikat ko. Pero sa halip na tumigil sa pagtatanong ay mas lalo lamang akong ginanahang magtanong dahil na rin sa kagustuhan kong makuha ang sagot na inaasam ko.
"Why?" muling tanong ko at bahagya siyang pinagtaasan ng kilay.
"Anong klaseng tanong 'yan?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Sagutin mo na lang." May bahid na ng pagkairita sa boses ko dahil sa sagot na nakukuha ko mula sa kaniya.
Saglit siyang nanahimik bago magsalita.
"Fine." He sighed in forfeit. "I don't know why I'm doing this. All I know is I'm happy. Masaya ako sa ginagawa ko. Masaya akong makatulong. This is my first time to do such thing. Ako 'yong tipo ng tao na walang pakialam sa iba at walang interes na tumulong sa kapwa. But when it comes to your mom and to your family, bigla akong nagiging ibang tao. Kahit ako, hindi ko na kilala ang sarili ko. I've changed a lot. At aminin ko man o hindi, I like the way you changed me. Mas nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ko. Iba sa pakiramdam tuwing nakagagawa ako ng mabuti. Iba sa pakiramdam kapag kasama ko kayo. And I like how it feels like to be with your family," mahabang sagot niya.
My jaw dropped with his revelations. I didn't expect him to say those things. I didn't expect him to share how he feels. But hearing those words from him, my heart melted. It feels so great knowing that I made someone changed for the better without even knowing it. Ang isang Zyne na walang pakialam sa mundo at sarili lamang ang iniintindi, ngayo'y natututo nang tumulong sa kapwa at makisalamuha sa iba kahit sa mga katulad naming hindi niya kalebel.
"Halina kayo. Kumain na tayo," pag-anyaya sa amin ni mama.
Saka lamang ako nabalik sa huwisyo nang marinig ko ang boses ni mama. Ni hindi ko man lang namalayan na nakatulala na pala ako.
Sabay-sabay kaming naghapunan. Panay ang kuwentuhan nina mama sa hapagkainan habang ako ay tahimik lamang na kumakain at sasagot lamang kapag tinatanong nila. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko mula kay Zyne. Hindi pa rin ito nag-si-sink in sa utak ko.
"Dito ka na matulog," pag-alok ni mama kay Zyne matapos naming maghapunan.
"Hindi na po, tita. Baka hinahanap na rin ako sa 'min," pagtanggi niya.
"Pero gabi na. Delikado na sa daan. Baka kung mapaano ka pa," puno ng pag-aalalang sabi ni mama na tutol sa balak na pagbiyahe ni Zyne pauwi.
"Kaya ko na po ang sarili ko," Zyne assured her. "Huwag na po ninyo akong alalahanin."
"Mas mapapanatag ang loob ko kung dumito ka na muna. Bukas ka na lamang umuwi sa inyo. Dito ka na matulog," pag-alok ni mama sa kaniya.
Panay pa rin ang pamimilit ni mama kay Zyne kahit pa paulit-ulit itong tumatanggi. Kaya naman sa huli ay pumayag na rin si Zyne na dito na magpalipas ng gabi.
"Sige po. I'll just call mom," paalam ni Zyne saka lumabas saglit to make a call.
May kinausap siya sa phone niya na sa tingin ko ay ang mommy niya. Tumungo na muna ako ng kwarto para kumuha ng banig, kumot at unan.
"Pasensya ka na, Zyne hijo at dito ka sa sala matutulog. Isang kwarto lamang kasi ang mayroon kami," paghingi ni mama ng paumanhin pagkabalik ni Zyne habang ako ay nakatayo lamang sa tabi bitbit ang banig, kumot at unan na kinuha ko mula sa kwarto.
"Ayos lang po, tita," magalang na tugon ni Zyne at nginitian si mama to assure her that he'll be fine kahit pa nga sa mahabang upuan lamang siya matutulog ngayong gabi.
"Sigurado ka ba?" paniniguro pa ni mama na tila yata hindi kumbinsido katulad ko dahil alam naman naming pareho na galing sa mayamang pamilya si Zyne at sanay siyang sa malambot na kama natutulog.
"Opo," sagot ni Zyne at marahang tumango.
"Kung ganoon ay maiwan na kita. Kung may kailangan ka, katukin mo lamang kami sa kwarto," bilin ni mama kay Zyne bago ako balingan ng tingin. "Francine anak, halika na sa loob."
"Sandali lang, ma. Ayusin ko lang po ang hihigaan ni Zyne para naman maging komportable siya." Tanging pagtango na lamang ang naging tugon ni mama bago. Nanatili siyang nakatayo sa kaniyang kinaroroonan at hinayaan akong gawin ang gusto ko.
Tinungo ko ang mahabang upuan at aayusin na sana ang hihigain niya nang pigilan niya ako. Pilit din niyang inaagaw mula sa akin ang banig, unan at kumot na dala ko.
"Huwag na. Ako na diyan," he voluntered na kaagad ko namang tinanggihan.
"No. Ako na," pagkontra ko.
"Ako na. I insist. Matulog ka na. Ako na rito," he insisted.
"Anak, hayaan mo na si Zyne," pag-awat sa akin ni mama. "Halika na at matulog na tayo. Maaga pa pasok mo bukas," pag-anyaya sa akin ni mama.
Sinenyasan ko naman siyang susunod na lamang ako kung kaya't nauna na siyang pumasok ng kwarto para tabihan ang mga natutulog ko ng kapatid.
Napabuga na lamang ako ng hangin at hindi na nakipag-agawan pa kay Zyne sa pag-aayos ng hihigaan niya.
"Sige. Matutulog na kami," paalam ko sa kaniya. "Matulog ka na rin."
Tinalikuran ko na siya. Akmang aalis na ako upang tumungo ng aming silid nang muli siyang magsalita mula sa aking likuran.
"Wait," pigil niya sa 'kin.
Salubong ang kilay ko nang balingan ko siya ng tingin.
"Ano 'yon? May kailangan ka?" takang tanong ko.
"No...nothing. I just want to say goodnight," tila nag-aalangan pang sabi niya habang nakahawak sa batok niya. Lihim naman akong napangiti dahil sa itsura niya.
"Goodnight. Sweet dreams," sabi ko rin sa kaniya pabalik at tuluyan na akong pumasok ng silid.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top