CHAPTER 16

ZYNE'S POV

Maaga pa lamang ay bumangon na ako at naghanda which is so unusual for me. Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa 'kin. All I know is that something drives me to wake up and get ready. Just then, I realized something. I have to be somewhere. I have a plan for today and I can't cancel it. It is something important.

It only took more or less an hour of my time to prepare myself. At exactly eight o'clock, I am ready to go.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili kong repleksyon sa salamin nang mga ilang minuto pa. When I feel satisfied, I went to the side table wherein my sunglasses was settled on top. Kaagad ko itong kinuha at inilagay sa may bandang kwelyo ng black leather jacket na suot ko.

Saktong pagharap ko ay ang siyang pagbukas ng pinto. Iniluwa nito sina Olie at Ced na mga nakaayos na at mukhang may lakad yata. Nang sandaling magtama ang aming mga paningin ay agad na nagsalubong ang kanilang mga kilay. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa dahilan para mangunot ang noo ko.

"What?" iritang tanong ko sa kanila.

Nakakainis naman kasi talaga ang paraan ng pagtitig nila. Para silang mga nakakita ng multo.

"Is this a miracle?" mapanuyang tanong nila.

"Don't overreact, Ced. It doesn't suit you," I mock at him.

"Pero seryoso. Anong meron? Ba't nakabihis ka? Saan lakad mo?" sunod-sunong na tanong nito na muntik ko nang ikatawa.

"Can you ask one at a time? We're not on an interview," natatawang sagot ko.

"Ano ngang meron?" pag-uulit nito sa tanong niya.

Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga para pigilan ang sarili kong matawa. Nang balingan ko sila ng tingin ay balik na sa pagiging seryoso ang mukha ko.

"Nothing. For your second question, I have to go somewhere. Where? None of your business," I answered without giving them a chance to ask further nor talk or give a comment.

"Sayang," they murmured.

"Anong sayang?" kunot-noong tanong ko.

"Balak pa naman sana naming sirain ang tulog mo."

Hindi ko naman maiwasan ang matawa dahil sa sinabi nila.

"Balak sirain ang tulog ko o balak lang ninyong magtago rito sa bahay? Hulaan ko, tumakas na naman kayo sa inyo, 'no?" Pigil ang tawa ko habang hinihintay silang sumagot.

"As usual." They both shrugged their shoulder which confirms my presumption. Sabi na e.

"Tss. Still a refugees," naiiling na sambit ko.

Wala talagang magawang matino 'tong dalawang 'to. Mas gugustuhin pang tumabay rito kaysa manatili sa mga bahay nila.

"Sama kami." Olie pouted which made me grimace.

"Nakakabagot sa bahay," nakanguso ring reklamo ni Ced at basta na lang ibinagsak ang sarili sa kama ko.

"You can't. Maiwan kayo rito," mariing pagtanggi ko.

Hindi ko sila pwedeng isama sa pupuntahan ko. Mas lalo lang silang mababagot doon. Saka baka makagulo lang sila. I won't let them ruin my day. Kahit maglupasay pa sila diyan, hindi ko pa rin sila isasama.

"Pero..."

"Fine," pagputol ko sa iba pa niyang sasabihin.

"Payag ka nang sumama kami?" tanong nilang nang may kinang sa kanilang mga mata.

Tss! I didn't remember saying that. Umaasa lang sa sila sa wala. Kahit anong gawin nila, hindi ko pa rin sila isasama sa pupuntahan ko.

"I didn't said that."

"E sabi mo..." Before they could even finish their sentence, I cut them off.

"What I was saying is you can stay here and do what you want. You can go to the computer room and play nonstop if you want. Just don't make a mess," I elaborated which made them pout.

"Ayaw," parang batang sagot nila at parehong ngumuso sa harapan ko.

I frowned at them. "Anong ayaw ninyo?" 

"Ayaw naming maiwan dito. We want to go with you. I'm getting sick indoor. I want to hangout," reklamo ni Ced.

"Then, go on. Mag-hangout kayo. Walang pumipigil sa inyo. Kung mayroon man. Ang tanong, magpapapigil ba kayo?" I asked them when in fact, I already know the answer to my own question.

"Hindi," nakangising sagot nilang pareho.

"Precisely."

"Pero gusto naming sumama sa 'yong gumala," nakangusong sabi ni Olie.

Napapikit na lang ako nang mariin dahil sa kakulitan nila.

"Hindi ako gagala," naiinis ng sagot ko.

"Ayaw mo lang kaming isama e," nagtatampo ng sabi nila.

"Dali na kasi. Isama mo na kami," pagpupumilit pa rin nila.

Panay pa rin ang pagpupumilit nilang sumama sa lakad ko. But even though how persistent they are, my answer would still be the same.

In the end ay sumuko rin naman sila basta raw babawi ako. I agreed to their condition. I promised to them that I will allot a whole day for our so-called hangout and of course, it's on me. Mga buraot 'yang dalawang takas na 'yan. Mayayaman pero mahilig sa libre. Tss!

"Geh. I have to go. You can stay here until dawn if you want, refugees. Just lock the door when you leave," mahigpit na bilin ko sa kanila.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila. Umalis na ako at iniwan silang nakasimangot na dalawa.

Tss! Serves them right. They still owe me an explanation. Hindi pa nila kinukwento kung bakit kasama nila kahapon sa canteen sina Max at Francine. But it can wait. For now, I have an important matter to do, and this matter can't wait.

A/N: Sorry for the super duper late update. Haha. Charot. Pero seryoso, sorry sa late update. May inayos at inasikaso lang. Something personal. Marami ring responsibilidad. Anyway, thank you for the patience and for reading my story. Salamat sa patuloy na suporta. Lovelots.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top