CHAPTER 15
FRANCINE'S POV
It's lunch and we are at the cafeteria having our lunch. I'm with Max as usual. We are enjoying our meal when two strangers came near us.
"Hey, ladies," they greeted us.
Instead of greeting them back, I just raise my brow at them and give them an odd look.
"Oh. So you have no idea who we are," the guy with a messy black hair said in a lonesome voice as if not knowing them was a big deal. Tss. What a joke!
"Kailangan bang may idea ako?" sarkastikong tanong ko sa kanila at mas tumaas pa lalo ang kilay kong dati ng nakataas.
They are wasting our precious time for goodness sake!
"Ouch. That hurts, sweety," the guy with a cool brown curtained hair said while holding his right chest where his heart is located.
"Tss. Sweety your face!" I hissed and roll me eyes on them.
"Teka nga. Sino ba kayo? Bakit kung kausapin ninyo si Francine ay parang kilala ninyo siya?" Max butted in na ipanagpapasalamat ko dahil naiirita na akong makipag-usap sa dalawang lalaking nakatayo sa harapan namin na akala mo ay kung sino at masyadong feeling close.
"Because we do. Kilalang-kilala."
Agad na umarko ang kilay ko dahil sa sinabi nila.
"And how did you know me?" mataray kong tanong sa kanila.
"We're Zyne's buddies. So basically, we know what's between you two and who you are," they answered confidently.
"Tss. There's nothing going on between us," mariing sagot ko dahil sa paraan ng pananalita nila ay parang binibigyang malisya pa nila ang kung anong mayroon sa pagitan namin.
"Correction. Wala pa," they said with emphasis on every word they utter.
"Whatever." I just roll my eyes on them.
Hindi ko na sila pinansin pa at muli na lang akong bumalik sa pagkain ko. Pero hindi pa man ako nakakasubo ay muli na namang tumaas ang kilay ko nang ilahad nila ang kamay nila sa harapan ko. Inis ko silang binalingan ng tingin.
"I'm Oliver by the way. But you can call me Olie," pagpapakilala ng lalaking may kulay itim na buhok.
"I'm Cedric but I prefer Ced," pagpapakilala rin ng kasama niya. "Pleasure to meet you, miss?"
Akmang magsasalita pa lang sana ako nang maunahan ako ni Max.
"Francine. Her name is Francine Reyes."
Argh! That's not what I supposed to say. I was about to send them away.
Sa inis ko ay pinandilatan ko ng mata si Max. Pero sa halip na matakot siya ay nginisihan niya lang ako.
What the fudge!
"How about you, miss? What's your name, gorgeous lady?" the guy who introduced himself as Ced earlier asked.
Tss. The way he act and just by looking at his physical appearance, I presume that he's a guy who loves to play with girls feelings. His playful personality and annoying smile says it all. The way he smile ay para siyang nang-aakit or something. Idagdag mo pang kung makatingin siya sa mga mata ni Max ay para siyang nangungusap, and take note, sobrang lagkit nito.
Nang balingan ko naman ng tingin si Max ay muntik pa akong matawa sa itsura niya.
Tae. Kinikilig ba siya?
Para siyang natatae na ewan. Tss! Mukhang nahulog pa ata sa bitag 'tong isang 'to. Tch! Subukan lang ng Ced na 'yan na isali si Max sa collection niya. Hindi ako magdadalawang-isip na kalabanin siya. Max is a great woman who deserves a great man, not a guy like him.
"I-Its Maxine. But people call me Max," nauutal na pagpapakilala ni Max.
"Max? What a beautiful name."
Hindi ko naman mapigilang mapaikot ang mata ko dahil sa mga naririnig ko. His style is too old. Gamit na gamit na. Tsk!
"Mind if we join you?" they asked out of the blue. And before I could even part my lips to utter a reply, Max already did.
"We won't mind. Feel free to join us," Max answered na taliwas sa sana'y sasabihin ko.
Argh! Kanina pa siya a.
Sa inis ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at namalayan ko na lang ang sarili kong kinukurot si Maxine sa tagiliran niya causing her to wince.
"A-Aray," daing niya.
"What's wrong?" the two guys asked worriedly who are now sitting comfortably on the seats parallel to us.
"Ah... W-Wala. May langgam ata. Kinagat ako," pagsisinungaling ni Max.
Naningkit naman ang mga mata ko sa dahil sinabi niya.
Kailan pa ako naging langgam?
"Huwag na ninyo akong pansinin," naiilang pang sabi ni Max.
"You sure?" hindi pa rin kumbinsidong tanong ng nagpakilalang Ced.
"Yeah."
"Let's eat then," the one named Olie said kaya naman ay bumalik na nga kami sa pagkain namin.
Ayaw ko man silang kasabay ay wala na akong magagawa. Max already allowed them to join us.
I was just silently eating my meal, not minding their presence so I could focus on the food served in front of me when this guy Olie asked a question out of the blue.
"So how did you know Zyne?"
Agad naman akong napaangat ng tingin dahil sa tanong niya. And for the nth time, hindi ko na naman napigilan ang pagtaas ng kilay ko.
"Akala ko ba kilalang-kilala na ninyo ako? So I assume na alam na ninyo ang sagot sa tanong na 'yan."
"Honestly, yes. But not the whole story," pag-amin nila na ikinasingkit ng mata ko.
Didn't Zyne told them? I thought they already know every detail of it. Sa paraan kasi ng pananalita nila kanina ay para bang alam na alam nila lahat at kilalang-kilala na nila ako.
"Ayaw ni Zyne magkuwento. So we are anticipating that you'll be the one to tell us how it all started and how did you two meet." Parang nakikiusap ang tono ng boses nito.
Dahil mukhang wala talaga silang masyadong alam and they look persistent on knowing the whole story ay napabuga na lang ako ng hangin and give them the answer that they want.
"It's a long story. But to make it short, hindi maganda ang una naming pagkikita. Your friend is such an asshole back then." Hindi ko naman maiwasang mangngitngit sa galit dahil sa naalala ko na naman ang una naming pagkikita, ang araw na halos isumpa ko dahil sa mga kamalasang nangyari sa 'kin during that day.
They both chuckled. "There's nothing new about that. Zyne is really an asshole." That made me laugh.
"Alam ba ninyong sinadya niyang sagasaan ang bisikleta ko? Tapos hindi man lang siya nag-sorry. In fact, ako pa ang sinisi niya sa nangyari," pagkuwento ko sa kanila between my gritted teeth.
"E anong ginawa mo?" tila excited pang tanong nila.
"Syempre hindi ako nagpatalo. Nakipagsagutan ako sa kaniya and I even called him a spoiled brat," confident kong sagot at bahagya pang umirap sa hangin.
"What the! You did what?" gulat na tanong nila.
"I called him a spoiled brat," proud pang pag-uulit ko sa kaninang sinabi ko.
Sabay na naman silang natawa na ikinasalubong ng kilay ko. May mga sayaw ata 'to. Crazy duo.
"No wonder galit na galit si Zyne nang araw na 'yon. Ayaw na ayaw kasi niyang tinatawag siya nang gano'n."
"Dapat lang naman 'yon sa kaniya e. He deserves it," I firmly said na kaagad namang sinang-ayunan ni Max.
"Oo nga. Kahit saang korte tayo pumunta, may laban si Frans. Sabi pa nga sa isang palabas, kapag nasa katwiran ipaglaban mo," mariing sabi ni Max na mukhang handang-handa nang sumugod sa korte at ipaglaban ang stand ko. Haha! She's acting as my elder sister again. And I must admit, I love how she act like one.
"Buti hindi ka pinatulan ng loko. Alam mo bang may napaiyak at napahiya na 'yang babae dati noong High School dahil sa parehong rason?" pagkukuwento ni Olie.
"Seryoso?" gulat na tanong naming pareho ni Max.
"Nasaan na 'yong babae? Ano na'ng nangyari sa kaniya?" pakikiusyuso ni Max na hindi na maitago pa ang kuryusidad niya.
"Ayon. Lumipat ng school. Hindi kinaya ang kahihiyang inabot niya."
"What the fudge!" bulalas ko which made them chuckled.
"Shocking, right? Well, that's Zyne." Ced just shrruged it off as if we are just talking about a toy played by Zyne.
"Ano na bang status ninyo ni Zyne?" Olie asked out of the blue causing my eyes to widen in shock because of his sudden question which is far from the topic .
"Status? Anong status pinagsasabi mo?" kunot-noong tanong ko nang makabawi ako sa pagkagulat.
"Frans, status lang hindi mo pa alam? Duh! Naturingan ka pa namang matalino," mataray na sabi ni Max na may kasama pang pag-irap.
Dahil sa kaatribidahan ni Max ay hindi na ako nagdalawang-isip pang batukan siya.
"Gaga! Alam ko ang definition ng status. Ang tinutukoy ko ay kung anong status ang tinutukoy nila at bakit nila natanong 'yon," paglilinaw ko sa kaniya ng tanong ko para naman matauhan siya.
"Oy, kayong dalawa. Bago pa kayo magkapikunan. Sagutin mo muna Francine ang tanong ko," pag-awat sa 'min ni Olie kaya agad na nabaling sa kaniya ang atensyon ko.
"Frans na lang. Ang haba masyado ng Francince," I said and smile at them.
I don't know what's gotten into me but I feel comfortable with them all of the sudden. Siguro dahil naiintindihan nila ang pinaglalaban ko at hindi sila naging bias. Mas pinili nilang alamin ang buong kwento nang nangyari sa pagitan namin ni Zyne bago nila ako husgahan o pag-isipan ng kung ano.
"Okay, okay. So Frans, ano na kayo ni Zyne? Nakita ko kayo kahapon sa parking lot na magkausap. Okay na ba kayo?"
"Ah. 'Yon ba? Yeah. Okay na kami. He already apologized," kibit-balikat kong sagot.
"A-Apologize? Sa 'yo?" hindi makapaniwalang tanong ng dalawa na para bang may nasabi akong mali.
What's with them?
"Yeah. Ba't parang gulat na gulat kayo?" takang tanong ko.
"That was unusual. Wala sa ugali ni Zyne ang humingi ng tawad at aminin ang pagkakamali niya. Siya 'yong tipo ng tao na nag-uumapaw sa pride," kuwento nila.
"Yeah. I know that. Nagulat nga rin ako nang humingi siya ng tawad. Hindi ko nga sana tatanggapin ang sorry niya pero mukhang sincere naman siya. Kaya ayon, nakipagbati na ako. Masyado na kaming matanda para magpataasan ng pride. Saka malaki na ang naitulong niya sa 'kin. Sino ba ako para magtanim ng galit sa taong naging sandalan ko at sincere na humingi ng kapatawaran?" mahabang litanya ko "Ano ba 'yan? Masyado ng nagiging malalim ang usapan natin. Let's just enjoy our meal," natatawang sabi ko kapagkuwan.
Hindi rin naman nila napigilan ang matawa dahil siguro sa mga pinagsasabi ko. Nakitawa na lang din ako sa kanila bago kami bumalik sa pagkain namin.
Habang kumakain ay panay pa rin ang kuwentuhan at tawanan namin.
Habang nagkakatuwaan kami ay hindi sinasadyang mahagip ng mata ko si Zyne na madilim ang mukha at masamang nakatingin sa direksyon namin. Kumurap-kurap pa ako nang ilang beses just to confirm it pero ganoon pa rin ang ayos niya.
Anong problema no'n? Ba't ganiyan siya makatingin? Don't tell me bumalik na 'yong ugali niyang halos isumpa ko?
The way he look at us, para siyang mangangain ng tao. Para din siyang wala sa sarili. Ni hindi man lang nga niya napansing nakatingin na ako sa kaniya.
"Looks like someone is jealous."
"I agree."
Dahil wala ako sa sarili at malalim ang iniisip ko ay hindi ko malinaw na narinig ang usapan nilang tatlo.
Nang balingan ko sila ng tingin ay agad na nag-isang linya ang kilay ko habang palipat-lipat ang tingin sa mga nakangising pagmumukha nilang tatlo.
"Ano 'yon? Anong pinag-uusapan ninyo?" naguguluhang tanong ko.
"Nothing. We're just backstabing Zyne." Max chuckled. "Charot lang, Frans. Ano ba kasing iniisip mo at kanina ka pa lutang diyan? Saang planeta ka na ba nakarating?"
"W-Wala. May bigla lang akong naalala," I lied.
"May naalala ka ba talaga? O baka naman may nakita ka lang na nagpatigil ng iyong mundo," she teased me with a grin on her face.
"Max, tigil-tigilan mo nga ako. Saka 'yang ngisi mo. Ayusin mo. Baka hindi ako makapagpigil at bunutin ko lahat ng ngipin mo," I threatened her.
"Oops! Sabi ko nga, tatahimik na."
Bigla namang tumawa ang dalawa na kanina pa palang nakatingin sa amin ni Max at pinapanood kaming magbangayan. Napairap na lang ako sa hangin dahil sa kalokohan ni Max.
Sa pag-irap ko ay hindi sinasadyang muling mahagip ng mata ko si Zyne na mas dumilim pa lalo ang mukha at parang papatay gamit lang ang nanlilisik niyang tingin.
Anong problema no'n?
Nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kaniya ay agad siyang nag-iwas ng tingin at naglakad papunta sa mesa malayo sa 'min habang bitbit ang food tray na naglalaman ng mga in-order niya.
Mukhang bumabalik na ang kasungitan niya. Tsk! Hindi lang pala siya spoiled brat at asshole, bipolar din.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top