CHAPTER 14
FRANCINE'S POV
Nang ma-dismiss kami sa last subject namin this afternoon ay agad na akong nag-ayos ng mga gamit ko. Habang nag-aayos ako ng gamit ko ay rinig ko ang papalapit na mga yabag ni Max.
"Frans, pupunta rin pala ako ngayon ng ospital after kong dumaan sa Cafe. Gusto mo sabay na tayo?" she offered dahilan para mag-angat ako ng tingin at salubungin ang tingin niya.
"Naku. Hindi na, Max. Mauna na ako sa 'yo. Baka hinahanap na rin ako ni mama. Saka nakakahiyang magpakita kay Tita Mau. E aalis din naman ako kaagad," agarang pagtanggi ko.
Nahihiya na rin naman kasi ako kay Max at sa pamilya niya. Nasa kanila pa rin kasi sina Ella at Dave hanggang ngayon. Masyado na kaming nakakaabala. Gusto ko kapag pupunta akong Cafe at magpapakita kay Tita Mau ay sa araw na nang pagbalik ko sa trabaho para bumawi sa mga araw at linggong nawala ako at nabakante ang pwesto ko sa Cafe.
"Ayy, sabagay. Baka magkakuwentuhan pa kayo ni mama," pagsang-ayon naman ni Max na mukhang iba yata ang pagkakaintindi sa sinabi ko.
Hinayaan ko na lang din naman na 'yon ang isipin niya para hindi na humaba pa ang usapan.
"Oh siya, alis na ako. Susunod na lang ako sayo sa ospital," paalam niya
"Sige. Ingat ka."
"Ikaw rin," pahabol niya pa bago tuluyang umalis.
Nang matapos na akong ayusin ang mga gamit ko ay kaagad na akong lumabas ng classroom. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalabas at nasa may paanan pa lang ako ng pinto ay natigilan na ako nang mahagip ng paningin ko si Zyne na nakasandal sa may pader sa gilid ng pinto habang nakapamulsa at bahagyang nakatingala.
"Zyne?" pagtawag ko sa pangalan niya para makasigurado ako kung siya nga ito. Agad ko naman itong nakumpirma nang lumingon siya sa 'kin saka siya umayos ng tayo.
"Oh? Nandiyan ka na pala."
Gumuhit ang pagkalito sa mukha ko dahil sa sinabi niya.
Hinintay niya ba ako? Kanina pa ba siya rito?
"Anong ginagawa mo rito?" kapagkuwan ay tanong ko
"Hinihintay ka," maikling sagot niya.
"Bakit?" takang tanong ko. Bahagya na ring nagsalubong ang kilay ko sa labis na pagkalito.
"I have something to show you," ngiting-ngiting sabi niya.
Agad na nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Ipapakita? Ano naman kaya 'yon?
"Ano 'yon? Anong..." Hindi ko na nagawa pang matapos ang sasabihin ko nang basta niya na lang hagipin ang isang kamay ko at higitin ako palayo ng classroom.
"Halika. Sumama ka sa 'kin," yaya niya sa 'kin.
"Teka. Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kaniya habang patuloy pa rin siya sa paghila sa 'kin sa kung saan.
Hindi na ako nagpumiglas pa o nagreklamo dahil mukhang wala rin naman siyang balak magpapigil. I'm just wondering kung saan niya ako dadalhin at kung ano 'yong bagay na ipapakita niya sa 'kin. Gaano ba ito kaimportante para pumunta pa siyang CBA Building at hintayin ako sa mismong pintuan ng classroom namin?
"Basta. Just come with me. I have something for you," tanging sagot niya.
Hindi na ako muling nagtanong pa dahil wala rin naman akong nakukuhang sagot mula sa kaniya. Nanatili na lamang akong tahimik hanggang sa makarating kami ng parking lot. Magtatanong pa sana ulit ako nang tumigil kami sa tabi ng kotse ni Zyne.
"Surprise!" sigaw niya habang nakaturo ang dalawa niyang kamay sa bagay na nakapatong sa ibabaw ng kotse niya na ngayon ko lang napansin.
Nang manatili lang akong tahimik at hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko ay sinimulan na niyang ibaba ang bagong biling bisikleta na nakapatong sa kotse niya at nakatali. Ingat na ingat siya sa bawat kilos niya na tila ba isa itong babasaging baso.
Nanatili lang akong nakatulala habang abala siya sa ginagawa niya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Katulad na katulad ito ng bisikleta ko na binangga niya na hanggang ngayon ay nasa talyer pa rin at sa susunod na linggo ko pa makukuha.
Nang tuluyan na niyang maibaba ang bisikleta sa mismong paanan ko ay doon lang ako natauhan at nabalik sa huwisyo.
"Is that..." Hindi ko pa man natatapos ang tanong ko ay agad na siyang sumagot.
"Yes. It's my gift for you. Take this as my peace offering," sagot niya at ngumiti.
Hindi ko naman maiwasang mapapikit nang mariin dahil sa ginawa niya para lang makipagbati.
"Look, Zyne. I appreciate your effort to make things up for me. But sorry, hindi ko matatanggap 'to," agarang pagtanggi ko.
"Kung ano man 'yang iniisip mo, isantabi mo na 'yan. Kulang pa nga 'tong kabayaran sa mga ginawa't sinabi ko sa 'yo." Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa mga labi niya.
This time ay napasapo na ako sa noo ko dahil sa sinabi niya.
"Kulang? Zyne, this is too much!" I hissed at him.
"Para sa 'kin kulang pa 'to. Kulang pa 'to para makabawi ako sa 'yo," giit niya pa.
Kulang pa ba 'to sa kaniya? My goodness! Ano ba ang sapat para sa kaniya? 'Yong gagastos siya ng milyon for a peace offering? He's unbelievable!
"Zyne, 'yong pagtulong mo pa lang sa 'min sa ospital at pag-asikaso mo kay mama habang wala ako, sobra-sobra na 'yon. Kung tutuusin ay hindi mo naman na kailangang gawin 'yon. A sincere apology is enough."
Hindi naman kasi mahalaga ang materyal na bagay. Ang mahalaga is sincere 'yong tao sa paghingi ng tawad. Aanhin mo naman ang isang bagay na nagkakahalaga ng bilyon kung hindi naman talaga siya nagsisisi sa ginawa niya at hindi sincere ang apology niya? But in Zyne's case, he already apologized, and I know he's sincere when he did that. I can see it through his eyes. At sapat na 'yon para sa 'kin. Doon pa lang, napatawad ko na siya. He doesn't have to do all of this. He's already forgiven.
"You're wrong. Sorry wouldn't be always enough to fix everything. Hindi dapat puro salita. Dapat sinasamahan ng gawa," pagkontra niya sa sinabi ko.
He has a point. Pero nagawa na rin niya 'yon. Like what I said, nakabawi na siya. Doon pa lang sa paghatid niya sa akin sa ospital noong time na maisugod si mama sa ospital ay bawing-bawi na siya.
"Mukhang lumalayo na tayo sa usapan. Ang akin lang naman ay ayoko na gumagastos ka sa 'kin o sa pamilya ko para sa kung ano-ano. Baka kung anong sabihin ng mga magulang mo. And you know me more than anyone else in this world. I'm a woman with pride and dignity. As much as possible, I don't want to receive anything from anyone that easy. I always work hard for it. Lahat pinaghihirapan ko." Pilit kong ipinapaintindi sa kaniya ang point ko.
Ayokong pag-isipan kami ng masama ng mga magulang niya o ng kahit na sino. Dignidad lang ang mayroon kami na maituturing naming kayamanan at hindi ko hahayaang pati 'yon ay mawala. At isa pa, hindi ako sanay na nakakatanggap ng kahit na ano mula sa kahit na sino nang ganito kadali. Mas sanay akong pinaghihirapan ang isang bagay bago ko ito makuha.
"I understand," mahinang sagot niya at bahagyang tumungo.
Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o talagang nabahiran ng lungkot ang mukha niya. Hindi ko na ito nagawa pang makumpirma dahil bigla na lang bumalik sa dati ang ekspresyon ng mukha niya. Bigla na lang nagliwanag ang mukha niya na para bang may naisip siyang isang magandang ideya.
"Sige. Ganito na lang. Bayaran mo na lang 'to kapag..." Hindi ko na hinayaan pang matapos siya sa pagsasalita. Agad na akong kumontra.
"Marami na akong utang sa 'yo. Ayoko ng dagdagan," kaagad kong pagputol sa iba pa niyang sasabihin. Ayokong mabaon sa utang.
Napabuntong-hininga na lamang siya bago ako muling balingan ng tingin.
"Gamitin mo na lang 'to habang hindi pa naaayos ang bike mo. It's not safe to commute and as much as I want to offer you a ride everyday, I just can't. Alam ko namang tatanggihan mo ang offer ko." Bahagya pa siyang natawa sa huling sinabi niya.
"Buti alam mo."
"So?" tanong niya kapagkuwan. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin.
"What?" salubong ang kilay kong tanong.
"Will you accept this bike and use it until you get your bike back?" Ngiting-ngiti siya habang hinihintay ang sagot ko.
I just heaved a sigh. "Do I have a choice? E nandito na 'yan," kibit-balikat kong sagot.
"Great!" he exclaimed as if he won a bet dahilan para mapailing ako dahil sa naging reaksyon niya.
What's with him? He seems weird.
"Sige na. Una na ako. Kailangan ko nang pumuntang ospital," paalam ko.
"Okay. Take care."
"Ikaw rin. Ingat ka sa pagmamaneho,"
Tuluyan na akong umalis sakay ng bisikleta na binili niya para sa 'kin at iniwan siya sa parking lot.
ZYNE'S POV
Sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto ni Francine habang nananatili pa rin ako sa kinatatayuan ko kung saan niya ako iniwan.
"Hey! Zyne, my man!" Agad na nabaling ang atensyon ko sa sumigaw mula sa likuran ko na ngayon ay nakaakbay na sa balikat ko. It's Olie, and he's with Ced.
"H-Hey," bati ko sa kaniya pabalik nang nauutal.
Fuck! Did they saw her?
"Ba't parang nagulat ka?" Ced asked teasingly with a smirk on his face. I knew it! They saw everything. They saw her. And now, they were teasing me.
"Did we just caught you doing some monkey business?" mapanuyang tanong ni Olie na katulad ni Ced ay malapad na ring nakangisi.
"Fuck off!" I hissed at them.
Marahas kong inalis ang pagkakaakbay sa 'kin ni Olie at tatangkain ko na sanang buksan ang pinto ng kotse ko para umalis nang maunahan ako ng dalawa at humarang sila sa mismong pinto ng kotse.
"Hey. Don't be so rude on us. We saw it all. Who's the unlucky girl?" nakangisi pa ring tanong ni Ced.
"Shut up!" I hissed
"What? Were just asking," Olie said innocently and pouted in front of me.
"So," Ced cleared his throat. "Who is she?" kapagkuwan ay tanong niya.
I sighed. There's no point in lying. They won't stop bugging me until they get the answer they wanted.
"Her name is Francine," walang emosyon kong sagot sa tanong nila. As much as possible, I don't want them to conclude anything and put malice on my actions. I'm just doing this out of guilt for what I have done to her. Hanggang doon na lang 'yon. No more, no less.
"Hmm? Is she the girl you we're talking about..."
"Precisely," sansala ko sa iba pa niyang sasabihin.
"Woah! So what level are you now?" gulat na tanong ni Olie as if he was amazed, knowing that Francine is the one who keeps on bugging me lately. Hindi ko naman maiwasang mapapikit nang mariin dahil sa naging tanong niya.
"Look, Olie. It's not what you think it is. We're just friends," paglilinaw ko.
"Your first ever girl friend," Olie said sarcastically.
"Tss!" I hissed.
There's no point in defending myself nor opposing what he said. He's right anyway. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mapalapit ako sa isang babae. Ako kasi 'yong tipo ng lalaki na hanggat pwedeng umiwas at lumayo sa isang babae ay gagawin ko. Not because I hate girls, but I'm just being careful. I know every girl who approached me has a hidden agenda. Hindi lang basta pakikipagkaibigan ang habol nila. It's more than that. But Francine is different. She's a woman with dignity. Hindi siya 'yong tipo ng babae na magpapakababa just to get what she wants.
I heard them faked a cough which brought me back to my senses. As I turned my gaze on them, they were already grinning from ear to ear while giving me a meaningful look as if they have caught me red handed.
Argh! Why did I let myself lost in my own thought? Now, they were starting to give meaning to my friendly acts towards Francine.
"What are you doing here anyway? Don't tell me you'll ask me to be your freaking driver again?" I diverted the topic bago pa sila magtanong ulit ng kung ano-ano.
"Ahm," Olie rubbed the back of his head. "I forgot to bring my car," he answered with a sly smile on his face.
"How 'bout you?" pagbaling ko kay Ced na cool na cool na nakapamulsa habang nakasandal sa kotse ko.
"I'm not in the mood to drive. Sayang sa gas. Nandiyan ka naman para ipagdrive kami," sagot naman ni Ced na ikinalaglag ng balikat ko.
Wow! Just wow! What a lame excuses. Tss!
Sa inis ko ay itinapon ko kay Ced ang susi na agad naman niyang nasalo with his both hands.
"What's this?" salubong ang kilay na tanong niya.
"A key?" I answered in a sarcastic voice.
"Isn't it your car key?" muling tanong niya.
"It is," kibit-balikat kong sagot.
"Then why are you..."
"You drive. Wala ka sa mood, hindi ba? That's your punishment for being so frugal despite of all the luxury you have in life," pagputol ko sa iba pa niyang sasabihin.
"Haha! Nice one, Zyne," tumatawang sabi ni Olie at tinapik pa ako sa braso.
"At ikaw, you'll pay for the gas. I want it full tank," pagbaling ko naman kay Olie na ikinalaglag ng panga niya.
"What the!" he hissed.
Tsk! That's what they get for trying to use me and treating me as their personal driver.
Hindi ko na pinakinggan pa ang mga reklamo nila. Agad na akong dumiretso sa kotse ko at hinintay pumasok ang dalawang ugok. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga mukha nila nang pumasok sila ng kotse at maupo sa driver at passenger's seat.
Serves you right!
A/N: Kawawang Olie at Cedric. Haha! Ayan kasi. May kotse nga, ayaw naman gamitin. Sana naman magtanda na kayo. Haha!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top