CHAPTER 13

FRANCINE'S POV

Magdadalawang araw na kaming nananatili sa ospital para mas makapagpahinga si mama. Wala namang nakitang ibang problema kay mama upon checking and observing her. Ayon sa doctor ay kailangan lang daw ni mama ng sapat na pahinga. And after a couple of days ay pwede ko na siyang iuwi.

Sa dalawang araw na pananatili namin sa ospital ay walang palya ang pagdalaw ng lalaking 'yon na siyang ipinagtataka ko. Hindi lang naman kasi simpleng pagdalaw ang ginagawa niya. Palagi siyang may dala na kung ano-anong pagkain at prutas para kay mama which is quite unsual. Hindi ako sanay na ganito siya ka-thoughtful. Mas sanay akong sinisigawan niya ako at pinagsasalitaan ng kung ano-anong masasakit na salita.

I'm not saying na mas gusto ko 'yong dating pakikitungo niya na halos magsabong na kami tuwing magkikita kami. It was just that, I'm not used to it. Ni sa panaginip ay hindi sumagi sa isipan ko na may ganitong side pala ang lalaking 'yon. I didn't know that he can also be thoughtful and sweet sometimes if he wanted to.

Sa dalawang araw ding lumipas ay naging malapit sila ni mama sa isa't isa which doesn't surprise me anymore since panay ang kwentuhan nila ng kung ano-anong bagay this past few days. Tuwing pupunta akong ospital after class hours para dito na magpalipas ng gabi ay palagi kong naaabutan si mama na malapad na nakangiti. At tuwing tatanungin ko siya kung anong dahilan sa likod ng mga ngiti niya ay magsisimula na siyang ikuwento lahat ng ginawa nila ng lalaking 'yon buong maghapon habang nasa school ako. Ewan ko ba sa lalaking 'yon at parang walang ibang pinagkakaabalahan at naisisingit pa sa schedule niya ang pagdalaw kay mama.

Bago ako dumiretso ng kwarto ni mama ay dumaan na muna ako ng cashier para itanong kung magkano ang babayaran namin.

"Excuse me po. Ate, magtatanong lang po sana," magalang na sabi ko sa babaeng nasa cashier at may casual na ngiti sa mga labi.

"Ano pong maitutulong ko sa inyo, miss?" pormal na tanong nito na agad ko namang sinagot at sinabi ko rito ang pakay ko.

Nagbaba ito ng tingin at may kung anong kinuhang listahan sa isang drawer saka hinanap sa listahan ang pangalan ni mama. Makalipas ang ilang minuto ay muli itong nag-angat ng tingin, still wearing the same smile that she has a while ago.

"Miss, bayad na po kayo. Binayaran na po ng kasama ninyo ang lahat ng mga kailangan ninyong bayaran dito sa ospital," pagbibigay alam niya sa 'kin.

Agad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Sino? Si Maxine po ba?" I inquired.

Wala naman kasi akong ibang kaibigan bukod kay Max. And she always helped me in any we she can kaya hindi na ako magtataka kung siya nga ang nagbayad ng lahat ng bayarin namin sa ospital. She's the most amazing bestfriend that anyone could asked for.

"Hindi ko po kilala. Pero lalaki po siya. Siya po 'yong kasama ninyo nang dumating kayo rito sa ospital nang araw na isugod ang mama ninyo rito," tugon ng babae.

Tuluyan nang nag-isang linya ang kilay ko dahil sa sinabi ng cashier. Wala naman akong maalalang lalaking kasama kong pumunta rito nang isugod si mama... Wait. Is it him? Sa pagkakaalala ko ay pumasok din siya ng hospital after niya akong ihatid. I even saw him outside, in the garden. Pero imposible. Bakit naman niya babayaran ang mga bayarin namin sa ospital? Haist! There's only one way to find out. I must talk to him.

"Ahh. Ganoon po ba? Sige po, miss. Salamat po. Pasensya po sa abala." Tipid lang akong ngumiti bago ako tuluyang nagpaalam sa kausap ko.

Nang makaalis ako ng cashier ay agad kong hinanap ang lalaking 'yon para i-confirm kung siya nga ang nagbayad ng bill ni mama sa ospital.

Agad akong dumiretso ng kwarto ni mama dahil wala naman 'yong ibang pupuntahan at tatambayan dito kung hindi ang kwarto ni mama. Nabanggit kasi sa 'kin ni mama na madalas daw siya nitong dalawin at madalas silang magkuwentuhan.

Nang makapasok ako ng kwarto ni mama ay wala ni anino ng lalaking 'yon ang bumungad sa 'kin. Sa halip ay mga grocery ang sumalubong sa 'kin. Grocery na hindi na nagkasya sa mesa na nandito dahil sa dami nito. 

'Kanino naman kaya galing ang mga 'to?' naitanong ko na lang sa aking sarili.

"Ma? Ano po 'tong mga 'to? Kanino galing 'to?" hindi ko na napigilang itanong kay mama habang pinapasadahan ng tingin ang mga nagkalat na grocery sa sahig at sa mesa.

"Kay Zyne. Nagpunta siya rito kanina at hinahanap ka. Pero umalis din siya kaagad. May kailangan pa raw siyang puntahan," sagot ni mama.

Agad na umarko ang kilay ko.

Zyne? 'Yon pala ang pangalan niya. Tsk! Hindi bagay sa kaniya. Zyne, tunog professional and well-educated. Unlike him na parang walang pinag-aralan at grabi kung makapanghamak ng kapwa niya.

"Ganoon po ba? Sinabi niya po ba sa inyo kung saan siya pupunta?" muling tanong ko kay mama. Baka sakaling alam niya kung saan ito pumunta at nang mapuntahan ko siya at makausap.

"Hindi ko alam e. Wala siyang nabanggit. Pero sabi naman niya ay babalik daw siya rito bukas nang umaga para dumalaw at magdala ng agahan natin," nakangiting sagot ni mama.

Halos malaglag ang panga ko sa sahig dahil sa huling sinabi ni mama.

"Agahan? E ang dami na nitong pinamili niya," hindi makapaniwalang sambit ko.

"Iyon nga ang sabi ko sa kaniya. Pero ayaw niyang makinig. Gusto niya raw kasing ipatikim sa atin ang luto ng mommy niya. Napakabait na bata. Alam mo ba, nakuwento niya sa 'kin na close sila ng mommy niya at palagi siya nitong ipinagluluto ng dinner pagkauwi nito galing opisina?"

Marami pang sinabi sa 'kin si mama about sa buhay ng Zyne na 'yon na kinuwento raw nito sa kaniya. Pero mostly ay tungkol lang ito sa mommy niya. Hindi ko naman maiwasang mamangha sa closeness nilang mag-ina. Kahit papaano naman pala ay isa itong mabuti anak at hindi ito kasingsama ng iniisip ko.

Nang makatulog na si mama ay inayos at ni-organize ko lahat ng grocery na binili ni Zyne. May ilan ding mga toiletries at damit na napasama. Mostly is mga pamalit ni Mama.

Pagsapit nang umaga ay agad akong lumabas ng kwarto matapos kong maghanda para sa pagpasok ko para abangan ang pagdating ni Zyne at nang makausap ko siya nang sarilinan.

Wala pang kalahating oras ay dumating na siya na may bitbit na dalawang paper bag na kung hindi ako nagkakamali ay laman nito ang ipinangako niyang breakfast kay mama.

"Oh? Anong ginagawa mo rito sa labas? Si tita? Gising na ba siya?" bungad na tanong niya sa 'kin nang makalapit siya sa mismong kinaroroonan ko.

"We have to talk," walang emosyong sabi ko dahilan para rumehistro sa mukha niya ang pagkalito dahil sa biglang paglamig ng pakikitungo ko sa kaniya gayong naging civil na ang pakikitungo ko sa kaniya this past few days.

"Woah. What's with that look? Did I do something wrong?" alalang tanong niya.

"Come with me," tanging sinabi ko na hindi naman sumagot sa tanong niya.

Hindi ko na hinintay pang magsalita siya at agad ko na siyang hinigit kaya naman ay wala na siyang nagawa kung hindi ang sumama sa 'kin.

"So, what is this all about? Anong pag-uusapan natin?" agad na tanong niya nang tumigil kami sa lobby nitong ospital.

Mabilis ko siyang hinarap at hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Sagutin mo 'ko. Ikaw ba ang nagbayad sa hospital bills?" diretsahang tanong ko.

"Yeah. I paid everything," diretsahan ding sagot niya.

"Why?"

"Why are you asking me that question?" naguguluhang tanong niya.

"Why are you doing all of this? Bakit mo ako tinutulungan?"

"Because I want to," agarang sagot niya na hindi na pinag-isipan pa.

"Bakit nga? E ni hindi nga tayo magkakilala!" Hindi ko na napigilan pa ang bahagyang pagtaas ng boses ko dahil sa sagot niya na hindi naman nasagot ang tanong ko.

"You're Francine right? And you already know my name. If not. Then, I'm Zyne. Zyne Angelo Ferrer. Now, is there any problem?" pagpapakilala niya sa sarili niya dahilan para tuluyan na akong mainis dahil sa pamimilosopo niya.

"Ano ba?! Seryoso ako. Bakit mo 'to ginagawa? Are you doing this out of pity? If yes, then you better stop. I don't need your mercy nor anybody else. We're not in good terms remember?" pagpapaalala ko sa kaniya dahil mukhang masyado na siyang nagiging feeling close at nawala na sa isip niya ang ilang beses naming pagkakasagutan.

"But that was all in the past. And don't ask me that question. Because I don't even know why. It's just that, there's something in me that keeps on pushing and telling me to help you and ease all the burden you have in you. I'm just doing this to help you and your mother. Huwag mo sanang mamasamain ang ginagawa kong pagtulong. Malinis ang intensyon ko."

My jaw dropped dahil sa haba ng sinabi niya ay isa lang ang malinaw sa 'kin. Sincere ang pagtulong niya. He's not doing this out of pity nor to boast the luxury he have in life. He's doing this because he wanted to. He wanted to help.

Napabuga na lang ako ng marahas na hangin bago ako muling nagsalita para linawin sa kaniya ang lahat.

"Fine," napipilitang sagot ko. "I'll let this slide. But I'm going to repay you. Ibabalik ko sa 'yo lahat ng ginastos mo. Babayaran kita. Hindi lang ngayon. Anyways, thanks for your help."

"Don't mention it. Saka huwag mo ng problemahin 'yon. You don't have to repay me..."

Hindi ko na hinintay pang matapos siya sa pagsasalita. Agad na akonng sumingit.

"No. Babayaran ko 'yon. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa 'yo o sa kahit na sino," mariing sabi ko para ipakita sa kaniya na ako pa rin ang Francine na nakilala niya. 'Yong Francine na may paninindigan.

"Sige na. Mauna na ako. Kailangan ko nang umalis. May pasok pa ako," paalam ko at akmang aalis na nang matigilan ako dahil sa sinabi niya.

"Hatid na kita," he offered na kaagad ko namang tinanggihan.

"Hindi na. Kaya ko na," pagtanggi ko sa alok niya.

"Sige na. Hayaan mo na akong ihatid ka since kasalanan ko naman kung bakit ka walang masakyan," he insisted.

"Talaga!" I seconded dahil talaga namang kasalanan niya.

"So? Is that a yes?" nakangisi nang tanong niya na ikinairap ko na lang sa hangin.

"Fine. Late na rin naman ako. At makakatipid ako kung sasabay ako sa 'yo," pagpayag ko na lang para hindi na humaba pa ang usapan. Idagdag mo pang late na ako sa first subject ko dahil medyo natagalan kami sa pag-uusap.

"Then, let's go. But before I drive you to school, samahan mo muna ako sa kwarto ni tita. Ihahatid ko lang 'to," sabi niya at iniangat ang kamay niyang may hawak ng paper bags na kanina niya pang bitbit.

Katulad nga ng sinabi niya ay sinamahan ko na muna siya patungong kwarto ni mama para ihatid dito ang dala niyang breakfast bago kami dumiretso sa parking lot nitong hospital kung saan nakapark ang kotse niya.

Nang makarating kami ng Matson University ay nagulat pa ako nang sa halip na hanggang sa labas ng gate niya lang ako ihatid ay dumiretso siya ng parking area ng university at ipinark ang kotse niya rito. Noong tinanong ko naman siya kung bakit ay sinabi niyang dito rin daw siya nag-aaral na hindi ko na ikinagulat pa since kilala ang paaralang pinapasukan ko at halos lahat ng nag-aaral dito ay mga anak-mayaman.

"Dito ka rin pala nag-aaral?" biglang tanong niya nang makababa ako ng kotse niya.

Sinasabayan niya akong maglakad. We are walking from side to side giving each other a glance when needed.

"Obvious ba?" I replied in a sarcastic voice at inirapan siya.

"Pero ba't parang hindi naman kita napapansin? Saka private school 'to. How can you afford the tuition?" sunod-sunod niyang tanong.

"Scholar naman ako kaya halos kalahati na lang ang binabayaran ko," sagot ko habang nasa daan pa rin ang tingin.

"But still, malaking halaga pa rin ang kakailanganin mo."

"Yeah. I know. Kaya nga hindi lang isang scholarship ang inapply-an ko. And luckily, natanggap ako sa lahat ng pinag-apply-an ko. Kaya may natatanggap akong pera every month na sobra pa sa halagang kailangan ko sa tuition ko. At 'yon ang ginagamit kong pangtustos sa pang-araw-araw namin bukod sa suweldo ko sa pagiging cashier sa mall at sa Cafe nina Maxine," mahabang paliwanag ko.

"Teka. So you have two part time jobs?" he asked kahit mukhang hindi na naman siya nagulat after hearing the news since nagkrus na naman ang mga landas namin sa Cafe at sa mall na pinagtatrabahuan ko.

"Precisely," kibit-balikat kong sagot.

"Nakakaya mo pa bang pagsabayin 'yong trabaho mo sa pag-aaral mo?" May bahid ng pag-aalala ang boses niya na ipinagsawalang bahala ko na lang dahil imposible namang mag-alala siya sa 'kin. Maybe I just misunderstood the tone of his voice. And besides, I don't know him that much para mabasa ko ang emosyong nararamdaman niya just through his voice.

"Yup. Ako pa ba?" I answered confidently and gave him a wink with a smile on my face.

I didn't know why but I feel comfortable around him all of a sudden. Maybe because I'm beginning to discover his good side?

"E paano ka pa nakakapagpahinga?"

"Hmm... During class hours. 'Yon 'yong pahinga ko. Na-re-relax din naman kasi akong makinig sa lessons lalo na pagdating sa accounting subjects."

I'm not boasting or anything. Totoong na-re-relax ako sa accounting subjects namin which is our major subjects especially kapag nakukuha ko ang tamang amount in just a span of time. I feel satistied.

"Woah. Talaga lang ah?" manghang-manghang sambit niya.

Nang makarating kami ng hallway ay agad akong huminto at hinarap siya to part our ways.

"Oh, sige na. Una na ako sa 'yo. May dadaanan pa kasi ako sa locker room," paalam ko sa kaniya.

"See you around," he said and for the first time, he smile at me. A genuine one.

A/N: Pasukan na. Huhu. Baka weekly na lang ako makapag-update, haters. Madugong labanan pa naman ang accounting. Ubusan ng brain cells. Haha! Buti sana kung singtalino ko si Francine. Kaso hindi. So, goodluck sa 'kin. Goodluck sa brain cells ko. Haha!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top